Chapter 1

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, some places, and incidents are just products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, persons, living or dead, is entirely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form and in any means without the permission of the author.

Warning: This story contains mature themes. Read at your own risk.

Chapter 1

Rainbow

"Jessica Dimaguiba!"

Nagtatakbo si Sica sa kanilang bakuran isang umaga. Nahuli kasi siya ng ina na kakauwi lang. Sanay naman na ang pamilya niya na inuumaga siya sa trabaho. Pero kasi day off niya.

"Nanay naman, e! Ang laki-laki ko na hinahabol n'yo pa rin ako ng walis para paluin!" reklamo niya na panay pa rin ang takbo at iwas sa palo ng ina.

"Saan ka galing at inumaga ka—"

"Kanila Aya lang po—Aray!" naabot na talaga siya ng pamalo nitong walis. "Nanay naman, e!"

"Tama na, 'Nay..." bigla nalang nag-unahang mahulog ang mga luha niya. At hindi 'yon dahil sa pagpalo ng ina na tumama sa kaniyang hita.

"Aba... Hoy! Mahina lang 'yong palo ko. Makaiyak ka riyan para namang latigo ang pinampalo ko sa 'yo!" kumunot ang noo ng Nanay niya at sa wakas ay tumigil na rin ito.

Natigil sila sa habulan umagang-umaga. Tulog pa nga yata ang ibang kapitbahay nila.

"M-Masakit po, 'Nay..." aniyang dinaramdam ang totoong sakit sa kaniyang puso.

"Ano?" namaywang ang kaniyang ina. "Aba tigil-tigilan mo ako, Sica. Alam mong hindi mo ako madadaan diyan sa paiyak-iyak mo. Saan ka galing, ha?! Sa bahay ng boyfriend mo? Inumaga ka sa bahay ng lalaking 'yon?!" pinanlakihan siya ng mata ng kaniyang ina.

Sasagot pa lang sana siya nang muling magsalita ang ina.

"Paano na tayo nito ngayon, Jessica?! Alam mo namang ikaw lang ang inaasahan kong tumutulong sa akin! Nakikita mo naman ang Tatay mo. Hindi na makakalakad dahil nadaganan ang binti sa construction! At ang kapatid mo! Kawawa naman kung hindi makakapagtapos! Matalino pa namang bata. Tapos... magbubuntis ka?! Paano na ang mga pangako mo sa amin ng Tatay at kapatid mo? Gayong mag-aasawa ka na pala agad—"

Parang umatras ang mga luha ni Sica pabalik sa tear ducts sa mga pinagsasabi ng Nanay niya. "Nanay!" hindi niya napigilan ang pagtaas ng boses para matigil ito sa pagsasalita. "Ang advance n'yo naman po masyadong mag-isip."

"Break na po kami ni JR." diretso niyang nasabi kahit para nang kinakatay ang puso niya sa sakit.

Naitikom ng ina ang bibig nito at parang hindi pa makapaniwala sa sinabi niya. Ilang sandali itong walang imik bago muling nakapagsalita. "B-Bakit... Ano'ng nangyari?"

Buntong-hininga siyang umiling. "Gusto ko na po magpahinga, 'Nay. Pagod ako. May trabaho pa po ako mamaya." nanghihinang aniya.

"S-Sige..." bumaling ito sa bahay nila. "Lalaine!" malakas na tawag nito sa nakababata niyang kapatid. "Dito ka muna sa baba mag-aral at nang makapagpahinga ng maayos ang ate mo diyan sa kuwarto!"

Tumalikod na siya at pumasok sa bahay. Nagmano lang siya sandali sa kaniyang Tatay bago diretsong umakyat sa ikalawang palapag at halos pabagsak na nahiga sa single bed na tinutulugan nilang dalawa ng kapatid niya.

Ilang sandaling natulala si Sica sa kisame. Hanggang sa pinikit niya ang mga mata at binalikan ang mga nangyari...

Tulala pa rin si Sica at malayo ang tingin habang nakaupo malapit sa bintana ng isa sa mga guestrooms sa bahay nila Aya—ang bestfriend niya. Dito siya tumuloy matapos manggaling sa inuupahang maliit na apartment ng boyfriend niya. Na ngayon ay ex-boyfriend na niya...

"It's not you... It's me—"

"Putangina naman, JR! Panis na panis na ang linyang 'yan makikigamit ka pa?" frustrated niyang naihilamos ang mga palad sa mukha.

Anniversary nila ngayon. Three years narin sila at tingin niya ay handa na niyang isuko ang virginity sa nobyo. Pero heto ngayon at nakikipaghiwalay ito sa kaniya.

"I need space—"

"Tigilan mo nga 'ko d'yan sa kaka-english mo!" muli niyang putol sa mga sinasabi nito. Umiiyak na siya.

"JR naman! Tatlong taon! Tatlong taon na tayo tapos ngayon ka pa makikipag-break? Ano? Itatapon mo na lang—"

"Jessica, please. Huwag na nating pahirapan pa ang isa't isa. Ayoko na. Intindihin mo naman!" ani JR na mukhang iritado pa sa kaniya. "Ayoko na!—"

Isang malakas na sampal galing sa kaniya ang lumagapak sa pisngi nito. Nanghihina siya sa kakaiyak sa harapan ng lalaki pero nagagalit na rin siya. "Tangina, JR! Kanina pa kita tinatanong kung bakit?! Bakit ka nakikipaghiwalay sa 'kin pero wala ka namang maibigay na kahit maayos-ayos na lang na rason! Basta ka nalang nakikipaghiwalay..." halos humagulgol na siya sa harapan ng lalaki.

"Umalis ka na, Sica. Wala na tayo. Tapos na." pinal na desisyon nito.

Nanggigigil si Sica at gustong-gusto niyang sugurin, sabunutan at kalmutin ang mukha nito. Pero para siyang nawalan ng lakas sa nangyayari.

"Sige," malamig niyang tugon at tinalikuran na ito.

Ngunit hindi pa man siya nakakaabot sa pinto ng apartment nito ay napabalik siya sa harapan ng lalaki.

"Wala na talagang chance, Sica—" mabilis na sabi nito nang makitang bumalik siya.

"Chance mong mukha mo! Binalikan ko lang 'to!" Saka binawi niya sa hawak ng lalaki ang iPhone na regalo sana niya dito dahil nga anniversary nila.

Ilang buwan din niya itong pinag-ipunan at pinagtabi mula sa sahod niya buwan-buwan sa pag-c-call center agent. Sayang din 'to gayong mag-b-break lang din naman na sila.

"T-Teka binigay mo na 'yan—"

At sa wakas nasuntok din niya ang mukha ng lalaki dala ng sobrang inis sa makapal pala nitong pagmumukha. Ngayon niya lang na-realized. Bulag-bulagan kasi siya noon. Sabi nga nila, love is blind.

Mabilis siyang umalis sa apartment nito dala ang iPhone niya. Pumara siya ng taxi at doon ngumawa sa loob. Wala siyang pakialam sa driver na panay ang sulyap sa kaniya sa rearview mirror. Tinawagan niya ang kaniyang best friend at doon na muna tumuloy.

Wala ang mga magulang ni Aya nang makarating siya at nasa bakasyon raw. Nag-iisang anak lang ang kaibigan niya kaya solo nito at ng manloloko nitong ex ang bahay. Kung hindi lang siya dumating. Pero kahit naman naroon na siya ay wala pa ring nakapigil sa mga ito. Nalalaswaan na siya sa dalawa kaya umuwi rin siya sa kanila.

"Pabili nga po ng softdrink." aniya sa bantay.

Tumambay muna siya sa tindahan malapit lang sa bahay nila bago pumasok sa trabaho. Maaga pa rin naman.

Unti-unting kumunot ang noo niya sa kantang pinapatugtog doon sa bahay ng may-ari ng sari-sari store na sa lakas ay mukhang aabot yata sa kabilang barangay. Where Do Broken Hearts Go by Whitney Houston.

Nabanas siya sa kanta kaya umalis na rin siya doon.

"Fuck you." aniya sa kausap na foreigner.

"What?!" gulantang ang client sa linya.

"I said fuck you! Go to hell!" pinagsisigawan niya ito. Dati pa talaga siya nagtitimpi sa mga ganitong customer na puro reklamo lang ang alam gawin at mumurahin ka pa. At ngayon ay wala siyang pasensyang magpakumbaba!

"You're fired!" tili ng bakla niyang boss.

Kaya naman inubos ni Sica ang mga sumunod niyang araw sa paghahanap ng bagong trabaho kung saan-saan. Magugutom ang pamilya niya kung hindi siya magtatrabaho. Naiinis siya sa sarili niya at sa pagiging broken-hearted. Pati tuloy trabaho niya naapektuhan at natanggal siya.

Nasa loob siya ng isang mukhang mamahaling restaurant para sana mag-apply kahit tagahugas ng plato. Halos mahilo na siya sa pagod at gutom kakahanap ng trabaho buong araw at desperado na siya. Minamalas pa yata siya ngayon.

"Hala!" mabilis siyang lumapit sa isang mesa kung saan may matanda na napatayo at mukhang nabibilaukan yata. "Lolo!"

Nakita niyang nagpapanic na ang kasama nitong lalaking mukhang driver yata nito o bodyguard. Hindi siya sigurado.

Pumuwesto siya sa likod ng matanda. Mabilis niyang ginawa ang alam niyang paraan para matulungan ito. At mabuti naman na successful niya 'yong nagawa.

"Thank you, hija! You saved my life!" anang matanda na sobra-sobra ang pasasalamat sa kaniya.

At gaya nga ng sabi nila, there's a rainbow after the rain. Dahil simula noon ay naging makulay ang buhay niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #rejmartinez