Kabanata 44

Kabanata 44

Pakiusap

"Oh? Bakit? Anong problema sa pagsusunod ko, Noah?" Nakataas ang kilay ni Megan sa kay Noah.

"You're a stalker. Desperate girl." Walang pusong utas ni Noah.

"So what if I am?" Nilingon ako ng babae.

Agad akong hinila ni Noah palayo sa babae.

"Mahal mo ako, eh. Alam ko yun." Confident na sigaw nung babae kay Noah.

Umiling si Noah at nagpatuloy sa paghila sa akin.

"Noah." Tawag ko nang narealize na limang minuto na lang ay may pasok na ako.

"Hmm?" Medyo naiirita pa siya dahil kay Megan.

"May pasok na ako." Sabi ko.

Tumango siya at kinalas ang kamay na nakahawak sakin, "I'm sorry."

Ngumisi ako at umiling. "Mukha ngang patay na patay yung Megan sayo, ah?"

"Ayoko sa kanya. I hate her, Coreen."

"Huh? Bakit?"

"I just... hate her. Masyadong nakakawala ng respeto ang paghahabol niya sakin. I want her gone." Sumulyap siya sakin.

Nanliit ang mga mata ko sa titig niya.

"Ano?" Nagtataka kong tanong.

"I wonder if you can help me." Nilagay niya ang kamay niya sa kanyang baba.

"How?"

Syempre, kahit ano, papayag ako para kay Noah. Unlike Rozen, hindi ako tinalikuran ni Noah. Sumakit na naman ang dibdib ko habang naiisip si Rozen. Naiisip ko na naman iyong pag alis niya. Ang pag pili niya kay Elle.

Kung mahal niya ako ba't niya ako iniwan doon?

"Wala na naman si Rozen, hindi ba?"

Hindi ako kumibo. Hinintay kong matapos siya sa kanyang ideya. Ngumisi si Noah. Isang ngising kailanman ay hindi ko pa naaninaw na ginamit niya.

"He's probably dead in her arms." Matabang kong sinabi.

"Okay, then how about you pretend to be my girl, Coreen?"

"Ha? NO!"

Diretso ang sagot ko dahil masyado akong maraming rason.

Una, ganito ang nangyari samin ni Rozen at natatakot akong may mahulog saming dalawa. Alam kong hindi ako yun dahil wala akong lakas na mainlove ngayon bukod sa punyaterang Elizaldeng iyon (na hindi ko tatanggapin once mag makaawa siya sa akin in person). Pangalawa, ayokong manloko ng tao. Pangatlo, ayokong... shit! Kasali ba talaga ito sa rason?

"Pero kasi, Noah..."

"Ayaw mong magselos si Rozen at isipin niyang tayo na naman?" Inunahan niya ako sa gumugulo sa isipan ko.

Pinisil ko ang kamay ko bago siya tuluyang tinitigan.

"Eh kasi..."

"Oh come on, Coreen! Ilang beses ka niyang sinaktan? Gusto mo ako ang mag bilang? It's time you make him jealous!"

"Pero kasi-"

"Anong kasi? Look." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

Napatingin ako sa kamay na nakahawak doon.

"I know you know how much I love you." Seryoso niyang sinabi.

Napalunok ako doon. Hindi ko alam kung anong idudugtong ko.

"Pero gaya ng sabi ko, hindi kami pareho ni Rozen na pinagpipilitan-"

"Hindi na nga ganyan si Rozen! Hinahayaan niya na ako ngayon, hindi ba?" Medyo iritado kong pangatwiran.

"Okay, fine, Coreen. Hahayaan kita kay Rozen kasi alam kong kahit anong baliktad ko sayo ay wala ka ng maibibigay sakin. And you know what? Kung iniingatan mo si Rozen, ako hindi. Kasi naiirita ako sa kanya. Naiinis ako kasi pinapabayaan ka niya."

Napayuko ako sa sinabi ni Noah. Medyo nasampal ako doon sa linya niyang iyon, ah?

"But here's my point. Twing tatakbo ba pabalik si Rozen ay agad mo siyang tatanggapin? Pagkatapos ng ilang taon niyang pagkawala, agad mo na lang siyang tatanggapin?"

"I'm not in the place to play hard to get, Noah. I pushed him away-"

"THAT WAS A LONG TIME AGO, Coreen! Nag makaawa ka sa kanya last March. Ilang beses ka niyang sinaktan. At sa huli niyong pag uusap? Iniwan ka pa niya!" Nakita ko ang galit sa mukha niya.

"Listen, Noah-"

"No, you listen to me, Coreen o walang mangyayari sa inyo ng kapatid ko."

Hindi ako kumibo at hinintay ko ulit ang sasabihin niya.

"I need this. I need you to pretend as my girl. And you'll need this to threaten Rozen. At ayaw ko ng tuwing na ti-threaten siya ay agad kang bibigay. Pahirapan mo. At sa oras na pakiramdam mo'y okay na, you can tell him about the truth."

Hindi parin ako umimik.

"I don't know, Noah."

Napatalon ako nang narinig ko ang bell. Shit! Late na ako.

"Talk to you later, soon, pag isipan mong mabuti."

Bumuntong hininga ako at tumango bago umalis.

Kaya buong paglalakad ko papuntang classroom, iyon lang ang naging laman ng isip ko. Noah's pretend girlfriend? Years ago, I would trade my life for this. Pero ngayon, nag aalinlangan pa ako para lang sa nararamdaman ni Rozen.

Hey, wait a minute. Bakit ko ba iniisip ang nararamdaman niya eh hindi nga niya ako iniisip? Iniwan niya ako sa ere! Iniwan niya ako doon at pinili niya ang lintek na Elle na yun.

Napatalon ako nang nakita ko si Elle sa labas ng classroom ko pagkatapos ng klaseng iyon. Doom's day na ba at bakit ang daming sumusulpot ngayong araw na ito? Umilag ako sa tinatayuan niya pero sinundan niya ako.

"Coreen, pwede ba tayong mag usap?" Marahan niyang tanong.

Kumunot ang noo ko at humalukipkip. Ni hindi ko na nakakausap sina Kristen, Ivy, at Trina para lang maiwasan si Elle at Rozen.

"Anong pag uusapan natin?" Tanong ko.

Pumungay ang mga mata niya.

Ngayon ko lang napansin. Medyp naging stressed out ang kanyang mukha. Hindi tulad noon na laging jolly at everyday happy. Ngayon ay parang namatayan siya. Hindi naman ito ang unang pagkakataong nagkasalubong kami sa loob ng dalawang buwan pero ngayon ko lang siya nakaharap ng ganito.

"I want us to talk about Rozen." Aniya.

Tumaas ang blood pressure ko sa sinabi niya. Kahit na nakakaawa na ang mukha niya ay medyo nabanas ako kaya hindi ko na napigilan ang masasamang salita ko.

"Bakit pa natin siya pag uusapan? Na sayo na, hindi ba? Edi sayo na." Matabang kong sinabi.

Lalagpasan ko na sana siya pero pinigilan niya ako.

"Please, Coreen. Let's talk."

Bumuntong hininga ako sa pakiusap niya. Hindi ko alam kung papayag ba ako o hahayaan na lang silang dalawa.

"Ikaw ang pinili ni Rozen. Hindi mo ba nakita? He told me he's sorry!" For Pete's freaking sake!

Napalunok siya sa medyo mariin kong mga utas.

"May itatanong lang naman ako." Aniya.

"Okay then. Fire the question." Sabi ko at tinaas ang kilay.

Alam kong mali na tarayan siya pero hindi ko maiwasan. Masyado akong bitter sa nangyari.

"Nag co-communicate pa ba kayo?"

"Hindi."

"I mean, n-nag titext ba siya sayo?" Tanong niya.

Hindi ako nakasagot agad. Oo, nag ti-text siya. Pero isa itong nakapagtatakang tanong.

"Bakit? Anong meron kung mag text siya?" Tanong ko pabalik.

Yumuko siya at umiling. Hindi siya kumibo.

"Coreen, alam kong matagal na kayong magkakilala ni Rozen."

Tinitigan ko lang siya habang nagsasalita. Nakita kong namuo ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata.

"Alam kong matagal ka na niyang gusto. Sinabi niya sakin sa gabing iyon."

Mariin kong kinagat ang labi ko. Saan patungo itong mga sinasabi niya?

"Pero... may Noah ka naman hindi ba? Hindi ba si Noah ang gusto mo?"

Nalaglag ang panga ko sa pagkabasag ng kanyang boses.

"Isa-isa lang, Coreen. Pwede bang iba na lang, wa'g lang si Rozen."

Nilipad na talaga ng hangin ang panga ko. Hindi ko na matikom ang bibig ko sa sobrang pagkabigla.

"M-Marami akong kilala, y-yung medyo hawig niya... M-Marami akong kilala. May pinsan akong kasing tangkad niya..." Tumulo ang kanyang luha.

Ganun parin ang reaksyon ko.

"Please, Coreen, sa akin na lang si Rozen. Mahal na mahal ko siya. Hindi ko kayang maagaw siya sakin."

Unti-unti siyang lumuhod sa harapan ko habang umiiyak. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng dumadaan.

"Oh shit! Stand up, Elle!" Sigaw ko.

Umiling siya, "Hindi ako tatayo hanggang di mo pinapaubaya si Rozen sakin. Please!"

Tinulungan ko siya sa pagtayo. Hinila ko siya.

"Uy, ano yan? Inaway ni Coreen? Hala! Anong nangyari?"

"Ang sama ni Coreen. Ba't nakaluhod si Leonore?"

"Hala. Kawawa naman si Leonore. Pinagkaisahan ba siya ni Coreen?"

Marahas ko na siyang hinila pero umiiling at umiiyak siyang nagmamatigas at ayaw paring umahon.

"SHIT! Tumayo ka!" Sigaw ko.

Bahala ka dyan! Umamba akong umalis pero hinila niya ang paa ko.

"Ano ba, Elle!? Nababaliw ka na ba!? Wa'g mo nga akong pahiyain ng ganito!" Sigaw ko.

"Please, Coreen." Humagulhol siya sa harapan ko.

Mariin kong kinagat ang labi ko. Narinig ko na naman ang bulung-bulungan ng mga tao.

"Grabe! Kawawa naman si Elle. Anong ginagawa ni Coreen?"

"Binubully ata."

Tumingin ako sa paligid para hanapin ang source ng nakakairitang nag uusap. Kaya lang tikom ang bibig ng mga tao. Lumuhod ako at hinarap ang humagulhol na si Elle.

"Bakit ka makikiusap sa akin, ha? Eh nasa sayo na siya, diba? Ikaw ang pinili niya! Nakita mo ba kung paano niya ako iniwan?"

Wala siyang imik. Umiyak lang siya nang umiyak kaya wala akong nagawa kundi...

"Fine! Whatever! He's all yours Elle! Just stand the fuck up."

Binitiwan niya ang binti ko kaya nakawala ako. Hindi ko na siya hinintay na tumayo. Agad na akong umalis.

May pakpak ang balita, agad itong lumipad sa lahat ng sulok ng paaralan.

"Si Coreen pinaluhod si Elle kanina. Kawawa naman si Elle."

Napangiwi ako sa iba't-ibang bersyon nito.

"Coreen!" Medyo naiilang akong tinawag ni Kristen nang nagkasalubong kami.

"Hi!" Bati ko kahit alam kong narinig na nila ang balita.

"Anong nangyari? Inaway mo daw si Elle. At dahil yun kay Rozen?"

Natigilan ako. Ito lang ata ang muntik ng tumama sa lahat ng mga tsismis.

"Hindi ko siya inaway." Nagpatuloy ako sa paglalakad.

Sinundan nila ako.

"Kung ganun, bakit siya nakaluhod at umiiyak sayo?"

"Coreen!" Tawag ni Trina. "Iniiwasan mo ba kami? Ano bang nangyayari?"

God, I miss Reina! Ilang buwan na lang uuwi na iyon pero parang mas lalong tumatagal ang panahon. I miss our friendship.

"Hindi ko siya inaway." Simple kong sinabi sa kanila.

"They said you were desperate. Na gusto mo si Rozen kaya inaway mo si Elle." Nagkatinginan silang tatlo.

Hindi ko na alam kung ilang beses tumaas ang altapresyon ko sa araw na ito.

"Talaga? Sinong nagsabi?"

"Y-Yung mga taong nakakita?" Sabi ni Kristen.

"You should ask Elle. Nagdiriwang na iyon ngayon. Pinaubaya ko na si Rozen sa kanya. What's wrong with you people. Mukha ba akong ganun ka desperada?"

Ilang beses akong sinaktan ni Rozen. Ilang beses akong naghirap. Tama si Noah. Sa oras na aamba ng pagbalik si Rozen sa akin, papahirapan ko siya ng todo.

Kinuha ko ang cellphone ko at nitext si Noah.

Ako:

Alright. Pero saka lang pag nandyan si Megan. Deal.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: