Kabanata 48
Kabanata 48
Noah Elizalde
Hindi ako makatulog sa gabing iyon. Hindi rin ako makatulog kahit na text kami nang text ni Rozen ng walang katuturang mga bagay.
Rozen:
Na miss mo ba ang text ko?
"Of course, gago!"
Ako:
Hindi.
Rozen:
Yung tawag ko?
Sobrang kabog ng dibdib ko. Iniisip ko pa lang na tatawag siya ay gumugulong na ako sa kama. Yung boses niya pa lang mawiwindang na ako, eh. Tapos iniisip ko pang nasa kama din siya nun at nakahiga.
Ako:
Hindi.
Rozen:
Does that mean ayaw mong tatawag ako sayo ngayon?
Napaupo na ako sa kama sa sobrang ligalig na nararamdaman ko. Kinailangan ko pang paypayan ang sarili ko para lang kumalma.
Pero hindi pa nga ako nakakapagreply ay tumunog na ang cellphone ko sa isang pamilyar na kanta.
*I never knew
I never knew that everything was falling through*
Diretso kong sinagot iyon. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"Hello. Hindi mo na talaga kailangan ng permiso, ano? Tatawag ka sakin kung kelan mo gusto?"
"Of course, Coreen. I own you now."
Tumindig ang balahibo ko.
"Hoy! Hindi pa kita sinasagot! Papahirapan pa kita kaya wa'g kang feeling."
He chuckled, "Kahit ano pa yan, wala akong pakealam."
Hindi ako nagsalita. Narinig ko kasing huminga siya ng malalim at nag change position sa kama niya. Kinagat ko ang labi ko.
"What do you want me to do, huh?"
"Hmmm. Mag iisip pa ako." Sabi ko.
Tumikhim siya. "Come again?"
"Ha?" Kumunot ang noo ko.
"Can you say it again?"
"Ano? Yung 'Mag iisip pa ako?'"
"Hindi yung bago yun."
"Huh? Ano?"
"Yung 'Hmmm'." Sinabi niya iyon na para bang may ibang tunog.
Tumindig ang balahibo ko at pakiramdam ko nangisay na ang mga kulisap sa tiyan ko.
"Bakit?" Dudugo na talaga ang labi ko sa kakakagat.
"I just wanna hear it."
Napapikit ako.
"Bakit nga?"
"Come on, I just wanna hear it."
"Hmmm?"
"Damn. Pakiulit?"
"Hmmm? Ano ba yan, Rozen, para na akong baliw." Pinigilan ko ang pagtawa.
Narinig ko na naman ang pag pilipit niya sa kama na para bang nag change position siya.
"Damn, I love your voice, Coreen. I lobe your everything."
Gumulong-gulong na ako sa kama.
"Ewan ko sayo. Kung love mo talaga ako, bakit mo pinatagal 'to?"
Humalakhak siya, "I wanna be chased by you. Tsaka nasabi ko na lahat sayo, diba? Oh, ikaw? Kung mahal mo talaga ako, bakit pinapatagal mo pa 'to? Say Yes, Coreen."
"Ayoko nga! Hmmm..."
Humalakhak ulit siya, "Okay lang... Pwedeng pakiulit?"
Binaon ko na ng unan ang mukha ko sa sobrang kilig. Hindi ko na talaga kaya. Mukha atang pabor talaga ang mga kulisap na ito kay Rozen ah? Rozen's army.
"Ayoko nga! Para akong baliw."
"Andami mong ayaw." Aniya.
"Eh kasi para naman talagang baliw! Hmmm..." Pag uulit ko. "Kita mo na?"
Humalakhak ulit siya. "Sige pa." His voice was husky.
"Ayoko na!"
"Pati yung mga reklamo mo, gustong gusto ko eh. I missed you so much."
Binaon ko pa lalo ang unan sa mukha ko.
"Talaga?" Hindi ko na matanggal ang ngiti ko.
Ayoko na talaga! Mababaliw na ako!
"Oo. Sobra. Kaya nga kita sinusundan noon, diba?"
"Tseh! Stalker."
"Pasalamat ka nga di kita ni kidnap." Tumawa siya.
"Baliw!"
"Baliw mo."
Hay! Wala na akong ginawa kundi ang gumulong sa kama. Ang sarap talagang kausap ni Rozen. I missed him so much too. Kaya nang nagpaalam na kami sa isa't-isa para matulog ay tuluyan na akong nabaliw.
Dilat na dilat ako at nakaplaster sa mukha ko ang ngisi. Hindi ako makatulog. Siguro ay tulog na si Rozen ngayon.
Biglang tumunog sa normal na ring tone ang cellphone ko. Napatingin ako at nakita kong tumatawag si Warren sa akin.
"Hello?" Bumangon ako.
"Coreen. Nasa labas ako ng bahay niyo."
"HUH? What? Bakit?"
Napa-scramble ako sa sobrang taranta.
"Anong nangyari?"
Dumungaw agad ako sa bintana ko. Nakita ko sa labas ng gate namin si Warren na nakatawag sa cellphone.
"Si Noah."
"Ha? Anong nangyari kay Noah?" Sigaw ko.
Nagmadali na agad ako sa pagbibihis. Galing sa maiksing shorts na pantulog ay naging skater skirt ang soot ko.
"Iniwan ko pa siya kasama si Joey doon sa bar." Sabi ni Warren sa akin nang nakalabas na ako sa kwarto nina mommy at daddy.
Nag paalam ako na pupuntahan lang saglit si Noah kasi mukhang may problema. Uuwi din ako. Pinayagan naman ako basta wa'g lang daw lalagpas ng alas dose.
"Bakit? Anong nangyari sa kanya?" Tanong ko.
"Eh, napaaway. Tapos... lasing."
Pinutol ko na agad ang linya at binuksan na ang gate namin. Pareho kaming nagmadaling pumasok sa sasakyan ni Warren.
Nagi-guilty ako! Iniwan ko si Noah doon! Ano kayang nangyari sa kanya? Dapat nagpaalam ako, eh! Nawala sa utak ko dahil kay Rozen!
"Bakit siya napaaway?" Tanong ko.
"Si Megan kasi."
"Anong ginawa ni Megan?"
"Biglaang nagpakita ng bra."
"HA?"
Seriously? Anong kagagahan na naman ang ginawa ng babaeng iyon?\
"Bakit?"
"Eh pinakita niya yung tattoo sa dibdib niya."
"Anong tattoo yun?"
"Noah Elizalde yung nakalagay. Kaya nabastos ng ibang lalaki sa bar. Eh ayun, napaaway si Noah. Pikon din yun eh."
"HA?"
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mabubwisit. Ano ba talagang meron? Anong pinaglalaban ng Megan na yun?
"Medyo lasing na din kasi si Noah. Tapos ang dami-daming sinasabi ni Megan. Sabi niya bakit mo raw iniwan si Noah. Kung mahal mo dapat di mo siya iniiwan."
Napapikit ako. Seriously? Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
"Sorry ah? Hindi ko kasi alam kung saan yung condo ni Dashiel. Tapos nag pass out na si Noah sa sobrang kalasingan kaya kinailangan ko ang tulong mo."
"Okay lang. No problem. Bakit kay Kuya Dashiel siya uuwi?"
"Sabi niya dun na lang daw kasi nasa bahay daw ang mommy at daddy niya. Nahihiyang umuwi ng lasing."
"O sige, sige!"
Kaya nang dumating na kami sa Tilt at nakita kong nakaidlip na si Noah sa table kasama si Joey, napalingon lingon ako sa paligid.
"Asan si Megan?" Tanong ko.
"Pinaalis ko. Pinabili ko ng Gatorade sa labas. Sabi ko kakailanganin ni Noah para wa'g na siyang manggulo. Kaya ayun. Ano. Bilisan na natin para di niya na tayo maabutan." Sabi ni Joey.
Agad inalalayan ni Joey at Warren si Noah sa paglalakad.
"Noah?" Sabi ko nang nakasakay na kami sa sasakyan ni Warren.
"Coreen." Utas niya nang wala sa sarili.
"Noah... Gising ka ba?" Bulong ko.
Pinilig niya ang ulo niya pero nakapikit parin siya.
"I love you." Marahan niyang sinabi.
Napaatras ako sa sinabi niya. What? Lumingon si Joey sakin.
"Patay."
Ngumuso ako kay Joey.
"Dito ba?" Awkward na tanong ni Warren sa akin nang nasa tapat na kami ng condo ni Kuya Dash.
"Oo."
"Dito ang condo ni Wade, diba? Hindi ata pwedeng pumasok pag walang kasamang taga rito? Medyo high end, eh." Utas ni Warren.
"No problem, I'll call Wade." Sabi ko sabay dial sa numero ni Wade.
Habang tinatawagan ko si Wade ay biglaang hinawakan ni Noah ang kamay ko.
"Hello?" Medyo paos ang boses ni Wade nang tinawagan ko siya.
Siguro ay tulog na ito.
"Wade, si Coreen 'to-"
"Yes, Coreen." Aniya.
"Pwede bang pasundo? Nasa tapat kami ng condo mo at kailangan naming ihatid si Noah sa unit ni Kuya Dash."
"Ha? Uh. Okay."
"Sorry sa istorbo. Lasing kasi siya." Sabi ko.
"Alright, Coreen. No problem."
Napabuntong hininga ako at binaba agad ang cellphone. Hinawakan ko ang mukha ni Noah at nakita kong may pasa siya sa labi. Nilingon ko naman si Warren at Joey.
"Sana hinayaan niyo si Megan." Utas ko.
Nagkibit balikat silang dalawa, "She'll rape him."
"Hindi naman siguro." Sabi ko.
"We don't know, Coreen. She's desperate. At... ayaw ni Noah sa kanya. We all know that."
Hindi ko na alam kung pang ilang beses kong buntong hininga ito. Bumaling ako kay Noah at napailing na lang ako. Naaninag ko agad si Wade na naka jacket palabas ng building. Lumabas na kami ni Warren at Joey. Inilabas din nila si Noah.
"Sorry, Wade." Pambungad ko. "Wala kasi akong new number ni Kuya Dash. Kaya ayan."
"Musta, bro!" Nag batian pa ang dating magkabanda.
"Sikat! Big time!"
Tumawa na lang si Wade saka bumaling sakin.
"No problem, Coreen."
Pinagtulungan nila si Noah papasok sa condo. Pinasakay namin siya ng elevator. Wala parin siya sa ulirat. Grabe! Ganyan pala malasing si Noah, natutulog?
"Pwede namang pumasok dito, Coreen. As long as mairecord yung pag pasok tsaka may pass."
"Ah? Talaga. Sorry."
"Okay lang. Para na rin matulungan ko kayo."
Tumunog ang elevator at nasa floor na kami ng unit ni Kuya Dash. Humugot ako ng malalim na hininga bago ako nag bell sa condo ni Kuya. Ilang beses ko pang inulit bago niya ito binuksan. Naka puting sleeveless shirt at shorts lang si Kuya Dash nang sinalubong niya kami sa labas.
"Si Noah, po, Kuya." Napakamot ako sa ulo.
Diretso ang tingin ni Kuya kay Noah.
"Naglasing." Dagdag ni Warren.
Tumango si Kuya at nakita ko ang asawa niyang dumalo agad kay Noah. "Dash, we need hot water and ice. May pasa si Noah."
Pumasok kami at nilapag si Noah sa sofa.
"Napa away, kuya." Paliwanag ni Joey.
"Sinong kaaway? Si Rozen na naman?" Sumulyap si Kuya Dash sakin.
Uminit ang pisngi ko.
"Hindi po." Sagot ko. "Ibang tao."
"Oh!? Unusual. Hindi naman yan basagulero."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top