Kabanata 45

Kabanata 45

Endless Chase

Nagmamadali akong lumabas sa school sa araw na iyon dahil masyadong umalingawngaw ang balitang inaway ko si Elle. Naiirita ako at pag naririnig ko ang tsismis ay gusto ko na lang kalbuhin yung mga nagsasalita.

Hindi ako nagpasundo dahil masyado na akong nagmamadali. Napagdesisyunan kong pumara nang taxi malayu-layo sa school nang sa ganun ay wala na akong marinig na tsismis.

Sumakit yung paa ko sa kakalakad nang nakarating na ako sa lugar kung saan ko naisipang pumara ng taxi. May nakita akong isa. Papara na sana ako nang biglang sumulpot sa harapan ko ang sasakyan ni Rozen.

True. Parang nalusaw ang nararamdaman ko. Ang saya ko. Kaya nga bwisit na bwisit ako dahil sa lahat ng pinaggagawa niya, nababaliw parin ako pag nagpapakita siya sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" Galit ko siyang tinuro nang bigla siyang lumabas.

Hindi siya umimik. Hinigit niya ang braso ko at binuksan ang pintuan ng sasakyan niya.

"Bit..." Halos bigwasan ko siya sa ginawa niya. "tiwan mo nga ako!"

"Let's go!" Aniya saka tinulak ako papasok sa sasakyan niya.

Hindi naka open-mode ang BMW niya ngayon kaya nang ni lock niya ang buong sasakyan, wala akong nagawa kundi ang hampasin ang pintuan.

"BWISIT!" Sigaw ako ng sigaw habang pinagmamasdan siyang umikot para pumasok sa driver's seat.

Tumigil ako sa paghampas ng pintuan dahil alam kong useless naman iyon. Pinanood ko siyang umupo at sinarado ang pintuan ng sasakyan. Agad naman niyang pinaharurot ito.

"Ano ba?" Sinigawan ko siya.

"Ba't ka nandito? Hindi ba dapat si Elle ang kasama mo?" Hinampas hampas ko ang braso niya sa sobrang inis.

Kahit na iritadong iritado ako, nandyan parin ang saya na nararamdaman ko. Ang saya ko dahil magkasama ulit kami. This is not good. I need to take Noah's advice. Hindi pwedeng bibitiwan niya ako at pupulutin kung kailan niya gusto.

Sinabi niyang mahal niya ako pero hindi niya iyon mapanindigan. Kailangan kong makita iyon, maramdaman. Prove it to me, Rozen.

"Ba't siya ang kasama ko?" Tanong niya habang nakatoon parin ang atensyon sa kalsada.

Hinampas ko ulit ang braso niya. Gusto ko siyang saktan, physically, emotionally, whatever basta masaktan ko lang siya. Gusto kong ibuhos lahat ng hinanakit ko sa kanya.

"Pinili mo siya, diba? Iniwan mo ako sa gabing iyon tapos di ka na nagparamdam?"

"Anong hindi? Ilang beses ako sa isang araw nag ti-text sayo?"

Kinurot ko ang gilid niya at hinampas ko ulit siya.

"Aray!" Kumunot ang kanyang noo at umangat ang kanyang labi. "Ang sakit!" Hinaplos niya ang gilid niya.

Isang kamay na lang ang nakahawak sa manibela habang iniinda niya ang sakit.

Ngumuso ako dahil narealize kong masyadong malakas ang pagkakakurot ko. Gusto kong ngumisi pero pinigilan ko dahil dapat galit ako sa kanya ngayon.

"I freaking hate you! Ba't ka pa nagpakita? Sana dun ka na lang kay Elle!" Untag ko.

"Ano? Akala ko ba mahal mo ako."

Nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya.

"AKALA KO RIN MAHAL MO AKO!" Inirapan ko siya.

"Mahal naman kita? Pinagdududahan mo parin yun hanggang ngayon?"

"Shit! Kung mahal mo ako ba't mo ako iniwan nung gabing iyon, ha?"

Parang kinukurot ang puso ko sa tanong kong iyon. Sana mabasa ko ang utak niya. Sana alam ko lahat ng rason kung bakit ganun ang ginawa niya.

"I chased her because I want to her to let me go, Coreen." Seryoso niyang sinabi.

Pero... iniwan mo parin ako. Humalukipkip ako at tumingin sa labas. The reason is not enough. Kasi noon, ako lang talaga. Magiging harsh siya sa lahat ng tao sa paligid para sakin. Hindi niya na kailangan ng permiso ng ibang tao para piliin ako.

"Wala siyang ginawa kundi ang mahalin ako. Pinaasa ko siya."

"Ang dami mo ng pinaasa, ngayon ka pa ba ma gi-guilty?" Tanong ko kahit ang mga sasakyan sa labas ang tinitignan ko.

Ilang sandali pa bago siya nagsalita. Nipark niya sa harapan ng isang fountain ng 5-star hotel ang kanyang sasakyan. Anong gagawin namin dito? I don't know. Bahala siya sa buhay niya.

"Nakikita ko ang sarili ko sa kanya."

Natulala ako sa sinabi niya.

"The way she loves me? Ganun ako. Yung mga kaya niyang gawin, ganun ako. Yung kaibahan lang namin ay madaya akong maglaro. It makes me wonder, kung hindi ako nandaya sa inyo noon ni Noah, mamahalin mo kaya ako?" Nabasag ang boses niya.

Napalingon ako sa kanya.

Hindi ko alam ang sagot. Maging ako, walang maisagot. Nag iwas ako ng tingin.

"Ba't tayo nandito?" Tanong ko.

Napabuntong hininga siya, "I wanna date you."

Halos matawa ako sa rason niya. Sapilitan niya akong pinapunta dito. Kahit kailan talaga, madaya siya.

"Let's go." Lumabas agad siya sa sasakyan at pinagbuksan ako.

Umihip ang malakas na hangin habang tinititigan niya ako at naghihintay sakin ang nakalahad niyang kamay. Nakakalasing ang titig niya. Iyong tipong ako lang talaga ang kaya niyang titigan ng ganito. Pero tuwing iniisip ko si Elle, bumabaliktad ang sikmura ko.

Naaalala ko iyong nakita ko sila sa fastfood. The way he looked at her? Parehas ba iyon sa titig niya sa akin ngayon? Kahit siguro anong sabihin niya saking hindi niya mahal si Elle, o ako ang mahal niya, parang hindi maalis sa sistema ko ang pagdududa. That it wasn't just me... dalawa kaming minahal niya. At naiirita ako dahil ang selfish ko. Dalawa din silang minahal ko. Siya at ang kapatid niya.

Hindi ko tinanggap ang nakalahad niyang kamay. Humalukipkip ako at tumayong mag isa.

Sabay kaming naglakad sa restaurant. I should remember Noah's advice, na pahirapan ang isang ito. Gaya ng sabi ko, hindi pwedeng pulutin niya lang ako kung kelan niya gusto at bitiwan tuwing kaya niya.

Umupo ako agad sa isang table at tinignan iyong menu.

"Garden Salad tsaka pineapple juice." Diretso kong sinabi sa waiter.

"Okay po." Aniya.

Nakita kong sumimangot si Rozen sa order ko. Tinaas ko na lang ang kilay ko at uminom ng tubig. Pagkatapos niyang mag order ay agad ko siyang binanatan.

"Bakit ka naman nakikipagkita sa akin? Ba't di si Elle?"

Tumikhim siya, "Ba't si Elle?"

"Ba't ngayon ka lang nagkakaganito? Ba't noon pinapabayaan mo lang ako?"

"Anong pinapabayaan? Nititext kita. At alam ko kung anong mga ginagawa mo."

"WHAT?" Nanliit ang mga mata ko.

Alam niya kung anong ginagawa ko?

"As long as hindi ka naman nag eentertain ng lalaki, hindi na muna kita guguluhin. Nakiusap si Elle sakin na layuan ka muna hanggang sa magkausap kayong dalawa. Pero kita mo? Hindi ko kaya! Text ako nang text sayo! I told my self na dapat seryosohin ko yung pakiusap ni Elle kasi nasaktan ko siya. Napaglaruan ko siya. Naawa ako sa kanya kaya napaasa ko siya. Pero hindi ko magawa iyon. Hindi ko kayang tigilan ka simula nung gabing iyon."

Umirap ako.

"Iyon ang sinabi ni Elle?"

"Oo. Hindi ba nag usap na kayo kanina?"

Hindi ko alam kung paano niya iyon nalaman. Kung dahil ba sa mga tsismis o may galamay siyang nag report sa kanya na nagkausap kami ni Elle.

"Oo. Nag makaawa siya sakin na i give up kita sa kanya. Syempre, pinagbigyan ko na. Anong halaga ng taong, in the first place ay hindi ako pinili, diba?"

Nakita kong kumuyom ang panga niya. Nagkatitigan kami. Nakakunot ang kanyang noo habang nakataas naman ang isang kilay ko.

Dumating ang order. Binalewala ko ang galit na nakita ko sa mukha niya at nagsimulang kumain.

"Nakiusap siya sayo?" Nagtanong siya habang sinusubo ko ang pagkain. "Yun ang pinag usapan niyo?"

"Of course! Why? Anong iniisip mo? Na inaway ko siya kasi lumuhod siya sa harap ko?" Umirap ulit ako.

Umiling siya at tumikhim.

"And why did you give me up?"

Padarag kong binitiwan ang mga kubyertos bago ko siya sinagot ng mariin.

"Because you gave up on me. Iniwan mo ako ng gabing iyon."

"Oh stop being bitter about it, Coreen! I told you, sinundan ko siya dahil naawa ako sa kanya."

"At hindi ka naawa sakin?" Matabang kong utas.

"I told you I love! Na ikaw lang noon, hanggang ngayon. Ikaw lang mag isa! Hindi ko inakalang makikita niya tayong dalawa na ganun. Ilang buwan ko siyang pinaasa, I felt guilty about it kaya kinailangan kong sundan siya para humingi ng tawad."

Tumayo ako para mag walk out. I don't know why but I'm really, really pissed. Hindi ko mahanap sa mga rason ko kung bakit hindi iyon enough na rason.

Siguro ay dahil na rin sa masyadong naantala ang lahat ng ito. Naantala lahat dahil dumating si Elle at hindi ko iyon matanggap. Hindi ko matanggap na may isang pagkakataon na hindi niya ako pinili. That was it.

Tumayo din siya at pinigilan niya ako sa pag alis.

"Nung bumalik ako, I saw you and Noah hugging."

Napalunok ako sa sinabi niya.

"Sabihin mo, Coreen... tingin mo ikaw lang ang nakakaramdam ng selos. Bullshit! Sobrang selos din ang naramdaman ko nun. Na pagkatapos nating maghalikan ay kayakap mo siya-"

"Wa'g mong ibaling sakin ang kasalanan! Kung hindi mo ako iniwan nun edi sana tayo ang magkayakap!" Sigaw ko.

Nakita kong nanlaki ang mga mata niya.

"Bakit ka may second option? Bakit ka may fall-back? Na pag wala ako, may nakareserba kang isa? Bakit? Ako! Kahit kailan wala-"

"Anong wala? May Elle ka! Hindi ako bulag!"

"Bullshit! Kung may iba akong mahal, wala ako dito para magpakabaliw ulit sayo! Come on, Coreen. Let's end the chase. Stop being heartless."

Binawi ko ang braso ko at tinaas ang kilay.

Ilang buwan na rin ang nasayang ni Rozen. Nagmakaawa na ako sa kanya, sinaktan niya lang ako. Noah's right. I shouldn't just spread my arms tuwing tatakbo siya pabalik sakin. Hindi pwedeng pupulutin niya lang ako kung kelan niya gusto.

"No, Rozen. I still think may iba ka ng mahal. Kasi ang Rozen na kilala ko, ako lang talaga, ako ang pinipili. Sa lahat ng pagkakataon. Yes, we will end the chase. So stop chasing me and go back to Elle."

Yung pagiging bitter ko ata ang nagsasalita. But never mind, if he really is still my Rozen, he will not give up. This is my last chance. I want my Rozen back. I will have him if he really wants me.

"Fine!" Sigaw niyang bigla.

Napatingin ako sa mga tao sa paligid na nakatingin narin pabalik sa amin. Anong fine? Fine? Babalik na siya kay Elle. Napalunok ako.

"Fine, Coreen." Humakbang siya palapit sa akin.

Umangat ang labi niya at tumindig ang balahibo ko sa ngisi niyang iyon.

"Hindi ko alam kung bakit tinaboy mo ako noon para magbago ako gayung iyon parin pala ang gusto mo. You want my chase? I will chase you endlessly until you give in."

Parang yelong natunaw ang binti ko. Kinailangan ko pang kurutin ang sarili ko para lang mapanatili ang sinusumpa ko noong papahirapan ko siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: