Kabanata 29
Kabanata 29
Come Back
"Coreen, sorry ah? Ewan ko anyare sa kapatid kong iyon pero pinapasabi niya sakin na sabihin ko raw sayo..." Nakatingala pa si Reina habang iniisip ang lahat ng dapat sabihin sakin. "Na magkasama daw sila ni Zoey kahapon?"
Kumunot ang kanyang noo.
Umirap ako sa kawalan. Buti hindi niya iyon naabutan.
"Bakit? Ano naman kung magkasama sila?"
"Oo nga! Ano naman kung magkasama sila!" Padabog kong utas.
"Bakit? Magkagrupo ba kayo ni Zoey or something?" Tumaas ang kilay ni Reina.
"Hindi." Plastik ang ngisi ko nang sinabi ko iyon sa kanya
Nagkibit-balikat na lang siya at di na nakiusisa.
Wala akong pakealam kung sinong babae ang isama niya o ikama niya o whatever! I HATE HIM TO BITS! Yet... darn it!
Nag alarm yung cellphone ko. Halos ibalibag ko nang nakita ang mensahe ng alarm.
"Eat your lunch."
Mahigpit kong hinawakan ang cellphone ko tsaka tinapon sa bag.
"Reina, alis na muna ako." Sabi ko sabay hagilap sa gamit ko at kuha sa bag ko.
"Huh? O sige."
Hindi ko kayang makita ang mga alarms niya araw-araw. Lagi akong nababadtrip. Palagi din siyang nag ti-text. Madalas kasabay pa sila ni Noah.
Rozen:
Hey, haven't seen you at school. Iniiwasan mo ba ako?
Noah:
Lunch?
Si Noah ang nireplyan ko. Naiinis ako kay Rozen. Gusto kong bumawi sa mga panahong ipinagkait niya samin ni Noah. Kaya lang... tuwing magkasama kami ni Noah, wala akong maisip kundi siya.
"Anong gusto mo?" Tanong niya.
Nasa isang fast food kami para mag lunch.
"Kahit ano." Sabi ko.
Tumayo siya para umorder. Malayo kami sa school kaya walang schoolmates na naka aligid. Hindi rin kami masyadong pinagtitinginan dahil nasa isang business park kami at matatanda ang mga kumakain dito.
Nang dumating ang order at hinawakan ko ang tinidor, bumuhos ang alaala ko kay Rozen.
"Coreen?" Kumunot ang noo ni Noah.
Suminghap ako at bumaling sa kanya, "Yep. Kain na tayo."
Tumunog ang cellphone ko at nakita ang isa pang mensahe ni Rozen.
Halos mabitiwan ko ang mga kubyertos.
"Coreen, okay ka lang ba?" Tanong ni Noah.
"Uh... O-Oo. Medyo nanghihina lang. Mukhang-mukhang magkakasakit ata ako." Sabay hawak ko sa ulo ko.
Hinawakan niya rin ang noo ko para tignan kung may lagnat ba ako.
"Wala naman, ah? Pero... sige, bibili tayo ng gamot mamaya. Baka lagnatin ka. Kumain ka ng marami." Aniya.
Tumango ako at pinindot ang cellphone sa ilalim ng mesa.
Rozen:
You're with him
Napalunok ako at napainom ng softdrinks.
Pagkatapos ng araw na iyon ay wala na ako masyadong narinig galing kay Rozen. Isang buwan na ang nakalipas at ang tanging nagpaparamdamn sakin ay ang kanyang mga nakalagay na reminders lang at alarms. Walang text. Walang tawag.
Lagi ko siyang naaabutan sa school na may kasamang babae. Kung hindi si Zoey ay mga babaeng matatangkad, makikinis at model type - yung mga tipo niya.
Naiinis ako sa sarili ko. Kasi kahit anong gawin kong kumbinsi na dapat ay di ako maaapektuhan ay naaapektuhan ako. Ni hindi niya ako tinitignan. Yes, galit ako sa kanya, pero hindi ko magawang magalit lang... nagseselos ako. Nagseselos ako tuwing nakikita siyang pinapadausdos ang kanyang kamay sa mga baywang ng mga babaeng ito.
Isang araw ay niyaya ako ni Reina para sa gig nina Noah. Niyaya ako ni Noah, at umo-o ako. Kaya naman ay nasiyahan ako nang niyaya din ako ni Reina, may kasama na ako.
Alam kong dadating siya sa gig na iyon. Alam kong pupunta siya. So I'll take this chance. Isinoot ko ang t-shirt na gusto niya. Owned by an Elizalde. Yes. Owned... Owned by one of them... I'm pretty sure it's not Noah anymore.
"Saan galing yang t-shirt mo?" Tanong ni Reina nang nasa sasakyan niya kami.
"Ha? Wala. Uhm. Pinagawa ko." napalunok ako.
"What? Ibang klase talaga ang pagiging desperado mo para kay Noah!" Tumawa siya.
Ngumisi ako ng hilaw. Hindi ko alam kung kanino ako desperado.
"Of course! Push ko na 'to!" I lied.
Buti na lang at baguhan itong si Reina. Masyadong pure. Masyadong malinis. Walang iniisip na masama sa kahit anong bagay na pinaggagagawa ng mga tao sa kanya. Alam kong dapat sabihin ko sa kanya lahat ng tinatago ko kasi kaibigan ko siya, pero ayokong dumagdag sa problema niya kay Wade. Kaya ko ang problema ko. Kaya ko itong mag isa.
Napalunok ako nang nakitang nakapark ang BMW convertible car sa unahan. Yes. He's here. Of course, sa isang bar itong gig nina Noah. Mahilig iyon sa mga grill at bar.
Inayos ko ang maiksing shorts ko pagkalabas sa sasakyan ni Reina at sumabay sa kanya papasok.
Maingay sa loob. Nasa harap na sina Noah at ang buong banda. As usual, nakikita ko na naman ang pag kislap ng mata ni Noah habang pinapatunog at nitotono ang gitara niya. He's really passionate.
"Reina! Ano ka ba naman! Alas sais pala yung gig nila! Late tayo ng 30 minutes." Sabi ko nang napansin ang ingay sa loob.
Nagsimula na kasi.
"Ha? Yung sabi ni Kuya 6:30."
"Ugh!" Sabi ko nang nakitang pumikit na si Noah at tinutugtog na ang isa sa mga kanta nila.
Hinila ko si Reina. Kumakanta na si Wade kaya hindi pwedeng nasa likod lang kami at tumunganga lang siya dito. Minsan, may mga taong nag re-rely sa tadhana. Sa tadhanang pwedeng di mangyari. You make your own destiny. Kung gusto mong mangyari, gawin mo.
Napadpad kami sa harap.
Tumili ako. Sana tumili din si Reina nang sa ganun ay maramdaman ni Wade na gusto niya ang kanta nito. Pero ang bobita ay nakatunganga lang. Tsk.
Lumingon-lingon ako. Hinanap ko si Rozen sa dagat ng mga tao. Wala siya dito.
Nang natapos ang gig nila ay napadpad na ako doon sa mga fan girls nina Noah. May magaganda at matatangkad, pero wala parin si Rozen doon.
Naglakbay ako sa buong grill. Hinanap ko siya. Pero wala akong nakita. Lumalalim na ang gabi at nakita kong tumakas na si Wade at Reina. Si Warren, Noah at Joey naman ay umupo sa isang table at nag inuman. Habang pinagmamasdan ko silang nag iinuman ay nakita ko sa labas si Rozen, may isinasakayng dalawang babae sa kotse niya.
Halos pinagtulakan ko lahat ng babaeng nakasalubong ko para lang makalabas sa grill. Nagkamali ako. Hindi siya sa grill nagpunta kundi sa katabi nitong Club! Medyo lasing siya. Kitang kita iyon sa mga mata niya, mapupungay. Nagtatawanan sila ng mga babae niya. Binuksan niya ang pinto nang nagpakita ako sa harapan. He stiffened when he saw me wearing the shirt.
Napawi ang kanyang ngiti. Nakita kong nagdilim ang titig niya. Pinasadahan niya ng kanyang mga palad ang kanyang buhok saka humalukipkip.
"Let's go, Rozen-" Sabi nung isang babae.
"Why are you wearing that?" Tanong niya.
Ngumisi ako.
Kung marunong kang maglaro, marunong din ako.
"Gig ni Noah, eh. To show support."
Nakita kong kinagat niya ang labi niya.
"Good. Then show him your support. Go to bed with him, Coreen. Gusto mo bigyan ko kayo ng isang room sa hotel na pupuntahan namin? I can help you with the reservation-"
SHIT!
Agad kong sinampal ang mukha ng halimaw na tumatawa sa harapan ko. Tumatawa siya na parang galit at naiirita.
"I'm not like you!" Sabi ko.
"Huh? you're not like me? Oh come on! Noon pa man, halos itapon mo na ang sarili mo kay Noah mapansin ka lang niya. Anong kaibahan mo sa kalandian ko?"
Pagkatapos ng linya niyang iyon ay hinalikan niya ang babae sa harapan ko. Halik na may kasamang dila. Kitang kita ko ang dila nilang nag eespadahan sa harap ko. Naiiyak ako. Naiiyak ako para sa mga namatay na kulisap sa loob ng tiyan ko.
Bumaba ang halik niya sa leeg ng babae bago siya bumaling sakin ng nakangisi. Napawi ang ngisi niya nang nakita ang mukha kong naiiyak.
WALANGYA KA ROZEN! NAPAKAWALANGYA MO! NAPAKA SALBAHE! NAPAKA MANGGAGAMIT! SO HEARTLESS! BULLSHIT!
"Wh-Why are you crying?"
Humikbi ako. Namutla siya.
Nilunok ko ang nagbabara sa lalamunan ko.
"Dunno, you idiot. Sige, pakasaya kayo."
Pumihit ako kahit nanghihina na. Naglakad ako kahit nanginginig ang tuhod ko.
Kahit ipikit ko ang mga mata ko hindi maalis sa utak ko ang paghahalikan nila ng babaeng iyon. The way his lips moved. The way his tongue licked hers. The way he kissed her neck. Anong klaseng pagmamahal ang meron siya sakin? I wanna hurt him so bad. I want him to hurt so bad... Yung tipong di niya makakalimutan. Because damnit I don't know if I can even forget that scene.
"Coreen!" Nanginginig ang boses niyang tinawag ako.
Naglalakad ako patungo sa kawalan habang sinusundan ako ng sasakyan niya. Walang babae sa loob. Ewan ko. Iniwan niya o baka nasa bulsa niya or something.
Binilisan ko ang lakad ko kahit alam kong wala akong magagawa kasi may sasakyan siya.
Humarurot ang sasakyan niya saka nipark sa harap ko. Natigil ako sa paglalakad para lumiko. Pero bago pa ako lumiko ay hinigit niya na ako papasok sa sasakyan niya.
Pumiglas ako. Hinampas ko siya pero di siya natinag. Hinampas ko ang pintuan niyang tumunog hudyat na nakalock ito. Pumasok siya sa loob at hinampas ko ulit siya.
I wnat him to hurt so bad! I WANT HIM TO GET HURT!
"Walangya ka Rozen! Ang sama sama mo!" Sigaw kong halos mapaos na.
"Kahit kailan di ko sinabing mabait ako."
"ARGHHHH!" Sigaw ko nang bumuhos ng walang tigil ang luha ko.
Hindi matanggal sa utak ko ang labing naglalapat sa harapan ko. Labi ni Rozen. Paano kung wala ako dun? Nag hotel sila noong dalawang babae? At goodness anong gagawin ng dalawang babae? Hindi pwedeng isa dapat dalawa talaga? ANO?
Nababaliw na ata ako.
"Uuwi na ako!" Sigaw ko.
Pero di siya nakinig. Pinagpatuloy niya ang kanyang pagdadrive. Itinigil niya ito sa may boardwalk. Maraming tao doon pero pag lumapit ka sa dagat ay madilim at wala na gaanong tao. Hindi niya nipark ng maayos ang sasakyan niya at agad na lang akong hinigit palabas. Hinigit niya ako hanggang makarating kami sa sea shore. Sobrang lamig at ang tanging naririnig ko lang ay ang hampas ng alon sa buhangin.
Nanginig ako. Hindi dahil sa lamig kundi dahil sa sitwasyon. Nakatayo siya sa harapan ko. Tanging ilaw namin ay ang full moon sa ibabaw. Kitang kita ko ang repleksyon ng full moon sa mga mata niya.
Tumigil ako sa paghikbi at umambang mag wo-walk out.
"Bakit ka umiiyak?" Matamang tanong niya nang hinawakan ang braso ko para di ako makaalis.
"Bitiwan mo ako!" Sigaw ko sabay hawi sa kamay niya.
Oo, mahal ko na siya. Pero hindi ko iyon aaminin sa kanya. Hinding hindi.
"Walangya ka!" Sabay sabunot ko sa kanya.
Hindi siya gumalaw. Hinayaan niya ako.
"Alam ko na ang lahat! Na ikaw ang dahilan kung bakit di ako pinapansin ni Noah noong highschool! You manipulative beast!"
Nag iwas siya ng tingin. Nakita ko ang galit sa mukha niya.
"Ano? Magsalita ka! Totoo ba? Ikaw ba? Ikaw ang dahilan?"
"Tss..."
"Tss? Wa'g mo akong ma-tss tss dyan! Shit! Napakawalangya mo, Rozen! Pakealamero ka! Kung sana wala ka eh sana hindi na naglihim si Noah!"
"Nag lihim siya kasi duwag siya!" Sigaw niya pabalik sakin.
Humakbang siya palapit. Hindi ako umatras o gumalaw man lang. Hinintay ko siyang makalapit sakin. Gusto kong ipakita sa kanyang hindi ako natitinag kahit sa bawat paglapit niya ay sinasabayan ng kumakabog kong puso.
Affirmative, Coreen. The whole system is really in love with him.
"WA'G NA WA'G MONG MATAWAG SI NOAH'NG DUWAG." Pagbabanta ko.
Tumawa siya at tumikhim, "Anong itatawag ko sa kanya? Santo? Martyr? Ha! Ano? Nainlove ka na naman sa kanya kasi martyr siya? Nagpapaka santo? Nag give way sa kapatid niya kasi alam niyang mahal kita? Walangya rin Coreen pero kung siya kayang mag give way, ako hindi!"
Kumalabog pa lalo ang puso ko. Nanghina ang tuhod ko.
"AH? Mahal mo ako? Ganun? Eh anong tawag mo sa mga babaeng kasama mo? Ano mo sila? Ang lakas ng loob mong makipaghalikan sa harap ko at sabihin saking mahal mo ako!" I spat.
Nanlaki ang mata niya. "Ano nagseselos ka na? Ano? Mahal mo na ako?"
Humakbang siya palapit. Ngayon lang ako nakaramdam ng takot at panginginig. He was so desperate for an answer. Napa atras ako.
"That's impossible, right?" Tumawa ulit siya at ginulo ang kanyang buhok. "Imposible. You two are dating now. Finally! His turn! Finally! Kaya yang damit mong ako ang nagpagawa... na dapat ay para sakin... ay inalay mo sa kanya! Why don't you just give up your damn virginity, too? Pakasal na kayo!"
PAK! Hindi ko na naiwasang sampalin siya. Kahit kailan ang bunganga nito talaga! Walang lumalabas na magandang salita.
Nakangisi siya kahit na bakas na bakas sa mukha niya ang palad ko. Nakangisi siya habang nakatingin sa gilid. Ni hindi siya nag abalang harapin ulit ako pagkatapos ng sampal kong iyon.
Kumuyom ang panga niyang nakanganga at nakangisi. Para bang dinamdam niyang mabuti ang sampal ko.
"I hate you so much!" Sabi ko.
Walang bakas na panginginig ang boses ko kahit nangangatog na ang binti ko.
"You are so evil. Hindi ko kayang lunukin ang pag uugali mo. Pagkatapos mong paikutin kami ni Noah ay hindi ka pa nakuntento. Bakit mo sinabi sa kanyang may gusto ako sayo? Bakit mo ako siniraan? Bakit mo siya binlackmail? Bakit mo pinagsamantalahan ang kabaitan niya sayo? Bakit mo hinayaang masaktan ako ng paulit-ulit dahil lang ayaw ni Noah'ng saktan ka? Bakit mo ako sinasaktan? Bakit mo ako pinaglalaruan?" Bawat tanong ay unti-unting nanghihina ang boses ko.
Bumuhos ang luha ko sa huling tanong ko. Hindi ko na kinaya. Umiyak na ako. Iyak na parang wala ng hangganan. Hindi ko na alam kung titigil pa ito.
"Simple, Coreen. Kasi mahal kita."
"THAT'S THE MOST DUMB ANSWER I'VE EVER HEARD, ROZEN! That's bullshit! What kind of love is that? Selfish? Ganun ba? Okay lang masaktan kami basta masaya ka-"
"Bullshit! Kelan mo naisip na naging masaya ako, ha, Coreen?" Ginulo niya ang buhok niya at humakbang ulit palapit sakin. "Tingin mo naging masaya akong makita kang kasama ako pero siya ang iniisip? tingin mo nasiyahan akong kahit tinatanggihan mo siya, hindi ka parin tumitigil? Shit Coreen! Gusto kong patas tayo dito. Kung hindi ako masaya, you won't be happy, too. I want you to be happy with me! Not with anyone else!"
"YOU SELFISH BEAST!" Sigaw ko.
Paos na paos na ako. Hinampas ko siya.
"Ang sama sama mo. Anong klaseng pagmamahal yan!"
"Don't dare judge the way I love you, Coreen."
"Ang selfish mo! Ang selfish mo sa puntong kaya mo akong saktan! Hindi mo man lang nagawang magparaya-"
"HA-HA!" Ngumisi siya. "Magparaya? What? I'm not Noah! Hindi ako martyr, hindi ako santo, hindi ako si Noah. Wa'g mo kong itulad sa kapatid ko. If your damn in love with him now... if your lost in love with him now because of his martyrdom, ba't mo ako hinanap sa parking lot? Ba't ka umiiyak ngayon?"
Pinunasan ko ang luha ko. Nakita kong pumungay ang mga mata niya.
"You love me, Coreen." Aniya.
Tumindig ang balahibo ko. Umiling agad ako. I can't accept it. Hindi ko kayang tanggapin. Maaring tanggap ko na ito sa sarili ko pero hindi ko kayang tanggapin iyon sa harapan niya.
"You love me, I know it. You fell. I know it." Aniya sa matalim na accent.
Napalunok ako. Mas lalong kumislap ang mga mata niya. Mas lalo din akong umiling.
"Nang nalaman mong mahal ka ni Noah, nalaman mo ring mahal mo ako. Kasi hindi mo naramdaman sa kanya ang naramdaman mo sakin, diba? You love me."
Umiling parin ako.
Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. Wala akong ginawa kundi umiling.
"You can't do that to me, too. Na pag nalaman mong mahal na mahal kita ay aayawan mo rin ako. I'm different. You know that." Marahan niyang hinawakan ang dibdib ko.
Humikbi ako.
"I know you. You only like things in between, Coreen. You only like the chase... You only want me chasing after you. You don't want to decide... Pero pakiusap naman, magdesisyon ka na, kasi tao rin naman ako, nasasaktan. And you? I don't think nararamdaman mo yung sakit na nararamdaman ko... You are just too heartless."
"Ako pa yung heartless dito? Really?" Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.
Nakita kong nalaglag ang panga niya.
"Ikaw itong heartless. Ikaw ang nag paikot samin ni Noah!"
"BAKIT BA GALIT NA GALIT KA SA GINAWA KO SA INYO NI NOAH!?" Sigaw niya.
"Bakit di ako magagalit?" Tanong ko pabalik.
"Okay, fine!" Umirap siya. "Kung talagang si Noah ang gusto mo, then choose him! Bakit kailangan mo pang ipamukha sakin lahat ng mga kabulastugang ginawa ko sa inyo? Ayaw mo ba sa nangyayari sayo ngayon? You finally found out that he loves you, too. The right place and the right time. Bakit mo pa ako sinisisi? Pareho lang naman yun. Ang importante ay nalaman mo-"
"You're not even sorry?" Nanliit ang namumugto kong mga mata.
"No..." Umiling siya. "Hell I'm not."
Tumango ako. Ang sama niya talaga. Ang sama sama. Hindi ko kaya. Pumihit ako para talikuran siya.
You need to learn, Rozen. Mahal kita pero hindi ko matanggap na ganun ang ginawa niya. At hindi ko matanggap na kaya niyang maglaro... kaya niya ring mambabae sa harapan ko. Kaya niya lahat...
"Coreen. Come back."
Tumindig ang balahibo ko nang narinig ko ang nanginginig niyang boses. Lumalayo na ako sa kanya.
"Coreen, come back please..."
Naramdaman kong sinundan niya ako. SHIT! Parang pinipiga at tinatadtad ang puso ko. SHIT!
"Coreen, I'll be good, please, just, come back."
Bumuhos pa lalo ang luha ko. My god. Rozen. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko hanggang sa maabutan niya ako.
"Coreen, please, don't leave. I'll be good. Di ako mambababae. Di ko na kayo guguluhin ni Noah. Hahayaan kita." Aniya saka niyakap ako.
Dinig na dinig ko ang kalabog sa dibdib niya. Damang dama ko iyon sa dibdib mo. Humigpit pa lalo ang yakap niya.
"No. Learn, Elizalde." Sabi ko.
Umiling siya at hinarap ako.
Kitang kita ko ang luha na lumandas sa mga mata niya. Nag iwas ako ng tingin.
"Anong learn? Na magparaya?" Umiling siya.
Humugot siya ng malalim na hininga.
"Coreen, I'm not Noah. I'm not good at hiding my feelings. I'm not good at letting you go. I'm not good at forgetting you or ignoring you or seeing you walk away. Coreen, please."
Umiling ako, "Yeah, you're right. You're not Noah."
Nalaglag ang panga niya. Kinagat ko agad ang labi ko. Alam ko. That was a blow to him. I want him to realize that what he did was really wrong. Hindi iyong nag so-sorry lang siya para hindi ako mawala. Gusto kong makita niya na kung gusto niyang maghalin ko siya, hahayaan niya ako, hindi mamanipulahin.
Ilang taon akong naniwala na ayaw ni Noah sakin. Ilang taon akong nasaktan. Iyon pala pinaglalaruan kami ni Rozen. Noah's just kind enough to give way for his brother. At ano itong ginagawa ni Rozen? Pinagsamantalahan niya lang.
Ngumisi ako pero nanghihina na ang mata ko.
"You're not Noah, Rozen." Sabi ko at hinawi ang kamay niyang nanghihina narin.
Humakbang ako palayo. This time, he didn't chase after me.
"Are you choosing him, Coreen?"
Tanong niyang sinagot ko pero di niya narinig.
"No. I'm choosing you. I'm in love with you but you need to learn, Rozen. Hindi ganito. Hindi yung nangmamanipula ka ng tao. Ang dami mong pagkakamali. Mahal kita pero hindi ko alam kung kaya kitang patawarin ngayon."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top