20 (End)

Parang bumagal ang oras. Dumating sila Alec at Leo. Nagkapalitan na ng mga putok ng baril ngunit parang walang ibang marinig at makita si Maia kung 'di si James na pwersahang hinihigit ni Leo paalis... palayo sa kaniya... Nakikita niyang bumubuka ang bibig nito sa pagtawag sa pangalan niya... hanggang sa tuluyang maipasok nila Leo sa sasakyan.

Bumagsak ang katawan ni Maia sa sementadong kalsada...

Nagising siya sa isang pamilyar na silid ng ospital. Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata at bumungad sa kaniya ang mukha ng Mommy niyang may sobrang pag-aalala para sa kaniya.

"Maia... anak..." tumulo ang luha ng kaniyang ina.

Agad itong nagpatawag ng Doktor na titingin sa kaniya. Naroon din pala sa silid ang Kuya Tristan niya. Nakita ni Maia ang pag-igting ng panga ng nakatatandang kapatid habang nakatingin sa kalagayan niya.

"You are six weeks pregnant, hija..." iyon ang tinandaan niyang sinabi sa kaniya ng Doctor.

Naroon ang parents niya when the news was broke to them. Niyakap lang siya ng ina, habang nagkasagutan naman ang Dad niya at nakatatandang kapatid-nagalit ito sa kanilang ama.

"Matagal na po kaming may relasyon ni James..."

Suminghap ang kaniyang ina sa inamin niya.

"Dad!" tawag ni Maia sa ama. Muling nangilid ang luha sa mga mata niya. "James did not kidnap me! Patigilin n'yo na ang mga police sa paghuhuli sa kaniya!" she cried.

Agad siyang dinaluhan ng ina at niyakap habang nakaupo siya sa kaniyang hospital bed.

"Lorenzo!" may halong galit na na tawag ng kaniyang ina sa kaniyang ama. "Naririnig mo ba ang anak mo? Stop this! Stop protecting your family! Ano? Mas uunahin mo parin sila kaysa sa sarili nating pamilya? Look at what happened to our daughter..." her mother cried while hugging her. "I don't care anymore kung mapapahiya ang mga dela Cuesta! Wala na akong pakialam sa sasabihin ng mga tao tungkol sa pamilya natin! All I care about now is my daughter!"

Hindi nakapagsalita ang kaniyang ama.

Sa huli ay lumapit ito sa kaniyang kama at marahan siyang dinala sa mga bisig nito.

"I'm sorry, anak..."

Nagpasya ang kaniyang ina na mangibang bansa muna sila habang nagkakagulo pa. Anang Doktor na tumingin sa kaniya ay medyo maselan ang kaniyang pagbubuntis kaya isa 'yon sa mga naging rason ng kaniyang ina kung bakit lalayo muna sila.

Tulala si James habang nasa loob ng sasakyan. Hindi maalis sa isip niya ang huling nakita niyang pagbagsak ni Maia... Sinalo nito ang balang dapat ay para sa kaniya!

His jaw clenched and his hands were balled into fists. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kapag may nangyaring masama kay Maia. Hindi niya kakayanin...

"Anthony!" salubong sa kaniya ng nakatatandang kapatid.

Mahigpit siyang niyakap ni Ivy at nanatili naman siyang nakatayo lang sa harap nito-nawawalan ng buhay...

Puno ng pag-aalala siyang tiningnan ng kapatid matapos yakapin. Bumaling ito kay Leo. "What happened?"

Pinaliwanag naman ni Leo ang nangyari.

Agad natutop ni Ivy ang bibig at nangingislap sa luha ang mga matang tumingin sa kaniya.

Hinawakan siya nito. "Don't worry, Anthony. I'll use my connection para malaman natin ang kalagayan ngayon ni Maia."

And true to his sister's words, nalaman nga nilang maagap na sinugod si Maia sa ospital-at naging maayos ang lagay nito.

Thank you, God, naging piping dasal ng pasasalamat ni James matapos malamang nasa mabuting kalagayan ang babaeng mahal.

Until one day Doctor Rodrigo dela Cuesta surrendered himself to the police and admitted his crime years ago.

Hindi narin siya pinapahuli ng mga dela Cuesta sa pang-aakusa nito sa kanya ng kidnapping.

Malayang napuntahan ni James ang kinilala niyang ama sa loob ng maraming taon nang araw na 'yon. Nakakulong na ito at umiyak ang Ate Ivy niya nang sa wakas ay nakamit din nila ang hustisyang matagal na dapat nilang nakuha para sa namayapa nilang mga magulang.

"James..." magkahalong gulat at saya ang rumihistro sa mukha nito nang makita siyang dumalaw rito sa kulungan.

Magkaharap silang naupo at sa pagitan nila ay isang maliit na lamesa.

May maliit na ngiti sa labi ng kinalakhan niyang ama.

"Pinagsisisihan ko, anak..." panimula nito. Magkahalong pagsisisi at pagsusumamo ang makikita rito. "Wala akong ibang ginawa kung 'di ang mahalin si Elvira pero... nagawa parin niya akong pagtaksilan noon... Nagalit ako. Galit na galit... I felt betrayed by the only woman I ever loved."

"Nakagawa ako ng isang bagay na walang kapatawaran... Na alam kong balang araw ay pagbabayaran ko. At dumating ito..." malungkot itong napangiti ngunit nahaluan parin ng saya habang nakatingin sa kaniya.

"Sa kabila ng lahat, napunta ka sa akin. Binigyan mo ako ng pagkakataong maging ama at naiparamdam mo sa akin kung paano maging isa..." lumapad ang pagkakangiti nito na parang inaalala nito ang mga taong pinagsamahan nila. "Anak, hindi ko hihingin ang 'yong kapatawaran..." nagsimulang mabasag ang boses nito at nangislap ang luha sa mga mata. "Hindi ko alam kung mapagbibigyan mo ba ako sa tanging hihilingin ko... o may karapatan ba akong hingin 'to sa 'yo, pero, gusto kong pakatandaan mo na mahal na mahal kita. Ang pagpapalaki ko sa 'yo, ang lahat ng mga pinakita at ginawa ko para sa 'yo-lahat nang iyon ay totoo." he sincerely said. Hindi nabura ang ngiti sa mga labi, despite the visible pain that can be seen in his eyes.

Nanatiling walang imik si James. Nakatingin lang siya sa kinagisnang ama. Ngunit sa kalooban niya ay labis din siyang nasasaktan...

"You are the greatest blessing that ever came to my life, son."

Tumayo na si James at bago pa man tumulo ang kanyang luha ay tinalikuran na niya ang pinaniwalaang ama at naglakad palayo...

Gaano kasakit ang mga nalaman niyang katotohanan? Gaano ito kasakit para sa isang anak na tulad niya na lumaking hindi nakulangan sa atensyon at pagmamahal ng kinalakhan niyang ama.

"James, son..."

Natigilan din siya nang magkasalubong sila ni Elvira dela Cuesta. Dadalawin nito ang asawa. Nakita niya ang mga dala nitong nakabalot na pagkain.

"I-I'm sorry..." agad nitong sinabi at may kumislap na luha sa mga mata ng kinilala niyang ina.

Nanatiling walang emosyon ang mukha niya at piniling lampasan nalang ito nang muli itong magsalita na kinatigil niya at muling kinabaling dito.

"She's in Canada right now. Shemaia and your child. They're waiting for you there..."

Umawang ang labi ni James sa nalaman.

Isang tipid at malungkot na ngiti ang huling ginawad sa kanya ng kinalakhang ina bago ito tumalikod at tumuloy na sa loob.

"Mommy, mauna na po ako sa labas." paalam ni Maia sa inang kausap pa ang Doktor niya.

Tumango lang ito at abala parin sa pakikipag-usap.

Lumabas na siya ng clinic. Checkup nila ngayon ni baby sa kaniyang OB. Napangiti si Maia habang hinahaplos ang maliit na umbok sa kaniyang tiyan. Hindi pa ito ganoon kalaki pero sapat na para makitang buntis siya.

Niyakap niya ang sarili. She rubbed her arms that's covered with the long sleeves of her jacket, tama lang sa arctic weather ng Canada.

Naisip na naman niya si James. Nawalan na sila ng komunikasyon sa mga nangyari. Pero alam ni Maia na isang araw ay pupuntahan din siya nito gaya ng pangako nito noong bago sila magkahiwalay. Na aayusin lang nito ang mga bagay at pagkatapos ay muli siya nitong kukunin.

She let out a small sigh. Ilang buwan narin sila sa Canada. Silang dalawa lang ng Mommy niya. But her Dad and older brother with his family will be here. Pasko rin kasi.

Gusto na niyang masabi kay James ang tungkol sa baby nila. Hindi pa man nila napag-usapan ito noon ay nararamdaman ni Maia na magiging masaya si James kapag nalaman nito.

Natigilan siya at nahinto rin sa pag-iisip nang magtagpo ang mga mata nila ng lalaking palapit sa kinatatayuan niya.

Parang biglang nagkaroon ng slow motion... Naalala niya ang unang pagkikita nila sa airport noon. Parang ganito rin 'yong naramdaman niya no'n.

She gulped. Is this real? Parang kanina ay iniisip niya pa lang ito...

Suminghap siya nang hustong makalapit ito sa kaniya. "James!"

She automatically felt the warmth of his palm against her protruding stomach. Napatingin din si Maia doon. Agad nangilid ang luha sa kaniyang mga mata. She bit her bottom lip.

At nang muli siyang mag-angat ng tingin kay James ay agad nagtagpo ang kanilang mga mata. Gaya niya ay may kislap na rin ng luha sa mga mata nito. She managed to let out a smile. He lowered his head to meet her lips. Agad namang tinugon ni Maia ang halik ng lalaking pinakamamahal niya.

And then they embraced each other.

"I love you so much, Shemaia... Thank you for carrying our child. I'm sorry it took me long to get here. I love you both. Thank you for everything, baby..."

May ngiti sa mga labing napapikit si Maia at agad naging kumportable at kuntento sa mga bisig ni James.

Akala niya ay matatagalan pa ito. She's just so happy knowing that they will be together this Christmas and celebrate New Year.

"I love you, James..." she whispered with all of her heart.

Para kay James ay si Maia ang anghel na pinadala ng langit para sa kaniya, to save him. To save him from darkness and to give him light. Without her, he wouldn't think of forgiving and calming his anger after his heart was crippled...

Darkness will come to us. And the heavens will always send us an angel to be our light and fight with us to conquer the dark.



Author's note: Hello, readers! This is the end of my Crippled Hearts. Hope you like James and Shemaia's story. Until next time. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #rejmartinez