Hearts Collide

AyamiLu © 2015 

_________

"Pangit! Libre mo naman ako."

Binatukan ko sa ulo si Ace nang abutan niya ako. "Aw! Bakit mo naman ginawa iyon?!"

"Sige! Ipagsigawan mo pang pangit ako!" Kainis 'to. Kung makasigaw, parang walang tenga ang mga taong nadadaanan namin.

"Nahiya ka naman? Oo na, maganda ka na." Kinurot pa niya ang pisngi ko. Napasigaw ako. Ang sakit kaya! Hindi pa ito nakontento, inakap pa niya ako.

Yakap? More on head-lock.

"Lumayo ka nga sakin! Batukan ulit kita diyan eh." Tinulak ko siya pero grabe! Parang linta kung makadikit sakin. "Ang baho mo! Hindi mo ba naaamoy sarili mo?" Umingos ako kasi amoy pawis eh. Nasa ilong ko na din ang kili-kili niya. Pero wala. Diniin pa niya sa mukha ko ang braso niya. "Yuck! Ano ba! Ace!" reklamo ko.

Aba! At tinawanan lang ako ng mokong!

"Alam mo, Hanie, tatanda kang dalaga niyan. Napaka-amozona mo kasi," sabi niya sa'kin. Kinurot ko siya sa gilid. "Aray naman! Nakakarami ka na ha."

"Bitawan mo nga kasi ako. Nasasakal na ako!" Pinilit kong umalis sa braso niya. Mabuti na lang alam kong may kiliti siya sa tagiliran niya kaya ginamit ko iyon para mapakawalan niya ako.

"Parang iyon lang?" sabi niya habang inaayos ko iyong buhok ko. Sabog na nga iyon, ginugulo pa niya. Asar! "Ang arte talaga," bulong lang iyon pero halatang pinaparinig pa niya sa'kin. Tumaas tuloy ang kilay ko.

"Nakakalimtan mo yata na babae ako, at magkasing tangkad lang kami niyang kili-kili mo. Maawa ka naman sa'kin, damulag!"

"Arte," he muttered again.

Umingos lang ako sa kaniya. Mabuti na lang at hindi na niya ako ginulo habang naglalakad kami sa daan. Nauna siyang maglakad at nasa likuran lang niya ako. Napatingin ako sa kamay niya na nakasuksok sa ilalaim ng bulsa niya.

We used to hold hands together while walking. Walang malisya iyon kasi best friend ko naman siya at sabay kaming lumaki. In fact, our families were close, tight as a clamp. Ganoon din kami ni Ace. Madalas nga kaming tawaging kambal tuko eh.

He was my best friend ever since I could remember. Though matanda siya sa'kin ng dalawang taon, age was never an issue between us. Two years is just a small gap for us. Kaya turingan namin, parang magkapantay lang. Walang ate, walag kuya.

Pero most of the time, he act like a big brother. Napaka-protective niya kapag may nambubully sa'kin at kapag may umaaligid na manliligaw. Noong high school pa lang kami, nakabakod siya lagi. At kahit noong nasa college na siya, lagi niya pa rin akong hatid-sundo.

I thought matatapos iyon kapag nag-eighteen na ako. Pero lalo lang siyang naging mas strikto. I couldn't even wear short shorts or sleeveless shirts kasi nagagalit siya.

Gusto ko ngang isiping nagseselos siya sa mga nanliligaw sa'kin eh. But I would just fool myself. Kasi may girlfriend na si Ace—si Veronica. Maganda, makinis, maputi, at sexy. Hindi katulad kong magaspang ang kamay, payat na payat, at palaging sabog ang buhok na parang dinaanan ng pinagsamang ipu-ipo at bagyo.

Napabuntong-hininga ako. Ang hirap pala talagang ma-inlove sa best friend mo.

Kasalanan ko naman kasi. Ako ang dahilan kaya nagkakilala sina Ace at Veronica. Pa'no naman kasi, naghahanap ng mai-interview noon si Veronica para sa school magazine tungkol sa mga varsity player. Eh nagkataong kasali ako sa project na iyon ng school magazine kaya si Ace ang nirepresenta ko. Siya lang naman ang close kong varsity player.

Tapos doon na nagsimula. Lagi na lang magkasama sina Veronica at Ace. Doon din sila nagka-developan siguro.

Samantalang ako, 18 years ko ng kasama si Ace pero hindi pa rin niya ako napapansin.

Ano bang aasahan ko? Kapatid na yata ang tingin niya sakin. Ang masaklap pa, pangit ako sa paningin niya. Sa tuwing tinitingnan niya ako, iyong madungis na batang Hanie yata ang nakikita niya eh. Iyong iyakin, ngawa nang ngawa, mabaho at mukhang walis tingting na version ko.

Kaya siguro hindi niya ako ginawang date noong senior night nila. Kasi ang pangit ko at pagtatawanan lang siya ng mga kabarkada niya. Kaya si Veronica ang sinama niya kasi maganda nga siya.

"Uy, isaw!" Narinig kong sabi bigla ni Ace tapos hinatak niya ako kaagad papunta sa nagtitinda ng isaw.

"Ayoko diyan! Wala akong pera!" reklamo ko. Wala naman talaga akong pera. Pinag-iipunan ko iyong sapatos na balak kong iterno doon sa damit na binili ni Mama para sa acquaintance night namin. Malapit pa naman iyon.

"Napakakuripot mo talaga." komento niya. "Manong, magkano po 'to?" Hindi pa nakakasagot ang mamang nagtitinda, nagsimula na siyang mamili ng kakainin niya.

"Patay-gutom talaga. Hoy, damulag, hindi ako ang magbabayad niyan." sabi ko sa kanya. Mamaya ako na naman ang pagbayarin niya.

"Kumain ka na nga lang. Kuuripot." Kumagat siya sa isaw niya. Isang stick ng fishball na lang ang kinuha ko kasi mura lang iyon. Pero bago ko pa iyon makagatan, naagaw na iyon ni Ace sa'kin.

"Ito ang kainin mo. hindi ka tataba sa fishball na iyan." Pinalitan niya ng manok ang fishball ko.

"Teka! Ang mahal nito!"

"Kumain ka na nga lang diyan. Ako na nga ang magbabayad eh." Napatitig ako sa kanya. "O, ba't ganyan ka makatingin?"

Naningkit ang mga mata ko. "Manlilibre ka? Anong okasyon? Tumubo na ba'ng Adam's apple mo?"

He smirked. "Matagal na akong may Adam's apple. At kung 'di mo rin nahahalata, may six pack abs na rin ako ngayon," pagmamayabang pa niya.

"Ha-ha. Saan mo nilagay? Hindi ko kasi makita eh."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Gusto mong bayaran lahat 'to?"

Napangiti ako sabay tapik sa balikat niya. "'To naman! 'Di na mabiro. Oo na, ang macho-macho mo na. Kasing macho mo na si James Reid."

"Napipilitan ka lang yatang sabihin iyan eh. Akin na nga—"

Mabilis kong inubos lahat ng nasa stick para 'di na niya maagaw iyon. "Wala na. Ubos na!" sabi ko kahit puno pa ang bibig ko.

"Kadiri ka talaga."

Nginitian ko lang siya. Pero nanigas ang mukha ko noong inabot niya ang gilid ng bibig ko para punasan iyon. Napatitig na lang ako sa mukha niya dahil sa gulat.

"Para ka pa ring bata kung kumain. Ang kalat."

Mabilis na sinuway ko ang pag-arangkada ng puso ko. Heto na naman ako. Hindi na ako natuto. Ilang beses ko ng sinulat sa new years resolution ko na ibabaon ko na ang feelings ko kay Ace pero sa tuwing nagiging mabait at attentive siya sa'kin, laging nagbaback-fire.

Hindi dapat gano'n, Hanie. Move on din tayo 'pag may time.

Malapit na kaming dumating sa bahay nang magsalita si Ace. "Sinong makaka-date mo sa acquaintance night niyo? Malapit na iyon diba?"

"Si Shawn."

Tumigil siya sa paglalakad. "Lagot sa'kin ang lalaking iyon mamaya."

Umikot ang mata ko. Hindi ko lang maiwasan. "Ano, tatakutin mo na naman? Ace, puwede ba. Tigilan mo na iyang pagiging OA mo. Buti nga may nagkalakas-loob pang manligaw sa'kin kahit na may alalay akong pating."

"Sinong pating?" iritadong tanong niya.

Hindi ko siya sinagot at pumasok na ako sa gate namin. "Sige na. Papasok na ako. Magkita na lang tayo sa acquaintance night. Bye!"

"Hanie!"

Naghihimutok na naman. Bahala ka diyan.

Ang totoo, hindi naman nanliligaw si Shawn sa'kin. Guni-guni ko lang kung liligawan ako no'n. Para ko na ring kababata iyon. Pero mas close nga lang siya kay Ace.

May gusto lang siyang pagselosin na batch ko kaya siya na lang ang ginawa kong ka-date ko. Gusto ko din siyang tulungan kasi kaibigan ko din naman siya kahit papaano.  

Bago ang party, tumawag sa'kin si Shawn.

"Hanie, wala bang nababanggit sayo si Ace?" tanong niya sa'kin.

"Tungkol saan?" I heard him sigh. "May nangyari ba?"

"He's drunk."

 Kinabahan ako. Minsan lang kasi umiinom si Ace. At nangyayari lang iyon kapag may matindi siyang problema. "Shawn, what happen?"

"Nica broke up with him."

"What?!" Napatayo ako mula sa kama ko. "Nasa'n siya ngayon?"

"Don't worry. Naiuwi ko na siya."

Bakit? Ano'ng nangyari?

Hindi ko na nakita si Ace after that news. Parang nagtatago siya sa'kin at ayaw niya akong makita. Ayaw niyang tanungin ko siya. Ayaw niyang magpaliwanag. Nasaktan siguro siya ng sobra sa break-up nila ni Veronica.

All I could do was sigh against the pain. Bakit ganoon? Hindi naman ako iyong iniwan pero pati ako nasasaktan. Ako din ang nalulungkot.

Ace must've been so heartbroken right now. I wish I could be there beside him. Gusto kong pagaanin ang loob niya. Pero paano ko magagawa iyon kung hindi naman siya nagpapakita? Ni ayaw niya akong kausapin sa tuwing tumatawag ako sa kanya at sa bahay nila. .  

"Hanie, bilisan mo na diyan! Nandito na si Shawn!"

I sighed. Kanina pa ako tinatawag ni Ma at kanina ko din pinapahintay si Shawn sa ibaba. Parang gusto kong sabihing may sakit ako para hindi na ako makapunta sa acquaintance party eh. Mas gusto ko na lang samahan si Ace sa bahay nila at sabayan siya sa pagluluksa niya. Nang sa ganoon, hindi niya solo lahat ng sakit at lungkot. Diba nga ang sabi nila, gumagaan ang pakiramdam ng isang taong may problema kapag may kasama siya?

Pero hindi ko puwedeng talikuran na lang si Shawn ngayong gabi. I promised to help him. Naisip kong umalis na lang pero uuwi din ako kaagad. Gusto kong samahan ang best friend ko.

Hinatid ako ni Shawn sa venue. Ang guwapo niya sa suot niyang gray suit at pink tie. Ako naman naka-jersey dress, kulay pink din. Hindi naman kami masyadong prepared ngayong gabi.

Everyone was having a night of their lives. Masaya at napaka-lively ng party. Pero 'di ko magawang magsaya ng lubos kasi inaalala ko ang best friend ko. Baka mamaya, naglasing na naman iyon. Wala pa naman iyong kasama sa bahay nila kasi nag-out of town ang daddy niya para sa seminar at sinamahan ito ng mommy niya. Iba pa naman iyon kapag nalalasing. Nagwawala.

Nasa gilid lang ako nakaupo. From the crowd, naaninag ko si Veronica. She's with someone.

Agad akong napatayo. Hindi ko na alam kung anong ginagawa ko. Basta ang nasa isip ko lang, bakit niya niloko ang best friend ko. Hindi naman makatarungan iyon. Ace loved her, alam ko iyon. Pero bakit pa rin siya niloko ni Veronica?

Kung sana.. kung sana hindi ko na lang siya pinakilala kay Ace. Hindi sana mangyayari 'to. Hindi sana masasaktan si Ace ng gano'n. Hindi sana ako nalulungkot ng ganito.

"Hanie." Biglang tumayo si Shawn sa harap ko. "Don't," he warned. Mukhang alam niya na kung ano ang balak kong gawin.

Pero hindi ako nakinig. I pushed him away at lumapit kay Veronica, kasama ang bagong boyfriend niya na pinalit niya kay Ace.

Veronica stopped when she spotted me. Mukha pa siyang nagulat. What did she expect? Hindi ko malalaman na niloloko niya best friend ko? Dinala pa talaga niya sa acquaintance party ang lalaking 'to.

"Puwede ba tayong mag-usap?" sabi ko sa kanya. Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Nagpunta ako sa labas ng venue para makapag-usap kaming dalawa ng tahimik.

"How's he?"

Nairita ako sa tanong niya. Pagkatapos niyang makipagbreak kay Ace, itatanong niya sakin kung kumusta siya?

"Ayun, nagluluksa. Ni ayaw niya akong kausapin," sabi ko na lang. "Nica, ano ba kasing nangyrai? Bakit ka nakipagbreak sa kanya? Alam mo namang mahal ka no'n, diba"

Imbis na maguilty siya, biglang naging malungkot ang mata ni Veronica. Mayro'n ba siyang hindi sinasabi sakin? Sinundan ko siya nang umupo siya sa isang sulok. She looked sad.

"Iyong totoo, sino bang nakipagbreak? Ikaw o si Ace? Sa hitsura mo ngayon, parang si Ace ang nang-iwan sayo." Naku! Uupakan ko talaga ang lalaking iyon!

Pero umiling si Veronica. "No. Ako ang nakipagbreak kay Ace, Hanie"

Kung gano'n, totoo nga. "Pero bakit?" Akala ko sila na magkakatuluyan habambuhay. They were the perfect couple. I gave up my feelings for my best friend kasi alam kong wala na akong chance. Na si Veronica lang ang babaeng mamahalin ni Ace. Pero bakit ito nangyayari? Hindi ko maintindihan.

"He's not inlove with me." she said. Her voice was full of sorrow and hurt. Papaniwalaan ko na siya eh, kaso, I found it hard to believe.

He's been inlove with her since the moment he laid eyes on her. Alam ko iyon kasi nakita ko kung paano lumiwanag ang mga mata ni Ace nang mga oras na iyon. Nakita ko kung gaano kasaya si Ace kapag kasama niya si Nica.

"Nica, ano ba iyang pinagsasasabi mo? Mahal ka ni Ace." giit ko pa.

Ngumiti siya ng malungkot. "Marami kang hindi alam, Hanie. Alam mo ba kung bakit ako nakipagbreak sa kanya?" Tiningnan niya ako. "It's because he's in love with his best friend."

Napipilan ako. Ilang beses pa akong pumikit dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Ace is in love with me?

Nagpatuloy si Veronica sa pagsasalita. "Ikaw lagi ang bukambibig niya. He can't even give me the attention I want because kailangan pang nasa gitna ka. I want to be mad at you, you know. Because you're so important to him more than me. No'ng nagkasakit ka sa prom night, he didn't even show up dahil wala ka. Sa first anniversary namin, kailangan pa niyang umuwi ng maaga kasi birthday mo. He wanted to spend more time with you kaysa sa'kin."

"P-pero... minahal ka ni Ace, Nica." Iyon ang alam ko.

"Maybe he did. Or maybe he was just not aware of his feelings for you then."

My mind was racing. My heart was beating like a drumroll.

Pakiramdam ko, para akong nakabitin sa ire. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. I feel happy but at the same time I don't want to hurt someone very close to me. Kaibigan ko si Nica, at mahal niya si Ace.

Veronica reached for my hands. "Don't hold back your feelings for me. I love Ace but I want him to be happy. He loves you, Hanie. At alam kong mahal mo din siya." I looked at her with surprise. "Babae din ako, Hanie, and I'm your friend. Kilala kita kaya alam kong may lihim kang gusto sa best friend mo. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kay Ace?" Sumilay ang isang ngiti sa mukha niya, pero agad din iyong nasalinhan ng lungkot.

"Nica..." Iyon lang ang kaya kong sabihin.

She shook her head. "I'm okay. I will be." She gave me an encouraging smile. "It's partly my fault too. Alam ko na, dati pa, na mayro'n ding feelings sayo si Ace pero sinagot ko pa rin siya. I just wanted to take my chance with him. Pero mahirap makipagkompitensya sa isang taong halos buong buhay na niyang nakasama." She sighed and stood up. Hinila niya ako patayo. "I will sound hypocrite kung sasabihin kong okay lang na maging kayo, but if I could be honest, I wouldn't feel like a loser if it will be you."

Iniwan niya akong tulala at lunod sa pag-iisip. Pilit ko pa ring iniintindi ang mga sinabi sa'kin ni Veronica.   

He's in love with his best friend...

He's in love with me...

"Hanie!"

Nagulat ako nang marinig ko iyong boses ni Ace. I looked around at nakita ko siyang tumatakbo papunta sa'kin. Napatayo ako nang wala sa sarili. He slowed down when he saw me. He was wearing a simple t-shirt and cargo shorts. Hingal siya nang hingal. Halatang galing pa siya ng bahay nila.

Pero bakit siya nandito?

"Thank God!" he muttered and went straight to me at walang kaabog-abog na niyakap ako. Hindi agad ako nakagalaw sa gulat. "Kahit kailan talaga, pinag-aalala mo ako."

"Ba-bakit ka nandito?"

"Shawn called me. Ang sabi niya kinausap mo daw si Nica."

Naalala ko lahat ng pinag-usapan namin ni Veronica kanina. I was starting to tear up. "Ace."

"Hmm?"

"Totoo ba?"

"Ang alin?"

"Na hindi ka pumunta sa Senior's night ninyo kasi may sakit ako." Naramdaman kong tumango siya. "Alam mo bang gusto kitang gulpihin ngayon?"

"Alam ko. Kaya nga hahayaan na kitang gawin iyon."

I punched his arm. Hindi siya nagsalita. Hindi siya gumalaw. He was just hugging me.

"Bakit hindi ka nagpakita sa'kin? Alam mo bang alalang-alala ako sayo?" I punched him again. And again. At inulit ko pa iyon habang sumisinghot ako. Umiiyak na ako. I was just overwhelmed with the emotions swirling inside my chest.

Akala ko hahayaan niya lang akong suntukin siya. Pero bigla niyang hinuli ang kamay ko at kinulong iyon sa dibdib niya. He looked at me. At nakita ko ang tinging kay Veronica niya lang pinapakita. And I suddenly realized, he had the same look when he was dancing with me at my eighteenth birthday.

"I'm sorry." he said. "Hindi ko lang kayang magpakita sayo after realizing I'm a jerk. Ang tagal kong nabulag. Hindi ko pa malalaman ang totoo kong nararamdaman kung hindi lang sa'kin pinamukha iyon ni Nica. Hindi ko pa mare-realize kung gaano ka ka-importante sa'kin kung hindi sumulpot si Shawn para magpapansin. Minsan gutso ko siyang upakan eh." Pinunasan niya ang pisngi ko. "Nica's right. I've been in love with you and I didn't even realize it on my own."

Suminghot ako. "Manhid ka kasi."

"Ako? Manhid?" Then he's forehead knotted at saka ako pinakatitigan. "What does that mean?"

Lumayo ako sa kanya para tumakas. I was feeling so shy and embarrassed! Bakit ko pa kasi nasabi iyon?!

"Pangit!" tawag niya.

I groaned. "Sabing 'wag mo akong tawaging pangit eh!"

"Tumigil ka nga muna sandali. Nag-uusap pa tayo." We looked ridiculous. I was wearing a gown at siya nakapambahay lang. "May gusto ka bang sabihin sa'kin?"

"Wala!" sigaw ko.

"Hanie."

Tumigil ako at hinarap siya. "Alam mo naman ang pangalan ko, bakit 'pangit' ka nang 'pangit'?"

"I like calling you pangit. Isa pa, para pumangit ka din sa paningin ng iba. Ayokong may umaali-aligid na kumag sayo." Napangiti ako sa sinabi niya. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." paalala niya.

Kinuha ko iyong palad niya. Doon ko sinulat ang mga salitang matagal ko ng gustong sabihin sa kanya.

I love you.

He grinned and kissed my forehead. "I love you too, Pangit."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top