Kabanata 5

Kabanata 5

Mas Importante Sakin

Ngayong college na kami, iba na naman ang kinakaobsess-an ni Reina. Umalis si Stan - yung vocalist nina Noah, pumunta na ng US. Kaya noong nakaraan ay nagkaroon ng audition sa gym para sa papalit. Sayang nga, eh. Nag offer na ang Moon Records sa banda nila, kaya lang, ngayon pa talaga umalis si Stan.

"Huy." Sabay tulak ko kay Reina.

Tulala siya sa isang tabi. Si Wade na naman ang iniisip nito. Yung bago niya na namang crush! Siya yung vocalist na sobrang gwapo ng Zeus ngayon.

Bumuntong-hininga siya at tumingin sakin. Kahapon niya lang nakita si Wade at parang ang laki na ng problema niya.

"Reina, magpaganda ka kaya. It's time for you to change yourself."

"Hindi naman ako gaya mo na maganda talaga." Aniya.

"Ayan ka na naman. Napakababa talaga ng self-esteem mo. Dapat sayo matayog yung self esteem kasi ganun ang mga kapatid mo. Ewan ko kung anong bitamina ang kinain ng mommy mo nung pinagbubuntis ka at ganyan ka katamlay, ano?"

Sumimangot siya sakin. Ngumisi ako. She's simple minded. Kahit sobrang yaman ng mga Elizalde, ito lang yata ang nakita kong hindi nagwawaldas ng pera.

"Uy, mauna na ako ah? Bukas, tignan natin kung anong magagawa natin para makapag make over ka na."

Tumango na lang si Reina at hinawi ang bangs niya.

"Bye, Reina, I love you." Hinalikan ko ang pisngi niya at inayos ang shoulder bag ko.

"Bye-bye." Aniya at kumaway na sakin.

Nagmadali akong umalis. Kahit mamaya pa naman ang pasok ko. Balak ko na naman kasing dumaan sa classroom nina Noah. Palagi ko itong ginagawa. At hindi ko maintindihan kung bakit deadma'ng deadma talaga siya sakin kahit sobrang lapit niya na sakin tuwing nagkakasalubong kami.

Bago ako nakarating doon sa building nila ay nakita ko si Rozen sa malayo na may kaakbay na isang babae. Kumunot ang noo ko at nag iwas na lang ng tingin.

"He's at it again."

Dumiretso na lang ako sa loob ng building at inakyat ang hagdanan. Mag fo-footbridge na ako papuntang building namin. Gusto ko lang talaga dumaan dito para makita si Noah.

Nang sa wakas ay nasa tamang floor na ako, agad ko siyang naaninaw sa malayo. Anong gagawin ko ngayon para mapansin niya? Nasa likod niya ang gitara at siya lang mag isa. Madalang siyang mag isa kaya pagkakataon ko na itong magpapansin sa kanya.

Alam ko na! Nag karoon ako ng light bulb moment!

May hinanap ako sa bag ko habang papalapit na kami sa isa't-isa. Kumunot ang noo ko sa paghahanap ng maigi sa isang bagay na hindi ko talaga mahanap sa loob nito.

Nang nakarating na ako sa part na may nabiyak na tiles ay nagkunwari akong nasamid. At dahil sa pagkukunwari ko ay natuluyan ako sa pagkakasamid ko.

"SHIT!"

Lumagapak ang sahig dahil sa mga tuhod kong napaluhod sa sahig. Napapikit ako sa sobrang sakit. Pakiramdam ko magkaka-cancer yata ako nito sa buto. Halos mangiyak-ngiyak akong dumilat.

Niluhod ni Noah ang isang tuhod at naglahad ng kamay sakin.

"Ayos ka lang ba, Coreen?"

Ito ata ang kauna-unahang pagkakataon na napansin at nakausap niya ulit ako pagkatapos noong nangyari sa highschool!

Tumango ako at nilagay ang kamay ko sa taas ng kamay niya. Hinila niya ako. Nahiya pa nga ako kasi nawalan ako ng lakas para tumayo kaya buong weight ko ay nasa kanya.

Nakita kong walang sugat ang tuhod ko pero pulang-pula ang mga ito. Ang isa naman ay unti-unti ng nagiging kulay violet.

Napaawang ang bibig ko habang tinitignan iyon. Napatingin ako kay Noah na nakatingin ring mabuti sa mga tuhod ko.

Lagi akong nag sho-shorts kaya matitigil na itong pagsho-shorts ko dahil sa nangyari sa tuhod ko.

Napatingin si Noah sakin, pero agad din siyang nag iwas ng tingin...

"K-Kaya mo bang maglakad?" Tanong niya.

Nauutal siya?

"Oo." Sabi ko at sinubukan agad.

Kaya lang, nang sinubukan ko ay kumirot ang kalooblooban ng joint kaya muntin na akong bumagsak ulit.

Napangisi ako sabay kamot sa ulo sa nangyari.

"Ipagpapahinga ko muna. Mejo kumukirot." Napatingin ako sa classroom nilang puno na ng estudyante.

"Noah!" Tawag ni Warren sa kanya. "Lika na!"

Sinenyasan ni Noah si Warren na mauna na siya. Sumulyap si Warren sakin. Sumandal ako sa dingding para sa suporta pero agad niyang hinawakan ang baywang ko.

"Mag ingat ka." Aniya.

Uminit ang pisngi ko. Nahihiya na ako sa kanya. Sinamahan niya pa talaga ako dito.

"Ah... Siguro okay na ito." Sabi ko nang mejo napawi ang kirot.

Sinubukan kong maglakad ulit pero ayun at umamba na naman akong madadapa.

Suminghap si Noah at nabigla na lang ako nang binuhat niya ako. Napanganga ako sa ginawa niya.

"Noah?" Sabi ko.

Nasa mga bisig niya na ako. Yumuko siya habang buhat-buhat niya ako saka pinulot ang bag ko. Naghuhuramentado na ang puso ko sa nangyayari. Natutuyuan na rin ako ng lalamunan.

"Noah... Anong ginagawa mo?" Tanong ko.

"Syempre, ihahatid ka sa infirmary, Coreen. Hindi kita pwedeng iwan dito na ganito."

"Pero... yung klase mo?" Tanong ko.

Nilingon ko ang classroom nila. Nakita kong pumasok na ang professor nila. Nag kibit-balikat na lang siya at...

"May mga bagay na mas importante pa dyan."

Ang bilis ng pintig ng puso ko sa sinabi niya. May nakita pa akong mga babaeng sumisilip saming dalawa.

"Hala! Mika! May binubuhat si Noah! Babae!" Narinig ko iyon sa isang kaklase nila.

Syempre, sa gwapo at sobrang mysterious ni Noah, mabilis siyang magugustuhan ng mga babae. Tahimik pa at mejo suplado kaya mas lalong attractive.

"Noah... Yung mga tao." Sabi ko.

"Bakit? Anong mga tao?" Tanong niya.

Kinagat ko na lang ang labi ko. Nagpatuloy siya sa pagbubuhat sakin. Kanina, noong nadapa ako ng totohanan, nagsisi ako sa plano ko. Pero ngayon, wala ng bahid ng guilt at pagsisisi. Everything is perfect!

Ang bango-bango ni Noah. Napapapikit ako tuwing umiihip ang hangin at naamoy ko ang pabango niya. I want to live here. HAHA!

"Coreen."

"Hmmmm?"

"COREEN!"

Napatalon ako nang sinigaw niya ang pangalan ko. Napatingin ako sa kanya.

Nakatingin siya sa malayo at ngumunguso.

"Nandito na tayo sa infirmary. Baba ka na." Aniya at dahan-dahang binitiwan ang mga binti ko.

"Ahh.. Sorry." Bumungisngis ako pero napangiwi nang naramdaman ko ulit ang kirot.

Umiling siya at hinawakan ang baywang ko.

"Mag ingat ka, Coreen." Malamig niyang sinabi at binuksan na ang pintuan papasok sa infirmary.

Pumasok ako doon at inexamin ng isang nurse ang tuhod ko.

"Pasa lang ito. Cold compress lang muna ito. Bago hot compress." Sabi nung nurse. "Kukuha lang ako ng ice." Aniya.

Tumango si Noah.

Nakatayo siya at nakahalukipkip sa harap ko. Ako naman ay nakaupo sa clinic bed.

"Thanks." Sabi ko sa nurse.

Bumaling ako kay Noah.

"Noah, uhm, thank you... Late ka na... Uhm... Hindi ka pa ba aalis-"

"Kung umalis ako, dapat kanina pa kita iniwan." Malamig niyang sagot. "Pero hindi diba? Nandito parin ako, kaya hindi ako aalis."

"Panu ang klase mo?"

Mabilis na pumintig ang puso ko.

"Gaya ng sabi ko, Coreen, may mga bagay na mas importante pa dyan."

Anong bagay iyon? Isa ba ako sa bagay na iyon? Mas importante ba ako? Tumikhim siya at nilapitan ako.

Hinaplos niya ang tuhod ko saka bumaling sakin.

"Eto na po... ang cold compress." Sabay bigay ng nurse sakin.

Pero hinablot iyon ni Noah at nilagay sa tuhod ko.

"Mas importante sakin na maayos ka."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: