17

"Ayos lang." kalmadong aniya habang nakatingin sa mga mata ng lalaki.

She saw his lips slowly parted. Mukhang nagulat ito sa sinabi niya. Ilang sandali silang nagkatitigan bago ito nag-iwas ng tingin.

Tinalikuran siya ni James at bumalik sa loob ng bahay. Nanghihinang nagbuntong hininga si Maia. Nakabalik na rin si Lola Lydia at pinagpatuloy nila ang pagsasampay ng mga nilabhan nitong damit.

Lumabas si Maia matapos tumulong kay Lola Lydia sa mga gawain. Maliliit lang talaga ang mga bahay sa lugar. Nakita niya ang mga batang naglalaro. Napangiti siya. Naalala niya ang pamangking si Tristeen.

She sighed.

Nakarinig siya ng tunog ng makina ng sasakyan na dumating. Napunta ang mga mata niya doon at nakita si James na sinasalubong si Alec.

Unti-unti siyang lumapit. Bukod kay Alec ay may dalawa pang lalaki ang lumabas sa sasakyan nito. Napatingin si Alec sa paglapit niya kaya nilingon na rin siya ni James.

Tumabi siya kay James habang pinapakilala sa kanila 'yong dalawang lalaki. "Maia." aniya.

Rico and Tomi gave her a friendly smile. Ngumiti na rin siya sa mga ito.

"Isasama ko muna si James, Maia." ani Alec. "Sila Rico at Tomi muna ang magbabantay sa kaniya." tumingin ito kay James.

James nodded when she spoke. "Ayos lang naman kahit wala nang magbabantay sa 'kin. Hindi naman ako tatakas." marahang aniya.

She saw how Rico and Tomi's jaw dropped. Tipid lang siyang napangiti sa reaksyon ng mga ito.

"Siya lang yata 'yong ki-ni-dnap na walang balak tumakas?" medyo litong nasabi ni Rico.

Tumango-tango naman si Tomi. He looked speechless.

Nag-aya muna si Alec na puntahan ang matandang mag-asawa bago sila umalis ni James. Pinaghain sila ni Lola Lydia ng meriendang pritong saging na may asukal. Naupo sila sa maliit na sala ng bahay.

"Paano ba 'yan at tanging ang sala nalang ang maari ninyong tulugan-" nahihiyang sabi ng matanda. Concern para kay Rico at Tomi.

"Nako, ayos lang po, Lola. Walang problema." ani Rico na nag-thumbs up pa.

Napangiti lang ang matanda.

Matapos ang sandaling kuwentuhan at pagkatapos rin kumain ng merienda ay nagpaalam na sila Alec.

"Huwag kang mag-alala, hijo, at ako na muna ang bahala kay Maia." ani Lola Lydia.

Tipid na tango lang ang tugon ni James habang palabas sila muli ng bahay. Sumama si Maia sa paghatid sa mga ito hanggang sa kotse ni Alec.

Bumaling sa kaniya si James nang nasa harap na sila ng sasakyan. Nakatingin lang ito sa kaniya. She bit her lower lip and slowly went to him. Niyakap niya ito ng mahigpit kahit pa hindi naman ginantihan ni James ang yakap niya. "Mag-iingat ka. Balikan mo agad ako rito." mahinang aniya.

Nginitian niya ang binata nang kumalas siya dito. Seryoso lang naman ang ekspresyon sa mukha ni James hanggang sa tuluyan na nitong binuksan ang pinto ng sasakyan at pumasok doon.

Narinig niyang may sumipol at agad siyang napabaling sa dalawang lalaki kung saan naabutan niyang si Rico iyon. Agad namang binatukan ni Tomi ang kaibigan. Rico just rubbed his head.

Tipid na nakangiting napailing nalang si Maia at nagpatiuna na sa pagbalik sa bahay.


Titig na titig si James sa hawak na baril. Mula noong malaman niya ang katotohanan sa kapatid niyang si Ivy ay parang may alaalang bumabalik sa kaniya. Iyon siguro ang dahilan kung bakit takot siya sa kulog o kahit anong malalakas na tunog. Because it's actually the gunshots... that night... Siguro nakalimutan niya dahil bata pa siya noon o na trauma siya.

"Leo asked me to train you." ani Alec sa kanyang tabi na naglalagay ng magazine sa baril nito. "Well, kailangan kung gusto mo talagang ipaghiganti ang nangyari sa mga magulang n'yo ni Ivy."

"May batas naman pero... nabibili rin." umiling iling ito. "Imbes na ang mga dela Cuesta ang pananagutin n'yo, ikaw pa ngayon itong wanted. Leo's right. Talagang inunahan na nila kayo."

Umigting ang panga ni James. Sobrang galit ang nararamdaman niya ngayon. Ilang taon siyang nabuhay sa kasinungalingan. Nanginginig ang mga kamay niyang inangat ang baril at tinutok sa pupuntiryahin sa kanilang harapan.

He closed his eyes tightly after hearing a gunshot coming from the gun he's holding. Hindi nalang mga kamay niya ang nanginig kung 'di pati halos ang buong katawan niya. Naramdaman niya ang pagtapik ni Alec sa kanyang balikat. Nagmulat siya ng mga mata.

"Puntahan natin ang Ate mo." ani Alec. "Gusto ka niyang makita."

Tumango siya at nilapag na ang baril doon. Sumunod siya kay Alec patungo sa naghihintay nitong sasakyan.

"Leo can actually train you. He's part of the army. Kaya lang hindi niya maiwan ang kapatid mo." naiiling si Alec habang nagmamaneho. "Patay na patay 'yon kay Ivy." he smirked.

Napangiti na rin si James. Masaya siya para sa kapatid. Kahit saglit pa lang silang nagkakakilala ni Leo ay nakikita niyang mahal ng lalaki ang kapatid niya. He can say the way Leo looks at his sister. Dahil ganoon din niya tingnan si Maia...

"We're here." Alec announced.

Sabay silang lumabas ng sasakyan. Nakita niya si Ivy na agad sinalubong ang kanilang pagdating. Mahigpit siya nitong niyakap nang makalapit ito. "Thank God you're safe!" anang kapatid niya habang magkayakap sila.

"Thank you, Alec." bumaling ito kay Alec matapos kumalas sa yakap. "Tara sa loob."

Naabutan nila si Leo na naghahanda ng pagkain sa mesa nang makapasok sila sa dining area. Oras na rin para sa hapunan. Naisip niya si Maia. Siguro naman ay kumain na ito doon. Hindi naman ito pababayaan nila Lola Lydia.

"Si Maia?" tanong sa kaniya ng kapatid matapos nilang makapag-dinner.

Ivy sipped on her cup of tea. Nasa labas sila Alec at Leo. Habang naiwan naman silang magkapatid sa sala ng bahay.

"She's fine..." halos wala sa sariling sambit niya.

She heard his sister sighing. Napatingin siya dito. Nilapag nito ang hawak na tasa sa maliit na mesang naroon. Pagkatapos ay nag-angat ito ng tingin sa kanya at mataman siyang tiningnan. "James," she held his hand. Magkatabi silang nakaupo sa mahabang sofa. "wala namang kasalanan si Maia sa lahat ng ito. Hindi dapat siya nadadamay..."

He looked away. Honestly, he's guilty. He's embarrassed. Hindi na siya halos makatingin ng diretso sa mga mata ni Maia. After what he did. Hindi niya sinasadyang tutukan ito ng baril at pinagsisisihan niya iyon. Pakiramdam niya ay wala na siyang mukhang ihaharap sa babae. But he was left with no choice that time. Natatakot siyang baka masaktan at mawala din sa kanya ang kapatid niyang kakakilala pa nga lang niya. Ang tanging nasa isip nalang niya nang mga sandaling 'yon ay ang kaligtasan ng nag-iisang totoong pamilyang natitira sa kanya.

Naramdaman niyang pinisil ng ate niya ang kanyang kamay kaya muli siyang napabaling ng tingin dito. Ivy looked at her brother softly. "Mahal ka niya, James..." anito.

Napayuko siya marahang tumango. Alam niya 'yon. "I love her, too..."

Napangiti si Ivy sa mahina niyang tugon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #rejmartinez