Kabanata 37
Kabanata 37
Ang Sakit
Patago akong umiyak dahil sa sinabi ni Rozen sakin. Wala akong karapatan, I know. Wala akong karapatang masaktan dahil simula't sapul, ako ang nagtaboy sa kanya. Ako ang dahilan kung bakit nawala ang pagmamahal niya sakin. Wala akong maisumbat. Wala akong maidahilan.
Ni hindi ko masabi kay Noah. Alam kong mali itong kinikimkim ko ang sakit. Gusto ko ng kausap. Gusto kong kausapin si Rozen. Kaya lang hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon.
Tuwing nasa klase kami at tinitignan ko siyang nakikisalamuha sa ibang kaklase ko, kahit kailan hindi ko siya nakitang tumingin sakin.
"Hay, ang gwapo talaga ni Rozen." Utas ni Elle.
Isang subject lang kami magkaklase ni Rozen. Sa di malamang kadahilanan, mukha atang itong subject lang na ito ang behind niya.
Madalas kaming kagrupo ni Elle at ni Kristen. Si Rozen naman ay nasa kabilang grupo kung saan walang tigil ang tulo ng laway ng mga babaeng ka grupo niya.
Nakapangalumbaba ako habang seryosong pinag iisipan itong baby proposal namin sa subject na ito. Kagabi ko pa ito pinag iisipan. Mabuti na iyong naghahanda. At magandang desisyon ang paghahanda ko kasi walang ginawa itong mga kagrupo ko kundi ang mag retouch ng lipstick, at syempre, si Elle na panay ang laway kay Rozen.
"Neng, kumuha ka nga ng timba, baka bumaha ng laway dito." Sabi ng kaibigan ni Elle.
Pumula na parang kamatis ang pisngi ni Elle. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi niya tsaka tumili.
"Wa'g nga kayong ganyan!"
Nag eeskandalo na siya sa sobrang kilig. Sumulyap ako kay Rozen at nakita kong naagaw ni Elle ang atensyon nito. Nakatingin si Rozen sa kanya pero medyo naiirita ang mukha. Kinagat ko ang labi ko tsaka pinagmasdan ang nangingisay na si Elle.
"Oh my! Oh my! Nakatingin siya! AHHH!"
"SHHHH!" Nakisabay ako sa ibang kaklase kong naiirita sa pagsigaw sigaw ni Elle.
"Time's up!" Sigaw ng kararating lang na prof. "Team leaders, bunot ng number para malaman natin kung sino ang unang mag re-report. At pumili na rin kayo sa magrereport para sa grupo."
Tumango ako at nilapag ang mga hand outs na ginawa ko.
"Ako na." Sabi ko. "Sa reporting."
Umiling agad si Elle.
"Wa'g mo namang akuin ang lahat. Kahapon ka pa babad sa mga ito. Hayaan mo na lang na si Elle ang mag report."
"Oo nga, Coreen. Kaya ko 'to." Concern na sinabi ni Elle.
"Tsaka... plus points yun sa grade ni Elle, diba? Scholar pa naman yan." Sabi ng isa pang kagrupo namin.
"Eh baka hindi ma explain ng maay-"
Hinawakan ni Elle ang kamay ko, "Ako na, Coreen. Kaya ko na yan.”
Padarag kong binitawan ang hand outs. Ngumisi ako bago umalis para hindi nila mapansin ang pagkairita ko.
Am I being a bitch here? I don’t know. Okay, fine! Edi siya na.
Masuwerte ako sa numero kaya nang bumunot ako ng number para malaman kung pang ilan kami, syempre nakakuha ako ng number 1. Una.
“Una.” Ngumisi ako. “Ano? kaya ba?”
Hindi yan kaya. Kakabahan yan.
Kumindat si Elle, “Yakang-yaka.” at agad tumayo.
Buong reporting niya, walang ginawa ang professor namin kundi ang ngumanga at tumango sa pinagsasabi ni Elle. Nagawan niya ng paraan ang mga butas. Nagawan niya ng sagot ang mga tanong ng kaklase ko nang di man lang tumitingin sakin.
“Magaling ka pala, Ms. Batungbakal.” Sabi ng professor.
“Thank you, po...” Sabi ni Elle at ngumisi.
Nakita kong pumula ang pisngi niya nang tumingin siya sa may banda ni Rozen. Kitang kita ko kasi na nakatingin si Rozen sa kanya ngayon. Umupo kasi kami base sa mga kagrupo namin kaya wala siya sa likuran ko ngayon. Naka-bilog ang formatin namin ng buong grupo at ganun din ang iba.
Tinitigan ko ng maayos ang mukha ni Rozen na ngayon ay nakahawak na sa kanyang labi habang seryosong tinitigan ang mas tumitiling si Elle.
The rise of the dead... ang mga patay na kulisap ay nagbalik. Back with a vengeance. Tinutusok tusok nila ngayon ang buong sistema ko. Chill, insects.
Nagbara agad ang lalamunan ko. Masyadong wild ang imagination ko habang tinitignan ang pagkislap ng mata ni Rozen at ang paghawak niya sa kanyang labi. Ganun yung ginagawa niya pagkatapos akong halikan noon. That move was for me.
“AHHH! SHIT! SORRY PO!” Sabi ni Elle habang patadyak tadyak na sa harapan.
Pulang pula na ang kanyang pisngi. Halos pumutok na ang kanyang ulo sa sobrang pula nito.
“Is there a problem, Ms. Batungbakal? Ganyan ka na ba talaga? Masyadong hyper? Napansin ko lang, you are so talkative, akala ko walang laman ang ulo mo. I’m sorry. No offense.”
Nagtawanan ang mga kaklase ko sa sinabi ng professor namin. Umangat ang labi ni Rozen. Parang pinipigilan niya ang pag ngiti.
Pinipisil ni Elle ang kanyang mga daliri.
“E, kasi, ma’am, yung crush ko! AYYYY!” Ayan at nag ha-hyperventilate na siya.
Tumunganga ako. Hindi ko kayang tignan si Elle o si Rozen man lang sa panahong ito.
“Oh my God! Don’t tell me isisiwalat niya sa mga tao dito kung sino ang crush niya? Kapal talaga ni Elle!” Tumatawang sinabi ni Kristen.
“Ano? Nandito sa room yung crush mo kaya ba para kang nilalanggam diyan?” Tumatawang tanong ng natutuwa kong professor.
“Opo, e.” Tumadyak tadyak na si Elle.
“AYEEEE!” Sigaw ng mga kaklase ko.
Nagtilian na. Kinailangan pang sawayin ng professor ang mga kaklase ko para lang tumahimik sila. May nanunuya na rin kay Rozen. Mukhang alam ng iba kung sino ang kinahuhumalingan ni Elle, a?
“Sino ba ang crush mo, Ms Batungbakal?”
Nagsi tilian ulit ang mga kaklase ko. Punong puno ang classroom ng hiyawan at sigawan.
“Ayoko po. Nahihiya ako!” Aniya saka tinalikuran kaming lahat.
“It’s your chance, Ms. Batungbakal. Malay mo magustuhan ka rin niya.”
“May hiya ka pa pala, Leonore? Hindi ba wala! Tinangay na ng aso!” Sigaw nung isa niyang kaibigan.
“Tse! Ayoko na po!” Tinakpan niya ang kanyang mukha. “Wa’g na po, please, nagmamakaawa ako.”
Nilapitan niya ang mga kaibigan niyang ngayon ay pinagkakatuwaan na siya.
“Si Rozen Elizalde po!” May biglang sumigaw galing sa likuran.
Nanlaki ang mga mata ko. Tinakpan ko na lang ang tainga ko sa sobrang tinis at lakas ng hiyawan. Hindi humupa hanggang sa narinig ko ang bell.
“Okay, yung ibang reporters, bukas na lang.” Tumatawang sinabi ng professor samantalang halos matunaw si Elle sa gilid. “Dismiss.”
Agad ko ng sinalampak ang lahat ng gamit ko sa bag, dinampot ito at umalis nang di tumitingin kahit kanino.
Bumuhos ang mga luha ko. Ayaw ko sanang ikwento ang nangyari kay Noah pero hindi ko na naiwasan. Lalo na nang tinanong niya na ako.
“Ba’t nakabusangot ka? Ba’t ang tahimik mo?”
Inipit ko ang labi ko nang sa ganun ay maiwasan ko ang pagsasalita. Umiling ako at inayos ang seat belt ko. Ito ang isa sa mga araw na ihahatid niya ako sa bahay.
Ilang sandali ay bumuhos na ang luha ko. Hindi ko pala kaya na ako lang. Hindi ko pala kaya na nasakin lang lahat ng problema at kinikimkim ko na lang. Problema, talaga, Coreen?
Pinunasan ko ang luha ko.
Come on, insects! Wa’g kayong magwala diyan na parang walang bukas! Wa’g kayong mamroblema! Marami pang taong may mas malaking problema diyan! May mga taong walang makain, may mga namatayan, hindi pwedeng sa simpleng ganito lang ay napapaiyak na ako. Ang babaw kong tao!
“I’m sorry kasi di ko mapigilan.” Humikbi ako habang walang tigil na pinupunasan ang luha ko.
Nakahawak si Noah sa manibela at tinitignan ako. Hindi pa kami umaalis sa parking lot ng school. Dininig niya muna ang mga sinasabi ko.
“Wanna have coffee or something first?”
Umiling ako. “Diba may practice kayo?” Tanong ko.
“Nah! It’s just useless. And you need me, so, uunahin ko ba yun?” Ngumiti siya.
Mas lalong piniga ang puso ko.
“Hindi nga, Noah, uuwi na lang ako. Ayokong makaabala.”
“No, Coreen. I’ll go with you.” Humilig siya sakin.
Hinuli niya ang titig ko. Nag iwas ako ng tingin pero hinawakan niya ang baba ko.
“Look at me, Coreen.”
Kahit na basang basa pa ang mata ko ay tinignan ko si Noah.
“I don’t wanna see you hurting.” Aniya. “Pati ako nasasaktan.”
Napalunok ako sa intensity ng titig niya. Nag iwas agad ako ng tingin.
“Noah...”
Pero hinila niya ng marahan ang baba ko nang sa ganun ay maharap ko ulit siya. Sa ngayon, hindi lang para titigan kundi para na rin halikan ako.
Nanlaki ang mata ko at pinagmasdan ko si Noah na nakapikit.
“I wish I can take away all the pain, Coreen.” Malamig niyang sinabi pagkatapos ng mabilis niyang halik.
Kinagat ko ang labi ko.
“I’m sorry.”
“Alam ko. Kasi siya lang ang makakapawi niyan.”
Umiling ako, “Actually, Noah, hindi ko na talaga alam. Ako yung nagtaboy sa kanya, pero mukhang nag back fire ata ang plano ko kaya heto ako at walang pwedeng gawin kundi ang panindigan ang desisyon ko.”
“Why don’t you tell him, then? That you love him?”
“I will. Pero sa ngayon, nag iipon pa ako ng lakas. Hindi ko kaya. Ni hindi niya ako tinitignan. It was like it’s a sin for him to even look at me! Galit ba siya? Bakit siya cold? Mahal niya pa ba ako? And I don’t even have the right to ask him that! God!”
Pinaandar ni Noah ang sasakyan at umalis kami ng school.
“Hindi kita iuuwi sa inyo ng umiiyak.” Aniya.
Hindi ko rin kayang makita si Noah na pinagbubuntungan ko ng sama ng loob. Siya lang ang napagsasabihan ko. Walang iba. Naiinis ako coz I sound so desperate. Lalo na tuwing kinikwento ko sa kanya ang insecurities ko kay Elle.
“You’re just insecure because she can freely tell him about her feelings.”
Hindi ako sumang ayon sa sinabi ni Noah, “Maari. Pero tingin ko insecure ako kasi kahit kailan, di niya nasaktan si Rozen. Maaring ma in love si Rozen sa kanya.”
“Tingin mo ba wala pang nag confess kay Rozen na ibang babae, Coreen? Tingin mo una si Elle? Hindi siya ang una, at maaring hindi siya ang huli.” Ani Noah. “Pero sa totoo lang, ikaw lang talaga ang nakita kong hinahabol habol niya. Kahit na magkadapa-dapa na siya sa kakahabol sayo, tumatayo parin siya para habulin ka ulit.”
Bumuhos ang luha ko. Kahit na masarap pakinggan ang sinabi ni Noah, para parin akong baliw sa pag iinda ng sakit galing sa aking puso.
“Shit! Noah! Wa’g mo nga akong paasahin kay Rozen.” Tumawa ako kahit na umiiyak. “Akala ko ba mahal mo ako?”
Ngumisi siya. Isang malungkot pero sincere na ngisi.
“Siya ang mahal mo, e. Pipilitin ko pa ba?” Tumawa siya.
Hindi ko talaga alam kung nagbibiro ang isang ito o totohanan na.
“I’m no Rozen, Coreen. Namimilit iyon.”
“Hindi na ngayon. Hindi na siya mamimilit kasi hindi niya na yata ako mahal.”
True enough, ilang buwan ang lumipas at wala talaga akong hints na naramdaman sa kanya. Wala ni katiting. Sa loob ng isang buwan, isang beses niya lang akong natignan. Samantalang ako, pabalik balik sa pag titig sa kanya.
Nang nag March na, hindi ko na nakaya. Anim na buwan na siyang nakabalik at wala akong nagagawa dito.
“Rozen.” Sabi ko pagkatapos naming mag exam.
March na, last week, birthday ni Noah. At bukas ay kay Rozen naman.
“Rozen, magpapaparty ka ba sa birthday mo bukas?”
Hindi ko inakalang kaya kong magsalita sa kanya nang di nauutal. Tinitigan niya ako. Ito na yata ang pinaka mahabang titig niya sakin simula noong bumalik siya.
“Maybe, just some friends.” Aniya. “Bakit?”
Lumakas ang pintig ng puso ko. Ngayon, wala pala akong maisasagot sa tanong niya.
“Wanna come?” Dagdag niya.
Napalunok ako at humalakhak ng plastik, “Nagtatanong lang since... ano...”
“Since nagpaparty si Noah sa kanyang birthday?”
“Ah-”
“Well, yes, sa Club Tilt.” Aniya at ngumisi. “Alam mo naman siguro ang club na iyon, diba?”
“Ah! Oo. Dun tumutugtog sina Noah.”
Kumunot ang kanyang noo at tumango. “Okay. See you, then.”
Ni hindi ko naman sinabing pupunta ako. Gusto ko sanang sabihin na hindi ako pupunta kasi nahihiya ako. Kaya lang, nakaalis na siya.
Tumakbo ako para hanapin siya at... guess what! Naabutan kong naghihintay sa kanya sa hagdanan si Elle. Nakita kong pumula ang pisngi ni Elle saka sinalubong nang nakangiti si Rozen.
“Tayo na!?”
“Let’s go!” Utas ni Rozen saka pinadausdos ang kanyang kamay sa baywang ni Elle.
“Coreen, okay ka lang ba?” Siko sakin ng kararating lang na si Ivy.
Tumunganga ako sa hagdanan kung saan nawala si Rozen at Elle.
“Yeah!” Sabi ko kahit nanginginig ang kamay kong ni-dial si Noah.
Nag ring ang phone pero nang naaalala kong may finals din nga pala siya ngayon ay tinigil ko ang pagtawag. Tumakbo ako palabas ng school. Hindi mahirap makita ang sasakyan ni Rozen dahil pamilyar ito sakin at masyado itong flashy.
Pumara agad ako ng taxi.
“Manong, paki sundan yung BMW.” Sabi ko.
“Bakit ho, ma’am?”
Napangiwi ako sa usisa ni Manong driver.
“Eh, ano! Boyfriend ko ho yun at mukhang may i-ibang kasama.”
“Ay oo, talaga, miss, kitang kita, oh! May ibang babae.”
Bukod sa nabubwisit ako sa nangyayari kay Rozen at Elle, ay nabubwisit din ako sa driver.
“Paki bilisan na lang ho!” Utas ko sa kanya.
Ginawa niya naman kahit traffic. Kaya lang, mabilis magpatakbo si Rozen kaya halos di namin naabutan. Nakita ko na lang ang sasakyan niyang naka park sa isang fast food chain.
“No, Rozen! Diba sa restaurant dapat kumain? Diba? Diba? Bakit dyan kayo.” Sabi ko nang wala sa sarili.
Lalabas na sana ako para hanapin sila sa loob nang biglaan akong kinalabit ng driver.
“Naku, ma’am, mukha atang may iba na talaga yung boyfriend mo.”
“Ho?”
Halos lumabas ang puso ko sa sobrang kaba.
“Eh ayun po, oh?” Sabay turo ni manong sa kay Elle.
Sa kay Elle na nakahilig sa pintuan ng fastfood chain. Sa kay Rozen na kinukulong si Elle sa kanyang dalawang brasong nakasandal naman sa pintuan. Nagkagutay-gutay ang puso ko. Hindi ako makahinga sa nakikita ko. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko. Mga luhang hindi ko inakalang ganun na lang kung tumulo, parang gripong sira.
Nanginginig ang boses ko, “Manong, anong gagawin ko po?”
Shit! I can’t believe this! I can’t believe it! Na ako ngayon, nandito at nahuhuli silang dalawa sa isang moment nila. Ngumisi si Rozen habang kinakausap si Elle. Kinukurot ni Elle ang kanyang dibdib na para bang nag iinisan silang dalawa pero naging sobrang sweet na.
“Eh, ano p-po, ma’a,m?” Napatalon ang driver nang nakitang mabilis ang tulo ng luha ko.
Agad niyang kinuha ang isang tissue at binigyan ako.
I felt so dumb! Ang bobo ko! Ang gaga at ang tanga ko at the same time! Andito ako, mag isa, ang kausap ko ay ang driver lang na ito. Wala akong masasandalan. Wala akong maiyakan kundi ang sarili ko. Wala akong karamay kundi ang driver na ito. Nobody’s on my side. I’m alone. I’m the third wheel in Rozen and Elle’s love story.
“Wa’g niyo na lang sugurin, ma’am. Sayang ho ang ganda niyo. Makakakita pa kayo ng mas gwapong lalaki diyan. Makakalimutan niyo rin yan. Makipagbreak ka na lang.”
Mas lalong kinurot ang puso ko sa sinabi ni manong. Humagulhol ako at humikbi. Hinabol ko ang hininga ko para lang masabi sa kanya ang gusto kong gawin.
“Manong, uuwi na lang po ako... A-Alis na po tayo dito.”
Saka humagulhol ulit sa iyak. This is bullshit! And it’s all my fault! Hindi ko siya masisi. Pero kasi... ang sakit na. Tama na, please, tama na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top