Kabanata 46
Kabanata 46
Mahal Ko Rin
Mabilis na nagdaan ang mga araw. Hindi kami masyadong nagkikita ni Rozen sa school. Alam ko namang busy siya at busy rin ako kaya hinayaan ko iyon. Naging busy din ako sa paminsan minsan na pagtatrabaho ako sa banko na pinapasukan ni mommy.
"Hey..."
Napatingala ako sa kinauupuan ko sa banko. Naaninag ko ang nakangising mukha ni Noah habang nakasandal siya sa table.
"Uy!" Utas ko sabay hawi sa buhok ko.
Tumawa siya.
"I need you tonight." Biglaang nag seryoso ang mukha ni Noah.
"Hmm? Bakit?"
"Remember the deal? Tutugtog kami ngayon sa Tilt. Eh nandun si Megan."
"Noah, kailangan ba talaga 'to? I mean..."
Bumabaliktad ang sikmura ko tuwing iniisip ko iyong deal namin, eh.
"You've seen how that girl does it. Hinalikan niya ako in broad daylight, Coreen. Noong highschool pa tayo, alam mo kung anong ginawa niya?"
Tumaas ang kilay ko. Ito ang unang pagkakataong nakita ko si Noah na hysterical.
"Ano?" Tanong ko.
"Naghubad siya sa harap ng mga tao. Underwear niya lang ang natira at ang nakalagay sa underwear niya?"
"Anong nakalagay?" Tanong ko habang niaarrange ang tinrabaho ko kanina.
Malapit na ang out ko kaya hindi na masyadong busy.
"Eat me, Noah, please."
"WHAT?"
Nagulantang ako sa sinabi ni Noah. Tumango siya. Ang dami kong gustong sabihin pero wala akong nagawa kundi tumawa.
"Yes, Coreen. Now. Please lang, kung ayaw mong mapahiya ako o ano, please..."
Napakamot ako sa ulo. Nagkatitigan kami. Binigyan niya pa ako ng nagmamakaawang ekspresyon. Ako naman, wala akong ipinakita kundi ang pag tutol.
"Coreen, minsan lang ako humingi sayo ng pabor sayo. Please. If you're worried about Rozen, you can tell him, then. I'm sure he'll understand. Nakita niya yung babaeng yan in her prime years..."
Ngumuso ako. Gusto kong tumawa. Magkaiba talaga ang magkapatid na Elizalde. Noah thinks Rozen will understand this. I don't think so... Hindi niya maiintindihan kung bakit ko ito ginagawa kahit pa sabihin kong tinutulungan ko lang si Noah.
"Sigurado ka bang hindi siya lalapit sayo pag nandyan ako?" Tanong ko.
"I don't know. Pero kung magpapanggap ka, she'll probably back off. Please, Coreen."
Nagkatinginan ulit kami. Humugot ako ng malalim na hininga bago tumango kay Noah.
"Alright."
"Yes! Thanks, Coreen! You're the best!" Tapos niyakap niya ako.
Hinatid ako ni Noah sa bahay para makapagbihis. Pinili ko ang puting dress para ngayon. Uupo lang naman siguro ako doon at manonood kina Noah. At pag nandyan si Megan, magpapaka sweet ako sa kanya.
"I will introduce you to her. Tamang tama ka kasi palaban ka. She'll back off kung ganyan." Ani Noah habang nagdadrive kami patungong Tilt.
"Kung marami na siyang kabulastugang ginawa noon para sayo, I don't think she'll give up now."
"Nagbabago din ang mga tao, Coreen. Maaring nagawa niya ang sobra sobrang kabulastugan noon dahil hindi pa siya mature. Ngayong nag mature na siya, hindi na naman siguro niya gagawin yun."
Maganda si Megan. Maputi, makinis, medyo umiksi ang buhok na may bangs at chinita. Para siyang yung napapanood sa TV na mga koreana sa mga koreanovela. Medyo payat din siya at soft ang bawat features. Hindi ko inakalang nakaya niyang mag strip at ang soot lang ay mga underwear na may nakalagay na 'Eat me, Noah, please'. My God!
It's nice to know na hindi pala talaga ako yung ultimate fan ni Noah noon. Kung ako ay medyo bulgar sumuporta, may isa pa palang mas bulgar at mas desperada.
Pumasok kami sa Tilt. Hindi pumalya si Noah. Agad kong naaninag si Megan sa mga babaeng nasa harapan. Pareho kaming naka heels pero mas matangkad parin ako sa kanya. Nakangisi na siyang nakatingin kay Noah kaya agad akong inakbayan ni Noah.
"She's coming." Bulong ni Noah sa akin.
Dumiretso nga si Megan sa amin.
"Hi Noah!" Bati niya na para bang hindi ako nakikita.
"Hello." Paglalaro ko.
Bumaling siya sakin tsaka ni head to foot ako.
"Coreen Aquino!"
Nabigla ako nang binanggit niya ang pangalan ko. Sabagay, naalala ko iyong nasa CR kaming dalawa at may cryptic message siyang sinabi sa akin. Naglahad siya ng kamay.
"I'm Megan."
"Hi Megan. Kilala mo na pala ako. Ibig sabihin alam mo rin na girlfriend ako ni Noah?" Tinaas ko ang kilay ko sa kanya.
"Oh!" Lumipad ang kamay niyang nakalahad sa kanyang bibig.
"Yes, Meg. Matagal na kami." Ani Noah.
"Really? May naka tiis sa pagiging suplado mo bukod sakin?" Humagalpak sa tawa si Megan na para bang hindi natitinag.
"Actually, iyon nga ang nagustuhan ko sa kanya. Yung pagiging suplado niya."
Nagkatinginan kami ni Noah. Nakita kong ngumiti siya.
"Pareho pala tayo!" Confident na sinabi ni Megan. "So, ano, tutugtog na ba kayo, Noah?" Sabay kapit ni Megan sa braso ni Noah.
Ganun? Nawindang ako dahil hindi niya man lang nirespeto ako as girlfriend kuno ni Noah.
"Teka nga, Meg. Hindi ka pwedeng humawak sakin. Stop it." Supladong hinawi ni Noah ang kamay ni Megan.
"Ay." Sumimangot si Megan.
"Back off. Can't you see? I already have a girl." Sabi ni Noah.
"Hindi ba si Coreen yung mahal na mahal ng kapatid mo? Dapat sila ni Rozen, eh. Hindi kayo."
Siniko ako ni Noah. Para bang kailangan kong magsalita tungkol doon kaya tinulungan ko na.
"Well, si Noah ang gusto ko, e." Ngumisi ako at hinila si Noah palayo sa kanya.
Nagpatianod naman si Noah sa akin. Hinayaan niya si Noah na mapunta sakin.
"Dapat sinabi mong wa'g na siyang manggulo satin." Aniya.
"Sige, next time. Hindi ko naman alam na ganun ka kapal ang mukha ng babaeng iyon." Sabi ko.
Tumawa kaming dalawa. Hinatid niya ako sa isang table.
"Dito ka lang, kakanta na si Liam mamaya. Mag si-set up lang kami." Aniya.
Tumango ako at naghintay doon.
Ilang sandali ang nakalipas, pinanood ko na si Megan na nandoon sa harap, kasama ang mga fan girls ni Noah. Mukha pa atang nag pagawa siya ng tarpaulin na puro mukha lang ni Noah. Umiling ako at hindi ko mapigilang ngumiti. Nakita kong badtrip na badtrip si Noah sa nangyayari.
"A-Anong order mo?"
Napatingin ako sa babaeng biglaang nagsalita. Nakita ko si Elle. Ang dating masiyahing si Elle ngayon ay medyo seryoso at malungkot na.
"Uhm, pineapple juice." Sabi ko.
"Okay." Tsaka tinalikuran ako.
Sinundan ko siya ng tingin. Nang nakalapit na siya sa bar ay nakita kong lumagok siya ng tatlong shots ng hindi ko alam kung anong inumin iyon bago niya kinuha ang order ko tsaka hinatid sa table.
"Elle." Tawag ko nang paalis na sana siya.
"Ano?" Medyo iritado niyang tanong.
"Sorry." Sabi ko.
"Para san?"
"Para sa ginawa ni Rozen sayo." Sabi ko. "He's always been like that."
Hindi ko na dinugtungan dahil umawang na ang kanyang bibig na para bang may sasabihin. Pero imbis na sabihin niya iyon sa akin ay umalis na lang agad siya.
Hindi na naalis ang tingin ko kay Elle. Nakita kong nakaupo na siya ngayon sa high chair ng bar habang kinakausap ang lalaking bar tender. Sumusulyap sulyap pa ang bartender sa akin na para bang ako ang pinag uusapan nila. Lagok nang lagok si Elle ng inumin.
Hindi ko na nasundan ang mga tinugtog nina Noah. Hindi ko talaga maiwasang pagmasdan si Elle na naka pangalumbaba na ngayon at marami ng nainom. Nakita kong nanginig ang balikat niya. Tinahan siya ng bartender at sumulyap ulit ang bartender sa akin.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumayo na ako at dumiretso sa kinauupuan ni Elle.
"Oo. Ang tanga tanga ko! Pinagpilitan ko ang sarili ko sa kanya! Pero andun na, eh! Ngumingiti na siya tuwing magkasama kaming dalawa! Kahit na alam kong may kulang, sumugal ako." Umiiyak niyang kwento sa bartender.
"Shhh... Elle. Tama na."
"Alam mo yun. Hindi pa siya regular na nagpaparamdam! Madalas isang beses sa isang buwan lang nag titext. Kaya pinilit ko ang sarili ko sa kanya. Damn it! Nandun na talaga."
"Elle." Hindi ko alam kung bakit ako nandito.
Pero nagi-guilty talaga ako sa ginawa ni Rozen. Kahit na wala naman dapat akong ika guilty dahil si Rozen naman talaga yung puno't dulo ng lahat.
Napatalon si Elle nang narinig akong magsalita.
"ANO?" Iritadong tanong niya. "Nandito ka ba para pagtawanan ako sa ginawa kong pagmamakaawa sayo?"
"Hindi, Elle. Talagang nag so-sorry ako. Ganun talaga si Rozen. Wala yung pakealam kung sino ang sinasaktan niya. Kahit ako sinasaktan nun eh."
Humagulhol si Elle. Tinitigan niya ako gamit ang mga mata niyang punong puno ng luha. Shit! In love na in love talaga siya kay Rozen. Ang lalaking iyon talaga!
"Alam mo, Coreen? Wala akong pakealam kung saktan niya ako paulit-ulit basta ako lang yung piliin niya. At ikaw?" Tinuro niya ako.
Natigilan na yung ibang waitress at waiter para tignan kaming dalawa. Habang ang mga nasa loob naman ng bar ay maingay sa hiyawan dahil sa banda nina Noah.
"Ikaw? Pinaubaya mo na siya sakin, diba? Tapos ngayon? Bakit di siya nagpaparamdam? Ang daya mo, may Noah ka na, may Rozen ka pa! Bwisit!"
Pakiramdam ko lumamig ang mukha ko sa sinabi ni Elle. Hinigop ng utak ko ang mga dugo sa mukha ko.
"Alam mo, Elle? Useless din kasi ang pag papaubaya ko sa kanya sayo, eh. Hindi naman ibig sabihin nun na hindi na siya lalapit sa akin! Kung gusto mong mamalimos ng pag ibig, kay Rozen ka dumiretso. Wa'g mo akong asahan dahil hindi ko mababago ang desisyon niya." Mariin kong sinabi.
Kailangan niyang mamulat dito. Masyado na siyang nabulag sa pag ibig niya kay Rozen. Masyado siyang desperada.
"Tingin mo hindi ko pa nagawa yun? Coreen, lumuhod na ako sa harapan niya! Wala siyang nagawa kundi tignan lang ako at sabihin saking ikaw lang talaga. Kaya sayo ako nagmamakaawa! Dahil alam kong si Noah ang mahal mo... Dahil alam kong iniichipwera mo lang si Rozen."
Napahawak ako sa noo ko. Tumayo si Elle. Inalalayan pa siya ng mga kasamahan niya dahil medyo hindi na maganda ang balanse niya. Lasing na ito. Lasing na lasing. Kaya pala nagawang sabihin lahat ng iyon dahil lasing na ito.
"Mahal ko rin si Rozen, Elle." Sabi ko.
Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Tumigil siya sa paghikbi. Lumingon lingon siya at biglaan niyang kinuha ang isang baso ng tubig at mabilisang tinira sa akin. Napapikit ako habang umuubo. Saktong pag buhos niya ay nalanghap ko ang tubig.
"Namamangka ka sa dalawang ilog? You're so selfish, Coreen!" Sigaw ni Elle.
"Tama na, Leonore." Tawag ng kasamahan ni Elle sa kanya.
Haharapin ko na sana siya para labanan at pagsabihan nang may biglang humigit sakin. Buong akala ko si Noah iyon. Pero hindi, eh. Naririnig ko pang kumakanta si Liam at masyadong busy pa ang mga tao sa kanila kaya hindi kami napapansin dito sa gilid.
"Elle!" Umalingawngaw ang boses ni Rozen.
Nasa likod niya na agad ako.
"R-Rozen." Gulat na utas ni Elle.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top