Kabanata 28
Kabanata 28
Mahal Ko Na
Hindi magsink in sa utak ko yung sinabi ni Noah sakin. Dumating yung order kaya nabasag ang titigan naming dalawa.
"Let's eat." Aniya.
Tumango ako kahit alam kung hindi ako makakakain ng maayos.
Halos hindi ko malunok ang bawat pagkaing nginunguya ko. Ang tanging nararamdaman ko ngayon ay iyong puwang sa puso ko at ang tanging iniisip ko ay ang pagkakahulog ni Noah sakin.
Hindi ko siya matanong ulit tungkol dun. Hindi ko alam kung bakit. Parang ayokong malaman ang mga kasunod. Ayokong marinig kung ano pang pwede niyang sabihin. Tama na dito. Dito na lang ako. Sa gitna ng katotohanan at ng akala ko ay totoo.
Dahil alam ko... kahit na wala pa siyang sinasabi... alam kong malaki ang kinalaman ni Rozen dito. At ayaw kong malaman kung ano pang mga ginawa niya para lang pumagitna samin ni Noah. Ayoko.
Kahit na alam kong malalaman ko rin iyon ngayong magkasama kami ni Noah. Papunta kami ng sinehan nang nagsalita siya ulit.
"He liked you first, Coreen."
Pinagdikit kong mabuti ang mga labi ko nang sa ganun ay hindi na ako magtanong. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko.
"He told me to back off."
"Bakit ngayon lang? Bakit ngayong college na tayo?"
Napatingin siya samin. Nasa tapat na kami ng sinehan. Hindi pa namin napag uusapan ang panonoorin naming movie. Pero kahit saan, wala akong pakealam.
Bumili siya ng ticket. Pinili niya iyong movie'ng ang bida ay superhero.
"Dalawa po." Aniya.
Pinagtitinginan siya ng mga babae sa likod niya. Halatang medyo na di-disturb sa kanyang kagwapuhan.
"Thank you." Ni hindi niya tinignan ang babaeng nagbigay ng ticket sa kanya na malaki ang ngisi.
"Hello..." Nahihiyang sambit ng medyo matangkad, chinita at maingay na babae sa likod.
Kanina pa nila pinagmamasdang mabuti si Noah. Napangisi ako. Ganyang ganyan din ang reaksyon ng mga babae kay Rozen. Mga Elizalde talaga. Kaya lang... kung si Rozen ay mas lalong ngumingisi, si Noah naman ay mas lalong sumisimangot.
Bumaling siya sakin at ipinakita ang dalawang ticket.
"Okay ba ito sayo?" Tanong niya.
Tumango ako.
Nilingon ko ang natahimik na mga babae na ngayon ay nagbubulong-bulungan na sabay tingin sakin.
"Let's go, Coreen." Aniya saka pinadausdos ang kamay niya sa palad ko.
Napatalon ako sa ginawa niya. Nilingon ko siya at nakita kong nakakunot ang kanyang noo at namumula ang pisngi.
"H-Hinahawakan mo ang kamay ko." Sabi ko.
Hindi ko maiwasang punahin iyon. Kaya naman ay nag iwas siya ng tingin.
"Bakit? Ayaw mo!?" Galit niyang utas.
Naramdaman kong humigpit ang kamay niyang nakahawak sa palad ko. Parang may kung ano sa puso kong kinukurot. Hindi ko na maintindihan ang mga kulisap. Para silang nag ra-rally. Dahil hindi na nila gusto ang nakaupong presidente. Gusto na nilang ma impeach ito. At wala ng kakampi ang presidente... Maiimpeach na siya anytime.
"H-Hindi naman sa-"
"Ayaw mo, Coreen?" Lumamig ang boses niya.
Napapikit ako at matamang hinawakan ang kamay niya.
"G-Gusto..." Kinagat ko agad ang labi ko.
Alam kong hindi... alam kong may parte sa puso kong naiinis sa sarili ko dahil sa kasinungalingang iyon. Gusto ko si Noah, oo, noon pa. Pero ngayon, hindi ko na alam. Hindi ko alam. May gumugulo sa utak ko at ayaw kong aminin iyon sa sarili ko. Ayaw ko kasi alam kong may malaking kasalanan siya.
"Noah." Utas ko nang nakapasok na kami sa sinehan at nag sisimula na ang movie.
Nakahawak siya ng pop corn at nasa gilid namin ang mga drinks.
"Hmmm?" Hindi siya lumilingon.
Panay ang titig niya sa screen habang ako naman ay nakatingin sa perpekto niyang features. Galing sa malalalim na mga mata, sa matangos na ilong, sa labing maganda ang kurba, sa adam's apple na kitang-kita ang silhouette kahit madilim.
Tinitigan ko lang siya. Napalunok ako. Naramdaman niya ang titig ko kaya nilingon niya rin ako. Nagkatitigan kaming dalawa.
Bumuntong hininga siya at dinilaan ang labi niya bago nagsalita.
"Ngayon ko lang ito sinabi kasi pinigilan niya ako."
Tumunganga lang ako. Hinintay ko ang karugtong.
"High school noong nalaman niyang nagustuhan kita. Panu niya nalaman? You know him... marami siyang galamay. At alam na alam niya kung nag sisinungaling ang tao o hindi. Sinuntok niya ako."
Nanlaki ang mga mata ko.
Nakita kong ngumisi si Noah sa reaksyon ko.
"Nakakatawa kasi ni hindi man lang kita kaibigan. Ni hindi man lang kita nakakausap. Pero nagalit parin siya noong nalaman niya iyon. Ayaw niyang nag uusap tayong dalawa. Ayaw niyang magkalapit tayo. Ayaw na ayaw niya. But you know... I respected him. Siya ang nauna. Siya ang dahilan kung bakit gusto kitang makilala. It's the bro code."
"A-Ayaw ni Rozen na magkalapit tayo? Is that why you were always cold to me?"
Sumikip ang dibdib ko sa sarili kong tanong.
Pumikit siya bago binuga ang salita, "Yes."
"P-Pero bakit? Bakit ka nagpadala kay Rozen?" Napalunok ako.
"Because Rozen told me you like him, too-"
"No... No... Alam mo noon pa na ikaw ang gusto ko." Humina ang boses ko.
Natahimik siya at yumuko. Humugot siya ng malalim na hininga.
"Rozen told me you like him... Kaya nabigla ako nang sinabi mo noong highschool na ako ang gusto mo. Yung alam ko ay siya ang mahal mo. Tuwing naririnig ko ang pangalan mo at naiuugnay sa isang Elizalde, alam ko na agad na hindi ako. It was him. It was always him. The way he makes other girls drool... even you."
"I don't... drool over him." Napangiwi ako.
At least hindi noong high school. Dahil bumalandra sa utak ko ngayon ang nakatopless at naninigarilyong si Rozen.
Umubo ako para maistorbo ang nasa utak ko.
"Well, that's what I thought."
Ilang sandali kami natahimik. Nakatitig siya sa screen at pinapanood ang movie pero ako nakatitig din pero naglalakbay ang utak ko. Si Rozen... ang pagiging manipulative niya. Hindi lang pala kay Reina at kay Wade, maging sakin.
Biruin niyo? High school pa lang may hidden agenda na siya. He poisoned Noah's brain.
"So... Noah, why not? Bakit ngayon lang?" Tanong ko sa kalagitnaan ng movie.
Hindi talaga matanggal sa utak ko ang tanong na ito.
"Because I know your deal, Coreen. Ang sabi niya, titigilan ka na niya pagkatapos ng isang buwan. Pumayag ako. Pinagbigyan ko. Pero magdadalawang buwan na hindi niya parin inaamin sakin na wala siyang nagawa. He's tricking us again, Coreen. Manipulating us again. I won't let that happen anymore."
Nanginig ang labi ko. Ang sama sama ni Rozen. ANG SAMA SAMA. Hindi ko na kayang iexplain ang nararamdaman kong pagkamuhi sa kanya. Nanghihina ang puso ko sa umaapaw na galit at... panghihinayang.
Panay ang titig ko sa screen. Darn it! Rozen Gaiser Elizalde... Iyon ba lahat ng ginawa mo? Nanghina ang buong katawan ko. Mabuti na lang madilim. Mabuti na lang at nakatingin din si Noah sa screen. Mabuti na lang at kaya kong pigilan ang paghikbi ko. Hindi bale na kung malagutan ako ng hininga dito sa kaka pigil sa paghinga ko. Hindi bale na.
It hurts too damn much! Buong akala ko siya itong nagpapakamartyr. This was all his plan. We're in the middle of his game. Shit walangya! Sorry pero hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko.
All this time, lahat ng sakit na natamo ko galing kay Noah... hindi ko pala dapat iyon nararanasan. Nag gi-give way lang apla siya sa kapatid niya. And Rozen's just using Noah's kindness! Dahil kaya ni Noah mag give way ay pagsasamantalahan niya ito... Gagamitin niya. Wala siyang pakealam. Walang pakealam kung kaninong feelings ang maapakan niya. Kaninong puso ang mawasak niya. Kahit puso ng kapatid niya, kahit puso ko... Basta ma ligtas lang ang puso niya.
Pinagsalikop ni Noah ang kamay naming dalawa.
"Hey, Coreen."
Nakita ko ang titig niya sa gilid ng aking mga mata. Bumuhos pa lalo ang luha ko. Ngayon ay hindi ko na napigilan ang paghikbi.
"M-May alikabok lang... napuwing." I lied.
Shit! Mahal ko na si Rozen. Pero hindi ko matanggap ang lahat ng ginawa niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top