Kabanata 27

Kabanata 27

Nahuhulog

Mabilis ang panahon dahil busy ako sa midterms. Panay ang study ko habang si Reina, ang bestfriend ko ay tumutunganga sa isang tabi. Nag s-study naman siya pero sadya lang talaga siyang madaling madistract.

Hinihipan niya ang buhok niya ngayon habang ako naman ay panay ang tingin sa libro ko.

"Adik." Utas ko.

Ilang sandali ang nakalipas, narealize ko kung bakit kami bestfriend ng isang ito. Adik din ako. Nasa tabi namin ang soccerfield habang hinihipan ko na ngayon ang bubbles na bigay ni Rozen.

"Nakabalik na ata si Ate Megan." Aniya ng wala sa sarili.

"Sinong Megan?" Tanong ko.

"Yung... yung classmate ni Noah."

Napaisip ako. Megan. Classmate ni Noah? Iyon ba iyong babaeng nakita ko sa CR?

Hindi ko alam. Hindi naman iyon tumagal sa utak ko. Ang tangi kong iniisip ay ang imahe ni Rozen na palaboy-laboy sa buong school na may nakaaligid na babae.

"Disturbing." Umiling ako nang nakita siyang halos mapunit ang mukha sa kakangisi. "Tsss."

Nang last day na ng midterms, Biyernes, ay nakatanggap ako ng text galing kay Noah.

Noah:

Bukas. Sa school. 9:00AM. May iiwan ako dun. Dun na lang tayo magkita.

Tumango ako sa sarili ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Parang... hollow. Parang walang laman.

Is it true, then? I only like the chase?

Umiling ako. That's not true. That's not true. Hindi pwedeng ganoon. Ang tagal kong hinintay na magkaroon ako ng chance kay Noah, hindi pwedeng wala akong gana ngayon.

Kinaumagahan, nagising ako ng ngiting ngiti. Syempre, dahil alam kong ngayon mangyayari ang matagal ko ng inaasam na date namin ni Noah.

Nagpahatid ako sa driver namin papuntang school. Ang alam ko, nasa auditorium sina Noah. Hindi ko nga lang alam kung sino ang kasama niya doon. Kaya doon agad ako pumunta. Nag effort talaga ako sa soot ko ngayon. Mas nag accessorize ako at nagsoot pa ng heels para mas tumangkad at mas  bumagay sa matangkad na si Noah.

Hindi pa ako nakakapasok ay dinig na dinig ko na ang mahihinang boses ni Noah at Warren na nag uusap.

"May nakakita kay Megan. Nasa Pinas na daw."

"Tsss. Pakealam ko dun."

Pumasok ako sa pinto at uminit ang pisngi ko nang nakita ang nalalaglag na panga ni Noah.

"C-Coreen?" Utas niya.

"He-hello!" Ngiti ko.

Lumapit siya sakin at nilingon si Warren. Ngumisi si Warren sakin.

"Alis na kayo?" Tanong niya.

"Oo." Sagot ni Noah.

"O sige. Ingat, bro." Sabay tapik ni Warren sa balikat ni Noah.

Pinadausdos ni Noah ang kanyang kamay sa baywang ko. Isang galaw na nagpapaalala sakin sa isang taong kinaiinisan ko.

Tahimik si Noah habang papalabas kami ng auditorium.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko para mabasag ang katahimikan.

"Kakain tayo sa labas, saka manonood ng sine. Ikaw? Anong gusto mong gawin?"

"Hmmm. Ganun din." Ngumiti ako.

Pinatunog niya ang kanyang sasakyan. Binuksan ko ang pinto at pumasok na agad dito. Pinaandar niya ang sasakyan. Naninibago ako. Parang... parang... hindi ito ang nakasanayan kong sasakyan.

Pinilig ko ulit ang ulo ko at sinubukang tignan ang playlist ni Noah.

"Anong mga kanta ba ang gusto mo?" Tanong ko habang nagdadrive siya.

Kinuha ko iyong nakalagay na itouch sa gilid pero agad niyang hinablot ito sa kamay ko. Namutla ako. Nakita kong medyo iritado siya.

"S-Sorry." Sabi ko.

Ayaw niyang pinapakealaman ang gamit niya. Hindi ako sanay. Kung si Rozen ang kasama ko, kahit baliktarin ko ang sasakyan niya, okay lang.

GOD.

I miss him.

Shit!

"M-May password kasi." Aniya saka may pinindot doon bago binigay ulit sakin.

Ngumiti ako pero hindi ko alam kung bakit kinukurot ang puso ko.

"Hindi... Ikaw na pumili." Nilagay ko pabalik sa gilid ang itouch.

Nilingon niya ako kahit nasa gitna kami ng daanan.

"Coreen, you want to know the songs I like? Go ahead."

Tumango ako at kinuha ulit ang itouch at pinindot na lang ang pinaka unang kanta sa listahan. Kahit ano na. Ayaw kong makita niyang pinipindot ko ito palagi kasi baka anong isipin niya.

Tahimik kami buong byahe.

"Bakit ang tahimik mo?" Tanong niya pagkapark namin.

"Huh? Wala lang." Ngumisi ulit ako.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Napatingin si Noah sakin. Pinatay ko agad ito nang di tinitignan kung sino ang tumatawag.

"Akala ko pag ka date kita, medyo maingay." Tumawa siya.

Ang pagkislap ng kanyang mata habang ngumingisi siya? Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit gustong gusto ko si Noah. Siguro sa tagal ng panahon na gusto ko siya ay minahal ko na siya.

Tumunog ulit ang cellphone ko. Ngayon, iritado kong dinungaw ito at nakita ko kung sinong halimaw ang tumatawag. Bumilis ang pintig ng puso ko.

"Ano yan, frequent caller?" Tumawa ulit siya.

"W-Wala." Lumamig ang mukha ko. "Tayo na?"

Tumango siya at lumabas na.

Una kaming pumunta sa isang engrandeng restaurant. Panay ang tunog ng cellphone ko dahil sa tawag ni Rozen. Hindi ko alam kung bakit kahit naiinis ako ay hindi ko parin ito pinapatay.

"Sino bang tumatawag sayo?" Tanong niya nang nakakunot ang noo.

"Wala. Kaibigan."

"Wala namang ganyan ka persistent na kaibigan. Unless emergency?"

Tumunog ulit ito. Napatingin si Noah sa kamay kong nakahawak ng cellphone.

Tinago ko agad ito...

"Excuse lang ah? Ititext ko lang." Sabi ko.

Tumango siya at tinawag ang waiter para umorder.

Ako:

I'm busy, Rozen. Magpakabusy ka rin.

Rozen:

Can't do anything. Can't even fucking move coz I know you're with my brother.

SHIT! Halos sipain ko ang mesa sa mensahe niya.

Ako:

Wa'g mo kong lokohin. I know you're with your girls.

Rozen:

I'm not. Wa'g na wa'g mong papatayin ang cellphone mo kung ayaw mong pumunta ako sa mga babae ko.

Ako:

Ha! Binablackmail mo ba ako? Edi pumunta ka! Desisyon mo yan. Malaki ka na.

"Hey! Coreen!" Napatingin ako kay Noah.

Nakakunot ang noo niya, "Huh?"

"Mag order ka na."

Tumango ako at nag order na.

"Sorry." Sabi ko.

"Okay lang. Mukhang importante nga ang pinag uusapan niyo nitong kaibigan mo, ah?"

Tumango ako, "medyo." Saka napainom ng tubig.

GODNESS! Kung alam niyo lang kung gaano ako ka desperadang umuwi at humiga sa kama at mag text kay Rozen ngayon.

WHAT THE HELL IS WRONG WITH ME? There is something wrong with my system. May mga namisplace atang turnilyo. Kagagawan ng mga nababagot na kulisap sa tiyan ko. All because of that damn beast...

"Tahimik mo talaga. I'm not used to it." Ani Noah habang kumakain kami.

Sumasakit ang tiyan ko. Ang alam ko hindi iyon dahil natatae ako. Dahil na talaga iyon sa mga kulisap na hindi ko na maintindihan.

"Noah... Pwedeng magtanong?"

"Hmmm. That would be better."

Napalunok ako saka dinungaw ang pagkain ko, "Bakit ba tinatanggihan mo ako noon? Bakit ayaw na ayaw mo sakin?"

Marahan niyang binitiwan ang mga kubyertos at pinunasan ng table cloth ang bibig niya. Mabigat na titig ang natamo ko sa kanyang mga mata.

"Isn't it obvious to you, Coreen?"

May kung anong kurot ang naramdaman ko sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit.

"It's because of my brother."

"Si-Sino?" Napakurap-kurap ako.

Bumuntong hininga si Noah, "Rozen, of course."

Mas lalo akong kinabahan at mas lalong lumalim ang sakit sa puso ko. So. It was really him.

"Why? What about him?"

"He likes you... Hindi mo ba alam?"

Alam ko. Hindi ko alam. Alam ko. Ewan. Tinitigan ko lang siya. Umiling siya at uminom ng tubig.

"Binlackmail ka ba niya?" Nalula ako sa sarili kong tanong.

Hindi siya agad sumagot.

"Bata pa lang tayo, hilig ka na niya. At alam niyang... alam niya na ako ang gusto mo."

Kinurot ko ang sarili ko. Hindi ito panaginip. Nagsasalita si Noah tungkol sa lahat ng ito!

"Syempre, hindi naman ako tulad niyang love life ang inaatupag noong bata pa. Wala akong pakealam. Kahit na galit siya sakin dahil sayo. Pero hinayaan ko siya."

Ngumuso siya.

"Nang nag highschool tayo... na curious ako sayo. Bakit... Bakit sa lahat ng babae ni Rozen ay ikaw?-"

"Hindi ako babae ni Rozen."

Ngumisi siya, "Sa lahat ng babae... Bakit ikaw? Nagresearch ako tungkol sayo. I stalked you."

"WHAT?" Nalaglag ang panga ko.

"Yes. I stalked you. At nalaman kong hindi lang siya ang nahuhumaling sayo. Kalahati ng populasyon sa mga lalaking freshmen na batch niyo ni Reina ay nahuhumaling sayo. Rozen's just one of the many, huh?"

Uminit ang pisngi ko.

"At nalaman ni Rozen na na curious ako sayo. Nalaman niya na may... gusto ako sayo... Na ako rin... Nahuhulog."

Unti-unti kong narealize ang sinabi ni Noah. Nagkatitigan lang kaming dalawa. I was so shocked na nakalumutan ko ng huminga.

Hindi ako makapaniwala.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: