Kabanata 8

Kabanata 8

Boyfriend-Girlfriend

Tinanggal ko ang braso ko sa kamay niya. Mariing naka tikom ang bibig ko habang nagtititigan kami. Hindi siya natinag sa matatalim kong titig.

"Bakit ko naman gagawin iyon, Rozen? Alam mong di ko yan papatulan dahil kilala kita, marumi kang mag laro. You don't play fair!"

"Binibigyan kita ng chance, Coreen. At alam mong ako lang ang makakapag offer sayo nito."

Nanliit ang mga mata ko. Hindi parin siya nagpatinag. Tinitigan niya lang ako pabalik.

"Kaya ni Reina'ng tumulong sakin."

Tumawa siyang bigla, "Oh please, Coreen. Ilang taon na kayong mag kaibigan. Sabihin mo sakin, may naidulot ba iyon sa relasyon niyo ni Noah? Wala!"

"Hindi ako magpapaloko sayo, Rozen."

Si Rozen Elizalde itong pinag-uusapan natin dito. Wala pa akong naririnig na mabait siya. Playboy siya at kahit ano pa man ang dahilan niya, hinding hindi ako maniniwala sa kanya.

"Come on, Coreen. Hindi ko namang hininging mahalin mo ako, diba? I just want you to date me secretly." Ngumisi siya.

Tumindig ang balahibo ko sa ngisi niya. Pakiramdam ko may hidden agenda siya sa offer niyang ito. Hindi ko iyon nagustuhan pero hindi ko rin maiwasang magtanong...

"Kung totoo yang sinasabi mo, paano mo ako tutulungan kay Noah?" Seryoso kong tanong.

Humakbang siya palapit pa sakin. Iyong tipong mapapaatras na ako dahil nasa personal space ko na siya pero agad niyang pinigilan ang amba kong pag atras.

"Kailan mo gustong i-schedule ang date niyo, Coreen? Sabihin mo lang." Malamig niyang sinabi.

"Kung ganun, bukas." Hamon ko sa kanya.

Ngumuso siya at maigi akong tinignan sa mga mata.

Matapang ko rin siyang tinitigan. Siya pa ang nag iwas ng tingin saka ako sinagot.

"Not until you date me, Coreen."

Umatras na ako.

"Madaya ka..." Sabi ko sa tonong nag aakusa sa kanya. "Lagi naman eh. Ewan ko ba't kinakausap kita."

"All you have to do is be there, Coreen. Hindi mo na kailangang gumalaw. I just want you to be simply there... At ilalakad na kita kay Noah. Pangako." Seryoso niyang sinabi.

May kung ano sa huling salitang sinabi niya na nag aakit sakin. Pakiramdam ko ay tutuparin niya ito. Kahit alam ko kung gaano siya ka hayop ay pakiramdam ko hindi niya naman ako bibiguin dahil sa binitawan niyang salita.

"Paano?" Tanong ko.

Akala ko ngingisi siya sa tanong kong naghahayag ng pagiging interesado sa alok niya pero tumayo lang siya doon at nilagay ang isang kamay sa bulsa. Ang isa naman ay lumipad sa ere sa tabi ng kamay ko. Inilahad niya ito sakin.

Kumunot ang noo ko.

"Ano?" Tanong ko kahit alam ko ang ibig niyang sabihin.

Paano, Coreen? Ganito. Hahawakan mo ang kamay niya. Napatingin ako sa paligid. Wala kaming kakilala pero maraming tao. Nasa labas kaya kami ng coffeeshop sa isang mall.

"Akala ko ba walang effort? Bakit kailangan ko pang iangat ang kamay ko?"

Napaawang ang bibig niya sa tanong ko.

Yes, Rozen. Literal.

Napalunok siya saka tinignan ang kamay naming magkalapit saka niya iyon hinawakan ng mahigpit.

Kumunot ang noo ko at hinawi ang kamay niya.

"This is a ridiculous plan, Rozen." Sabi ko.

Hinawakan niya ulit ang kamay ko.

"But this ridiculous plan will give you your chance, Coreen."

Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Noah. Kung sana ay si Noah ang dadatnan ng paningin ko tuwing tinatalunton ang braso ni Rozen ay siguro sobrang saya ko na. Buong puso kong hahawakan ang kamay niya at magiging mahirap saking bitiwan ito. Kung sana ay tuwing tumitingala ako para tignan ang mukha ng taong nasa harap ko ay mukha ni Noah ang maabutan ko, baka sumabog na ako at naghuramentado na sa kaligayahan. Dahil hindi siya si Noah, wala akong magawa kundi umiling.

"Bakit mo ito ginagawa, Rozen?" Tanong ko.

"Tutulungan kita." Aniya.

"No." Ngumisi ako ng pahapyaw. "Kung gusto mong tulungan ako, tutulungan mo ako ng walang kondisyon. Now, tell me, Rozen, bakit may kondisyon? Bakit kailangan nating lihim na mag date?"

Nakita kong kumuyom ang panga niya saka yumuko muna bago ibinalik ulit ang tingin sakin.

"Baka pag naramdaman kita..."

Ilang sandali pa bago niya nadugtungan iyon. Hindi ako nagsalita. Hinintay ko ang karugtong at tinignan siyang mabuti. Bumuntong hininga siya bago niya nadagdagan.

"Mapapawi na iyong nararamdaman ko sayo."

Humugot ako ng malalim na hininga. I'm in between, alright? Palaisipan talaga sa akin si Rozen. Noon ko pa siya kilala at hindi ko siya pinapansin pero palagi niya akong pinapahalagahan. Naging playboy siya, aniya'y para iyon sakin dahil gusto ko ng challenge. Tss. Hindi ako naniniwala. Kung playboy ka, hindi iyon dahil sa isang babae, talagang malandi ka lang. Kahit anong nagsusoot ng saya ay papatulan mo. Kung nagsusoot lang siguro ng saya ang mga poste ay siguro maging iyon ay papatulan mo rin.

Ngumisi ako. Mas lalong kumunot ang noo ni Rozen.

Nasa gitna parin ako. Gitna ng paniniwala sa kanyang may nararamdaman siya sakin at sa paniniwalang wala. Kalahati sakin ang hindi naniniwala sa kanya dahil playboy siya. Kalahati naman sakin ang kumbinsido dahil ang tagal na nito. Years, Coreen.

"Pagkatapos ng lahat ng ito, titigilan mo na ako?" Tanong ko.

Napaawang ulit ang bibig niya.

Nakita ko ang pag angat ng dibdib niya dahil sa mahaba at malalim na buntong hininga.

"Oo, Coreen. Syempre, dahil pagkatapos nito, kayo na ni Noah."

Natauhan ako sa sinabi niya. Sa di malamang kadahilanan ay nakumbinsi niya ako.

Humigpit ang hawak ko sa kamay niya. Napatingin siya roon.

"Game, Rozen." Sabi ko nang nakangiti.

Lumunok siya bago ngumisi sakin.

Walang kaso iyon sakin. Sa tinagaltagal ng panahon, alam kong diretso ang tingin ko kay Noah. Wala akong ibang maisip kundi si Noah. Wala akong ibang gustong pakealaman kundi si Noah.

At ginagawa ko rin ito para sa kanya.

"Hindi tayo pwedeng makita ng mga kakilala nating magkasama, Rozen. Hindi pwedeng malaman ng mga kakilala natin na may ugnayan tayong dalawa. A deal is a deal." Utas ko habang pinagmamasdan ang looban ng sasakyan niya.

BMW halos lahat ng sasakyan ng mga Elizalde. Kay Noah ang X5, kay Reina ang Coupe, kay Kuya Dashiel ang Hybrid at kay Rozen ang M6 convertible. Pero ngayon hindi ito open dahil mainit. At wag na wag siyang magkakamaling i-open ito lalo na pag sakay ako.

"Yes, po. Pasalamat ka..." Aniya.

Nanibago ako sa linya niya kaya napatingin ako. Sumulyap siya sakin habang tamad na nagdrive at nakita kong napangisi siya. Umiling na lang ako at umirap sa kawalan.

"Kailangan mong masanay, Coreen. Simula ngayon, dinidate na kita." Aniya.

Napalingon ulit ako sa kanya, "Paano si Zoey?" Mali kong tanong.

Agad kong kinagat ang labi ko. Tatlong beses niya akong sinulyapan nang pabalik-balil. Kinabahan tuloy ako at baka mabangga kami.

"What?" Natutuwa niyang tanong.

"Ah! Nakalimutan ko. Secretly nga pala. You can date her too." Matabang kong sinabi.

"Pwede ko naman siyang dispatsyahin kung ayaw mo." Mas lalong natutuwa ang tono niya ngayon.

KUNG ALAM MONG AYAW KO AY BAKIT HINDI MO NA LANG DISPATSYAHIN AGAD? Umirap na lang ako habang tinitignan ang mga nakakasabay naming sasakyan sa labas. Kahit ang mga tao sa dyip ay napapatingin sa amin. Napaparanoid tuloy ako. No, Coreen. Hindi ka nila nakikita. Talagang flashy itong sasakyan nang Elizaldeng ito.

"Hindi pa pwede, damn." Bigla niyang sinabi saka hinampas ang manibela.

Napatingin ako sa kanya.

"At bakit hindi?" Tanong ko.

Ngumuso siya at tinignan ako nang itinigil ang sasakyan dahil sa traffic, "Sa kanya ko nakukuha ang impormasyon tungkol sa crush ni Reina."

"S-Si Wade? Bakit anong impormasyon ang meron kay Wade?" Tanong ko.

Hindi siya umimik. Wala ata siyang balak na sabihin iyon sakin.

"Rozen..." Nagbabanta kong tinawag ang pangalan niya.

"Coreen, may mga bagay na hindi ko pwedeng sabihin sayo."

"GANUN?" Masungit kong sinabi. "May mga bagay na hindi mo pwedeng sabihin sakin? Akala ko ba nag di-date tayo? Ibig sabihin feeling mo girlfriend mo ako. May mga bagay na hindi mo pwedeng sabihin sa girlfriend mo?"

Umiling siya, "Coreen-"

"No, Rozen, you... tell me."

Umiling siya, "Coreen-"

"You tell me, Rozen or I'll break up with you."

Nakita kong namutla siya sa sinabi ko. O, gusto mo ng girlfriend? Yan ang bagay sayo.

Umiling siya at bumaling sakin nang nakahawak sa manibela.

"He's just using her."

Hindi ako makapaniwala sa lahat ng impormasyong nakalap ko galing kay Rozen. Hindi ko alam kung dapat ko ba itong paniwalaan gayung wala siyang ebidensya. Hindi ko rin kayang sabihin kay Reina dahil paniguradong magtatanong iyon kung kanino ko nalaman ang impormasyon kaya nanahimik na lang ako. Hinayaan ko si Reina na dumiskubre sa katotohanan. Tutal ay mukhang nagkakaigihan na rin naman sila.

Napatalon ako nang biglang nag vibrate ang cellphone ko sa gitna ng klase kay Mr. Dimaano.

Nakita kong si Rozen ang galing ang message.

Rozen:

I love you.

Nagkasalubong ang kilay ko at tumindig ang balahibo ko. Bakit kailangan niya pa itong itext sakin?

Me:

Pakilagay ang numero ko sa cellphone ni Noah.

Ilang sandali bago siya nakapagreply.

Rozen:

Alright then.

No chance for you, Rozen. You want me as your girl? Then deal with my shit. Ito lang ang kaya kong ibigay sayo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: