Kabanata 9
Kabanata 9
Sexy Beast
Nanlaki ang mga mata ko sa sumunod na text ni Rozen. Gamit niya ang numero ni Noah! Halos mapasigaw ako sa harap ni Mr. Dimaano habang pinapagalitan niya ang kawawang si Reina.
Noah's Number:
Magkasama kami ngayon. Is this enough for you? R.E.
Hindi niya na kailangang magpakilala gamit ang initials niya dahil alam kong siya talaga iyon. Syempre, hindi naman si Noah ang tipo na mag ti-text sa akin bigla. Matagal na akong may number sa kanya pero hindi ko siya kayang itext. Pakiramdam ko kasi sukdulan na ang gagawin ko sa oras na una ko siyang itext. It's like a matter of life and death.
Nireplyan ko siya sa kanyang numero.
Ako:
Stop texting me through his number, Rozen!
Kinagat ko ang labi ko at tinignan ang nakatalikod na si Mr Dimaano. May quiz na pala kami. Ilang sandali ay nagreply na si Rozen.
Rozen:
We'll date this Friday. Hindi pwedeng hindi.
Tumikhim ako. Ito ang ayaw kong mangyari dito. Ang magkaroon siya ng mga ganitong desisyon dahil sa mga ginagawa niya para sa akin.
Dahil malakas naman ang tiwala kong kayang kaya kong pataubin si Rozen ay pumayag ako sa simpleng hiling niya. Sigurado akong hindi ako ma-iinlove sa kanya dahil nakatoon na ang buong atensyon ko kay Noah. Wala ng makakapagpabago sa isip ko. Ang tagal ko na siyang mahal, at ngayong ilang dangkal na lang ay maabot ko na siya saka pa ako susuko? No.
Kaya naman nang nag Biyernes ay tumupad ako sa usapan namin ni Rozen.
Sisiguraduhin ko na pagkatapos ang date naming ito ay magkakaroon ulit kami ng development ni Noah.
Nakahalukipkip ako habang nakasabit sa braso ko ang bag ko. Tinitignan ko ang flats kong kumikinang sa papalubog na araw. Nasa gazebo ako ng school. Kaonting tao lang ang tumatambay doon kaya doon ko napiling mag hintay. Ngayon ay isang tulog na lalaki lang ang nandito.
Biglang tumunog ang cellphone ko at nakita kong si Reina ang tumatawag. Nagkibit-balikat ako at sinagot ang tawag na iyon.
"Hello, Coreen? Uuwi na ako. Nandun si Noah sa bahay, practice nila ngayon." Pambungad niya.
Darn! Sayang!
"OO NGA PALA! OMG! HUHUHU." Umasal akong nakalimutan iyon.
Sorry, Reina. Naguilty agad ako sa pagpapanggap ko sa kanya. Alam kong may practice si Noah ngayon at sana ay nandoon ako sa bahay nila. Kaya lang, may usapan kami ni Rozen ngayon.
"O bakit?"
"Hindi ako pwede ngayon. May meeting pa kami ng group ko tsaka susunduin ako ni daddy dahil may dinner kami kasama ang kasosyo nila. Sheeet!" Napapikit ako sa pagsisinungaling ko.
Isang araw, aamin din ako sa pagsisinungaling ko.
"Talaga? Naku! Sayang naman!" Disappointed niyang sinabi.
"Wait... ibig sabihin nandoon din si Wade?" Tanong ko.
"Oo." Sagot niya.
Napatingin ako sa nakakasinag na something galing sa gilid ko. Naaninag ko ang mukha ni Rozen. Ang nakakasilaw sa kanya ay ang kanyang earring. Sumandal siya sa gilid ko saka humalukipkip. Tumindig ang balahibo ko sa titig niya.
"O... Sige na... Naku! Goodluck! Nandito na kasi yung mga ka-group ko. Next time na lang. Magkwento ka mamaya, ah?" Nagmamadali kong sinabi kay Reina.
"Oo. Sige. Bye."
Pinutol ko agad ang linya. Baka mamaya magsalita si Rozen at marinig pa ni Reina ang boses ng kapatid niya sa background. Agad kong kinunot ang noo ko bago bumaling sa kanya.
"Kailan pa ako naging ka group?" Tanong niya.
"Bakit? Anong sasabihin ko kay Reina? Na ka date kita, Rozen?"
"You can always say you are dating someone." Ngumisi siya.
"No. Anong iisipin niya na hindi na ako loyal kay Noah? And besides, gusto mo ng sekretong relationship."
Mas lalo siyang ngumisi kaya mas lalo din akong nainis.
"Let's go." Aniya saka kinuha ang kamay ko.
Noong una ay pumiglas pa ako pero tinaas niya ang kilay niya sakin. Umirap na lang ako at hinayaan siyang hawakan ang kamay ko.
Walang buhay kong pinahawakan ang kamay ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niyang nakapark lang ilang metro malapit samin.
Ilang sandali ay pinagsalikop niya ang mga daliri namin kaya mas mahirap ng tanggalin ang kamay ko. May kung ano sa sistema kong nagwawala. Hindi nga lang ako sigurado kung bakit.
Sumulyap siya sakin ng nakangisi. Wala talaga akong gustong gawin tuwing nakikita ko siyang ngumingisi kundi ang pagsalubungin ang kilay ko.
"Ganda mo talaga." Umiling siya saka pinagbuksan ako ng pintuan.
Natigilan ako sa sinabi niya. Pero agad kong kinalabit ang sarili kong utak para matauhan ako.
"Nagpaganda ka ata lalo dahil sa date natin, ah? Natatamaan ka na ba Coreen?"
Napatingin ako sa dress kong sinoot ngayong araw, "Wa'g kang feeling, Rozen. Lagi naman akong dress to kill kaya wa'g mong bigyan ng malisya."
Humalakhak siya, "Kaya nga lalo kitang nagugustuhan, Coreen. Gusto ko ang mga babaeng maalaga sa katawan."
Halos hampasin ko ang bubong ng sasakyan niya dahil uminit ang pisngi ko.
"Yung mga girlfriend mo, Rozen, maalaga sila sa katawan. Wa'g mo akong bolahin ng ganito kasi hindi mo ako madadala. Akala mo siguro mahuhulog ako sa mga salita mong halatang patibong? Hindi." Humalukipkip ako saka dumiretsong pumasok sa loob.
Sinarado niya ang pintuan saka ngumingising umiiling na dumaan sa harapan ko para pumasok sa driver's seat. Umirap ako sa kawalan at hinintay siyang pumasok sa loob.
"Ano bang meron sa mga 'girlfriend' ko at bakit parang may atraso sila sayo?"
"WALA!" Tumingin ako sa labas.
"Makes me want to have more girlfriends. Gusto kong nagseselos ka." Bulong niya sa sarili niya.
"Nung sabi mo?" Tanong ko.
"Wala."
Pinaandar niya agad ang sasakyan ng nakangisi. Mabilis siyang magpaandar. Well, hindi ko naman maimagine na marahan magpaandar itong si Rozen dahil parang palaging nasa bingit ng kamatayan ako tuwing kasama ko siya.
"We'll do typical things today, Coreen. Kumain, manood ng sine." Aniya nang itinigil ang sasakyan sa carpark ng isang mall malayo sa school.
Halos isang oras din ang byahe namin. Sinadya niya yata para walang makakita sa aming dalawa. Mabuti na lang.
Naglahad ulit siya ng kamay sa akin. Napalunok ako habang tinitignan ang seryoso niyang mukha. Pinasadahan niya ng palad ang kanyang buhok at ngumisi ng nakakatindig balahibo.
"First date, Coreen." Utas niya.
"Pagkatapos nito, gusto ko ng schedule sa date namin ni Noah. I don't care how you do it." Sabi ko.
"Sure." Matama niyang sinabi.
Nilagay ko ang kamay ko sa ibabaw ng kamay niya. Pinagsalikop niya ulit ang mga kamay namin.
Tinahak namin ang mall nang magkahawak kamay.
"I don't want you to think about Noah, Coreen. Gusto ko pag tayo ang magkasama, ako lang ang isipin mo."
Aangal na sana ako pero hindi niya ako binigyan ng pagkakataon.
"In a month, Coreen. You'll date Noah. I assure you. At habang hindi pa dumadating ang panahong iyon, kailangan mong ibuhos ang oras mo sakin."
What did this asshole just say?
"Rozen, in a month?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
Ang bilis!
"Yes. So... sa ngayon, I want you to pretend you love me... Just a month, Coreen. Can you do that?" Tanong niya.
Natulala ako sa alok niya. Hinigit niya ako papasok sa isang mamahaling restaurant at pinaupo sa upuan ng table para sa aming dalawa.
"Alright. I will." Sabi ko.
Matama ko siyang tinignan sa mga mata. Nakita kong kumislap ang mga mata niya. Tumagilid ang mukha niya sa pag iiwas ng tingin at nakita kong kumuyom ang perpekto niyang panga. Pumayag ako pero mukha siyang naiinis.
Hinawakan ko ang kamay niyang nasa table. Halos mapatalon siya sa ginawa ko at napatingin agad sa akin.
"Order na tayo, Rozen." Sabay kuha ng menu sa waiter na nag aabang.
Natulala siya habang ako naman ay mabilis na ni-scan ang mga pagkain doon.
"Ano pong sa inyo, ma'am? How about you, Sir?" Tanong ng waiter.
"Yung akin ay sweet and sour chicken." Sabi ko.
"How about you, Sir? May specialty po kami ditong Basil Shrimp. Baka gusto niyong subukan."
Agad na akong nagsalita para kay Rozen, "Hindi siya pwede niyan, eh. Allergic siya sa Shrimp. Chateaubriand na lang po. Since it's his favorite."
Tumango ang waiter saka ngumisi sa akin. "Okay po. In fifteen minutes."
Umalis agad siya at bumaling ako sa nakangangang si Rozen.
"May alam kang mga detalye sa akin?"
Nag iwas ako ng tingin, "Of course. Ilang taon na tayong magkakilala." Ngumisi ako.
I need to act. I needed this. Ito na talaga ang oportunidad na matagal ko ng hinihingi sa Panginoon. Kailangan ko ang tulong ni Rozen. At kung ano man ang dahilan niya't gusto niyang ganito ang sitwasyon naming dalawa ay wala na akong pakealam.
Ngumisi siya saka humilig sa mesa. Table for two lang iyon kaya't hindi ganoon ka laki. Konting hilig niya lang ay magkakalapit na ang mukha namin. Napaatras ako ng bahagya dahil nakahilig rin ako sa mesa. Pero bago ako tuluyang nakaatras ay nilagay niya na ang daliri niya sa baba ko saka binatak ito patungo sa kanya.
Naramdaman ko ang mainit niyang labi sa labi ko. Nakapikit siya habang nanlalaki ang mga mata ko.
"ROZEN!" Napasigaw ako at tinulak ko siya.
Mabilis ang paghinga ko. Smack lang iyon pero halos madismantle ang buong katawan ko sa ginawa niya.
"First kiss ko yun!" Agad kong hinawakan ang labi ko.
"Yes, I know." Ngumisi ang hayop.
Sa unang pagkakataon, mas lalo kong naappreciate ang kagwapuhan niya. He was damn hot. Kaya hindi ko masisisi ang mga babaeng nagpapauto sa kanya. But he's a beast...
Sexy beast.
Hindi ko iyon nagustuhan. Hindi ko nagustuhan ang pagnanakaw niya ng halik sakin. At hindi ko nagustuhan kung bakit walang lumalabas sa bibig ko at ang tanging nakaya kong gawin ay titigan siya ng matatalim.
"Kung mapupunta ka rin naman kay Noah, I will claim what should be mine, Coreen."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top