Kabanata 26

Kabanata 26

Games

Hindi parin nag sink in sa utak ko ang sinabi ni Noah.

"Mag date tayo."

Nasa loob ako ng AVR habang wala sa sariling pinapanood ang reporting ng mga kaklase ko.

Wait a minute... Bakit niya ako niyaya? Ang kilala kong Noah ay cold at laging tumatanggi sakin. Bakit ngayon ay kaya niya na akong yayain?

Napangiwi ako ng naisip ang isang taong manipulative. Hindi kaya... Hindi kaya si Rozen ang may pakana?

Napatingin ako sa cellphone ko at nakita kong may message galing sa halimaw na iniisip ko kanina.

Rozen:

So... pinili mong sootin ang jacket niya. Ni t-shirt na binigay ko hindi mo maisoot.

Napapikit ako. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang impormasyong ito. May mga alipores ba siyang nakaaligid? Mga alagad ng dilim? Bakit niya nalalaman halos lahat ng mga ginagawa ko.

Nag type ako agad ng irereply.

Ako:

What do you want me to do? Rot with the shake on my dress? BTW, paano mo nalaman?

Nagreply siya agad. I can imagine him hiding his phone under his desk at nagtatype ng message para sakin.

Rozen:

Have my ways, Coreen.

Ngumuso ako at inirapan ang screen ng cellphone ko. Ilang sandali lang ay natapos na ang reporting. Nagmadali ako sa paglabas. Buong akala ko ay naroon na si Noah, pero nagkamali ako.

Hindi si Noah ang nadatnan kong nakahalukipkip at titig na titig sa jacket at tshirt na soot ko. Kinagat niya ang kanyang labi at pinasadahan ng palad ang buhok.

"WHY. ARE. YOU. HERE?" Hinila ko si Rozen palayo sa pintuan ng AVR.

Tinago ko siya sa malapit na corridor habang sinusuyod ng tingin ang buong lugar at kumpirmahing wala si Noah doon.

"Checking on you. Nabasa ka diba?" Matabang niyang sinabi saka pinakita ang isang bag na mukhang may lamang damit.

"Pupunta si Noah dito at dadalhan ako ng damit. Pag nakita ka niyang aaligid-aligid dito, anong sasabihin niya?" Nilingon ko ulit ang corridor.

Buti wala paring Noah na nandoon. Pero panay naman ang pagngiwi ng mga kaklase ko nang nakita nilang si Rozen ang kausap ko.

"Sasabihin niyang, 'hey, kuya! Ikaw pala yan! Napasoot mo na ng damit si Coreen? Good. Ayoko ng mag effort. Kakapagod-'"

Sinapak ko si Rozen. Humalakhak siya pero bakas ang lamig sa boses niya.

"Did you..." Nanliit ang mga mata niya. "Did you tell him about our deal, Rozen?"

Tumaas ang kanyang kilay.

Humakbang ako palapit sa kanya nang sa ganun ay marinig niya ang pag bulong ko.

"Niyaya niya akong mag date kami. Sinabi mo ba sa kanyang yayain ako?"

Hindi siya agad nagsalita. Tinitigan niya lang ako. Nagsasayaw ang mga mata niya. Pabalik-balik na tinignan ang dalawa kong mga mata. Para bang binabasa ang nasa utak ko. Naningkit lalo ang mga mata ko.

"Yeah." Simple niyang buntong-hininga.

Napaatras ako at napakagat sa labi. So it wasn't his will, huh? Pinilit siya ni Rozen.

Parang may konting parte sa puso ko ang gumuho at malaking parte nito ang nabuo. Hindi ko alam kung paano iyon nagagawa ng mga kulisap sa puso ko.

"Noah?" Narinig kong sambit ng isang babae sa kabilang corridor.

Napatingin ako doon at nakita kong si Noah ay pawis na pawis, hinihingal at may dalang kulay itim na paperbag.

"Darn it!" Sabi ko ng wala sa sarili.

Napatingin ako sa umiirap na si Rozen.

"Whatever!" Aniya saka iniwan sa harapan ko ang paperbag at tinalikuran ako.

Pinulot ko agad iyon at kinuha ang nasa loob para maitago iyon sa bag ko saka binalibag ang paperbag.

"Sorry natagalan." Hinihingal na sinabi ni Noah.

Ngumisi ako kahit na namumutla dahil sa mabilisang paglagay ng damit sa bag ko. Natatakot akong makita niyang magkasama kami ni Rozen.

Inabot niya sakin ang paperbag. Napalunok ako.

"Naku, nag abala ka pa." Matabang kong sinabi.

Medyo naaapektuhan parin ako sa sinabi ng Sexy Beast na iyon. Na niyaya lang ako ni Noah dahil utos niya ito.

Kinuha ko ang paperbag.

"Sige, Coreen. Papasok muna ako. Magbihis ka para maayos na."

"O-O sige." Sabi ko.

Tinalikuran niya ako. Pero narealize kong hindi ko pwedeng palampasin ang pagkakataong ito.

"NOAH!" Sabi ko bago pa siya makahakbang.

"Hmmm?" Hinarap niya ako.

"Wa'g mo na akong i-date."

Kumunot ang kanyang noo at hinarap ako.

"Bakit?"

"Kung n-napipilitan ka lang din naman... Wa'g mo na akong i-date."

"Ba't naman ako mapipilitan?" Mukha na siyang naiirita ngayon.

"K-Kasi... hindi ba? Diba napipilitan ka? Hindi ka ba..." Ugh! Hindi ko masabi ang pangalan ni Rozen. Parang ayoko siyang banggitin. "napipilitan?"

Umiling siya, "Ba't ako mapipilitan? What, Coreen? Now that I finally asked you out, susuko ka? You only like the chase, ganun ba?" May halong galit na sa boses niya.

Umiling agad ako, "N-No, Noah! I-I just thought..."

"Then you thought wrong. I'll text you after midterms. Okay?"

"Uh-huh." Nanginig ang labi ko sa kaba at galit.

Yes. Galit. ROZEN. THE BEAST! NEVER MIND THE SEXY! NAKAKAINIS!

"Good."

Pagkatapos kong magbihis ay agad kong nidial si Rozen kahit nasa loob pa ako ng cubicle.

"Yes, hello? Need anything? Hungry? O nagsawa kay Noah?" He chuckled.

"YOU SON OF A BITCH! SINUNGALING KA! ANG SABI MO SAKIN INUTUSAN MO SI NOAH? HINDI NAMAN PALA! PINAGLALARUAN MO BA AKO ROZEN?"

"Oh? Ba't galit ka? Hindi ba dapat happy ka kasi nalaman mong niyaya ka niyang mag isa? Hindi mo na ako kailangan para mapalapit sa kanya? You should be damn happy, Coreen."

Napa facepalm ako.

"Ewan ko sayong hayop ka! Ano pa bang kasinungalingan ang sinabi mo sakin at ng malaman ko? You manipulative, playful beast! Stop playing games, Rozen! It's not funny!"

"I'd play any game to win you, Coreen. Always. Remember. That."

At pinatay niya ang linya. Natulala ako sa sinabi niya. Hindi ako huminga. Tumitig lang ako sa screen ng cellphone ko. At mabilis na mabilis ang pintig ng puso ko.

Ilang sandali ang nakalipas ay lumabas ako sa cubicle. Isang babaeng kasing tangkad ko ang nandoon at nagpa-powder ng mukha. Kilala ko ito. Schoolmate namin sa highschool. Kabatch ito ni Noah. Uminit ang pisngi ko. Narinig niya kaya na kausap ko si Rozen sa cellphone? Nagkibit balikat na lang ako at naghugas ng kamay.

Malakas niyang sinarado ang lalagyan ng pressed powder niya. Sa sobrang lakas, feeling ko nasira ito.

"Some girls are obsessed with the chase." Bigla niyang sinabi sakin at ngumisi. "Pumili ng mabuti kung alin sa mga Elizalde. And don't worry, hindi ko 'to malalaman ng kahit sino." Kumindat siya at umalis.

Weird, weird girl. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: