Special Chapter 03

Ilang linggo pa pagkatapos ng new year ang pananatili nila sa Canada. James also asked her about their plan. Tinanong niya rin ang lalaki. And they've come to a decision na manatili nalang muna abroad. Lumipat din sila sa lugar na kinalakhan ni James. May nabili na rin na bahay doon ang lalaki galing sa sariling pera nito at inayos na rin ang mga kailangan pa nila.

"James, may savings din naman ako. Let me help?" ani Maia sa mapapangasawa.

Bumaling sa kaniya si James. "It's okay. I can handle. Don't worry." ngumiti ito sa kaniya.

Una nilang inasikaso ang kanilang intimate wedding. Naroon lang ang pamilya ni Maia at ang Ate Ivy rin ni James kasama nito si Leo.

"Maia," binati siya ng ngiti ni Ivy na halos kakarating lang din.

Agad naman napatayo si Maia at sinalubong ito ng yakap.

"I am glad you're alright." Ivy said while rubbing her back.

Kumalas sila sa yakap. "Salamat po sa pagpunta." Maia said.

Inilingan lang siya ni Ivy. "Of course! Kasal ninyo ng kapatid ko." ngiting-ngiting anito.

Napangiti na rin si Maia.

Nakatanggap din siya ng ilan pang pagbati at galing din kay Leo. Mukhang magpapakasal na rin ito at si Ivy na mauuna lamang sila ni James.

"Salamat, Leo." ani Maia sa lalaki.

Ngumiti lang din ito sa kaniya. "Congratulations!" anito.

Pumasok sa silid ang Mommy niya at si Camille para tulungan na rin siya sa puting damit na susuutin. Nagkabatian din muli ang mga ito at si Ivy. Tumulong na rin si Ivy sa makeup niya.

Maia was smiling. For her this day is special and perfect. Kahit simple lang at sila sila lang din ay masaya na talaga siya. Ang importante ay sila ni James at ang mga taong mahahalaga sa kanila na nandito rin to witness their wedding and their love.

"You're beautiful." nakangiting ani Ivy sa kaniya nang matapos siya nitong makeup-an.

Ngumiti si Maia sa magiging sister in law niya.

Tinatapos ni Camille ang pag-aayos naman sa buhok niya.

"Are you ready?" nakangiti rin tanong sa kaniya ng kaniyang Mommy.

Maia nodded at giniya na rin siya ng mga ito palabas at sa sasakyan. Her mother was holding her hand while they were inside the car. Sa ibang sasakyan naman sila Ivy at Camille.

Sa isang maliit na chapel sila kinasal ni James.

Tristeen started leaving flower petals sa maikling aisle na dadaanan din ni Maia.

May ngiti sa mga labi niya habang unti-unting nagsisimulang maglakad doon kapit ang wedding bouquet niya. Nakita niya si James sa dulo at nakangiti rin nag-aantay sa kaniya. Oh, the man even tear up a bit while looking at her walking down the aisle.

So this is it.

Maagap siyang sinalubong ni James nang makarating siya sa dulo. And they both faced Him.

Lumuhod si James sa may paanan ni Maia para mahalikan ang kaniyang tiyan kung saan naroon pa ang kanilang magiging anak.

It was solemn. They said their vows to each other. Hindi naiwasan ang mapaiyak. Ngayon tears of joy nalang din iyon. Masayang-masaya sila ni James sa araw na ito. Sa pagkakataong ito.

"I, James Anthony Noble, take you, Shemaia dela Cuesta, to be my wife, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death us do part, according to God's holy law, in the presence of God I make this vow." James gave her a genuine smile.

"I, Shemaia dela Cuesta, take you, James Anthony Noble, to be my husband, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death us do part..." ngumiti rin si Maia.

Bahagyang yumuko si James at unti-unting nilapit ang mukha sa kaniya para marahan siyang mahalikan... Napangiti nalang si Maia sa malambot na halik nila.

"I now pronounce you husband and wife." it was finally stated.

Nagpalakpakan ang mga kasama nila sa loob ng magandang chapel na iyon.

Binuhat pa si Maia ni James. Bahagya nalang siyang napatawa sa ginawa ng asawa. Asawa... He's now her husband. And she's his wife.

"I love you." ani Maia na nakatingin sa asawa.

Ngumiti si James habang nakadungaw sa kaniyang nasa mga bisig nito. It was a smile of contentment. "I love you." James said.

Pareho silang may magandang mga ngiti para sa isa't isa.

Few more months after their wedding ay dumating naman sa buhay nila ang kanilang anak. They named him after James's second name, Anthony dela Cuesta Noble.

"He's handsome just like his Daddy." nakangiting nag-angat ng tingin si Maia kay James mula sa kanilang anak.

Ngumiti si James at hinagkan siya sa noo. Sandali namang napapikit si Maia para damhin iyon.

"Mommy, kailan po ang flight ninyo?" kausap ni Maia sa ina na nasa Pilipinas nang muli kasama ang Dad at nakatatanda niyang kapatid at pamilya nito.

Habang sila naman ni James ay nagpaiwan at nanirahan abroad. Nakabalik na rin si James sa pagtatrabaho sa hospital. May duty nga ito ngayon. Naiwan naman sila ng baby nila sa bahay. Babalik din si Maia sa pagtatrabaho kapag siguro medyo malaki na rin ang anak nila. Sa ngayon ay kailangang-kailangan pa siya nito.

"Next day, hija." sagot ng ina niya mula sa kabilang linya.

Ngumiti si Maia. Makakahabol pa ito at ang Dad niya sa birthday ni Anthony.

"Kamusta kayo riyan, hija?" pangangamusta ng ina.

"Okay po kami, Mommy. Kayo po?"

Nag-usap pa silang mag-ina at nagkamustahan hanggang tinapos na rin ang tawag pagkatapos.

Inasikaso nang muli ni Maia ang anak na nagising na rin.

Nakaluto na rin si Maia ng dinner nila nang makauwi si James. Hinagkan siya ni James at sinalubong din nito ng halik ang anak nila. Napangiti nalang si Maia sa mag-ama niya.

They celebrated Anthony's first birthday with her parents na nagbakasiyon din sa kanila.

Mahirap din ang ganito. Malayo rin sila sa mga mahal nila.

"Happy birthday, baby!" hinagkan ni Maia ang anak.

Tinulungan nila ito ni James sa pag-blow ng birthday candle nito. Anthony even giggled. Pinanggigilan nalanh ni Maia ang anak.

Hindi lang birthday ni Anthony ang na-celebrate nila dahil sinabi na rin ni Maia sa asawa na nagdadalang-tao nga rin siya sa ikalawang pagkakataon. And James was so happy.

"Parang ang bilis naman yatang nasundan itong apo ko. Ilan ba ang balak n'yong anak at mukhang nagmamadali kayo?" biro pa ni Liza.

Napatawa nalang sila ni Maia.

Pero masaya rin ang parents niya at madadagdagan na naman ang mga apo ng mga ito.

"Congratulations, hija." hinagkan siya ng ina, para sa muling pagbubuntis.

Binati rin ng Dad niya si James.

Pinalipas pa nila ang mga taon hanggang tuluyang nagdesisyon na bumalik na sa Pilipinas. Malalaki na rin ang mga anak nila.

"Anthony, hold your sister." ani Maia sa panganay nila ni James.

Nasa Manila airport na sila at pababa na rin ng eroplano. After years abroad. They're staying here for good now.

"Aia, come here." tawag naman ni Anthony sa nakababatang kapatid na anim na taong gulang na.

Lumapit naman si Shanaia sa kuya niya at hinawakan ito sa kamay ni Anthony na ngayon ay nine years old na rin.

Naging abala rin silang mag-asawa sa kanilang luggage.

Nakalabas na sila sa airplane at naroon na rin ang pamilya nilang naghihintay at sumunod sa kanila.

"Ang mga apo ko!" masayang salubong ni Liza sa mga apo.

"Lola! Lola!" tumakbo rin ang mga bata sa lolo at lola ng mga ito.

Napangiti nalang si Maia at sumunod din yumakap sa parents niya. Sinundo pa talaga sila ng mga ito. Mabuti at hindi naman delayed ang flight nila.

"Mom,"

"Anak, miss na miss ko kayo ng mga bata." her Mom hugged her.

Tumabi ang mga bata sa parents ni Maia sa biyahe. Magkatabi naman sila ni James. "Nasa bahay din daw naghihintay si Tita Elvira sa pagdating natin," pagpapaalam ni Maia sa asawa.

Bumaling sa kaniya si James. Tumango lang ito.

"Are you okay?" she asked her husband. She's worried. It's been years but,

Ngumiti sa kaniya si James. "Yeah," at hinagkan siya ng asawa sa kaniyang noo.

Napangiti nalang si Maia at niyakap pa ang braso ng asawa.

Nang nakarating sila sa bahay ng parents niya ay hindi rin naiwasan ni Maia ang pagbabalik-tanaw. Sa bahay na ito siya lumaki at nagkaisip. Dito rin sila nagsimula noon ni James... Napangiti si Maia sa alaala. Parang kahapon lang...

Naroon na rin ang Kuya Tristan niya at ang pamilya nito. At ang kaniyang Tita Elvira... Napatayo ito nang nakita silang dumating na. Bumaling si Maia kay James sa tabi niya. She held her husband's hand.

"Anthony, Shanaia, this is your Lola Elvi..." si James ang nagpakilala sa mga anak.

Lumapit at humalik din ang mga bata sa ginang na nangislap na ang luha sa mga mata. She aged, just like Maia's parents. Makikitaan ito ng tuwa nang nakilala na rin ngayon ang mga apo.

"Anak..." baling ni Elvira sa tinuring na anak.

"Sa dining na muna tayo at baka lumamig ang pagkain." si Liza.

Tumango sila at sumunod na rin doon.

Maraming kuwento lalo na si Shanaia habang kumakain sila sa hapag. Medyo madaldal din itong anak nilang babae. Habang nangingiti lang din naman si Anthony na nakikinig sa kapatid. Napailing nalang si Maia at napapatawa rin sila sa anak.

"I want to be as beautiful as, Ate Teen!" puna ni Shanaia sa nakatatandang pinsan.

Bahagya naman napatawa at napailing nalang si Tristeen na ngayon ay dalaga na rin. Bumaling ito sa pinsan. "You're already very pretty, Aia!"

Totoo rin iyon. Halos kamukha ni Shanaia ang Mommy niya at may nakuha lang konti kay James. Their daughter actually looked like a beautiful doll.

Ngumisi lang si Shanaia sa mga papuri sa kaniya. Gusto raw nitong maging beauty queen. Siguro ay dahil na rin sa minsang napanood ng bata na pageant sa TV. Si Anthony naman ay gusto rin maging doctor kagaya nila ni James.

Napapailing nalang si Maia. Pero siyempre susuportahan nila ni James ang kanilang mga anak sa kahit na ano pa man path na tatahakin ng mga ito. And as long as it won't harm them.

"Dadalaw kayo bukas kay Dad? Sasama na kami. Isasama rin namin ang mga bata para makita niya," si James na halos kinatahimik din nila sa mesa.

Nabanggit din kasi ni Elvira ang asawa na kasalukuyan pa rin nasa kulungan ngayon.

Nangingislap sa luha ang mga mata ng ginang na tumango sa kinikilalang anak. "Salamat, hijo. Paniguradong matutuwa ang Daddy mo." anito.

Tumango lang si James.

Nagpahinga na rin sila sa bahay din ng parents ni Maia pagkatapos ng gabing iyon.

Kinabukasan ay maaga sila para dalawin ang kinalakhang ama ni James. Nang makarating doon ay naroon na rin nauna si Elvira at mukhang pinaalam na rin sa asawa ang pagpunta nila ngayon.

Parang awtomatiko na napaluha nalang si Rodrigo nang muling nasilayan ang nag-iisang kinilalang anak pagkatapos ng maraming taong lumipas. At ngayon ay kasama pa nito ang mga apo niya.

Napatayo rin ito para salubungin sila. "James..." tawag nito.

Kitang namayat ito sa mga nakalipas na taon sa kulungan ngunit mukhang maayos din naman ang kalagayan nito...

Pinalapit ni Maia ang mga anak sa Lolo ng mga ito na sa kabila ng luha ay may natutuwang ngiti rin sa mga labi lalo para sa mga apo.

Unti-unti naman lumapit ang mga bata sa lolo ng mga ito at humalik. Kumandong pa si Shanaia sa lolo niya na kinatuwa rin naman ng huli. Hinagkan din nito ang mga apo.

"May mga dala po kaming pagkain." baling ni Maia kay Elvira.

Tumango si Elvira at ngumiti. "Salamat, hija." tinulungan siya nito sa paglagay at pagbubukas ng mga pagkain doon.

Nasulyapan ni Maia ang ngiti sa mga labi ni James habang pinagmamasdan din nito ang kinilalang ama sa mahabang panahon at ang mga anak nila. Napangiti na rin si Maia lalo para sa asawa.

Time really heals wounds. Kaya nga kapag galit tayo o masama ang loob ay mas mainam na huwag muna tayong magdesisyon o gumawa ng action na maaring pagsisihan lang din natin sa huli. Mabuting pahupain muna.

At ang galit naman ay maaring nariyan lang din. Ngunit ang pagmamahal ay hindi rin naman nawawala. At madalas mas matimbang ang pagmamahal na mayroon tayo that it can defeat anger and any bad.

Nagtagpo ang mga mata ni Maia at James nang maramdaman din siguro ng huli ang tingin niya rito. Her husband smiled and mouthed. She mouthed back her I love you to her husband. Tapos ay pareho nalang silang nakangiti sa isa't isa.

Maia knew that she married a good man. A man who knows how to love right and forgive.




Author's note: Hello again, readers! I hope you enjoyed the special chapters. Hanggang dito nalang po siguro talaga. Sana ay nagustuhan po ninyo ang kwento nina James at Maia. Thanks!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #rejmartinez