03
"Shemaia!" agad na bungad sa kaniya ng Mommy niya at tinawag pa siya nito sa buo niyang pangalan nang sagutin niya ang tawag ng ina.
"Mom-"
"Iniiwasan mo raw ang pinsan mo?" Hindi siya agad nakasagot. Hindi pa rin nakakauwi ang mga ito mula sa bakasyon at mukhang mag-e-extend pa. Her father also needs rest. "I called James para kamustahin ang pinsan mo and he told me na mukhang iniiwasan mo raw siya? What are you doing, Shemaia?!"
"H-Hindi po gano'n, Mommy... I got busy-"
"Then ipagawa mo muna sa iba ang mga trabaho mo riyan sa ospital. Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo. Ikaw pa lang ang mapagkakatiwalaan ng pinsan mo riyan. He's still dependent on you. Babalik din naman siya sa States dahil pinagbigyan lang talaga 'yan ng Tito at Tita Elvira mo."
"Okay po, Mommy. I understand."
Her mother sighed from the other line. "Thanks, anak. Pasensya ka na. Alam mo kasi... dapat kunin mo ang loob ng pinsan mo. Para maging madali na lang para sa kaniyang magsabi sa 'yo ng mga nangyayari. Baka may lumalapit pala sa kaniya-"
"Sinong lalapit kay James, Mommy?" hindi na niya napigilan ang curiosity. There's really something with her Mom's words.
"N-Nothing... Sige, ibaba ko na 'to. Take care always. I love you, anak."
"Love you too, Mom..."
Napatingin si Maia sa screen ng phone niya. Her mother already ended the call. Ilang sandali pa siyang nakatayo lang doon at nag-isip bago nagbuntong-hininga. Namulsa siya sa kaniyang doctor's robe at bumalik sa paglalakad.
Natigilan lang at bumagal ang mga hakbang nang makita kung sino ang makakasalubong niya. Kinalma niya ang sarili habang palapit sa lalaki. She managed to give him a small smile.
"Maia..." marahang tawag nito sa kaniya.
"It's lunch hours. Kumain ka na ba?" tanong niya nang makahinto sa harapan nito. Matapos tumingin sa kaniyang wristwatch.
Umiling si James. "Kakain pa lang... uh, ikaw?"
Umiling din siya. "Hindi pa."
"Gusto mo magsabay nalang tayo?" he offered a bit hesitant. Siguro ay iniisip nitong hindi niya ito pagbibigyan.
Maia smiled. "Sure. Tara?"
Lumiwanag ang mukha ni James. Para talaga itong bata minsan. He has this innocence like of a child. Madaling pangitiin at pasayahin.
"Sumabay ka na lang sa sasakyan ko?" maingat nitong tanong nang makababa na sila sa basement ng hospital.
Hindi mapigilan ni Maia na matuwa sa pag-iingat nito. Napanguso siya. It's her fault. Wala namang ginawang masama sa kaniya ang lalaki. Napakabuti pa nga ng tungo nito sa kaniya. Siya lang naman itong bigla-biglang hindi namansin.
She sighed. "Sure."
Parang bata muli itong ngumiti sa kaniya at giniya na siya palapit sa bagong bili nitong sasakyan.
"Thanks." aniya kay James matapos siya nitong pagbuksan ng pinto ng kotse nito.
Inayos ni Maia ang sarili sa passenger's seat. This is her first time riding his car.
Nang makapasok na rin si James sa loob ng sasakyan ay ilang sandaling natuon ang atensyon nito sa kaniya. Hindi alam ni Maia kung bakit at hindi pa man siya nakakapagtanong ay lumapit na sa kaniya ang pinsan.
She was holding her breath at sobrang lakas ng pintig ng puso niya na natatakot na siyang baka marinig na ito ni James sa sobrang lapit nila ng lalaki. Maia can also smell his fresh manly scent. And then she heard a click. Sinuotan pala siya nito ng seatbelt.
"There." ngumiti sa kaniya si James. "Huwag mong kakalimutan 'yan. It's important. Don't tell me kapag ikaw ang nag-d-drive minsan nakakalimutan mo rin magsuot ng seatbelt?" naningkit ang mga mata nito sa kaniya.
Dahan-dahan at lihim na pinakawalan ni Maia ang hiningang pinigilan. Hindi siya nagpahalatang kinakalma niya ang sarili sa nangyari. Hindi niya na yata kakayanin pang maulit na magkalapit sila ng ganoon ng lalaki. It's just too much for her.
"Then I won't tell you." aniya.
Lalong naningkit ang mga mata ni James sa kaniya. Ang hahaba talaga ng pilikmata ng lalaki na bumagay sa makakapal nitong kilay. Halos malunod siya sa ganda ng mga mata ng pinsan niya. His forehead creased. "That's not safe, Maia."
Pinangunutan na rin siya ng noo nang mapuna na parang medyo nairita ito sa kaniya. And that was a first. Marunong din pala itong magalit. "Minsan kasi lalo kapag nagmamadali ako nakakalimutan ko..."
"Then don't do it again." malakas itong bumuntong-hininga. And she saw worry in his eyes bago nito tinuon ang atensyon sa manibela at pagstart ng sasakyan.
Natigilan si Maia at ilang sandaling natahimik. Nakalayo na sila sa ospital at nasa daan na. She heard James sighing again as he drives. "Sorry... I was just... worried. Hindi ka dapat nagpapabaya. Dapat palagi kang mag-ingat. Lalo na sa pagmamaneho."
Something warm touched her heart. Talagang nag-alala ito sa sinabi niyang minsan nakakalimutan niyang mag-seatbelt lalo kapag siya lang mag-isa sa sasakyan at nagmamaneho. Thank God at hindi pa naman siya naaksidente while driving. "Okay... uh, tatandaan ko 'yan." sabi nalang niya.
Mula sa pag-d-drive ay sumulyap sa kaniya si James. "Iisa lang naman ang pinupuntahan natin sa halos araw-araw. Sa hospital lang. Then pauwi sa bahay ulit. Pwedeng sumabay ka nalang sa akin lagi." he suggested.
Ewan ba ni Maia ngunit napangisi siya at bahagya pang tumawa. Kunot naman ang noong bumaling sa kaniya si James. "You're cute pala kapag nag-aalala ka." she grinned.
Ang cute lang kasi ng lalaki kapag nagsasalubong ang kilay nito at medyo iritado. And at the same time ay naro'n ang pag-aalala nito.
Tinuon na nito ang atensyon sa daan but she saw his lips rose for a smile. "I'm serious, Shemaia." anito sa seryosong boses.
Bahagya siyang natigilan nang tawagin siya nito sa buo niyang pangalan. Parang wala pa sa sariling napatango-tango siya. "Okay po, Kuya!" she grinned.
Naiiling nalang si James. Ngunit nangingiti naman.
Well, okay din 'yon para kay Maia. Minsan kasi ay tinatamad din talaga siyang magmaneho. Ayaw din naman niyang ihatid sundo pa siya ng driver.
Nagsimula silang um-order nang makarating sa isang mamahaling restaurant. Dito siya dinala ni James. Parang puro mayayamang businessman pa nga kasama ang girlfriend o asawa nila ang nag-d-date rito. Kaya naman nakaramdam siya ng konting awkwardness. Because of course hindi naman sila nag-d-date ni James. They're just here for lunch. Hindi nalang niya pinahalata sa kasama.
"Bukas gumising ka nang maaga. Ako ang magluluto ng breakfast natin. Palaging napapagod sila Manang Nelia sa paggising sa 'yo tuwing umaga. Gano'n ka ba talaga?"
Nakaramdam naman siya ng hiya sa sinabi ng binata. Well, she's not really an early riser. Noong nag-aaral pa siya ay palagi siyang late. At noong nagtatrabaho naman na siya ay madalas niyang napaghihintay ang pasyente. She's just so lazy in the morning.
Napailing-iling si James nang makitang ngumisi lang siya. He doesn't look disappointed, tho. Kaya ayos lang.
Pagkatapos mananghalian na si James lahat nagbayad ay bumalik na rin sila sa ospital. Nagkakausap na si James at ang Kuya Tristan niya dahil nagkikita ang dalawang lalaki sa ospital. Hindi pa nga lang nakikilala ni James si Tristeen dahil nag-aaral ang bata at hindi rin napupunta sa hospital ngayon para dalawin ang Daddy nito.
"Sa pediatric ward lang ako." paalam ni James sa kaniya nang makarating sila.
Tinanguan naman niya ito at nginitian. Sa clinic naman niya muna siya. "Okay."
Isang ngiti at tinalikuran na siya nito at naglakad palayo sa kinatatayuan niya. Maia sighed the moment he turned his back at her.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top