01
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, some places, and incidents are just products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, persons, living or dead, is entirely coincidental.
All rights reserved. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form and in any means without the permission of the author.
01
"Sinong James po, Mommy?" Maia was talking to her Mom on the phone.
Nasa bakasyon ngayon ang parents niya at may inuutos sa kaniya ang ina. She leaned on the wall near the fire exit. Tahimik kasi rito. Ang isang kamay ay nasa bulsa ng suot niyang doctor's robe.
"Ang anak ng Tita Elvira at Tito Rodrigo mo, hija." anang Mommy niya mula sa kabilang linya. Naririnig niya sa background ang boses ng Dad niya. Napangiti siya. Masaya siyang mukhang nag-e-enjoy ang mga magulang niya sa pinuntahang lugar.
Pinapasundo sa kaniya ng ina ang pinsan niya raw sa airport. Ngayon kasi ang dating nito galing ibang bansa kung saan ito lumaki at naninirahan ang Tita at Tito niya na younger brother ng Dad niya.
"Okay po, Mommy."
"Huwag mong paghihintayin doon sa airport ang pinsan mo, Shemaia-" paalala pa nito.
"Yes, Mommy. Aagahan ko po ang pagpunta roon mamaya." she assured.
She heard her Mom sighing. "Okay. Walang ibang susundo sa kanya kung 'di ikaw." huling bilin nito.
"Bye, Mom."
Binaba niya ang cellphone at naglakad sa mahabang hallway ng ospital. Her family own this hospital and she's a doctor, too, just like her parents and older brother. Hindi nga lang gaya ng mga ito na parehong mga surgeons. Doctor naman ng mga bata si Maia. Iyon ang pinili niya.
"Doc," agad ngumiti sa kaniya si Dr. Charmaine Fuentes nang magkasalubong sila. Pamangkin din ito ng OB ng asawa ng kuya niya. At naging magkaibigan na rin sila ng doktora.
"Hi!" she greeted back.
Ilang sandali pa silang nag-usap habang papalapit sa office/clinic niya sa ospital. Nagpaalam na rin sila sa isa't isa pagkatapos.
Nag-retouch siya ng konti at kinuha na ang bag niya at susi ng sasakyan. Lumabas siya ng malaking ospital patungo sa parking lot. Pumasok siya sa kotse niya at nag-drive na patungo sa airport.
Sinasabayan ni Maia ang music na pinatugtog niya sa loob ng sasakyan. Sa totoo lang ay hindi naman talaga siya maka-relate sa kantang thank u, next ni Ariana Grande. Dahil wala pa naman siyang nagiging ex. Never pa siyang nagka-boyfriend.
Strict ang Daddy niya at mataas ang expectations sa kanila ng Kuya Tristan niya. Kaya naman halos sinubsob nalang ni Maia ang sarili sa pag-aaral noon. Ayos lang din naman. She's now a doctor. And her brother's also successful. Kaya tingin niya ay tama lang ang pagiging mahigpit ng parents nila sa kanilang magkapatid.
May bagay na hawak si Maia kung saan nakasulat ang pangalan ng sinusundo roon sa airport. Hindi pa niya namemeet ang pinsan niyang ito. Sa States kasi talaga nakatira ang Tito Rodrigo niya at ang pamilya nito. At ngayon pa lang din uuwi rito sa bansa ang nag-iisang anak nitong isa rin doctor. Iyon lang ang alam niya.
Ilang sandali pang nakatayo lang doon si Maia at matiyagang naghihintay. Nang unti-unti siyang natigilan at naramdaman ang pag-awang ng sariling labi. Parang biglang bumagal ang lahat ng galaw sa paligid. At natuon lang ang mga mata niya sa iisang tao...
Tinutulak ng guwapong lalaki ang sarili nitong mga bagahe. Mukha itong anghel na kabababa lang galing langit. Parang may kung anong liwanag ang nakapalibot sa pagkatao nito. And then suddenly he smiled... at her!
Huli na nang ma-realized ni Maia na nasa harapan na pala niya ang lalaki! Nasa hawak niya ang tingin nito kung saan naro'n malamang ang pangalan nito. Natarantang binaba ni Maia ang hawak at pilit kinalma ang sarili sa paghuhuramentado. "H-Hi!"
Hindi niya malaman ang gagawin! And then she came back to her senses... Ilang sandali siyang napatitig sa lalaki. He's...
"You're my cousin, Shemaia?" kahit ang boses nito ay parang nakakaakit... Ano? Nanibago si Maia sa mga naiisip.
She gulped and then it finally hit her. Cousin. He's her cousin. Ang nag-iisang anak ng Tito Rodrigo niya. This is James Anthony dela Cuesta. And they carry the same surname.
"M-Maia nalang,"
James nodded and smiled at her. She can't help but gulp at the beautiful sight. Bahagya siyang tumikhim bilang pagsaway na rin sa sarili. "Uh... Let's go?" aya niya pagtapos ng ilang sandali.
Muli itong tumango at sumunod na sa kaniya palabas ng airport. The moment Maia turned her back at him ay mariin siyang napapikit. What the hell, Shemaia? Did you just got attracted to your cousin?! She blew a sigh. Napangiwi nalang siya sa sarili.
Pumasok sila sa sasakyan matapos mailagay sa compartment ang luggage nito. Nagsuot ng seatbelt si Maia at naghanda nang mag-drive. James was also already properly seated on the passenger's seat.
"By the way, you can call me Kuya James. I'm years older than you, right?" James started a conversation habang nasa biyahe sila.
Sinulyapan ni Maia ang lalaki. "Y-Yeah..." hindi pa rin halos talaga siya nakaka-recover sa nangyari kanina sa airport.
"Sa inyo raw din muna ako mag-s-stay sabi ni Mom, okay lang ba 'yon?"
Muli niya itong sinulyapan mula sa pagmamaneho. And she was a bit amazed. "You can speak tagalog?"
Nakangiti itong tumango. "Yup. Nagpaturo ako kay Mommy."
Napatango-tango si Maia. "Nice." napangiti rin siya and slowly she loosen up. "Oo naman. You can stay in our home. Kaming tatlo lang din naman nila Mommy at Daddy ang nakatira roon with some maids and guards. Ang Kuya ko kasi bumukod na with his daughter and fiancée. He's getting married." kwento niya.
"Tristan?"
"Yes." Maia nodded. "You know my brother?"
Bahagyang umiling si James. "Not really. Nakukwento lang kayo sa akin ni Dad."
Napatango-tango siya. "Ah."
"And he has a daughter?" there was a hint of excitement in his voice.
Nakangiti siyang sumulyap sa lalaki. "Yeah."
"I actually love kids. Reason why I'm a pediatrician, you see." anito.
Pareho pa pala sila. "Nako, baka sukuan mo rin ang kakulitan ni Tristeen. Napakapilya ng batang 'yon." nakangiting aniya nang inalala ang pamangkin.
"Ayos lang. I can handle. When can I meet our niece?"
"Madalas din namang bumisita sila Kuya sa bahay." she answered. Well, they're cousins so technically yes, Tristeen is their niece. Bakit ba parang hindi pa rin siya makapaniwalang magpinsan nga sila ng lalaki?
She parked her car in front of their house. Maagap namang may sumalubong sa kanilang mga kasambahay. Para na rin tumulong sa pagbaba ng mga gamit ni James mula sa back compartment ng sasakyan niya.
Ngayon lang yata na-attract si Maia sa isang lalaki. At sa pinsan pa talaga niya? She sighed heavily.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top