Kabanata 43

Kabanata 43

I'm Sorry

Lumalakas na yung kaninang ambon lang. Pero hindi ako nagpatinag, pareho naming tinitigan ang isa't-isa. Walang sumusuko. Walang nagpapatalo.

"Ano kayo ni Noah?" Tanong niya pabalik sakin.

Hinampas ko ang matigas niyang dibdib. Hindi siya natinag. Nagdiin ang mga labi niya sa irita sa ginawa ko.

"Bakit ko yan sasagutin? Ano ba kayo ni Elle? Nung una kitang tinanong diba sabi mo gusto mo siya? Nagsisinungaling ka ba para lang saktan ako at makaganti ka?"

"Yes, I did like her, Coreen."

May parteng gumuho sa puso ko dahil sa sinabi niya.

"Bitiwan mo ako!" Sabay kurot ko sa braso niyang malakas.

Like mo pala siya, ba't nandito ka ngayon sa harapan ko? Nakakabaliw naman ito. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Parehong naghuhuramentado ang sistema ko at naiirita. Hindi ko na rin maintindihan ang mga kulisap. At mas lalong di ko na maintindihan kung anong pag aalburuto nitong puso ko.

"Madaling magkagusto sa iba. She treated me the way I want you to treat me. Gusto kong maghabol ka sakin. Gusto ko yung patay na patay ka. Gusto ko yung nagkakandarapa ka sakin. Gusto ko yung malalim ang pinanggagalingan ng pagmamahal mo. Gusto ko yung hindi ka titingin sa iba. Yung ako lang mag isa. Gusto ko yun."

Hindi ako kumibo sa sinabi niya. Tanging ginawa ko lang ay ang ipagtulakan siya dahil masyado niya na akong dinidiin sa sarili niya. Bagay na hindi ko naman magawa dahil masyado siyang malakas.

Mas lalong lumakas ang ulan. Nababasa na kaming dalawa pero mukha atang wala siyang planong kumalas dito.

"Edi gusto mo pala. Dun ka sa kanya. Wa'g kang susunod sunod sakin na parang aso. Nakaya mo naman ng isang taon na wala ako sa tabi mo-"

"Nakaya? Nakaya mo! Pero ako hindi! Dahil bawat hakbang mo, pinagmasdan ko nang di mo nalalaman kaya wa'g mo kong masumbat sumbatan diyan kasi wala kang alam."

Nalaglag ang panga ko.

"Don't you dare lie to me, Rozen. Sinundan kita noon."

Nanginig ang boses ko. Iniisip ko pa lang lahat ng nasaksihan ko ay bumabalik sakin ang mga mapait na alaala. Iyong unang pagkakataon ko siyang nakita na kasama si Elle. Ang sweet nila nun sa isang fast food. Kinurot pa ni Elle ang kanyang dibdib. Sobrang lapit nila sa isa't-isa. Pinapasakay pa niya si Elle sa sasakyan niya. Kahit iyong paborito niyang move na pagdausdos sa mga kamay sa baywang ay nagawa niya na rin kasama si Elle. Naghalikan pa sila sa cafeteria. Sa mga oras na wala ako, hindi ako baliw para magbulagbulagan, alam kong may ginagawa silang hindi ko alam.

"Nakita kitang nakikipaglampungan kay Elle!"

Kumuyom ang kanyang panga at ngumisi.

"I know."

Tumindig ang balahibo ko.

"Anong sinabi mo?" Naiinis kong utas.

Nag seryoso ang kanyang mukha, "I tried, alright. I tried to love her the way I loved you. Dapat ganitong babae ang minamahal ko, eh. Yung siguradong sakin ang punta. Yung walang ibang mahal. Yung malinis ang puso dahil ako at ako lang talaga. Hindi yung tulad mong may unang minahal. Malay ko. Fuck it! Malay ko kung anong ginawa niyo ni Noah sa loob ng dalawang taong nawala ako, diba-"

"Fuck you!" Hinampas ko ulit ang dibdib niya.

Ngayon, basangbasa na kami sa ulan. Dumidikit na ang buhok ko sa pisngi at nakikita kong lumandas ang mga patak sa kanyang mukha.

"Eh kasalanan mo di mo agad ako binalikan."

Nakita ko ang ngisi sa mukha niya. Isang ngising nagpapawala sa ulirat ko. Yung ngising totohanan. Walang bahid na kahilawan.

"Oo. Kasi tinaboy mo ako. Paano kita babalikan? Paano kita babalikan gayung buong akala ko si Noah ang mahal mo. You can now finally have your happily ever after! Nung dumating ako at nahuli kayong dalawa? Nakakaputangina, Coreen! Alam mo bang wala akong ginawa sa France kundi ang mag aral para sa negosyo namin at ang magpaganda pa lalo ng katawan para manghina ka sakin. Pero nung nakita kitang kasama siya, pinangako ko sa sarili kong maghahanap na ako ng iba. Na hindi na ulit ako titingin sayo."

Nanghina ang tuhod ko. Mukhang naramdaman ito ni Rozen. Hinaplos ng kanyang dalawang kamay ang magkabilang baywang ko.

"Ayoko na, Coreen. Tama na ang paliwanag."

Lumandas ang luha sa mga pisngi ko. Hindi niya iyon makita kasi basang basa na ako sa ulan pero ramdam na ramdam ko ang init nito sa mukha ko.

Nakita kong napaawang ang kanyang bibig at tinitigan ang aking labi. Sinubukan kong ilapit ang mukha ko sa kanya. Kinagat niya ang labi niya at bahagyang umatras, para bang nag pipigil. Kaya umatras din ako para magpigil. Pero nang paatras na ako ay bigla niya akong inangat. Diniin niya ang katawan ko sa baywang niya. Napakapit ako sa leeg niya dahil ang parehong binti ko ay nakasabit na sa baywang niya.

"Mahal na mahal kita. Kahit anong laro, papanalunin ko para sayo." Bulong niya saka hinalikan ako ng maririin at malalalim na halik.

Sabik na sabik ang mga labi niya. Ramdam na ramdam ko iyon sa bawat atake niya sa labi ko. Wala akong nagawa kundi ang pumikit at damhin ang nakakalasing niyang mga halik. Mas lalo kong hinigpitan ang kapit sa leeg niya. Ayokong tumigil sa paghalik. Pwede bang kaming dalawa na lang at maghalikan na lang kami buong mag damag?

Napawi lahat ng sakit na naramdaman ko.

Nilapit ko ang sarili ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang katawan sa gitna ng malakas na ulan.

Tinulak ko siya bahagya para huminga. Pareho kaming huminga ng malalim at yumukong nakaawang parin ang bibig. Nakatingin ako sa labi niya, ganun din siya sakin.

"Wala kang ginawang tama, kahit kailan." Bulong ko.

Inatake niya ulit ang labi ko. Pwede bang wa'g na talagang tumigil? Ayoko na talagang tumigil! Di bale ng magkasakit kami dito sa ulan basta ang importante ay naghahalikan kaming dalawa.

Humina ng kaonti ang ulan kaya dinig na dinig ko ang sigaw ng isang babae.

"OH MY GOD?"

Natigil kami ni Rozen at napalingon kami pareho sa likod niya. Naaninaw namin si Elle, basang basa din sa ulan, nakatakip ang mga palad sa bibig habang pinagmamasdan kaming dalawang naghahalikan.

"COREEN?" Umiling siya sa akin.

Ang malakas na ulan kanina ay naging ambon na lang ngayon. Papawala na ata ang ulan kaya mas lalo naming nakita ang mukha niyang umiiyak. Humihikbi siya at nanginginig. Hindi nga lang ako sigurado kung dahil ba iyon sa ulan o dahil sa galit.

"Rozen?" Mas lalong pumiyok ang boses niya nang binanggit niya ang pangalan ni Rozen.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Rozen nang lumingon siya sakin. Hinawakan ko ang braso niya at umiling ako.

Yes, I'm selfish. Yes, I'm bad. Yes, I'm the witch her. Pero kakabawi ko lang sa kanya, ayokong umalis siya agad sa tabi ko.

Yumuko siya kasabay ng pag alis ni Elle.

"I'm sorry."

Nalaglag ang panga ko sa pag takbo niya papunta kay Elle.

"ROZEN!" Tawag ko ng buong puso at kaluluwa.

Pero hindi niya narinig dahil umalis na silang dalawa ng tuluyan. Hinabol niya si Elle. I guess his feelings weren't fake.

Humagulhol ako sa iyak. Bakit ganito? Bakit parang dinudurog ang puso ko kahit sinabi niya na sakin kung gaano niya ako kamahal? Bakit nasasaktan ako kahit na alam kong hindi niya mahal si Elle?

Bakit?

Dahil noon, ako lang talaga. Ako lang ang meron siya. Ako lang ang tangi niyang iniingatan. Pero ngayon, dalawa na kami. At hindi ko matanggap iyon. Like what I said, this is my sure bet. Sumugal ako kasi alam kong mananalo ako. Pero ang matalo sa gitna ng paniniwala ko, ang sakit! Sana ay sumugal na lang ako nang di alam yung resulta! Sana ay hindi ako nag expect!

"Coreen!" Narinig ko ang sigaw ni Noah.

Yumakap sakin ang kanyang jacket. Nanginginig ang labi ko habang umiiyak. Niyakap ko agad si Noah dahil sa ngayon, wasak na wasak ako.

Alam kong mali ang sumandal sa kanya dahil mas lalo ko siyang masasaktan. Pero kung hindi ako sumandal sa kanya ngayon, baka hindi na ako makatayo ulit.

"Coreen, what happened? Ba't ka nag pa basa sa ulan? At bakit ka umiiyak?"

Umiling ako at humikbi.

"Coreen, sabihin mo anong nangyari?" Sigaw niya sa akin.

"Wala. N-Nasasaktan lang ako." Binitiwan ko si Noah at nagsimulang maglakad pabalik ng hotel.

"Si Rozen na naman ba?" Hinigit niya ako at hinarap.

"Bullshit! Iwan mo na nga yun! Wa'g mong hayaan ang sarili mo magkaganito."

Eh mahal ko. At sinabi niya ring mahal niya ako. Syempre, karaniwang umasa. Pero ang sakit palang kahit ganun ay makita mo siyang maghabol sa iba. Ang sakit. Sobrang sakit. Baliw na talaga yata ako.

Niyakap ako ni Noah. Sobrang tagal na hindi ko na maalala kung ilang minuto o oras na ang lumipas. Nang humupa ang luha ko ay saka lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na itulak siya palayo.

Bumalik kami sa hotel ni Noah. Pagkatapos kong magpatuyo ay nakatulog na agad ako. Masyado akong napagod ngayong araw. Gusto pa naman sana ni Noah na mag kwento ako pero wala akong nasabi dahil tulog na ako.

Kinaumagahan, tinanghali ako ng gising. Nauna pa si Noah sa pag gising sa akin. Nalaman ko rin na wala na si Rozen at Elle. May kirot akong naramdaman sa puso ko. Hindi ko na talaga alam. Humahantong na ako sa pagdududa sa mga sinasabi sakin ni Rozen.

Gusto ko bumalik iyong dating siya. Yung hindi ako matiis. Yung laging ako ang pinipili. Noong una ay akala kong nakabalik na siya, pero ngayong iniwan niya ako ng ganito, hindi ko na alam.

Siguro nga ay nagbago na siya. At nagsisisi ako dahil binigyan ko pa siya ng pagkakataong kumawala.

Kaya hinayaan ko siya. Kung kami, kami talaga. Nasabi niyang mahal niya ako at nalinaw ko sa kanyang mahal ko rin siya. At sana ay maayos niya na ang gulong pinasukan niya kay Elle. Sa ngayon, kahit mahirap, maghihintay na lang muna ako hanggang maayos ang lahat.

Dumating ang second sem at ito na ata ang pinaka busy na semester ko. Preparation para sa graduation at tatlong pinakamabibigat na subjects na hahatol sa akin. Meron pang inaalok na advance work ang parents ko saking tinanggap ko naman.

Nag ti-text sakin si Rozen. Noong birthday ko, nagpadala siya ng sangkaterbang gift pero hindi siya nagpakita.

Rozen:

Kumain ka na.

Ayan na naman ang mga text niyang miss na miss ko na. Bakit? Bakit hanggang text na lang ngayon? Bakit?

"Shit!" Malutong na mura ni Noah isang araw nang pinuntahan niya si Wade sa school at binisita na rin ako.

"Oh, bakit?" Bago pa niya ako nasagot ay may biglaang humalik sa kanya sa labi.

"What the-" Siniil noong babaeng pamilyar sakin ng halik si Noah.

Gulat na gulat si Noah habang hinihigit ako para pumagitna sa kanya at sa babae.

"Stop following me, Megan!"

"Oh? Bakit? Anong problema sa pagsusunod ko, Noah?" Tumaas ang kilay ng babae.

Megan. Ito yung nakita ko noon pa. Ang weird na babae!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: