Kabanata 39
Kabanata 39
You Don't Tell Me
She deserves him. The way he deserved her. Let's face it. Hindi ako magiging bias dahil lang naiinsecure ako kay Elle. Mahal na mahal niya si Rozen, sa puntong kaya niyang ipangalandakan iyon sa buong mundo. Ako, wala akong ginawa kundi itago ang nararamdaman ko sa takot na balewalain niya. Kahit noong una ay binalewala si Elle, hindi natinag ang nararamdaman niya. Habang ako? Pinamukha lang sakin ni Rozen na na-fall out na siya ay pinang hinaan agad ng loob.
Tumakbo si Noah para yakapin ako. Tulala ako doon sa parking lot at walang ginawa kundi ang hintayin matapos ang pag luha.
"Anong nangyari?" Galit na sigaw ni Noah.
Naramdaman kong nanginig ang kanyang braso habang yakap yakap ako. Hindi ko na kayang magsalita. Kaya imbes na paulanan niya ako ng tanong ay hinila niya ako papasok sa sasakyan niya.
"Anong ginawa niya sayo?" Saka niya pa lang ako matamang tinanong nang nag park na siya sa tapat ng bahay namin.
Humupa na ang luha ko pero hindi ko parin maiwasang matulala.
"Coreen." Kinalabit ako ni Noah.
Napatalon ako at tinignan ko siya. Namumuo na naman ang luha ko kaya suminghap ako at pinigilan ito.
"W-Wala. Kasalanan ko." Sabi ko tsaka umambang aalis na sa sasakyan niya.
"Coreen, tell me!" Hinigit niya ang kamay ko.
Tumulo ang namuo kong luha. Hindi ko kayang balikan ang buong pangyayari kaya simple kong sinabi sa kanya...
"He rejected me, Noah. Si Elle na ang gusto niya."
Nanlaki ang mga mata niya.
Ilang sandali pa siya bago nagsalita, dahilan kung bakit mas lalo akong naiyak. Kilala ni Noah ang kuya niya at siya ang nagpapalakas sa loob ko noong nasa France si Rozen... at ngayong nakikita ko siyang devastated sa nangyari ay parang mas lalo akong nayayanig.
Everything felt like a sure bet. Yun bang hindi ko na pwedeng tawagin iyong sugal kasi pakiramdam ko akin na talaga yun. Yung walang duda, sakin ang bagsak. Ganun din siguro ang nararamdaman ni Noah. At ngayong pareho naming napatunayan na hindi na... na wala na... na sa isang iglap ay natalo ang sugal naming dalawa ay pareho kaming nawalan ng pag asa.
Tumikhim siya at hinilamos ang kanyang palad. Tinitigan niya ako gamit ang nakakunot niyang noo. Medyo humuhupa na ang luha ko, pero iyon ay dahil pinipilit kong maging okay. Think of happy thoughts, Coreen! Think! Happy kaya ang isiping mukhang may kumalat na epidemya sa tiyan ko at namatay lahat ng kulisap? Will that make me happy?
"Are you really sure?" Aniya.
"Tinanong ko siya, at iyon ang naging sagot niya. Noah, I don't know what to do? Will I chase him?"
"Tigilan mo na 'to."
Mas lalo akong nabigo. Alam kong ganun ang sasabihin niya. Alam ko, sigurado ako. Alam niyang sinabi ko kay Rozen ang nararamdaman ko at ngayong may iba na siyang gusto, kailangan ko ng sumuko.
"Talaga bang inamin mo sa kanya na mahal mo siya?"
"Inamin ko sa kanya na mahal ko na siya noon pa man, nung bago siya umalis."
Napalunok si Noah at nag iwas ng tingin.
"Just stop it." Aniya. "Stop it, Coreen. Sorry."
Humikbi ako sa mga salita niyang may baong kawakasan. This is the end? Iyon lang ba ang gagawin ko para kay Rozen? Eh ang liit na bagay lang nun.
"I don't wanna give up." Sabi ko.
"Then, what will you do now? Makipag kumpitensya kay Elle? Ano? Maghahabol ka rin, Coreen?"
Hindi ako nakapagsalita. He's mad. Ayaw niyang ipagpatuloy ko ang nasimulan ko na. Napanghinaan na rin ako ng loob. Pero gusto ko pang lumaban. Gusto ko pang umasa. Hindi ko mabitiwan si Rozen.
"I still want to fight."
"Learn when to fight and when to give up, Coreen." Matabang niyang sinabi sakin bago ako umalis.
Buong gabi na naman akong puyat sa kakaisip. Buong gabi akong dilat at umiiyak. Nababaliw na talaga yata ako.
Nang nag alas tres ng madaling araw, sinubukan kong pumikit dahil masyado ng mahapdi ang mga mata ko. Ilang sandali ang nakalipas ay may tunog akong narinig. Isang kantang hindi ko na maalala kung kelan ko huling narinig.
*I never knew
I never knew that everything was falling through
That everyone I knew was waiting on a queue
To turn and run when all I needed was the truth*
Umingay nang nagsimula ang sumunod na stanza ng kanta. Ito lang naman ang kantang naka assign sa pangalan ni Rozen sa cellphone ko. Yes, hindi ako kailanman nag bago ng phone at niretrieve din kaya niya ang numero niya noon?
Nanginig ang kamay ko habang dinadampot ang cellphone ko. Am I dreaming? Nakaidlip ba ako?
Tinitigan ko ito. At ang talagang nakalagay ay, "Rozen."
"Hello." Tinakpan ko agad ang bibig ko nang sa ganun ay hindi tumakas ang nanginginig kong boses.
Walang sumagot. Ang tanging narinig ko lang ay yung ingay sa loob ng bar at yung trance music.
"Hello? Rozen?" Nanginig ang boses ko lalo na nang binanggit ko ang kanyang pangalan.
Wala paring sumagot.
"Hello?" Sabi ko ulit.
Ibababa ko na sana nang bigla siyang nagsalita.
"Uh, sorry, napindot ko lang." At agad niyang pinutol ang linya.
WHAT THE FUCK? Napatunganga ako sa cellphone ko... buong gabi... buong araw. Seriously?
Wala na naman akong ginawa kundi ang umiyak. Nanghihina na ako sa pinaggagagawa ko. Nanghihina ako tuwing naiisip kong magkasama sila ni Elle. Bawat araw na hindi ko siya nakikita ay magkasama silang dalawa. Bawat araw na wala akong ginagawa dito sa bahay ay sila ang masaya at magkapiling.
"Saan mo gustong magbakasyon?" Eksaktong tanong ni Ate Julie sa akin sa sumunod na linggo.
"Teka... Tinatanong mo ako!? Libre ba yan?" Halos magtatalon ako.
Ito ata ang unang ngiti ko sa buong linggo. Lalo na't busy si Noah dahil papadating na daw si Liam, hindi na kami masyadong nagkakasama. Isa pa, mas pinili kong manatili dito sa bahay kesa sa pumunta sa kanila at makasalamuha si Rozen. Lalo na nang isang araw ay tumawag si Noah sa akin at narinig kong kumakanta si Elle sa background. Nag ingat si Noah na hindi ko marinig iyong boses ni Elle pero dinig na dinig ko parin.
"Syempre!" Aniya.
"Heh! Tinatanong mo pa ako kahit alam ko kung saan mo ako ipagbabakasyon!" Umirap ako sa ate ko.
Tumawa na lang siya.
May ari ng isang villa sa Palawan ang kanyang napangasawa. Kaya alam kong sa Palawan kami pupunta. Gusto rin ata nitong magbakasyon doon pero walang maisama kaya pinagdiskitahan ako.
"Saan mo ba kasi gusto?" Tanong niya.
"Wala. Sige, sa Palawan na!" Sabi ko.
Gusto ko sanang sa France dahil nandoon si Reina. Pero baka maiyak at mabulgar ko lang sa kanya lahat ng nangyayari dito sa Pilipinas pag nagkita kami kaya naman ay susundin ko na lang si Ate.
Pumunta kami ng Palawan. Ito ang first time kong pumunta. Di gaya sa Boracay, medyo peaceful dito. Minsan lang ang turista lalo na dito sa villa nila. Mayroon pa silang private pool, gym at kung anu-ano pa. Tahimik at relaxing dito.
"Ilang araw mo gusto dito?" Tanong ni Ate Julie.
"Kahit dalawang buwan." Tumawa ako sa biro ko.
Alam kong hindi niya iyon papatulan kaya nabigla ako nang tumango siya at nagkibit balikat. Really? I can stay here for two months? Ni hindi ko na warningan si Noah na dalawang buwan ako dito.
"Coreen Aquino! Asan ka ba? Wa'g mong sabihing nagpapakalayu-layo ka na?" Sinigawan niya ako sa cellphone.
Tumawa ako sa kaartehan niya.
"Nasa Palawan lang. Dito sa Villa ng asawa ni Ate." Sabi ko.
"Ba't di mo ako sinama?" He chuckled.
"Eh di ko naman alam na matagal akong mawawala. Tsaka kailangan kang nandyan para sa practice niyo with Liam."
"Humanda ka pagbalik mo dito." Pagbabanta niya.
Ngumisi na lang ako.
"Look, Coreen. Kahit na ano pa ang excuse mo, alam ko kung bakit ka nandyan at iyon ay para talikuran ang kapatid ko."
"Di ah?"
"Sana lang ay yung kapatid ko lang ang talikuran mo, wa'g ako."
Kinurot ang dibdib ko sa sinabi ni Noah. Para bang pinagsisihan ko ang lahat... lahat lahat. Sana si Noah na lang ulit. Sana si Noah na lang talaga iyon. Yung isang buwan na binigay ko ni Rozen noon, iyon lang pala ang naging susi sa pagkuha niya sa puso ko. Kung sana hindi ko siya pinagbigyan nun ay sana hindi ako na fall out kay Noah. Sana ay kay Noah parin ang puso ko. Paano ko ba iyon maibabalik? Hindi ko alam. I wish I can turn back time.
Kaya sa buong linggo kong pagbababad sa Palawan, narealize kong paano kung si Noah na lang ang tanging isipin ko? Paano ko maibabalik iyong pagkagusto ko sa kanya? Paano ko ba siya nagustuhan in the first place?
His passion, iyong pagseseryoso niya sa isang bagay at iyong pagsusuplado niya. Kailangan ko ring pilitin ang sarili kong isipin siya. Kaya naman nang nag Skype kaming ni Reina...
"Anyway, kumusta?" Nakatitig ako sa bestfriend kong nakalugay ang napakahaba at napakastraight na buhok.
"Eto, ganun parin. Noah's girl!" Tumawa ako ng may eksaherasyon para mapaniwala ang sarili ko.
"Oh my God! 20 freaking years of love! My God! Move on din pag may time!" Tumawa si Reina.
Ni divert ko agad ang atensyon sa lovelife niya. Parang mabubuking ata ako kung patuloy ko itong gagawin. Malaking kasalanan ito sa bestfriend ko. Nagsisinungaling ako sa kanya. Mabuti na lang at baguhan ang isang ito at hindi niya iyon namamalayan.
"I'm sorry, Reina." Sabi ko at napapikit nang nag offline na ako sa Skype. "Pagkadating mo agad ng Pilipinas, sasabihin ko ang lahat sayo."
Sa loob ng dalawang buwan, wala akong ginawa kundi ang mag explore sa mga corals, sa underground river at sa iba't ibang isla dito. Tuwang tuwa ako na hindi ko namamalayan ang oras - tuwing umaga. Dahil tuwing gabi, tuwing malamig ang simoy ng hangin at ang tanging naririnig ko lang ay ang alon ng dagat at ang pagkasunog ng mga kahot sa bonfire ay wala akong naiisip kundi si Rozen.
Nakahalik ako sa tuhod ko at pinagmamasdan ang paa kong naglalaro sa buhangin.
"Uwi na tayo bukas. Sabi ni mommy ma li-late ka na raw sa enrolment. Pasukan niyo na sa Lunes at hanggang ngayon di ka pa naeenrol." Sabi ni ate.
"Okay lang." Simple kong sinabi.
Hinampas ako ng pabiro ni Ate Julie.
"Wa'g ka ngang magdrama diyan, porke't graduate na si Noah ay mag bi-bitter bitteran ka? Last year mo na kaya ito."
Napatingin ako kay Ate na ngayon ay nakangisi sa akin. Umiling na lang ako at kinagat ang labi.
"Ate, hindi si Noah yung mahal ko." Nag iwas ako ng tingin kay Ate.
"Hmmm. Si Rozen ba?" Napalingon agad ako sa kanya. Nasa labi niya parin ang ngiting kanina ko pa naaninaw.
"Paano mo nalaman?"
Nagkibit balikat siya. Hindi niya ma explain kung paano pero sa di malamang dahilan ay alam niya... nakita niya raw sa aming dalawa. Bakit hindi ko iyon nakita noon? Yung mga oras na hindi pa huli ang lahat?
Nang nakabalik na ako ay sinalubong agad ako ni Noah. Niyakap niya ako ng sobrang higpit bago ni drive papuntang school.
Tumunganga ako sa mga sasakyan sa kalsada habang siya ay panay ang sulyap sulyap sakin.
"Coreen, ang ganda mo." Bigla niyang sinabi.
"Anong maganda?" Napatingin ako sa sarili ko.
"Mas lalo ka palang gumaganda pag tanned ang skin color mo."
Napatingin ako sa braso kong medyo makulti dahil sa pagbababad sa araw.
"Wow, thanks! Hindi ko alam yun!" Biro ko.
Kumunot ang kanyang noo, "At anong nangyari sa buhok mo?" Tanong niya habang hinahaplos ang piling buhok na may highlights. "Seriously, ano bang ginawa mo buong summer?"
Humalakhak na lang ako.
Sa sobrang bored ko ay marami akong ginawang kabalbalan. Pasalamat nga si Noah at hindi ako nagpakalbo.
Umiiling siya habang nipapark sa loob ng school ang sasakyan.
"Oh? Akala ko ba may practice kayo ni Liam ngayon? Ihahatid mo lang ako sa school, diba? Ba't nagpapark ka?"
Kumunot ang kanyang noo, pinatay ang kanyang sasakyan saka tinitigan ako, "You can't walk here like nobody owns you, Coreen. Hindi ako makakapayag. Kung pwede lang na ako ang mag eenrol sayo para lang walang makakita sa Coreen na nakikita ko ngayon, I'll do that."
Ngumuso ako, "Noah, you don't have to do this."
"You don't tell me what I shouldn't do, Coreen." Ngumisi siya at lumabas sa kanyang sasakyan para pagbuksan ako ng pinto.
Nagtawanan na lang kaming dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top