Kabanata 47

Kabanata 47

My Chance

"R-Rozen."

"Anong ginagawa mo kay Coreen?" Sigaw ni Rozen.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Nakita ko sa mukha niya ang galit na hindi ko pa kailanman nakikita.

"Rozen, m-may relasyon sila ni Noah. N-Namamangka siya sa dalawang ilog. M-Masama siya-"

"Ano ngayon?"

Napahawak ako sa kamay ni Rozen na nakahawak din sa akin. Alam kong medyo natinag siya sa sinabi ni Elle.

"R-Rozen, you don't deserve her." Simpleng sinabi ng umiiyak na si Elle.

"Hindi ikaw ang magsasabi kung sino ang deserving para sakin o hindi, Elle. I told you to stop this. I'm sorry. Oo, may kasalanan ako sayo. Malaki. But let it go... Nakapag desisyon na ako."

Napalunok ako. Napatingin si Elle sa akin. Awang awa na ako sa namumugtong mga mata niya. Tinatahan siya ng mga kasamahan niyang walang magawa kundi hayaan si Rozen na magsalita sa harap nila.

"It's always been her, Elle. At alam mo yun. Nung una pa lang sinabi ko na sayong may iba akong mahal. Yes, I want to get over her. Pero wala eh. If only I could, I would. Pero wala akong magagawa kung siya talaga. So don't ever dare hurt her... kung ayaw mong ikaw ang saktan ko."

Tumalikod si Rozen. Hinayaan ko siya. Tumunganga lang ako sa humagulhol na si Elle. Pero narealize kong magkahawak kamay nga pala kami. Wala akong nagawa kundi ang magpatianod sa hila niya.

"Rozen..." Tawag ko nang nakalabas na kami.

Patay! Si Noah nasa loob pa at nandoon ang adik na si Megan! Kailangan ko siyang itext or something? Kailangan ko siyang balikan! Baka ma-rape yun ni Megan!

"ANO?" Galit pa rin siya nang hinarap niya ako sa parking lot.

"Si Noah kasi nasa loob pa?"

"Anong pakealam ko kay Noah!?" Sigaw niya.

"Eh nasa loob pa siya. Kailangan kong puntahan."

Hinampas niya ang pintuan ng sasakyan niya kaya napasandal ako dito. Kinulong niya ako sa gitna ng kanyang mga braso. Yumuko siya para titigan ang mga mata ko ng malapitan.

"You are mine tonight, Coreen."

Tumindig ang balahibo ko.

"P-Pero si Noah?"

Hindi niya ako tinigilan. Patuloy siya sa pag titig. Napatingin siya sa labi ko. Kumalabog agad ng mabilis ang puso ko. Sa sobrang bilis nito, hindi ko na alam kung paano ko aayusin ang sarili ko.

"Ano yun, Coreen?" Pabulong niyang tanong.

Damang dama ko na ang hininga niya sa labi ko. Titig na titig parin siya sa labi ko.

"Si N-Noah..." Marahan kong sinabi at napatingin na rin sa labi niyang bahagyang naka pout.

Damn I wanna kiss him.

"Ano yun?" Mas marahan niyang sinabi.

Hindi ko na kinaya. Pumikit na lang ako at hinayaan siyang halikan ako. Ito ang halik na miss na miss ko na. Ito yung halik na mabababaw at mararahan. Hinayaan ko siyang halikan ang labi ko. Sa bawat halik niya ay naghihintay ako sa mga susunod.

"Ano yun?" Tanong niya ulit sa gitna ng halik niya.

Diba sabi ko magpapakipot ako? Ugh! Hindi ko na alam! Bakit nga ba ako magpapakipot? Ano nga palang problema ko at bakit hindi ko pa siya kailangang tanggapin? Ano nga yung mga nagawa niya sakin? Ilang taon nga siyang nawala? HINDI KO NA ALAM. Ang tanging alam ko ngayon ay hinahalikan niya ako at nanunuya siya. Alam niyang nababaliw na ako sa kanya kaya malaya siyang nakakagawa ng ganito.

"Wala." Sagot ko sa kanina niya pang tanong.

"Good." Aniya saka hinila ako para buksan ang pintuan ng sasakyan niya.

Diretso ang pasok ko doon. Umikot siya at pumasok na rin.

Damn I miss this. Miss na miss ko na ang feeling na nasa loob ng kanyang sasakyan. Miss na miss ko na siya. Ngayon lang tumama sa akin kung gaano ako kasabik sa kanya.

"Paano si Elle?" Tanong ko sa kanya.

"Ewan ko." Diretso niyang sagot.

Tinitigan ko siya ng mabuti. Walang bahid ng pag aalala sa mukha niya. Nakaangat lang ang kanyang labi tsaka diretso ang tingin sa daanan.

"Ang sama mo talaga. Don't you even care about her?"

"Of course I care, Coreen."

"Then?"

"Anong gusto mo? Paasahin ko na naman siya? Tama na. I have you. That's enough for me. Everyone else is just collateral damage."

Hinampas ko ang braso niya. Humalakhak siya.

"Ang sama mo talaga. Wala talagang nagbago sayo. Umiiyak yung tao. Mahal na mahal ka niya."

Napawi ang ngisi niya at sinulyapan niya ako.

"I know. And I'm already sorry, Coreen. Ang tanging magagawa ko ngayon ay ang lumayo sa kanya. Kung ico-comfort ko siya, mas lalo lang siyang aasa. I'm doing her a favor."

Umiling na lang ako tsaka tumingin sa mga sasakyang dumadaan. I can't believe this guy. Ganun? Ang simple lang sa kanyang sabihin! Sa bagay, noon pa man, ganyan na talaga siya.

"Naawa ako sa kanya. And I blame myself for it. Dapat hindi ko siya pinaasa. Dapat hindi ko siya binigyan ng chance. I was just too amazed. Pareho kaming naghabol sa mga taong mahal namin. It's not hard to like her, Coreen."

Napalunok ako. Ngayong seryoso ang tono ng boses niya, medyo nag sink in sakin lahat ng sinasabi niya.

"But it's hard to get over you."

Unti-unting umangat ang labi ko. Hindi ko na maintindihan ang movements ng mga kulisap sa tiyan ko. Ang gulo-gulo na nila.

"Talaga lang, huh? Nung six months na hindi mo ako pinapansin, akala ko talaga wala na. Hindi ka ganyan noon. Hindi mo ako kayang tiisin."

Hindi ko maiwasang maisip ang mga panahong iyon. Dahil sa mga panahong iyon ako lubos na nahirapan. Mas malamig pa siya sa yelo. Ni hindi niya ako matignan.

"I wanted to quit you, to get over you, to forget you. You always make me feel unwanted. At hindi kita napaibig sakin. I hated it. I hated you, Coreen. So much."

Hininto niya ang sasakyan sa loob ng parking lot ng isang napakalaking mall. Alas syete na ng gabi at ang dami-daming tao sa mall. Hindi ko alam kung anong gagawin namin dito.

Ni-unlock niya ang kanyang seatbelt at tinignan akong mabuti.

"You hated me pala. Bakit mo pa ako binalikan? Ba't di na lang si Elle? Ba't di na lang-"

"Ba't hindi ikaw? I damn love you, Coreen. Hindi ko kaya. How many times do I have to tell you that? Namulat na lang ako na mahal kita at hindi iyon tulad sa pag ibig mo kay Noah na biglaan na lang naglalaho."

Ngumuso ako. What if biglaang maglaho ang pag ibig ni Rozen sa oras na bumigay ako sa kanya? What if siya pala ang may gusto ng chase lang? Yung hanggang dun lang? Yung feeling na nasa gitna lang?

"Come on, Coreen. I wanna date you."

Hinila ako ni Rozen palabas ng sasakyan niya.

"Huh? Anong gagawin natin sa mall?"

Napalingon siya sa akin.

"Saan mo gustong mag date? Sarado na ang Nature Park, ayoko namang sa bar, o sa restaurant. Don't tell me you want that 5 star Hotel again? Pero hindi para kumain?" Ngumisi siya.

Binawi ko agad ang kamay ko at uminit ang pisngi ko.

"Ano ka!? Nababaliw ka na t-talaga!"

Mas lalo siyang ngumisi at pinadausdos niya ang kamay niya sa baywang ko.

Tumindig ang balahibo ko sa ginawa niya.

"Oh? Why are you stuttering, Coreen? Kinakabahan ka ba?" Sinubukan pa niyang hawakan ang dibdib ko.

Hinawi ko agad ang kamay niya.

"You evil... beast!" Sigaw ko sabay layo sa kanya.

Kahit kailan talaga ang manyak manyak niya.

"O bakit?"

Humakbang siya palapit sa akin.

"You love me, Coreen. Dun naman talaga hahantong 'tong relasyon natin?"

Hindi ko na talaga kinaya ang sinasabi niya. Tinuro ko na siya at nag alburoto na ako.

"Anong relasyon? Ni hindi ka pa nga nanliligaw? At hindi pa kita sinasagot!"

Humagalpak siya sa tawa at kinuha ulit ang kamay ko. Nagpatianod ako sa kanya. Sa sobrang daming tao sa mall, hindi ko na alam kung anong meron at bakit dito kami nagpunta.

"I want a normal date with you. Ang tagal na nating hindi ito nagagawa. Yung maglalakad sa mall, magka hawak kamay, nag P-PDA, at namimili ng kahit anong gusto mo. I want you in my normal days, Coreen. I want you everyday."

"Ewan ko sayo, Elizalde. Ang dami mong pakulo! Date date ka pang nalalaman!" Sabi ko.

Nakaipit yung kamay ko sa braso niya kaya wala akong kawala kahit ang daming tao.

"Ni hindi mo pa ako nililigawan." Mahina ko iyong sinabi saka napatingin ako sa mga tao sa paligid.

Kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop niya ang mga daliri naming dalawa para wala akong kawala. Uminit ang pisngi ko. Hindi ko na nagawang mapatingin sa kanya.

"Ilang taon na akong nanliligaw sayo! Hanggang ngayon hindi mo parin alam?" Utas niya sakin.

"Anong ilang taon? Hindi ko alam, ah? Ni hindi mo sinabi saking nanliligaw ka? Gusto mo ata diretsong tayo? Diba sabi mo noon kailangan kong mag pretend na girlfriend mo? Yun ang gusto mo, diba? Hindi ka nanligaw!"

Nakamot siya sa ulo at mas lalo pa akong hinila.

"Saan ba tayo papunta, Rozen?" Tanong ko. "Wala na namang stores dito. Puro na fastfood tsaka ang daming tao." Reklamo ko.

Papunta na ata kami sa gitna ng mall. Ano kayang pakulo ng isang ito dito? Binitiwan niya ang kamay ko sa gitna ng mall.

Hindi ako tanga. Alam kong may inihanda siya kaya diretso ng kumalabog ang puso ko.

"Rozen? Ano 'to?" Tanong ko.

Naaninag ko siyang nakangisi sa akin sabay hawak sa labi niya.

"Sabi na. Hindi talaga ako makakatakas sa mga gusto mo. Hindi ka papayag na agad agad akong maging boyfriend diba?"

Napatingin ako sa mga taong nasa paligid. Busy sila at mukha namang normal lang na araw.

"So?" Tumaas ang kilay ko sabay tingin kay Rozen.

Biglang tumunog ang speaker ng buong mall.

"Calling the attention of the costumer named Coreen Samantha A. Elizalde."

Natawa ako sa tawag ng babaeng speaker sa akin. Anong Elizalde? Natatawa na rin si Rozen. Pumikit siya at napahawak sa kanyang leeg.

"This is so corny!" Aniya sabay hagalpak ulit sa tawa.

"Pwede ba dawng manligaw si Rozen Gaiser Elizalde, sayo?"

Nakita kong natigilan ang mga tao sa paligid.

"Oh my God? May nanliligaw dito sa mall ngayon?" Dinig kong tili ng isang teenager.

"Sinong Coreen? Sinong Rozen?" Sabi naman nung isa.

"Kilala ko si Rozen Elizalde, ah? Nanliligaw siya kay Coreen?"

Napapikit ako. Nakakabaliw. Hindi ko maigalaw ang katawan ko sa sobrang kahihiyan at sa sobrang kaba.

"Never mind." Sabi ni Rozen. "I'd tell you a million of awkward and corny words just to have you, Coreen."

"Raise your hand if its a yes, po, Ms. Coreen." Dagdag ng babaeng speaker.

"HUH?" Diretsong lumipad ang kamay ko sa aking bibig. Really? May ganito?

"Uy! Uy! Malalaman na natin kung sino?" Sabi nung iba.

"Baka nasa second floor?" Tanong nung isa.

Ang dami nilang speculations.

"What if it's a 'no', Rozen? You didn't give me a damn choice?"

Ngumisi ulit si Rozen.

"Come on, I'm waiting. Raise your hand now. Kung di ka magpapataas ng kamay, iuuwi kita sa 5 star hotel na yun."

I swear, uminit ng sobrang sobra ang pisngi ko pakiramdam ko lalagnatin na ako.

"Come on, Coreen, I'm waiting!" Sabi niya.

Maraming biglang nagpataas ng kamay sa mga costumer na umaaligid sa amin. Hindi nila alam na andito ako at nanonood sa mga panunuya nila sa speaker.

"I can see Ms. Coreen Elizalde from here, and she's still not raising her hand."

"Shit!" Malutong kong mura.

"Ayun si Coreen!" May biglaang nag turo sa akin dahilan kung bakit natigilan ulit ang mga tao at nilingon kaming dalawa ni Rozen sa kinatatayuan namin.

Ang hayop ay nakatayo lang doon at pinapanood ako. Hinahawakan niya ang kanyang labi at nakataas ang isa niyang kilay. You evil beast!

Kaya wala akong naging choice kundi ang dahan dahang itaas ang kamay ko. Para akong nag surrender ng buong pagkatao ko kay Rozen. Tumawa siya at hinawakan niya ang nakataas kong kamay at binaba ito.

"Finally, my chance."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: