Kabanata 7

Kabanata 7

Date Me Secretly

Paalis pa lang ang sasakyan ni Noah ay bumuhos na ang lintek kong mga luha. Ilang beses niya ba ako kayang saktan? At hanggang kailan ako mapupuno? Kasi sa ngayon, talagang hindi ko nakikita ang bunganga ng madilim na tunnel na ito. Hindi ako makakaahon pa. Mahal na mahal ko siya. Unconditionally. Na kahit ilang beses niya akong tanggihan ay patuloy akong maghihintay.

Pumasok ako sa bahay naming luhaan. Ngayon ko lang napagtanto na ganoon talaga kung mag mahal. Hindi iyan isang switch na pwedeng kalabitin mo na lang para ma-off at para di ka na masaktan. Wala kang choice, talagang masasaktan ka pag nagmahal ka. Sa oras na mahal mo parin siya, palaging naka on yan. Hindi mo yan mapapangunahan.

Iyon din ang sinabi ko kay Reina nang naguluhan na siya kay Wade.

"It's not some switch, Reina, na pwede mong i-off kung ayaw mo sa mga nangyayari."

Tinignan niya ako habang sinusuklay ko ang buhok niya.

Gusto kong magkwento ng nangyari samin ni Noah noong isang linggo. Kaya lang, alam kong hindi na siya mabibigla. Alam niyang ayaw na talaga ni Noah sakin noon pa. Hindi ako pinapansin noon. Ako lang naman ang umaasa. Walang bago sa paningin niya pag ikwento ko pa sa kanya. Siguro, saka na ako mag kukwento pag may bago na.

"Mainlove man ako sa kanya, alam ko namang hindi magiging kami."

"Bakit?"  Nakakunot ang noo ko.

Anong kadramahan naman itong dinadrama niya sakin tungkol sa crush niyang si Wade Rivas?

"Dahil may gusto siya sa iba. I don't think I can steal his heart, Coreen. Kaya niyang maglihim para kay  Zoey. Diyan pa lang, alam kong mahirap ng talunin at i-divert ang pagmamahal niya."

Ewan ko ba kung alin ang mas mahirap, yung may ibang mahal ang mahal mo o yung wala pero talagang ayaw niya lang sayo?

Sa araw na iyon ay napagdesisyunan namin ni Reina na pumunta sa mall para mamili. Iyon talaga ang noon ko pa pinapayo sa kanya: ang pagbabago ng image. Syempre, napaka wallflower niya. Hindi pa malakas ang personality niya, dagdagan pa ng pagiging mahiyain, talagang hindi siya mapapansin noong Wade na iyon. Kung ako nga ay nag eeffort na at hindi parin napapansin ni Noah, lalo na talaga itong si Reina.

Pagkatapos naming magpaderma at mamili ng damit ay napadpad kami sa paborito kong pamilihan ng mga make up.

"Kailangan ba talaga ang mga ito, Coreen?" Tanong niya nang pinilian ko siya ng lipstick.

Baguhan talaga ang isang ito. Ayaw niyang mag lipstick kasi magmumukha dawng nag durugo ang labi niya. Eh may pink at peach colors naman diyan kung ayaw niya ng pula. Ang laki-laki talaga ng bangag ng ulo nitong si Reina.

"Nung na inlove ako kay Noah, natuto akong gumamit niyan." Pangungumbinsi ko. "Don't worry, tutulungan kita." Lumingon ako sa likod.

"P-Pero-"

Una kong nakita ang kumikinang niyang earring. Mejo magulo ang buhok niya at tamad niyang sinasamahan si Zoey Santiago. Namimili din ata sila ng make up sa paborito kong make up store. Mejo kumulo ang dugo ko habang pinagmamasdan si Zoey na nakahawak sa braso ni Rozen at tinuturo yung mamahaling lipstick.

Ngumuso ako para mapatingin si Reina sa likod namin. Lumingon siya sa nginunguso ko at nakita ko ang unti-unti niyang pag iiba ng ekspresyon.

"Hi, Rozen, Zoey!" Halos mag isang gumalaw ang kilay ko sa sobrang inis ko.

Yan ang hirap kay Rozen, eh. Ang dami niyang babae (kahit na iilan pa lang ang nakita ko, at itong isang 'to lang ang nakaharap-harapan ko) at wala siyang pakealam kung magwawaldas lang siya ng pera para sa kanila. Ang importante sa kanya ay nadadala niya ito sa kama.

Ngumisi ako para hindi halata ang galit na gumagapang sa sistema ko.

"Coreen!" Napatalon si Rozen nang nakita ako. "Sinong kasama mo?"

Agad niyang tinignan kung sino ang nasa likod ko. Pagkatapos niyang nakitang si Reina ay bumuntong hininga siya.

"Si Reina..." Sabi ko.

"Hey, hi!" Bati ni Reina.

Kahit naiinis ay kaya niya paring maging mabait. Habang ako, struggle na sa pag ngiti at baka hinambalos ko na ang ganid na babaeng nasa harapan ko. Nakakapit parin kay Rozen kahit na inilalayo na ni Rozen ang braso niya dito.

"P-Paanong? Reina? Ginamit mo yung kotse?" Nauutal na tanong ni Rozen kay Reina.

Hindi kasi basta-bastang nakakaalis si Reina sa bahay nila. Pero kanina ay pinayagan na siya ng mommy at daddy niyang gamitin yung kotse niya.

Ako naman ay panay ang titig ko sa braso ni Rozen na inaangkin ni Zoey. Ang social climber na diumano'y love interest ni Wade Rivas (na crush naman ni Reina). Two timer! Siguro ay ayaw niya kay Wade dahil mahirap ito. Kay Rozen siya kumakapit dahil sikat at mayaman! Naiinis ako. Ito naman kasing si Rozen, basta-basta na lang kung magka girlfriend.

Inilayo ni Rozen ang braso niya kay Zoey. Kulang na lang ay hawiin nito ang kamay niya pero hindi parin tinatanggal ni Zoey ang pagkakahawak niya kay Rozen. Napatingin ako kay Rozen. Sumulyap siya sakin habang nag uusap sila ni Reina.

"Yes, Rozen. Pinayagan na ako nina mommy at daddy." Ani Reina kay Rozen saka bumaling kay Zoey na ngayon ay tinitignan ang ibang lipstick. "Ayaw mo ba nun?" Tanong ni Reina saka tinuro iyong mamahaling lipstick na napili ni Zoey kanina.

"Ah? Hindi... Uhm... May iba na akong gusto." Sabi ni Zoey.

Ngayon ay hindi na nag iwas ng titig si Rozen sakin. Ginantihan niya ako ng titig. Itinaas niya pa ang isang kilay niya sakin. Para bang nagtataka kung bakit matindi ang titig ko sa braso niyang hinahawakan ni Zoey.

"Ang bilis palang magbago ng isip mo. Sige, alis na kami ni Coreen." Ani Reina.

Hinigit niya ako dahil hindi ko na matantanan ang titig ni Rozen sakin.

"That b1tch!!!" Utas ko.

Halos umusok ang ilong ko. Ginagawa niyang ATM si Rozen. Nagpapabili ng mga nonsense na bagay!

Sa sobrang panggigigil ko ay nabitiwan ko ang mga pinamili namin.

"Tama ka nga, Reina! Masyadong nakakainis! Ngayon, confirmed ko na... Gusto niya si Rozen dahil mayaman kayo! Ayaw niya kay Wade kasi hindi maibibigay ni Wade ang mga gusto niya! WHAT THE FVCK!" Ginulo ko ang buhok ko saka tinitigan ang mga pinamili naming nahulog ko.

Mukhang pati na rin si Reina ay nahighblood sa Zoey na iyon. Gusto niyang i-save si Wade. Masyado atang mahal ni Wade si Zoey kaya hinahayaan niya lang ito sa mga kapritso nito. Hinahayaan niya lang ito kay Rozen dahil doon si Zoey masaya, sa mga materyal na bagay na kayang bilhin ng isang Elizalde at hindi ng isang Rivas.

Sana lang magtagumpay si Reina sa pangungumbinsi kay Wade na lumayo na lang kay Zoey nang sa ganun ay hindi na ito mahirapan pa. Kawawa din naman kasi siya.

"Dito lang ako, Reina." Sabi ko sabay turo ko sa isang coffee shop.

"Huh? Ihahatid na kita sa bahay niyo. Sayang naman kung di ko gagamitin ang sasakyan ko." Aniya.

"Hindi na. Malapit lang din dito ang opisina ni daddy. Dito na lang ako mag hihintay."

Tumango siya at ipinakita ang mga binili namin. "O sige. Ikaw ang bahala. Mag text ka sakin pag di ka nakuha, ah?"

Tumawa ako, "Of course makakauwi rin naman akong mag isa."

Ngumisi si Reina at umalis na rin.

Umupo na ako sa paborito kong coffee shop. Umorder ako ng isang frappe tsaka tumingin sa labas. Kitang kita ko ang bawat sasakyang dumadaan dito. Pinili ko kasing sa labas tumambay kesa sa loob. Mas madali kong makikita ang sasakyan namin pag dito ako sa labas uupo kumpara sa loob.

Ititext ko na sana si daddy nang may biglang umupo sa harapan ko. Kumunot agad ang noo ko nang nakita kung sino iyon.

"Anong ginagawa mo dito?" Tumaas agad ng ilang volume ang boses ko.

Tinitignan ko pa lang siya ay kumukulo na ang dugo ko. I don't know why...

"Easy, Coreen." Humalakhak siya.

Hinawakan niya ang kamay kong nasa mesa. Agad kong tinanggal ang kamay niya.

"ANO BAH!?"

Tumawa lang siya.

"I just want to apologize." Aniya.

"Apologize for what, Rozen?"

Sa pagtatalo namin ay natakot ang waiter na ilagay ang inorder kong frappe sa harap ko. Madilim kong tinitigan ang waiter at sinenyasang ilagay na lang kahit na galit ako sa kasama ko.

"Nagseselos ka diba?" Malakas ang pagkakatanong niya dito.

Dahilan kung bakit naagaw niya ang pansin ng mga taong nakapaligid sakin. Sumulyap din ang waiter bago siya tuluyang umalis. Uminit ang pisngi ko.

"Anong nagseselos?" Pabulong kong sinabi.

Nagngingitngit na ako sa galit. Napakaassuming naman talaga ng hayop na ito.

"Kay Zoey..." Confident niyang sinabi iyon.

Halos matawa ako.

Kaya imbes na agad akong sumabog sa mukha niya ay uminom ako sa cold frappe na inorder ko. Pinagmasdan niya ang pag inom ko. Nang mejo naging okay na ang pakiramdam ko ay bumaling ako sa kanya.

"I'm not jealous, Rozen. Ayaw ko lang nang winawaldas mo ang pera mo para sa babaeng wlaang kwenta!"

Tumindig ang balahibo ko sa sinabi ko.

"Kung ganun, kanino ko iwawaldas ang pera ko?" Tumaas ang kilay niya. "Kasi hindi ko alam, Coreen. Hindi ko na alam."

"First of all, bakit mo naman wawaldasin iyang pera mo? Maraming taong naghihirap ngayon! Bakit hindi mo na lang idonate sa kanila. Bakit kailangan mo pang ibigay yang pera mo sa mga babaeng... two timer." Matabang kong sinabi.

"Two timer?" Tanong niya.

"Oo!" Sabi ko. "May relasyon si Wade at Zoey. Mahal ni Wade si Zoey, Rozen. Kaya lang mahirap si Wade at hindi niya maibibigay ang mga bagay na kailangan ni Zoey. Kaya pumapayag siyang maging kayo para maibigay mo ang kapritso niya."

Humagalpak sa tawa si Rozen. Mas lalo lang akong nainis sa tawa niya. What the hell?

Hinablot niya ang frappe ko at uminom dito. Nalaglag ang panga ko sa ginawa niya.

"That's my frappe, Rozen!"

"That's mine, too. Binayaran ko na yan." Aniya.

The nerve of this guy.

Napapikit ako sa inis.

"Bakit mo binayaran?" Sigaw ko.

Samantalang cool lang ang ekspresyon niya nang tinitignan akong nanggagalaiti sa kanya.

"At for God's sake, uminom na ako dyan!" I spat.

Ugh! Nakakafrustrate! Ayoko na lang magsalita. Humalukipkip ako at tumingin sa labas. Siya naman ay nakatitig sakin nang nakangisi. Natutuwa pa yata na sinira niya ang araw ko.

"Walang gusto si Wade Rivas kay Zoey. Si Zoey ang may gusto sa kanya." Aniya.

Napatingin ako sa kanya.

"I'm just here to use Zoey... and she's also using me..." Nag kibit balikat siya.

Napangiwi ako sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi niya. Matagal itong nag sink sa utak ko. They are just using each other?

"Nakakasuka ka talaga." Sabi ko ng seryoso sa kanya.

Ngumuso siya at humilig sa akin. "Kailan mo ba kasi ako itatali sayo nang sa ganun ay matigil na yang pagkakabadtrip mo tuwing nakikita akong may ibang babae?"

Tinulak ko siya.

"Damn, I hate you so much! Dyan ka na nga!" Sigaw ko sabay kuha sa mga pinamili ko.

Imbes na mag walk out ako palabas ng Coffee Bean ay napigilan niya ako. Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako papunta sa kanya.

"Date me secretly, Coreen."

"WHAT? Bakit ko naman iyon gagawin eh hindi kita gusto! Nasusuka ako sa pag uugali mo, Elizalde!"

"Date me secretly... tutulungan kita kay Noah. I promise." Matabang niyang sinabi.

Natigilan ako.

"Don't you... ever use... Noah's name on me."

His jaw clenched, "This is your last chance. Pangako ko yan sayo. Tutulungan kita sa kanya. Just date me... secretly."

I don't understand. Paano niya ako tutulungan kay Noah habang idi-date ko siya ng palihim? At maniniwala ba ako sa hayop na ito kung puro kabulastugan lang ang alam niya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: