07
"Shemaia, where are you?" it was her Mom.
"Mommy, sorry hindi po ako nakapagpaalam agad. I will be out with Dr. Dustin Castro tonight. It's his birthday. Huwag n'yo na po akong hintayin sa dinner." aniya sa ina mula sa kabilang linya.
"Oh. Well, enjoy your date with Dr. Castro, anak." batid niya ang ngiti ng ina.
She ended the call. Bumaling siya kay Dustin na nagmamaneho ng sasakyan nito pagkatapos. Nakita niyang umiling ang lalaki.
"Wrong move. Dapat pinagpaalam muna kita kanila Doc." bahagya pa itong napangiwi at mukhang problemado.
Maia laughed a bit at the man's reaction. "It's okay. Hindi naman na tayo teenager. Isa pa, kilala ka naman nila Mom at Dad." ngumiti siya para pagaanin ang loob nito nang sumulyap ito sa kaniya.
Ngumiti na rin si Dustin.
The usherette brought them to their reserved table nang makarating sila sa restaurant na pinagdalhan sa kaniya ni Dustin.
Pinaghila siya ng upuan ng lalaki at umupo na siya doon. Sumunod ito. Binigyan sila ng menu at nagsimula na silang mag-order.
"Thank you, Maia. Hindi na ako mag-isang mag-c-celebrate ng birthday ko ngayon." he smiled at her.
Ngumiti rin siya sa binata. "Wala nga akong gift, e. Sorry." medyo napangiwi siya.
Maagap naman siyang inilingan ni Dustin. "This is already more than enough for me." tukoy nito sa pagpayag niyang makipag-date dito.
Their delicious dinner was served and they enjoyed it. Nagkukuwentuhan sila habang kumakain. Tungkol lang sa ospital at ilang simpleng bagay.
"Thank you for tonight, Dustin." Maia said politely.
"No, thank you." nakangiting anito.
She lightly nodded.
"See you tomorrow at the hospital." anito.
Tumango siya. "See you. Goodnight, Dust."
"Goodnight..."
Ngumiti siya at lumabas na ng sasakyan nito. Bahagya niyang kinawayan ang lalaking nagbaba pa ng bintana. Saka pumasok na siya sa gate nila. Pinagbuksan siya ng guard na nagbabantay doon.
Dumiretso si Maia sa taas nang makapasok sa bahay. Medyo late na rin kaya tahimik na. Nagulat nalang siya nang madatnan si James na nakasandal sa dingding malapit sa pintuan ng kuwarto niya. Umayos ito ng tayo nang makita siya.
"James..."
"How's your date?" salubong nito sa kaniya sa isang seryosong tono.
"Uh..." she was a bit taken aback by his seriousness. "I texted you earlier and... you did not reply..." aniya.
James sighed then he nodded. "You should rest. Maaga pa tayo bukas sa hospital."
Tumango si Maia sa sinabi nito. "Okay... Goodnight..."
"Goodnight." pagkatapos ay tinalikuran na siya nito.
Hinintay ni Maia na makapasok ito sa kuwarto nitong katabi lang ng kaniya. Mahina siyang nagpakawala ng hininga at pumasok na rin sa silid niya.
"May date ka pala kahapon! Natuwa ang Mommy at Daddy mo. Kilala pala nila 'yong Dr. Castro." ani Manang Nelia nang bumaba siya sa dining area kinabukasan.
Umupo siya sa isa sa mga dining chair. "Si James po, Manang?" agad niyang tanong nang makitang wala pa ito doon.
"Hindi pa nakakababa." anang may katandaang kasambahay.
Naisip niyang akyatin muna ito para sabay na silang mag-agahan gaya ng nakasanayan.
"Ang pinsan mong 'yon. Hinintay ka talaga niya kahapon. Kaso tumawag ka sa Mommy at nagsabi nga na huwag ka nang hintayin sa hapunan at may date ka." muli itong nagsalita.
Nag-angat ng tingin si Maia sa kasambahay. Nginitian siya nito.
"Birthday kahapon ni James. Tinawagan siya ng mga magulang niya para batiin. Nagpahanda rin kahapon ang Mommy mo sa dinner para nga sa pinsan mo." dagdag nito.
Natigilan si Maia at bahagyang pinanlakihan ng mga mata. "P-Po?"
Birthday din ni James kahapon? Pareho sila ni Dustin? Nakagat niya ang pang-ibabang labi.
Sasagot na sana ang kasambahay nang pumasok si James sa hapag kainan. Agad itong nginitian at binati ni Manang Nelia ng magandang umaga.
Ngumiti rin dito si James. "Good morning din po, Manang Nelia."
He sat on the chair next to her. Hindi nakaimik si Maia para batiin din ito. James looked at her at tipid itong ngumiti sa kaniya. "Morning." simple lang nitong bati.
Nagbaba ng tingin si Maia sa kaniyang pinggan. Hindi man lang niya ito nabati kahapon na kaarawan pala nito?! She didn't know! Hindi niya iyon natanong kay James... Nagtatampo kaya ito ngayon sa kaniya?
"K-Kukunin ko lang ang bag ko. Naiwan ko sa taas." paalam niya nang patapos na silang kumain.
Tumango lang si James. Uminom siya ng tubig at umalis na sa kinauupuan.
Maybe I can still buy him a cake later? Nag-iisip siya ng paraan para makabawi dito habang umaakyat sa hagdan. Alam niyang kahapon pa ang birthday nito pero siguro pwede pa naman niya itong batiin ng belated.
Sumakay siya sa sasakyan ni James at sabay silang pumasok sa hospital gaya ng mga nagdaang linggo. Tahimik sila habang nasa daan and it's unusual for Maia. Palagi naman kasing may topic ang pinsan niya. Hindi siya sanay na tahimik lang ito.
"Sasabay ulit ako sa 'yo mamaya 'pag uwi." aniya nang makarating sila sa ospital.
Agad namang tumango si James. "Of course."
Mamaya ay dadaan sila sa isang cake shop. Ibibili niya ito ng birthday cake at babatiin.
She smiled at him. "See you later."
"See you." simple lang nitong sinabi at tinalikuran na siya.
Maia's shoulder sagged. Mukhang nagtatampo talaga ito.
Tapos na siya sa mga gawain niya sa ospital pagdating ng hapon. Pupuntahan nalang niya si James sa pediatric ward para hintayin ito at sabay na silang uuwi.
Kaso nang dumating siya roon ay hindi agad siya natuloy sa pagpasok sa ward. Naabutan niya roon si James na nakikipagngitian sa isang babaeng doctor. The two were talking fondly to each other while checking on the kids na pasyente ng mga ito.
Napaatras si Maia at hindi nalang tumuloy. Napasandal siya sa dingding sa labas ng ward. Hindi niya mapigilang makaramdam na naman ng inggit sa ibang babae. They're free to like James. Habang sa kaso niya ay kasalanan iyon.
"Maia."
Naputol lang ang pag-iisip niya nang makita si James na kalalabas lang ng ward at naabutan siya doon. Umalis siya mula sa pagkakasandal. Ngumiti ito sa kaniya but she can't return his smile at that moment. Kumunot ang noo sa kaniya ni James at nagpatiuna na siya sa paglalakad. Tinalikuran ito.
"Hey," she felt James' hand on her elbow. Pinigilan siya nito at hinarap. "Are you okay?"
"Yeah." walang gana niyang sagot at binawi ang siko sa hawak ng lalaki.
Nawalan na siya ng ganang ibili ito mamaya ng cake at batiin kahit late na. Hindi naman siya ganito ka-unreasonable na tao. Ngayon lang. Kay James. Pagdating talaga sa lalaki ay parang nakakalimutan niya ang mga rason. Reasons why she can't like him and why it is so wrong. It's as if her mind and heart just won't accept it. She's really becoming unreasonable and it's scaring and hurting her at the same time.
Natatakot na talaga siya dahil unti-unti niyang narerealize that what she feels for James, she might not feel it with another man. Or with anyone else. At nasasaktan siya sa kaalamang walang pag-asa. Nahihirapan siya sa sitwasyon... It's slowly breaking her. She can feel it. Dahil siguro... sa unang pagkakataon, ito na ang sinasabi nilang pag-ibig... Maybe she's already falling for him... Minamahal na niya ang lalaki... Ang pinsan niya.
"What's wrong, Maia?" tanong ni James nang nasa loob na sila ng sasakyan.
"Umuwi na tayo." aniya.
James sighed and started maneuvering the car.
"Is it about Dr. Tan? You did not like what you saw earlier?" anito pagkalipas ng ilang sandali.
Agad napabaling si Maia sa binata. Sumulyap sa kaniya si James habang nagmamaneho. Naiiling itong nagbuntong hininga. "Yes. I know you were there." Nagulat siya sa sinabi nito. Alam pala nitong naroon siya habang masaya nitong kausap ang Doctor na 'yon kanina? "Hindi ko rin nagustuhan na nakipag-date ka sa araw pa talaga ng birthday ko." walang paligoy-ligoy na anito.
Maia's heart started beating abnormally inside her rib cage.
"Nagselos ka ba?" bigla nalang nitong sabi.
Her eyes widened. "W-What?"
Biglang tinabi ni James ang sasakyan sa gilid ng kalsada at buong atensyon siya nitong hinarap. Pakiramdam niya ay aatakihin siya sa puso. Lalo nang lumapit pa ang katawan ni James sa kaniya.
"Nagselos din ako kagabi. Late ka pang nakauwi. You enjoyed your date with Dr. Castro, huh." She can already feel and smell his minty and fresh breath. Sobrang lapit na ng mukha nito sa mukha niya!
"Tell me, Maia... do you like me? 'Cause I like you, too..."
Nanlaki nalang ang mga mata niya when James' lips touched hers.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top