Kabanata 30
Kabanata 30
I'm In Love With Your Brother
Hindi ko na kailangang iwasan si Rozen. Siya na mismo ang umiiwas sakin. Ni hindi niya ako magawang tignan. Nasasaktan ako pero wala akong magagawa. Hindi ko talaga nagustuhan ang prinsipyo niya. Hindi rin naman ako mabuting tao, pero hindi ko iyon kayang gawin sa kanya. Kung mahal ko siya at may mahal siyang iba, hahayaan ko siya.
Noah:
Hey, may practice kami ngayon, gusto mong sumama?
Napabuntong-hininga ako at nagtype ng irereply.
Ako:
Noah, I'm sorry, may group activity ako ngayon. Maybe next time.
Ganito palagi ang reply ko sa kanya. Totoong may group activity ako. Pero madalas, ginagawa ko lang itong excuse. Hindi naman sa iniiwasan ko siya. Ayaw ko lang na bigyan siya ng rason para umasa sakin gayong alam kong wala na akong magagawa. Hindi na maagaw ang puso ko. Nasa ibang tao na.
Dalawang buwan ang nakalipas simula noon. Minsan nagkikita kami ni Noah, pero hindi na ulit nasundan ang date. Lagi kong ginagawang busy ang sarili ko nang sa ganun ay hindi na ako makapag isip pa. Hindi na rin ako ginulo ni Rozen pero nandyan parin ang mga alarm niya, buhay na buhay parin sa cellphone ko.
Iyon lang ang tangi kong pinanghahawakan. Iyon lang ang lagi kong tinitignan.
"Lapit na pala ng birthday mo, Coreen." Sabi ni Reina habang abala sa paglilista sa kanyang dadalhin sa Camino Real.
Asus! Camino Real daw pero alam kong hindi siya makakarating dun! Kina Wade siya dederetso.
Ngumisi ako. Buti pa ang isang ito, maliwanag ang love life.
Habang nag uusap kami at naghahanda ako para sa finals ay nakita ko sa malayo si Noah, nakatitig saming dalawa ni Reina. Umayos ako sa pag upo at napalunok.
Tinanggihan ko kasi ang alok niyang lunch kanina dahil sinabi kong tapos na akong kumain kanina. Napatingin ako sa table naming may pagkaing di pa nagagalaw.
"Patay." Sabi ko sabay tingin ulit kay Noah na ngayon ay galit na.
Umirap siya saka nag walk out na nakapamulsa.
"Ansabe mo, Coreen?" Tanong ni Reina.
"Teka lang, Reina." Sabi ko. "A-Alis muna ako."
Tumayo agad ako at naglakad na sa kung saan umalis si Noah.
"Coreen, kakain pa tayo ah?"
Kinawayan ko na lang si Reina. Halos tumakbo na ako para lang maabutan si Noah. Nakita ko siyang mabilis ang lakad sa corridor. Halata sa bigat ng paa niya ang inis.
"Noah." Nanghihina kong tawag sa kanya. "I'm sorry."
"Yeah." Di niya ako nilingon.
Panay ang sunod ko sa kanya.
"Noah!" Sigaw ko. "Sandali lang."
Agad siyang tumigil sa paglalakad at hinarap ako.
Nagpapasalamat ako at ang dating masikip na corridor ay walang tao sa ngayon. Dahilan na rin siguro ng nalalapit na finals, mas tinatambayan ng mga estudyante ang library.
"Sorry." Sabi ko nang bumungad sakin ang galit niyang mga mata.
"Kung ayaw mong sumama, edi sana sinabi mo na lang!"
Napapikit ako.
"H-Hindi naman sa ayaw kong sumama... Pero kasi... it's complicated, Noah."
"Anong kumplikado dito, Coreen?"
Napayuko ako. Hindi ko alam kung san ako magsisimula.
"Napansin ko na ang pag iwas mo sakin. Ano, Coreen? Pagkatapos ng walang pakundangan mong pag co-confess sakin ay bibitinin mo lang ako ngayon sa ere? Kung ayaw mo na sakin, sabihin mo!"
Napatalon ako sa sigaw niya. Parang kinukurot ang puso ko. Sobrang sakit. Hindi ko na alam kung saan ko nahuhugot ang lakas para tumayo dito sa harapan niya.
Mahal ko si Noah noon. Kaya nga panay na lang ang pagpipilit ko sa kanyang mapansin din ako. Pero sa loob ng higit na dalawang buwan naming pagsasama at paglolokohan ni Rozen, nakuha niya agad ang puso ko. Ni hindi ko namalayang nakuha niya na ito. Kaya ngayong nalaman kong nasakin ang puso ni Noah, hindi ko na matanggap na wala akong pagmamahal na maipupuno dito. Wala akong sapat na lakas para buuin ito dahil wala sakin ang puso ko. Buong akala ko, masisiyahan ako pag minahal ako ni Noah, pero malaking pagkakamali iyon. Hindi dahil nasa gitna lang ang gusto ko, hindi dahil ang paghahabol lang ang kinahuhumalingan ko, kundi dahil wala akong maibigay, wala akong maibuhos, nakay Rozen ang buong puso ko.
"Ano? Coreen, sagutin mo ako! Nagsakripisyo ako ng ilang taon. At ngayong nandito na, bakit parang wala? Damn it! Am I too late?" Pumiyok ang boses niya na mas lalong kumurot sa puso ko.
Hindi ko na napigilan ang luha ko. Bumuhos na ito ng walang tigil. Panay ang punas ko. Pakiramdam ko, pag walang luha, hindi ako masasaktan. Pag pinunasan ko ito, mawawala ang sakit. Pero nagkakamali ako. Bawat punas ko, mas lalong sumasakit.
"Coreen, nang nagkaroon ako ng pagkakataon, agad ko namang sinabi sayo, ah? Agad ko namang inamin! Hindi ba gusto mo parin ako? Sagutin mo ako, Coreen! Mahal mo pa ako, diba?"
Napapikit ako. Humakbang siya palapit sakin. Hindi ako sumagot. Wala akong maisagot.
"SHIT!" Sinuntok niya ang pader sa gilid niya.
Napatalon ako sa lakas ng suntok niya.
"Hindi na." Sagot niya sa sarili niyang tanong.
"Sorry." Pagkumpirma ko.
Tinakpan ko ng palad ang mukha ko.
"Shit! Paasa ka rin!" Sigaw niya.
Sinuntok niya ulit yung pader. Tumikhim siya.
"Bakit? Bakit biglang nawala? Ilang taon din yun, ah? Do you only like the chase, Coreen? The things in between? Pag nakarating ka na, ayaw mo na? Ganung klaseng babae ka ba?"
Umiyak ako pero nagawa ko pang umiling.
"No, Noah. I'm not that kind of girl." Matama kong sinabi saka tinignan ang mapupungay niyang mga mata.
Hindi siya umiiyak pero ramdam na ramdam ko ang sakit na nadarama niya. Bakas sa kislap ng kanyang mata ang panghihinayang na parehong nararamdaman naming dalawa.
"I'm in love with someone else. I'm in love with your brother. I'm in love with Rozen! Oh my God!"
Nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Umiyak na lang ako. Hindi ko alam na kaya ko palang sabihin iyon sa kanya. Siguro dahil iyon ang katotohanan. Siguro dahil hindi ko kayang magsinungaling kay Noah. Siguro dahil ilang buwan ko na rin itong itinago sa sarili ko at akala kong kaya kong mag isa pero hindi pala.
Lumipad ang palad ko saking pisngi. Tinakpan ko ang mga mata ko para umiyak.
"Yes, I know, It's crazy. Iwan mo na ako."
"S-Sinabi mo ba sa kanya?" Tanong ni Noah.
Umiling ako at humikbi. "Wala akong plano. Sa lahat ng kagaguhang ginawa niya sating dalawa, hindi ko alam kung kaya ko iyong sabihin sa kanya. Galit na galit ako sa kanya. At hindi ko alam kung kailan ito huhupa."
Sinuntok ulit ni Noah ang pader bago ako hinagkan.
"Shit! Shit! Shit!" Sigaw niya habang mahigpit akong niyayakap.
"I'm sorry." Pumiyok ang boses ko. "Hindi ko sinasadya."
Ramdam na ramdam ko ang sobrang higpit ng yakap niya sakin. Kinalas niya ito saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Tinanggal niya ang palad kong nasa pisngi at tinitigan ako sa mga mata.
"It's okay, Coreen." Umiling siya. "Shit! Damn!" Mabigat niyang sinabi saka pumikit.
Ilang sandali pa bago niya dinilat ang kanyang mga mata. Pinunasan niya ang luha ko tsaka pinatayo.
"I-I'll go to France. Susunod si Rozen doon-"
"Please don't tell him."
Tumango siya at kumuyom ang kanyang mga panga, "Hindi ako baliw para sabihin sa kanya iyan, Coreen. Shit!" Napapikit siya sa mura niya.
Para bang hindi niya talaga matanggap ang nangyari saming dalawa.
"It's time for my revenge. Magdusa siya. Hinding hindi ako aamin sa kanya na ikaw ang gusto niya. Hinding hindi ko sasabihin iyon."
Tumango ako.
Wala rin naman akong planong sabihin iyon kay Rozen. Alam kong puso ko ang masasaktan dito, pero bahala na. Paninindigan ko ito.
Tumango si Noah saka dahan-dahang kinalas ang kamay niya sa pisngi ko.
"Kaya pala. Shit!" Mura niya ulit saka ako tinignan. "Sorry."
Bumuntong hininga siya.
"Take lang ako ng exam. Bumalik ka na dun kay Reina at kumain."
Tumango ako.
Tinitigan niya ako bago niya hinaplos ang pisngi ko. Hinaplos niya ito na para bang minimemorize niya lahat ng linya sa pisngi ko, lahat ng kurba sa mga features ko. Hinila niya ang babae ko saka hinalikan ang labi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.
"Noah." Sabi ko.
"I know..." Aniya saka tinalikuran ako. "Sana ako parin. Sana hindi naging huli ang lahat. See you when I come back, Coreen."
Tumunganga ako doon habang pinagmamasdan siyang paalis... unti-unting nawawala sa paningin ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top