Kabanata 40
Kabanata 40
Someday
Hindi ko mabitiwan sa utak ko ang titig ni Rozen. Yung titig niyang iyon na pamilyar na pamilyar sakin. Hindi mapawi sa mukha ko ang ngiti. Buong linggo ko itong baon.
Dahil fourth year na ako, naging masyado ng busy.
"Bakit ka pa kasi naging late enrolee? Naman! Huling taon na dapat natin at hindi pa kita classmate? Sino na ang group leader namin?" Nanghihinayang na utas ni Ivy sa akin.
Tumawa ako, "Si Kristen! Siya naman ang leader lagi noong first year tayo."
Looking back, ang harsh pa ni Kristen sa akin noon. Ang dami talagang nangyayari sa loob ng tatlong taon. Syempre, sa sobrang dami hindi ko na masundan. Ang tanging naging laman ng tatlong taong iyon ay ang pagmamahal ko kay Rozen kahit na dalawang taon siyang nawala.
"Ayoko na!" Sumimangot si Kristen. "Ang liliit na kaya ng grades ko."
"Ako na lang!" Biglang sumingit ang blooming na si Elle.
Sumulyap siya sakin. Napatingin naman si Kristen sa akin at kay Elle. Tumaas ang kanyang kilay.
"Oo. Magaling naman si Elle." Sabi ko.
"Whoa! Thanks, ah!" Humalakhak si Elle at lumingon-lingon. "Teka lang. May usapan kami ni Rozen. Baboosh!" At bigla namang umalis.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Mag iisang buwan na kaming may pasok at isang buwan na ring nagrereklamo itong sina Kristen sa pagiging iba ng block ko.
Siniko ako ni Kristen.
"Huy, okay lang ba sayo si Elle?" Tanong niya.
"Ba't mo natanong?"
"Eh... Si Rozen, diba? Akala ko talaga patay na patay yun sayo-"
"SHHH! Wa'g ka ngang maingay." Uminit ang pisngi ko sabay tingin sa iba naming kasama. "Noon yun. Ngayon, di na."
"Oh? Talaga? Bakit? Kasi nandyan na si Elle?"
Iyon ang pabalik balik na tinatanong sa akin ni Kristen. Kahit na hindi ko naman talaga nasasaksihan kung anong meron si Elle at Rozen, pero base sa mga sinasabi ni Kristen ay mukhang madalas yalaga silang magkasama.
Araw-araw ko parin namang nakikita sina Kristen kahit busy. Ang problema ko lang talaga ay medyo out of place ako sa block ko ngayon. May grupo akong isang buong barkada. Ako lang yung nakikisawsaw sa kanila. Nakakahiya. Minsan nga feeling ko pinag uusapan nila ako tuwing wala ako at magkasama pa sila.
Binubuo sila ng tatlong babae at tatlong lalaki. Medyo masama ang tingin ng dalawang babae sa akin. Kaya madalas ay mag isa akong nagbabasa at nangangapa na lang sa sarili ko tuwing may papalapit na defense.
Nasa soccerfield ako at nagbabasa nang may narinig akong boses ng mga lalaki sa gilid ko.
Habang binabaliktad ko ang pahinang binabasa ko ay napasulyap ako sa mga lalaki.
"Ikaw na." Pulang pula ang lalaking tinuro nung una.
Nakatingin silang tatlo sa akin at nagtutulakan. Yung isa ay muntikan ng tumakas at sobrang pula na nang kanyang pisngi. Tinaas ko ang kilay ko at mas lalo silang pinasadahan ng tingin.
"Shit! Ayoko na, Stefan!" Sigaw ng isang hindi ko kilala.
Namukhaan ko naman si Stefan na schoolmate ko noong high school. Ngumuso ako at tinitigan si Stefan. Napakamot siya sa ulo.
"Coreen, hi!" Nahihiya siyang ngumisi.
Nagtulakan na naman sila.
"Anong drama niyo?" Biglang pumagitna si Rozen sa kanilang tatlo at sa akin.
Humalukipkip siya at ni head to foot silang tatlo.
"Pare, tayo na!" Sabi nung isang tinutulak kanina ni Stefan.
Nakita kong nagkatitigan ng matatalim si Stefan at Rozen bago niya hinigit ang mga kasama niya.
"Tayo na nga! Ge Elizalde." Tsaka tumalikod sila.
Sumulyap si Rozen sa akin. Nakakunot ang noo ko pero nagpipigil na ako ng ngiti. I swear, nagwawala ang mga kulisap. Tinutusoktusok nila ang tiyan ko na para bang gusto nilang kumawala.
"Tsss." Inirapan niya ako at umalis din.
Parang pinipiga at kumakabog ang puso ko at the same time. Nanginig ang mga kamay ko sa pagliligpit ng gamit para lang maabutan siya.
I knew it! Naramdaman ko na nung una na may feelings pa siya sakin. Nagsusungit lang siya. Pero ngayon, pakiramdam ko isang kalabit na lang talaga! Kaya hindi ko palalagpasin ang pagkakataong ito!
"Rozen!" Tinawag ko siya sa kahabaan ng pathway sa gilid ng soccerfield.
May iilang taong naglalakad pero hindi gaanong marami kaya walang problema kung magpapansin ako sa kanya dito. Hindi niya ako nilingon kaya naisipan kong hampasin siya ng bag ko.
"What the fuck, Coreen?" Sinigawan niya ako.
Tumigil siya sa paglalakad at nakita ko ang naiirita niyang mukha. Kuminang ang earring niya. Pinasadahan ko ng tingin ang mukha niyang nasisinagan ng araw. Lumakas ang pintig ng puso ko. Ito iyong mukha ng taong pinakamamahal ko... Ito yung mga mata niya, ilong niyang matangos, labi niyang pula, at panga niyang perpekto.
"Tinatawag kita, kaya lumingon ka." Nakangisi kong sinabi.
Mas lalo siyang nagalit, "Hindi sa lahat ng pagkakataon ay naririnig ko ang tawag mo."
"Nagbibingibingihan ka lang. Hindi ako tanga para isiping hindi mo ako narinig!" Inirapan ko siya.
"Anong kailangan mo?"
Humakbang ako palapit sa kanya. Diretso siyang umatras at mas lalong nagkasalubong ang kanyang kilay. Kung nakamamatay lang ang titig ay kanina pa ako humandusay at namatay dito. Masyadong matalim ang naiirita niyang titig. Hindi ako nagpatinag.
"Selos ka?" Sabi ko.
Patuloy siya sa pag atras.
"Hindi." Diretso at walang ka halu-halong pagdadalawang isip niyang sinabi.
Nanliit ang mga mata ko, "Nagseselos ka, eh."
"HIndi sabi. Wa'g kang feeling, Coreen. Tsss."
"Eh ba't ka nakikisawsaw. More importantly, ba't ka nandito? Anong ginagawa mo dito sa tapat ng soccerfield at bakit ka napadpad dito? Saan na ba yung GF mong si Elle?"
"Ah!" Humakbang din siya palapit sakin. "Salamat sa pagpapaalala, ah? Dumaan nga pala ako dito dahil papunta ako sa kanya."
Napangiwi ako. Ngumisi naman siya.
"Ba't ka nakikisawsaw? Sana hinayaan mo na lang akong pormahan nung mga lalaking yun!" Medyo galit kong utas.
"Kapatid ko si Noah. At ayaw kong nakikita ang babaeng mahal ng kapatid kong nilalandi ng iba. Tsss." Pumihit siya at umalis.
"Rozen, sandali!" Sigaw ko at sinundan siya.
Mabilis ang kanyang lakad kaya halos tumakbo ako para maabutan siya.
"Sandali lang!" Sigaw ko.
Diretso ang lakad niya papuntang cafeteria. Doon, nakita ko ang buong groupmates ko noon. Kumakain sila sa cafeteria. Katable nila si Elle. Masaya siyang kumakain kasama ang ibang mga kaklase namin. May kanin pa nga sa pisngi niya sa sobrang daldal niya sa pagkain.
Iyong matulin kong paglalakad kanina ay biglang humina. At si Rozen naman ay umupo sa tabi ni Elle.
Napalunok ako sa pagmamasid sa kanilang dalawa.
"Coreen!" Tawag ng ilang kaklase ko.
Hindi ko nagawang lumingon. Diretso ang titig ko sa dalawang iyon. Hinawi ni Rozen ang mga hibla ng buhok na nakatakas sa tainga ni Elle tsaka pinunasan niya ang kanin sa pisngi nito.
Nakita kong pumula ang pisngi ni Elle sa ginawa ni Rozen. May sinabi siya tsaka ngumisi ng sobrang laki.
Tumunganga na ako. Nangatog ang mga paa ko. Ang daya nito. Sumikip ang dibdib ko. Sobrang daya niya...
Inilapit ni Elle ang kanyang mukha kay Rozen at bigla niyang hinalikan sa labi si Rozen na para bang madalas nila itong ginagawa.
"EHHH! PDA! UYYY!" Nagtilian ang mga kaibigan ni Elle.
Pagkurap ko ay may luha ng agad lumandas sa pisngi ko. Hindi ko na talaga alam. Sana pwedeng kunin na lang ang lahat ng nararamdaman ko. Di bale nang maging mediocre ang lahat. Di bale na ang nakakabagot na buhay kesa sa buhay na lagi kang nasasaktan.
Ayoko na. I hope Rozen will just stop this. Kung ano man ang pakulo niya at pinapaasa niya pa ako, sana tigilan niya na ito. Tinalikuran ko sila sa gitna ng mga tawag ng kaklase ko sakin. I can live alone. I can make it alone... Hindi ko kailangan ng tulong ng iba. Hindi ko kailangan ang tulong niya para maging kumpleto ako... para maging masaya ako.
Someday, I'll get over him the way I got over Noah... the way he got over me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top