Simula

Simula

Grade 5 ako noon nang nagsimula akong humanga kay Noah Elizalde. Kapatid siya ng kaklase kong si Reina Elizalde. Nagpasalamat talaga ako sa lahat ng santo at pinagtagpo kami ni Reina. Paano ba naman kasi, malaya akong nakakapaglaro sa bahay nila tuwing weekends at maaninag ko na naman ang kagwapuhan at kamisteryosohan ni Noah.

"Coreen, sayo tong barbie na 'to. Tapos akin 'to. Kunware Wendy ang pangalan ko..." Patuloy na nag iilusyon si Reina na kaming dalawa ay mga barbie at nagluluto sa loob ng malaking dollhouse niya.

Ako naman, nganga na lang habang pinapanood si Noah sa sala nilang tumutugtog ng gitara. Tumitingin siya sa kawalan habang nakaawang ang bibig niya, para bang pinapakinggan niya ang sariling pagtugtog.

"Coreen!" Sigaw ni Reina nang narealize na hindi na ako nakikinig.

Si Noah Elizalde ay mas matanda ng isang taon saming dalawa ni Reina. Grade 5 kami nung Grade 6 siya. Sikat siya sa school. Hindi lang dahil gwapo siya at mayaman, kundi dahil na rin sa galing niyang mag gitara. Palagi kong dinidaydream noon na hinaharana niya ako sa bahay namin. Lagi akong natutuwa tuwing naiisip ko siyang nakangiti at tinitingala ako sa bintana.

"Dude, uwi muna ako ng bahay." Untag ni Bench na kapitbahay nina Reina.

Natigil ang lukaret sa paglalaro nang narinig na nagpaalam ang crush niya.

"Huh? O sige." Sagot ni Noah.

Napakamot sa ulo si Bench.

"Oh? Ba't ka uuwi?" Tanong ni Ynigo.

"Oo nga... Laru muna tayo." Sabi ni Stan.

"Kakarating lang ng pinsan ko."

"Sinong pinsan?" Natigilan si Warren.

"Si Eliana." Ngumingising sinabi ni Bench.

Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Noah sa sinabi ni Bench.

"Galing probinsya?" Kumislap ang mga mata ni Noah. "Sinong kasama?"

"Yung katulong namin, si tito, tsaka si Muse."

Tanga ako minsan pero hindi ako tanga palagi. Mulat na mulat ako sa mga bagay na ganito dahil kay Noah. Alam na alam ko kung ano ang reaksyon ng mga taong may gusto sa isa.

No... Noah wasn't interested with Eliana Jimenez - Bench's cousin. He was interested with someone else...

Nagdidilig si Muse ng halaman sa labas ng bahay ng mga Jimenez. Tapat lang ng bahay nina Reina ang bahay ng mga Jimenez kaya't madali lang kung gusto mong puntahan.

Si Muse ay katulong sa bukid nina Bench. Madalas siyang nagpupunta dito tuwing bumibisita si Eliana. Kaedad ko yata itong si Muse kaya't madaling pakisamahan.

"Hi!" Ngumisi ako at nilapitan pa lalo siya.

"Hello..." Ngumisi si Muse.

Maganda talaga siya. Alam niyo yung di na kailangan ng lipstick para pumula yung labi niya? Hindi na kailangang kulutin ang buhok sa tips para lang magkaroon ng katawan yung buhok niya? Hindi na kailangang kuskusin ng loofah yung balat niya para lang kuminis? Bagay na bagay ang pangalan niya sa kanya... Muse... And Noah's really intereseted with her.

"Ako nga pala si Coreen..." Pagpapakilala ko.

Tumango si Muse at naglahad ng kamay.

Ay? Ganun pala yun? Pag nagpapakilala kailangan makipagkamayan? Pormal din ang babaeng ito ah? Nakuha niya kaya si Noah sa kamayan? Kinamayan ko siya at naramdaman ko ang lambot ng kanyang palad.

"Ako nga pala si Muse." Ngumisi siya.

Hindi ko naman siya pwedeng tanungin agad kung anong hilig niyang lalaki nang malaman kung may pag asa ba si Noah sa kanya... Pero sinong binibilog ko? Ang sarili ko? Tanga na lang ang babaeng hindi magkakagusto kay Noah!

"Ah! Kaibigan ako ni Reina Elizalde at Noah Elizalde..." Sabay turo ko sa bahay nina Reina sa tapat.

"Ahh! Si Noah..." Bumungisngis siya na para bang may alam siyang di ko nalalaman.

Nagkasalubong ang kilay ko.

"Bakit? Anong meron kay Noah?"

"Ah! Wala." Nakita kong pumula ang pisngi niya.

Na ha-high blood na ako walang hiya! Sarap supalpalin ng masetera ang mukha! Nakakainis! Pigilan niyo ako!

Just in time, may humawak sa braso ko. Nilingon ko ang mapangahas na humawak sa braso ko. It was Reina's brother, Rozen Elizalde.

Seryoso ang kanyang mukha habang tinitignan si Muse na nakatingin saming dalawa.

"What are you doing Coreen?" Tanong niya.

"What?" Galit kong sumbat.

"Bakit mo kinakaibigan ang isang 'to?" Sabay tingin niya kay Muse.

"What?"

Actually, Rozen, hindi ko siya kinakaibigan. Nag reresearch ako for my own good.

"Hindi ka dapat nakikipag kaibigan sa tulad niya." Aniya.

"Why, because she's just a maid?" Tanong ng isang pamilyar na boses sa likod ko.

Kumirot ang puso ko at unti-unti akong lumingon sa nagsalita. Nakita ko ang galit sa mga mata ng lalaking noon pa man ay mahal na mahal ko na...

"Will you stop being too judgemental, Kuya?" Sabi ni Noah.

Oh! Damn!

Now, he's angry. Pumagitna si Noah saming dalawa ni Muse. Napaatras si Muse sa ginawa ni Noah.

"I'm not being judgemental, Noah. Coreen should stay home and play with Reina. Hindi yung nandito siya at nakikipagkaibigan sa tulad niya." Sigaw pabalik ni Rozen kay Noah na ngayon ay galit na galit na.

"What's wrong with Muse, she's a good girl!"

Oh! Damn... again... He's defending her. Of course! Pumiglas ako sa pagkakahawak ni Rozen sakin.

"Oo nga!"

Balik loob naman ang peg para hindi masira kay Noah. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Rozen.

"M-Muse is a good girl. Anong problema kung kaibiganin ko siya, Rozen? Friendly akong tao kaya wa'g mo akong pangunahan kung sino ang gusto kong kaibiganin o hindi."

Nanliit ang mga mata ni Rozen habang tinitignan akong nag iiwas ng tingin sa kanya, "You liar." He accused me.

"N-No, I'm not lying!" Sigaw ko kahit na kinakabahan niya.

Bumuntong hininga siya at naglahad ng kamay.

"Let's go, Coreen Samantha..." Alok niya.

Umiling ako, "NO!" Sigaw ko. "I'm staying with Noah!"

Pumihit ako para harapin si Noah na ngayon ay nakatalikod na sakin at nakikipag usap na kay Muse.

"Ayos ka lang ba?"

Umiiyak si Muse kaya tinatahan siya ni Noah. Wait a minute, ba't siya umiiyak? Hindi ko naman siya inaway, ah? At hindi naman ganun kasama ang ginawa ni Rozen!? Napa-O ang bibig ko at binigyan ang sarili ng oras para buminga ng maluwang kasi naninikip na ang dibdib ko.

Pinunasan ni Noah ang luha ni Muse. Hinawakan naman ni Muse ang kamay ni Noah.

"You're too mean, Coreen." Nakatalikod si Noah sakin at iyon ang sinabi niya.

Parang may bumagsak sa puso ko. Ang sakit. Kaya imbes na patuloy ko silang pagmasdan na nag momoment doon, ibinalik ko ang tingin ko kay Rozen na ngayon ay nakatayo parin doon. Gamit ang kanyang mapupungay na mga mata, matama niya akong pinagmasdan bago inilahad ulit ang kamay niya.

"Come with me..."

I would rather be in between than be with the one I don't love. Kaya imbes na pumili ako, tumakbo ako papasok sa loob ng bahay nila at niyakap na lang si Reina.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: