Special Chapter 01

Nakita ni Maia na natigilan ang Mommy niya nang nadatnan sila ni James doon. Inayos din nito ang sarili at reaksiyon at nilapitan na sila. Sinubukan nitong ngumiti sa kasama na niya.

"Hijo," bati nito kay James.

"Tita," James politely greeted her Mom, too.

May ilang sandaling katahimikan.

"Galing lang kami sa check-up ni Shemaia," anang Mom niya.

Tumango naman si James. "Thank you, Tita."

"Okay, let's go?" tumingin ang ina kay Maia.

Tumingin naman siya kay James.

"Oh, where do you stay by the way, hijo?" baling ng Mommy niya kay James.

"At a nearby hotel, Tita."

Tumango ang Mom niya at tumingin sa kaniya. Tapos balik muli kay James. "Christmas eve mamaya, hijo. Baka gusto mong pumunta sa bahay?" her Mom invited.

Nagkatinginan sila ni James at ngumiti sa isa't isa.

"Thank you, Tita." ani James sa Mommy niya.

Hinatid na sila ni James sa tinutuluyan nila doon. Nang nakarating ay nauna nang pumasok ang Mommy niya sa loob at nagpaiwan naman muna siya para makapagpaalam din muna kay James.

"See you later?" baling ni Maia sa lalaki.

Tumango naman si James at inabot ang noo niya para mahalikan. Napangiti nalang siya at saglit napapikit ng mga mata.

"Kailan ka nga lang pala dumating?" she asked him.

"Earlier,"

Napaangat siya ng tingin sa lalaki. "Kanina lang? At paano mo nalamang doon mo ako makikita?"

"Kanina pa ako nakasunod sa inyo simula nang umalis kayo ng bahay ng Mom mo." James said. "I got your address from... Mom,"

Sa Tita Elvira niya.

May mga tanong pa sana si Maia pero ngumiti nalang siya. "Stalker," biro pa niya.

Ngumisi lang naman si James.

Pinakawalan din siya ng lalaki at nagpaalam na mag-l-last minute ito para makapamili ng gifts for her family. Napangisi nalang si Maia.

"I love you." ani James bago tuluyan na rin munang nagpaalam.

Tumango si Maia. "I love you."

Hinintay siya ni James na makapasok sa bahay nila bago ito bumalik sa sasakyang gamit.

"You look happy." ngumiti sa kaniya ang Mommy niya.

Bumaling naman si Maia sa ina na may ngiti nga sa mga labi. "Ngayon po pala dadating sila Daddy? Ang akala ko ay bukas pa."

"Today, hija. Humabol sila." anang Mom niya.

"Magsasabay na po ba sila nila kuya?"

Tumango ang Mom niya.

Napangiti si Maia.

Tahimik niyang hiniling na sana ay tuluy-tuloy nang maging maayos ang lahat.

Marami pa silang pag-uusapan ni James. Hindi pa niya rito nakakamusta ang Ate Ivy nito sa Pilipinas.

"Susunduin po ba natin sila Dad sa airport, Mom? What time po ba silang dadating?" Maaga pa naman.

"Hindi na, hija. Hintayin nalang natin sila rito sa bahay. "Mayamaya ay narito na rin sila. Ang mabuti pang gawin mo ay magpahinga ka na muna. Take a nap." payo ng Mom niya.

Umiling si Maia. Hindi yata siya makakatulog. Napahawak nalang siya sa kaniyang tiyan at napangiti. Are you excited to be with your Daddy again, too, baby? she talked to her child.

"Alam na rin po ba nila Dad na nandito na si James?" she asked her Mom.

Umiling naman ito. "Hindi pa, hija. Mamaya pagdating nila dito, we'll tell them."

Tumango si Maia sa sinabi ng ina.

"Don't worry, Shemaia. I'll talk to your Dad. Everything will be fine." ngumiti ito sa kaniya.

Ngumiti rin siya sa ina. "Thank you, Mom."

Ngumiti lang ito sa kaniya.

When her family arrived, sinabi na nga rin ng Mom niya sa Dad niya that James will join them tonight. Tumingin lang naman sa kaniya ang Dad niya at tumango ito sa Mommy niya.

Parang nakahinga pa si Maia.

Gusto niya rin kausapin ang Daddy niya.

"Dad," nilapitan niya ito nang mapag-isa sila.

Ang Mommy niya at sister in law ay nasa kusina sa paghahanda ng pagkain nila para mamaya. Ang kuya naman niya ay nagpapahinga muna sa kuwarto kasama ang pamangkin niya. Napagod din ang bata sa biyahe.

Bumaling sa kaniya ang Dad niya. "Hija, how are you?" tumingin ito sa tiyan niya at napangiti nalang.

"I'm okay, Dad. Galing lang kami ni Mommy kanina sa check up."

Tumango ang Dad niya.

Sandali silang natahimik.

"Would you like to sit down, hija?" giniya siya ng ama sa isang upuan. "Baka mapagod ka sa pagtayo."

Hindi naiwasan ni Maia ang pagngiti sa tinuran ng ama niya. "Thanks, Dad." umupo na rin siya doon. "But I'm really fine. Okay lang naman po kami ni baby. Wala naman pong complications o dapat tayong ipag-alala. We're both healthy as the doctor from earlier said." aniya sa ama niya.

Tumango naman ito. Nagkatinginan sila. And then the old man sighed. "I am so sorry, hija..." anito.

Parang may mainit na magaang kamay ang humaplos sa puso ni Maia. Umiling siya. "Huwag n'yo pong isipin iyon, Dad,"

"Will you talk to James, please?" she asked.

"No need to say please, hija." tumango ito. "I will talk to him."

Tumayo si Maia at lumapit sa kinauupuan naman ng ama niya para mayakap ito. "Thank you, Dad..."

Her father rubbed her arm. "Don't worry about it, hija. It should be done. At kailangan ko rin siyang makausap tungkol sa plano niya sa inyong mag-ina." anang ama niya.

Tumango si Maia at kumalas sa yakap. Tumango-tango siya. Hindi siya nag-aalala doon. Alam niyang nakahanda na rin si James para sa kanila. She just trusts his love for her. And of course for their little one.

When the door bell rang ay alam niyang si James na iyon. Halos tapos na rin sila sa paghahanda ng mesa. Gising na rin ang kuya at ang pamangkin niyang si Tristeen. Nakapagkulitan na nga rin sila kanina ng makulit niyang pamangkin.

Sinalubong ni Maia ng ngiti si James nang pagbuksan niya ito at pinatuloy.

"Malamig sa labas," aniyang tinulungan si James sa paghuhubad ng thick coat nito.

Tumuloy sila sa dining pagkatapos. James politely greeted her family. Binati rin naman ito ng pamilya.

Umupo na sila roon and they started the meal with a prayer which Tristeen lead. They were smiling as they started eating. Nag-uusap din ang pamilya niya na sinasali si James sa usapan.

Napangiti nalang si Maia habang pinagmamasdan ang pamilya at ang lalaking mahal niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #rejmartinez