Kabanata 35
Kabanata 35
Welcome Back
Syempre, simula noon ay nakilala ko na si Elle. Kenkoy pala siya. Paborito siya nina Kristen.
"Hindi mo kilala si Elle?" Tanong ni Kristen sakin.
Nagkibit balikat ako. Hindi naman kasi ako masyadong friendly maliban na lang sa mga kagrupo ko.
Napag alaman ko na scholar siya. Mahirap lang kasi sila at siya lang ang nagtatrabaho para magkaroon siya ng baon sa school at iba pang gastusin. Hindi ako makapaniwala, medyo maganda kasi at kutis mayaman.
"Ang alam ko, half-japanese siya. Iniwan yung daddy niya nung hapon niyang mommy at kalaunan ay namatay."
Napangiwi ako sa medyo harsh na pagkakakwento ni Ivy sakin.
"Talaga?" Sabi ko nang di naniniwala.
"Oo."
Tumango ako dahil kinumpirma naman ito nina Paolo at Andre.
Dahil palaging may gig sina Noah doon, medyo naging pampalipas oras ko na rin ang pakikipag kwentuhan sa kanya.
"Ibang vocalist na naman?" Tanong niya sakin.
Tumango ako habang pinagmamasdan sina Noah.
"Nakapang lima na silang vocalist, ah?"
"Oo. Eh kasi walang pumapantay kay Wade." Sabi ko.
"Ba't ba kasi umalis si Wade sa kanila? Pero sa bagay, kung di umalis si Wade eh di siya sisikat ngayon. Dinig ko bumili daw iyon ng sasakyan."
"Oo. Pati ata condo." Dugtong ko.
"Anong nangyari at ba't siya umalis? Nagkaproblema ba?"
Medyo usisera din itong si Elle. Nagkibit-balikat ako. Ayaw ko talagang mag share sa kahit kanino ang tungkol sa mga nangyayari sa buhay namin. Hindi naman sa anti social ako o ano... pero kahit sina Kristen ay hindi ko nasasabihan ng tungkol sa nangyari kay Reina at Wade. Ang alam lang nila ay nag karoon ng relasyon ang dalawa. Isang impormasyong hindi nila ma-confirm sakin, dahil tikom ang bibig ko tungkol diyan.
"Hindi ko rin alam." Sabi ko nang di tumitingin sa kanya.
"Wala ka palang alam?" Tumawa siya.
Napalingon ako sa kanya.
"Kasabay ata ng pag alis ni Wade ay ang biglaang pagkawala ng crush ko." Nalulungkot niyang sinabi.
"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya.
"Wala rin akong alam." Tumawa ulit siya.
Ngumisi ako kahit medyo hindi nakakatawa.
"Basta bigla na lang nawala. Ikaw? Hindi ba close kayo ni Noah? O baka BF mo na siya?"
"Huh? Di ah!"
"Eh Elizalde yun, baka alam mo kung anong nangyari?" Tanong niya.
Parang tumigil sa pagpintig ang puso ko. Elizalde yung crush niya.
Pagkatapos ng pagtigil ng puso ko ay bumalik ito sa pag pintig na may baong mas malakas at mas mabilis na ritmo.
"Si Dashiel?"
Kumunot ang kanyang noo, "Sino yun?"
"Dashiel Elizalde?" Pagtatama ko.
Umiling siya, "May kuya pa pala sila."
Kung hindi si Kuya Dash... hindi rin si Noah... edi ibig sabihin ay si...
"Rozen." Aniya nang nakangisi.
Napalunok ako.
He won't like this girl. Mata pobre iyon. Masama iyon.
"G-Ganun?"
"Oo. Sana bago siya umalis nasabi ko sa kanya ang nararamdaman ko, ano? Sayang. Mag da-dalawang taon ko na siyang di nakikita, eh. Ni wala na rin siyang Facebook. Hindi ko alam kung nasan siya. Sa oras na bumalik siya at makita ko siya, pangako, mag co-confess na ako sa kanya." Tumayo siya saka ngumisi.
"Talaga..." Sabi ko.
Tumango siya, "Mag lilinis muna ako." Aniya at umalis.
Hindi parin maalis sa puso ko ang kaba. Hindi ko alam kung bakit. I felt so threteaned.
"Wala akong pakealam!" Sigaw ni Noah isang araw, nasa music room ako ng bahay nila.
Nag pa-practice sila ngayon dahil may bago ulit silang vocalist. Nag aasaran itong si Warren at Noah kanina kaya lang mukhang nagalit si Noah ngayon. Tumatawa lang si Warren. Sinundan ko ng tingin si Noah at nakita kong di siya mapakali.
"Dude, I'm just saying." Tumawa ulit si Warren. "Eh yun ang pinapasabi niya. Babalik lang daw siya after 2 years. Sumunod lang ako-"
"Wala akong pakealam kung kelan siya bumalik, Warren. Ni hindi naman kami nagkita nung nandito siya. At wala akong pakealam sa kanya."
Napatayo ako dahil lubos ang pagkairita ni Noah pero si Warren ay tawa parin nang tawa.
"Sinong pinag uusapan niyo?"
Humugot ng malalim na hininga si Noah saka bumaling sakin, "Wala, Coreen. Don't mind it. It's not important."
Nag walk out siya bigla sa music room ng kanilang bahay. Nakatunganga akong nakatitig kay Warren.
"Oh no, Coreen, don't ask me." Umalis siya.
"Warren!" Pangungulit ko sa kanya, "Anong pinag usapan niyo?"
"Wa'g mo kong tanungin baka sibakin ako dito sa Zeus kung sabihin ko sayo." Halos tumakbo na si Warren dahil panay ang sunod ko sa kanya.
Nagtatago na siya sa likod ng drum set at sa kung anu-ano pang pwedeng pagtaguan.
"Sabihin mo na, please! Please! Di ko naman sasabihin sa kanya na sinabi mo."
"Ayoko." Aniya.
"Sige na please, Warren! Concerned ako."
"Nakikitsismis ka lang, eh."
"Hindi no! Concerned talaga ako! Sige na!"
"Eh alam mo na..." Aniya saka bumuntong hininga. "Yung tungkol kay Megan."
Megan? Megan na naman!?
"Ano? Sino ba kasi si Megan?"
"Yung babaeng patay na patay sa kanya."
Tumango ako.
Patay na patay sa kanya?
"Hindi mo kilala yun. Classmate namin yun noong highschool. Patay na patay sa kanya yun. Transferee student." Aniya.
"Tapos, ano?"
"Basta! Yun na yun!"
"Megan? Yan ba yung maganda, mahaba ang buhok-"
"Maiksi na yung buhok niya ngayon."
"Talaga?" Napaisip ako. "Kasingtangkad ko ba?"
Tinitigan ako ni Warren at tumango.
"Oo, kasing tangkad mo."
I'm sure it's that girl... yung nasa CR na biglang kumausap sakin. Siya yun, sigurado ako. Two years ago.
"Anong problema niya kay Megan?"
"Ha? Wa'g mo akong tanungin ha, mapapatay ako ni Noah." Aniya.
Kaya imbes na pilitin si Warren ay nagmartsa ako palabas ng music room. Hinalughog ko ang buong mansyon nila. Hiningal nga ako sa paghahanap. Wala si Noah sa kitchen, sa sala, at sa kung saan-saan pa. Isang lugar na lang ang di ko pa napupuntahan, ang kanyang kwarto.
Sa tagal naming medyo close ni Noah ay hindi pa ako nakakapunta sa kanyang kwarto. Ngayon ko lang ata mai-invade ito.
Kumatok ako.
"Noah?"
"Oo." Sigaw niya galing sa loob. "Lalabas din ako."
"Si Coreen 'to." Sabi ko.
Ilang sandali ang nakalipas ay binuksan niya ang pinto. Uminit ang pisngi ko. It's kinda weird.
"Pasok ka." Wholesome niyang sinabi.
Naka topless siya at nakita ko ang nakalatag niyang mga damit sa kama. Uminit ang pisngi ko dahil nakita ko ang muscles niya. Damn it! Punyaterang mga Elizalde. Macho na, gwapo pa!Inayos niya ang mga ito ang mga damit niya.
Tumayo lang ako doon at pinanood siya sa pag kuha ng isang damit.
"Ayoko ng mag practice. Naiirita ako sa bagong vocalist. Hindi parin siya pwede. Kailangan ng bago." Aniya.
Hindi ako umimik.
"Lumabas na lang tayo." Aniya.
"Saan naman tayo?" Tanong ko.
"Kumain, manood ng sine, I don't know." Nagkibit balikat siya saka tumayo.
Dinampot niya lang iyong darkblue na t-shirt pero naka topless parin siya. Nag iwas ako ng tingin. Ang laki talaga ng katawan niya. Yung abs na yan, yung biceps at triceps na yan, jusko... nabibilaukan ako.
"Magbihis ka nga!" Sabi ko.
"Oo. Saglit nga lang. Naiinitan ako."
Mas lalong uminit ang pisngi ko. Kaya imbis na tumunganga doon ay binuksan ko ang pintuan ng kwarto niya.
Tumigil sa pag pintig ang puso ko nang nabuksan ko na ito ng tuluyan. Nasa gilid ko na si Noah at pareho kaming papalabas nang bigla kong nakita si Rozen.
Nagtama ang aming mga tingin. Hindi ko magawang itikom ang bibig ko, patuloy itong nakanganga habang pinagmamasdan siyang nag kakatotoo sa harapan ko. Nakapamulsa siya at naka itim na jacket at pants. May nakasabit pang ear phones sa kanyang tainga. Mas tumangkad siya, mas pumula ang kanyang labi at, shit, mas gumwapo ang sexy beast.
Napuna ko agad ang pag awang ng bibig at pag kunot ng kanyang noo. Nag iwas siya ng tingin, pero nang bumaling siya ulit samin ay napalitan ito ng ngisi.
"Kuya, di mo man lang sinabi na babalik ka." Naglahad ng high five si Noah kay Rozen.
Tinignan ito ni Rozen ng ilang sandali bago tinapik.
"Ayoko ng mag abala. Tsaka, marami akong gagawin." Aniya saka nilagpasan kaming dalawa.
Ni hindi siya lumingon ulit. Lumagpas lang siya at pumasok sa kwarto niya. Ni hindi niya ako binati. Nangatog ang tuhod ko.
"Patay." Nakabihis na si Noah nang bumaling ako sa kanya. "Baka akala niya may nangyari satin kasi galing ka dito."
Nanghina ang tuhod ko. Gusto kong mag sisigaw at mag makaawa kay Rozen. Kaya lang sa sobrang sakit na nararamdaman ko ay wala akong magawa. Ni hindi ako makapagsalita.
Nilunok ko ang bumabara saking lalamunan at hindi ko alam kung saan galing ang lakas ko para banggitin ito.
"Mukhang wala naman siyang pakealam." Sabi ko.
Napangiwi si Noah, "Tapos hahayaan mo lang?"
Umiling ako, "Sasabihin ko sa kanya."
"Dapat lang. Pero sa ngayon, obserbahan muna natin siya. Tignan natin kung anong nagbago bago mo sabihin sa kanya iyon."
Tumango ako at pareho kaming napatingin sa kwarto ni Rozen.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top