Kabanata 42

Kabanata 42

Labing Pito

Nag check in kami ni Noah. Sina Warren at iba pang bandmates niya ay nasa tabing room lang din. Umupo ako sa isang kama habang tinitignan si Noah na nag aayos ng gamit.

"Sorry talaga." Aniya.

"It's okay." Sabi ko.

Bigla siyang naghubad ng t-shirt.

"Err." Pag tutol ko.

Tumawa lang siya at ginalaw ang aircon na hindi pa naka full. "Ano? Violent reactions?"

"Wala." Tumalikod ako para mag ayos din sana ng gamit.

"Alam mo, Coreen. Kung in love ka pa sakin ngayon, siguradong may mangyayari satin."

Nag tindigan ang balahibo ko sa sinabi ni Noah.

"NOAH! Loko ka talaga!" Hinagis ko ang isang unan sa kanya.

"Pillow fight?" Tumawa siya at hinagisan din ako ng isang unan.

Na bull's eye niya ako. Sa mukha ko pa talaga nahagis iyong unan kaya kumuha pa ako ng isang unan para ihagis sa kanya. Kaya lang ay nakita ko siyang nakatayo na sa harapan ko with his sculpted abs. Damn Elizalde!

Tinulak ko siya pero sobrang lakas niya.

"Pillow fight nga, diba?" Sabi ko.

"Naubusan na ako ng unan, eh."

Tinukod niya ang isang tuhod sa kama ko. Uminit ang pisngi ko sa ginawa niya.

"Noah!" Sigaw ko.

"WHAT THE FUCK, NOAH!?" Sigaw ng isa pang tao sa room namin.

Pareho kaming napatalon ni Noah sa gulat. Sinugod kami ni Rozen. Nalaglag ang panga ko nang tinulak niya si Noah kaya napaupo ang kapatid niya sa kabilang kama. Hinigit niya ako at nilagay niya sa likod niya.

Ramdam na ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko at ang panginginig nito. Binawi ko agad ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Ano ba? Rozen!" Sigaw ko.

"What is it, kuya?" Malamig na tanong ni Noah sa kapatid niya.

"Anong plano mo, HA, NOAH!?" I swear, pakiramdam ko pumutok ang ugat niya sa lalamunan sa sobrang lakas ng pagsigaw niya.

"Anong pakealam mo?" Mahinahong tanong ni Noah sa kapatid niya.

"Anong sabi mo?" Sinugod ni Rozen si Noah at umambang susuntukin ito kaya pumagitna ako sa dalawa.

"Ano ba, Rozen!" Sigaw ko. "Ano ba ang problema mo?"

"Tama na nga yan, Kuya. Hindi ba inayawan mo na si Coreen? Bakit kung maka pambakod ka, parang sayo parin siya? Hindi na naman diba? May iba ka na-"

"Shut up, Noah!" Sigaw ni Rozen.

"You shut up!" Sigaw ko naman kay Rozen.

Kumalabog ng husto ang dibdib ko. Ang sarap pakawalan ng puso ko. Kaya lang mukhang kagagawan ng mga kulisap. Parang ginagawa nilang tambol ang puso ko.

"Ba't ka nandito? Bumalik ka nga kay Leonore Batungbakal!"

"Ikaw? Ba't ka nandito? Hindi ba ako ang mahal mo?" Galit niyang sinabi.

ABA! Ang kapal din ng mukha nitong lalaking ito! Grabe! Ang kapal ng libag!

"Wala ka ng pakealam dun!" Sigaw ko at tinulak siya. "Umalis ka nga! Istorbo ka!"

Hinigit niya ang kamay kong tumutulak sa kanya. Bakit kaya nagwawala ang buong sistema ko sa ginagawa niya? Dapat galit ako ngayon, eh.

"Ni book kita ng isang room. Doon ka na matulog." Aniya.

"Ayoko nga! Are you mad?"

Kinuha niya ulit ang kamay ko.

"So what if I'm mad, huh?" Inilapit niya ang mukha niya sakin.

Shit! Nalusaw agad ang inaalagaan kong galit. Hindi ko alam papaano nangyari yun. Come on, Coreen! Ilang buwan ka niyang binaliw at sinaktan. Hindi niya pwedeng gawin yan sayo.

"So what din kung iisa kami ng room ni Noah! Hindi naman ito first time na magkasama kami!" Sigaw kong panunuya sa kanya.

"Kuya, hayaan mo nga kami!"

"Shut up, Noah!"

"What happened to the code, kuya? Hindi ba nagkasundo na tayo noon? Pinagbigyan kita at ngayon ako ang pagbigyan mo." Sabay higit ni Noah sa kamay ko.

Nakita kong nag alam ang titig ni Rozen. Para bang nilagyan namin ng gas ang kanina pang nasusunog na sistema.

"Anong nangyari sa Bros before hoes?"

Tumindig ang balahibo ko nang nakita kong umangat ang labi ni Rozen.

"Hoes, Noah. Hindi naman sinabing bros before Coreen, diba? Coz it will always be Coreen before anything else."

Marahas niya akong hinigit palayo kay Noah. At malakas ko ring binawi ang kamay ko.

"BALIW KA BA?" Sigaw ko sa kanya. "HIndi! Baliw ka nga!"

Pinipiga ang puso ko at the same time naghuhuramentado ito.

"Hindi ka nagbago! Kahit kailan di ka nagbago! Anong gusto mo? Dalawa kami ni Elle? HELL NO! Bumalik ka na sa kanya! We don't need you here!"

Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko.

"ARGGHHH!" Sigaw niya saka sinuntok ang dingding bago umalis at padabog na sinarado ang pintuan.

Napaupo ako sa upuan at napabuntong hininga. Ang bilis ng pintig ng puso ko. Hindi ako makapaniwala na iyo.

Agad akong dinaluhan ni Noah. Hinaplos niya ang likod ko.

"Sorry, Noah." Nabasag ang boses ko.

"Sorry din. Bullshit na Rozen." Aniya. "Madaya talagang mag laro."

Kumunot ang noo ko, "Naiinis ako sa kanya, pero shit, mahal na mahal ko talaga siya."

"I know." Buntong hininga ni Noah. "At hanggang ngayon, wala parin siyang natutunan. Marumi parin siyang maglaro."

Ilang sandali ang nakalipas ay nag alas kuwatro na. Nag soot na ako ng dress para sa kasal ng kapatid ni Liam.

"Let's go?" Ani Noah. "Okay ka lang ba kahit na tutugtog kami at nasa crowd ka lang muna?" Tanong niya.

Tumango ako. "Okay lang."

Sabay-sabay kami ng mga kabanda ni Noah na pumunta doon. Si Rozen at si Elle naman ay sumunod na lang. Naka ponytail ang buhok ni Elle at nagsoot siya ng puting flowing dress. Puti rin ang soot ko, maiksi at tube top. Nanaig ang pagiging masayahin niya. Nahahawa si Liam. Nagtawanan si Liam at si Elle pero nakita kong medyo naasiwa si Rozen.

Nagkatitigan kami kaya nag iwas agad ako ng tingin.

Nagsimula yung kasal. Sa reception pa tutugtog si Noah kaya magkatabi kami ngayon. Ang ganda ng gown na soot ng kapatid ni Liam. At sobrang ganda ng venue ng wedding.

Puti ang buhangin ng beach na ito pero mas puting buhangin ang ginawang aisle pamalit sa red carpet. Ang gaganda din ng mga soot ng mga tao, pastel ang colors na ginamit kaya bagay na bagay sa wedding.

Pumalakpak kami nang nag kiss ang bride at groom. Ngumisi ako sa sobrang saya. Ang saya palang makakita ng dalawang taong nagmamahalan at ikinakasal. Napatingin ako kay Rozen na nakatingin ng seryoso sakin at naka pout. Diretso kong binawi ang titig ko.

Pagkatapos ng kasal ay kainan na. Kinailangan na ring tumugtog nina Noah. Duet si Liam at Elle sa stage. Ako lang mag isa sa table ng buong banda. Si Rozen naman ay may iilang babae ng naka aligid. Nilingon ko si Elle na ngayon ay umiiling habang tinitignan si Rozen. Yes, he's a playboy, Elle. Sa sobrang playboy niya, gusto niya pa ata tayong pagsabayin.

"Each time the wind blows

I hear your voice so

I call your name...

Whispers at morning

Our love is dawning

Heaven's glad you came..." Sinimulan ito ni Liam.

Tumindig ang balahibo ko sa boses niya. Magaling talaga siya. Iba ang quality ng boses nila ni Wade pero di ko maipagkakaila na mapapantayan niya talaga si Wade.

"You know how I feel, this thing can't go wrong I'm so proud to say I Love You

Your love's got me high I long to get by this time is forever love is the answer..."

Tumindig na ang balahibo ko. Natigilan ako nang nakita ko sa gilid ng aking mga mata na nakatitig si Rozen sa akin.

Si Elle naman ang sunod na kumanta. Pumikit siya bago nagsimula.

"I hear your voice now, you are my choice now

The love you bring, heaven's in my heart at your call I hear harps,

And angels sing. You know how I feel this thing can't go wrong. I can't live my life without you..."

Binalikan ko ng tingin si Rozen sa pag aakalang naagaw na ni Elle ang atensyon nito pero nawindang ako nang nakita kong nakatitig parin siya sakin sa likod ng pinagsalikop niyang mga daliri.

Uminom ako ng tubig at nagpasyang lumabas muna dito sa hotel. Tapos na rin naman akong kumain kaya magpapahangin na lang muna ako sa labas.

Tumayo ako at umalis na. Pagkalabas ko sa hotel ay narinig ko agad ang alon ng dagat. Niyakap ko ang sarili ko nang naramdaman ang lamig na bumalot sa akin.

"Umaambon." Sabi ko nang nakitang may nag pi-picnic na tumitingala at tumatayo para umalis.

Mas lalo akong lumapit sa seashore para tignan kung umaambon nga. Napatango ako nang naramdaman ang konting ulan sa kamay ko. Konti pa lang naman. Gusto ko muna dito. Nami-miss ko tuloy ang Palawan.

Naglakad ako palayo ng hotel. Maganda kasi dito dahil may mga puno ng niyog na parang sinadyang itanim ng nakahilera para mas lalong gumanda ang resort. Habang lumalayo ako ay binilang ko ang bawat nadadaanan kong niyog.

"Labing lima." Sabi ko.

Masyado na akong lumalayo sa hotel pero okay lang dahil parte parin naman ito ng resort. Napatingin ako sa paligid. Umaalis ang mga tao sa seashore dahil umaambon at malakas na ang hangin. Nasa cottage na lang sila at nagkakatuwaan.

"Labing anim." Sabi ko. "Labing pito."

Grabe. Ang dami talagang niyog. Papalayo na ako nang narealize na medyo lumalakas na ang ulan. Shit. Kailangan ko ng bumalik.

Pumihit ako para bumalik sa pinanggalingan ko nang nakita ko si Rozen sa likod kong nakapamulsa.

"Anong ginagawa mo dito?" Napaatras ako.

Pero humakbang siya palapit sakin. Hindi siya tumigil hanggang sa isang dangkal na lang ang lapit namin. "Nandito ako para kunin ka."

Agad nag huramentado ang puso ko. Letse! Wa'g kang traydor! Mga kulisap na balimbing!

"Ba't mo ako kukunin? Hindi naman ako sayo!" Sigaw ko habang umaatras.

Bawat paghakbang niya palapit sakin ay nakakapanindig balahibo.

"Wa'g kang selfish! Kayo ni Elle. Bakit mo pa ako kailangan? Wa'g kang paasa."

Pinadausdos niya ang kanyang braso sa aking baywang. Just like the old times. Pinigilan niya ang pag atras ko.

"I know you're not stupid, Coreen. By now, napagtanto mo ng hindi kami." Malamig niyang sinabi.

Hindi ako nagsalita. Tinitigan ko lang siya. Hindi ko talaga mabitiwan, sa gitna ng galit ko sa kanya, ang katotohanang sobrang gwapo niya. Iyong earring niyang kumikinang dahil sa ilaw na nagmumula sa ilalim ng puno ng niyog. Ang mga mata niyang may repleksyon ko, ang mga labi niyang pula at nakaawang, lahat... Nakakapanghina.

"Eh ano kayo?" Nabasag ang boses ko.

Nakita kong nalungkot ang ekspresyon niya.

"Ano? Ginagamit mo na naman ba siya? Nanggagamit ka na naman ng tao? Rozen! Bullshit! Sobrang nasaktan ako!" Sigaw ko sabay turo sa may bandang hotel.

Hinila niya ang baywang ko palapit sa kanya. Nakadiin na ako ngayon sa kanya kaya natahimik ako ng wala sa oras.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: