04
Nakikita ni Maia sa salamin ng sasakyan ang kotse ni James na bumubuntot sa kaniya. Napangiti nalang siya. Pauwi na sila ngayon galing sa hospital. At nangako siya sa pinsan na bukas ay hindi na siya magdadala ng sasakyan dahil sasabay na siya rito.
Binuksan ng guards ang gate at pumasok na ang mga sasakyan nila. Sabay silang nagtungo sa loob ng bahay at nagpaalam sandali sa isa't isa para makapagpalit ng pambahay. At pagkatapos ay muli silang nagkita sa hapag kainan.
"I really thought... may nagawa o nasabi akong mali? Kaya biglang hindi mo na ako kinakausap..." James opened the topic while they were having dinner.
Silang dalawa lang ang naroon sa mahabang dining table. Nahihimigan ni Maia ang pagtatampo sa boses nito. She can't help but grin. Nagpapa-cute yata ang lalaking 'to! But then she sighed in guilt, too. "No..." bahagya siyang natigilan sa pagkain. "It's not like that, James. Marami lang kasi akong iniisip these past few days..." Totoong iniwasan nga niya ito, ngunit totoo rin namang madami siyang iniisip...
Tumango-tango ito at may pag-aalang tumingin sa kaniya. "What is it? Pwede ko bang malaman?"
Umiling si Maia at ngumiti. "Mga simpleng bagay lang naman. Ang sarap ng luto ngayon ni Manang, ah." she promptly changed the topic.
James agreed with her at sa pagkain na natuon ang atensyon nito. Nag-uusap sila tungkol sa mga simple at normal na bagay habang kumakain. Pagkatapos ay inaya siya ng binata na mag-movie marathon daw sila. Linggo din naman kasi kinabukasan kaya ayos lang kung late silang magigising. Hindi rin niya ito natanggihan kaya nasa kuwarto siya nito ngayon.
Nakaupo lang sila sa carpeted na sahig at nakasandal sa paanan ng kama nito. And they're watching a horror movie. Hindi naman matatakutin si Maia sa mga gano'n and so is James. Parang ang boring nga ng pinapanood nila na pinalitan nila ito sa gitna ng palabas.
Maia's cheeks heated nang naghahalikan na ang mga bida sa pinapanood nila. It's really so awkward watching a romantic movie with a man. Lalo siguro kung hindi mo naman ito boyfriend!
Tumikhim si James. At magsasalita na sana ito nang biglang kumulog ng malakas. She saw him stiffened and his eyes widened.
"J-James," agad siyang nag-alala dahil bigla itong namutla. Lalo na nang mahawakan niya ang binata at nanlalamig ito. "Oh my god-"
Mabilis siyang tumayo at binuksan ang lahat ng ilaw ng kuwarto. Pagkatapos ay binalikan niya si James na hindi pa rin nakakakilos sa kinalalagyan nito.
"James!" hinawakan niya ang lalaki. "Hey, are you okay?" hindi niya alam kung bakit pero bigla niya itong niyakap.
The fear she saw in him was enough for her to feel the need of hugging him tightly. "I-It's okay... I'm here..."
Naramdaman niya ang malalim na pagpapakawala ng hininga ni James sa balikat niya at naramdaman din niya ang pagyakap sa kaniya pabalik ng pinsan.
Umuulan sa labas. Ilang minuto o siguro halos inabot na sila ng isang oras sa ganoong posisyon. Haggang sa tumila na ang ulan at natigil na rin ang mga pagkulog. May bagyo siguro. Hindi na kasi siya nakakapanood ng news nitong mga nakaraang linggo.
"S-Sorry... you have to see me in that state..." nakayuko lang si James at hindi makatingin sa kaniya.
He's now calm at nakaupo na sa kama nito. Magsasalita na sana si Maia nang may kumatok sa pinto. Bumuntong hininga siya at tinungo na muna iyon para pagbuksan. Isang kasambahay iyon na dala ang pinakuha niyang isang basong tubig.
Nagpasalamat siya at sinara nang muli ang pinto at humarap sa lalaki. Maingat niyang inabot dito ang tubig na tinanggap naman nito at ininuman.
"Wala 'yon... Don't be bothered about it. Uh... You're scared of thunders?" she curiously and worriedly asked.
Kita man niyang nahihiya ay unti-unti itong tumango. James looked like an embarrassed boy in front of her. She sighed and went to his bed. Umupo si Maia paharap sa lalaki na nakasandal sa headboard ng kama nito. Nag-angat ito ng tingin sa kaniya at agad lumambot ang mga niya. Nagkatinginan sila.
Inabot ni Maia ang kamay ng binata at marahan itong pinisil. "It's okay, James... I won't judge." aniya.
Tumango naman sa kaniya ang pinsan. May nakikita siyang pagtitiwala sa mga mata nito. "... And to any loud noise..." umiling ito. "I don't know... Basta bata pa lang ako, ganito na ako."
Maia sighed and went closer to her cousin. At muli niya itong binalot ng yakap. She gently rubbed his back. "It's okay..." bulong niya sa tainga nito.
She stayed in his room until he fell asleep. Binantayan lang niya ang lalaki at hindi siya umalis sa tabi nito. Lalo na at pabalik-balik parin ang mahihina nalang din namang kulog at pag-ulan. Hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na rin pala siya sa tabi nito...
Kaya kinabukasan ay nagising nalang siya sa kama ng pinsan niya. Wala na ito sa tabi niya at bumangon na rin siya. Lumabas siya ng silid nito at dumiretso muna sa kaniya.
Naligo siya, nagbihis at bumaba na rin. Sinalubong siya ni Manang Nelia na pinakamatanda sa kanilang mga kasambahay. Mukhang galing ito sa kusina. Ngumiti ito sa kaniya at binati siya ng magandang umaga.
"Good morning din po, Manang." ngumiti siya rito. "Si James po?" agad niyang tanong.
"Nasa hapag na. Nauna nang mag-agahan. Ayaw ka rin kasing ipagising at baka napuyat ka raw kagabi dahil nag-movie marathon kayo." anito.
"Gano'n po ba..."
"Oo. Nariyan din ang Kuya at pamangkin mo." pahabol pa nito.
Agad nagliwanag ang mukha ni Maia. Ilang linggo na rin niyang hindi nakikita ang pamangkin. Naging abala rin kasi siya na hindi niya rin ito madalaw.
Mabilis niyang tinungo ang dining area at naabutan nga niya roon ang pamangkin kasama ang Kuya niya at si James na agad siyang sinalubong ng isang magandang ngiti. So much to greet her a good morning.
"Si Camille?" she asked her brother.
Pinaghila pa siya ng upuan ni James at saglit na kinagat niya ang labing umupo roon. Nag-angat siyang muli ng tingin sa kapatid niya at mukhang wala lang naman iyon dito.
"At home." Tristan shrugged.
Pinangunutan siya ng noo. Nilagyan ng pagkain ni James ang pinggan niya at hindi nalang niya iyon ginawang big deal. Ganito naman talaga si James. Kaso narito ang kuya niya. "Hindi sumama?"
Umiling ito.
"Ayaw ni Mommy kay Daddy." sabat ni Tristeen na mukhang enjoy na enjoy sa kinakain nitong pancake na may chocolate syrup.
At mukhang si James ang nagluto nitong breakfast nila. Gaya nga ng sabi nito sa kaniya kahapon.
Matamis siyang ngumiti sa pamangkin. "Good morning, baby!"
Ngumiti rin naman ang magandang bata sa kaniya. "Good morning, Tata Pangit!"
Napanguso siya sa tinawag na naman nito sa kaniya. Ang batang 'to talaga. Kinurot nalang niya ang pisngi nito at pinanggigilan. Nagreklamo naman agad ang malditang bata.
"Ouch! Tata!" reklamo nito.
Pagkatapos ay kunot-noong bumaling siya sa kapatid. "Nag-away kayo?"
Umiling ang Kuya niya. "No. She's just moody..."
"Oh." Napatango-tango siya. "Baka buntis?" she guessed.
Nagliwanag naman ang mukha ng kapatid niya. "You think so?"
"Well," she shrugged.
Tumango-tango ang kapatid niya at biglang nagpaalam. "I'll call her."
At umalis na muna ito ng dining area.
"Bakit mo naman tinatawag na Tita pangit ang Tita Maia mo?" marahang tanong ni James kay Tristeen nang silang tatlo nalang ang naroon.
Natuon ang atensyon ni Maia sa dalawa.
Nag-angat ng tingin sa kaniya si James bago muling binalik ang atensyon sa bata. "She's actually beautiful."
Ilang sandali silang nabalot ng katahimikan bago iyon binasag ni Tristeen.
"Uy... Maganda raw siya, sabi ni Toto!" her niece teased.
Maia can feel her cheeks heating. Hiyang-hiya siya sa panunukso ng pamangkin. Sinulyapan niya si James at nakangiti lang naman ito. Mukhang hindi apektado. Well, siya lang naman itong mukhang apektadong-apektado!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top