Kabanata 20

Kabanata 20

3rd Law

Sa totoo lang, ito na ata ang pinakamagandang performance ko sa isang presentation. Tumama lahat ng mga isinulat ni Rozen para sa presentation. Maayos ang naging takbo ng pagsagot ko sa iilang questions ng mga tao. Maging ang mga businessman na guest speakers ay na impress ko. Masayang-masaya ako nang natapos na ito.

The best presentation. Plus, I'm going home! Panay ang congratulate nila sa akin nang natapos na ang buong congress.

"Thanks! Sana next year kayo parin ang representative!" Sabi ni Lacey na hindi makapaniwalang isang araw lang naman talaga kaming nagkasama.

Ngumisi na lang ako, "Malabo. Panigurado, merong iba next year."

Nakipag picture-picture ako sa mga speakers, sa ibang participants at sa mga organizers. Tumanggap din ako ng certificate na anila'y makakatulong pag maghahanap na ng trabaho pagka graduate.

Nang humakbang na ako sa labas ay nakita kong nandoon na naman si Rozen, nakasandal sa sasakyan niya. Ngayon ay may isang malaking rose na inaamoy.

"WAAAAAAAAAAAAH! OMG!!!" Ayan na naman at nagsigawan ang mga babaeng nasa likod ko.

Niyugyog ako ng grupo nina Lacey. Umiling na lang ako at hindi ko maiwasang mapangisi. Grabe talaga kung magpakulo itong si Rozen.

"Sige na, uuwi na ako." Sabi ko.

"WAAAH! ARGHHH! ANG GWAPO! SHET!" Panay ang mura nila habang tinitignan si Rozen na umayos sa pagtayo dahil nakita ako.

Syempre, sino bang di makakakita sakin kung may maiingay na inggrata dito sa likod ko?

"OMG! Coreen, anong pangalan mo sa Facebook? Pa add. Ipakilala mo ako sa mga gwapong kilala mo doon sa inyo." Sabay kuha ni Lacey sa cellphone niya.

Ganun din ang ginawa ng iba. Tumawa na lang ako.

"Coreen Samantha Aquino. Search niyo lang." Sabi ko at umalis na.

Sinalubong ako ni Rozen ng nakangisi at kumikinang ang kanyang earing.

"Flashy!" Sabi ko.

Ngumisi lang siya at ibinigay sakin ang malaking rose. Tinanggap ko ito.

"Lunch muna tayo bago bumyahe." Aniya.

Tumango ako at naglakad papuntang sasakyan niya.

Nang pinadausdos niya ang kanyang kamay sa baywang ko. Napalunok ako sa ginawa niya. Mas lalo kong naramdaman ang bawat pintig ng puso ko dahil panay ang tili ng mga babaeng kasama ko sa congress.

"Mga baliw." Sabi ko at pumasok na sa sasakyan niya.

Umikot siya at pumasok na rin doon.

"See? Kahit sila, kinikilig satin. Ikaw na lang ata ang hindi." He chuckled.

Tinaas ko ang kilay ko, "Oh, bakit, ikaw, kinikilig ka ba satin?"

Pinaandar niya ang sasakyan niya. Ilang sandali pa bago niya ako sinagot.

"Don't ask me gay questions, please."

Tumawa ako, "What's wrong with that question? Nagtatanong lang naman ako. Kung aamin ka, hindi naman ibig sabihin nun na bading ka na."

Hindi parin siya sumagot kaya kinulit ko siya.

"Kinikilig na yan." Sabi ko sabay tusok sa gilid niya.

"Stop it, Coreen." Tawa niya. "Mababangga tayo."

"Kinikilig ka na kasi!" Sabi ko.

Niliko niya ang sasakyan sa isang kilalang restaurant.

"Whoa! Whoa! Dun na lang!" Sabay turo ko sa isang fast food chain.

"Huh? Bakit?"

"Oh you stop burning your cash, Elizalde. Parang kakain lang naman tayo, hindi date."

Pero wala akong nagawa. Mabilis niyang ni-park doon ang sasakyan niya at pinagbuksan pa ako ng pintuan. Bumuntong-hininga ako.

"One day, pag magiging Elizalde na ako. Lahat ng perang papasok sa pamilya, iko-control ko. Hindi ko hahayaang magwaldas ang mga anak ko." Bulong ko sa sarili ko nang papasok na kami sa restaurant.

"Sinong ama ng mga anak mo?" Tanong niya.

Napaisip ako. TEKA LANG. Bakit ako napapaisip? Kailangan pa bang i-memorize yan? Umamba na akong magsasalita pero nilagay niya agad ang index finger niya sa bibig ko.

"Shhh! Don't answer the question. Let's not ruin the moment." Aniya at kinuha ang kamay ko.

Ang isang kamay niya ay nasa bulsa niya at mabilis niya akong kinaladkad patungo sa loob ng restaurant.

Habang humahakbang siya papasok, bumuhos sakin lahat ng mga tanong... mga alaala... mga pagtataka...

Mahal niya ba talaga ako? Gusto niya ba talaga ako? Ilang taon niya na ring sinasabi saking gusto niya ako, ah? Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala. At kung gusto niya nga ako, bakit? Paano siya na inlove sakin? Hindi ko na alam kung ano ang earliest memory ko kay Rozen. Basta ang alam ko ay nagclass mate kami ni Reina noong grade 3 pa kami. Hindi ko alam kung kailan ko nakilala si Rozen. Ang alam ko lang ay noong grade 3 ako, nakilala ko si Noah.

Kinuha niya ang menu na binigay ng waitress. Nakangisi ang waitress habang hinihintay na magsalita si Rozen. Nilagay pa nito ang kanyang buhok sa tainga habang lantarang tumutunganga sa kanya.

Madali talaga siyang makaattract ng mga babae. Sa mukha niya pa lang, lusaw na ang puso mo. Kung gumalaw siya, malakas na agad ang dating. Kung magsalita siya, mas lalong malakas. What more kung mag flirt pa siya, diba?

Kaya hindi ko rin masisisi kung bakit ang daming nagkakandarapa sa kanya.

"Anong sayo, babe?" Tanong niya pagkatapos niyang sabihin iyong order niya sa waitress.

Bumaling ang waitress sakin saka sumimangot.

"Itong Garden Salad na lang siguro, babe."

Napangiwi si Rozen at tinignan sa sariling menu niya ang inorder ko. "Ano yan? Damo?"

Hindi ko napigilan ang sarili ko sa paghampas sa kanya ng menu. Nakakatawa kasi ang mukha niya, masyadong seryoso habang tinitignan ang order ko.

"Hindi! Vegetables! Masyado mo na akong pinapataba! Kahapon pa tayo meat nang meat. Ayoko na! Tataba na ako!" Sabi ko.

"Pareho din iyan. Mga damo! Coreen, wa'g mo namang tipirin ang sarili mo. Ako naman ang magbabayad. Bakit damo ang inorder mo? Pangkabayo naman yan-"

Hinampas ko ulit ng menu.

Natatawa talaga ako sa lintik na reaksyon niya.

"Duh! I'm a girl, Rozen. Importante sakin na sexy ako kaya tumigil ka na dyan. Iyon na, miss." Sabay baling ko sa waitress na mukha atang na offend ko.

Anong problema ng isang ito?

"Okay po, ma'am. Wa'g niyo lang sanang hampasin si Sir. Hmp!" Tsaka inirapan niya ako bago umalis.

Tumunganga ako sa waitress. I can't believe it! Ganun? GANUN? Galit siya? Napainom ako ng tubig, si Rozen naman ay halos mahimatay sa tawa.

"Wa'g kang hampasin? Tapos tatarayan ako!" Sabi ko.

Tumatawa parin siya. "Oh... See? Ang daming galit sayo kasi ayaw mo sakin."

Ngumisi ako. Hindi ko mapigilan.

Bumagabag ulit sakin ang mga katanungan. Pero bago ko pa iyon maitanong ay may waiter ng pumunta para ilagay ang drinks na inorder namin.

Mabilis ang service. Lalo na sa pagkaing inorder kong ayun kay Rozen ay mga damo. Lecheng halimaw! Puro kasi karne ang order niya. Sexy Beast. Bagay nga ang beast sa kanya.

Pinagmasdan ko siyang mabuti dahil sarap na sarap siya sa pagkain niya. Ako naman ay dahan-dahang kumain. Ayon kasi sa Syensya, madali ka dawng mabusog pag mabagal ang pag kain mo.

"Coreen, what the heck is wrong with you?" Aniya nang natapos niya ng kainin ang kanya at ako ay patapos na rin. "Iyan lang ba talaga ang kakainin mo?"

Kinuyom ko ang kamao ko at ipinakita sa kanya, "Oo, subukan mong makealam at bubugbugin kita."

Umiling siya, "Kung nasa puder na kita, hindi pwedeng damo yung kainin mo-"

"Hindi ito damo. At healthy ito kaya pwede ba. At anong nasa puder mo? TSEH!"

Umiling na lang siya at pinagmasdan akong dahan-dahan siyang iniirapan.

Nang natapos na kami ay pumikit na lang ako nang nag bill. Paniguradong mahal ang nabayaran niya. Lalo na sa juice na inorder ko. Pampaburn daw kasi iyon ng calories.

"Keep the change."

Nagawa niya pang sabihin iyon sa waiter. Well, waiter na. Hindi na bumalik ang waitress. Buti na lang. Subukan niyang magpakita sakin at pangangaralan ko rin siya kung bakit basta basta ko na lang hinahampas si Rozen.

Ilang taon na kaming magkakilala at wala akong maalala kundi ang mga kabulastugang ginagawa niya sa akin noon.

Nang bumyahe na kami ay naisipan kong batuhin siya ng mga tanong.

"Rozen..."

"Hmmm? Matulog ka muna. Mahaba pa ang byahe." Aniya.

Naka close na naman kasi ang sasakyan para sa byahe.

"Hindi naman ako inaantok eh. Kumusta na kayo ng girlfriend mo?" Tanong ko.

"Girlfriend?" Napalingon siya sakin.

"Oo. Si Zoey?"

Tumikhim siya, "She's not my girl, Coreen."

"Weh? Eh usap-usapan sa school na kayong dalwa-"

"Tsss! For pete's sake, hanggang ngayon ba hindi mo parin ako kilala?"

"Yeah, yeah! I get it! Pinaglalaruan mo lang ang mga babae mo. Kasi noong opening ng school, nakita pa kitang may kasamang iba, tapos sa sumunod na araw, si Zoey na ang kasama mo. Tsaka mejo matagal na rin kayo, huh?"

"It's because I need her."

Parang kinurot ang puso ko.

Imbes na magsalita ako ay kinagat ko na lang ang labi ko. Nilingon niya ako at mukhang nakita niya ang reaksyon ko kaya agad niyang dinugtungan.

"Sabi ko na sayo noon, may mga impormasyon akong nakukuha sa kanya tungkol kay Wade Rivas. Reina is really fond of him-"

"Hayaan mo na lang si Reina. Let her fall." Sabi ko.

"How can I let her fall kung ganoong klaseng lalaki ang magpapaibig sa kanya?"

Kumunot ang noo ko, "Wade's okay."

"No. He's not. Ginagamit niya si Reina. Gusto niyang sumikat at alam niyang magkapatid si Noah at si Reina kaya pinagdidiskitahan niya si Reina."

"That's not true. Hindi magagawa ni Wade iyon."

Humugot siya ng malalim na hininga, "That's true, Coreen."

"Hindi!" Pagpipilit ko. "Binibilog ka lang ni Zoey!"

"Hindi, Coreen. I know... I know what's true and what's not. I've been in this game for years. Alam ko kung kailan nagsisinungaling ang tao at kailan hindi-"

"She's just using you... Your money. Your fame."

"Magpapagamit ako kung para naman sa kapatid ko." Malamig niyang sinabi sakin.

Parang may isang parte sa pusong gumuho sa akin. Bakit? Ayoko ng ginagamit siya. Pero bakit okay lang sa kanya iyon? AYOKO. AYOKO. Makakapatay ako ng tao.

"I confronted Wade, Coreen. Pagkatapos ng audition. Habang nag aaudition, nakita kong tinitigan niya ang kapatid ko-"

"He's looking at Zoey, Wade."

"Kay Reina siya nakatingin." Maigting niyang iginiit. "I know-"

"You know too much!" Tumaas ang tono ng boses ko. "Mula pa noong bata pa tayo, ganyan ka na."

Umawang ang bibig niya. Para bang ang dami niyang gustong sabihin pero di niya masabi.

Ilang sandali pa bago siya huminga ng malalim at nagsalita.

"I told him to back off. Nag iisang babaeng Elizalde. Pinakaiingatan namin si Reina dahil siya lang ang babae samin. At alam ni Kuya kung ano ang feeling na binibilog, ginagamit, ayaw namin ng ganun sa kanya. Ayaw naming siya ang sumalo sa karma naming magkakapatid. Ang lalapit sa kanya ay dadaan sa akin. Walang deserving sa kanya kung hindi ko sinasabi. Walang gagamit sa kapatid ko. You know, Reina, Coreen. She's innocent, simple-minded, madaling mabilog, madaling mahulog. Noon pa man, I've been watching her. Ayaw kong mapunta siya sa mga manggagamit."

"Mga manggagamit at mga pobre." Pagtatama ko.

Napaawang ulit ang bibig niya pero wala siyang nasabi.

"Ayan ka na naman. Umaandar na naman ang paggiging mata pobre mo. I know you too damn well, Rozen Elizalde. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mong pagsasabotahe sa mga kaibigan ko."

Yes. May ginawa si Rozen noong bata pa kami. Naglalaro kami ng tatlong kaibigan ko sa bahay namin. Ang tatlong kaibigan kong iyon ay anak ng katulong namin. Ilang ulit na rin siyang bumibisita sa bahay at si Reina nang bigla niyang sinabing magnanakaw ang mga kaibigan kong iyon.

Pinagbintangan niya sila. Nagalit sila sa akin.

"Si Reina lang ang gawin mong kaibigan, Coreen."

Umiiyak ako noon. Si Reina naman ay namumuhi din sa kanyang kapatid.

Pagkatapos ng insidenteng iyon ay umalis ang katulong namin kasama ang kanyang mga anak. Walang imik si mommy at daddy sa akin. Pakiramdam ko, hindi nila sinabi na dahil iyon kay Rozen dahil naaawa sila kay Rozen kung mapunta ang lahat ng kasalanan sa kanya.

"Ang mayaman ay dapat sa mayaman. Hah!" Pangungutya ko. "Matapobre!"

Kumuyom ang panga niya.

"I want to protect you, Coreen. Even if it means I'll sink."

Natahimik ako sa sinabi niya. Masyadong malamig ang boses niya at ayaw kong pagtaasan siya ng boses dahil lang sa alaalang ito.

"Bakit, Rozen? Anong meron ako at bakit gustong gusto mo ako? What? Am I your biggest trophy? To prove that you are the biggest playboy in town? To prove that you are the most handsome creature in the world? Coz you know I hate you so much... at pag pinatulan kita, game over?" Sabi ko sa tonong hindi ko mapagtanto kung bitter ba o naghahamon.

"Hindi ko kailangan ng tropy para mapatunayan ang kahit ano, Coreen." Mas malamig niyang untag.

"Kung ganun, ano? Anong meron ako at bakit lubos ang pagkahumaling mo sakin?"

Natahimik siya.

"Tsss." Tumingin ako sa labas.

Which part, Rozen? Beauty? The challenge? The what?

"I like and hate you for the same reason, Coreen. Ayaw ko sayo dahil madali kang nagtitiwala at sagad kang magmahal. Sagad kang mag mahal, don't need to expound that part... At gusto kita dahil mabilis kang nagtitiwala. Halos pareho kayo ng kapatid ko, ang kaibahan niyo lang ay dalawa... May paninindigan ka-"

"What? Are you saying na walang paninindigan si Reina? Coz I'm gonna kill you for my bestfriend." Mabilis kong sinabi sa mataas na tono.

"I'm saying na madali siyang mabilog. Kung anong sasabihin mo sa kanya, madali siyang mapasang ayon. Ikaw, kinikilatis mo pa. Nagtataray ka pa." Nagawa niya pang tumawa.

Natahimik ako.

"Ang pangalawang kaibahan niyo ni Reina ay mahal kita, in a freakingly romantic way." Napapikit siya.

Halos di ako makahinga sa sinabi niya. Pinagmasdan kong mabuti ang mga sasakyang nadadaanan namin sa sobrang bilis niyang magpatakbo. Naririnig ko ang naghuhuramentado kong puso. Kung kumalabog ay parang hinahabol ng isang pulutong na kabayo. Is this right? Is this okay?

"Sasabihin ko ang lahat ng ito kay Reina."

Tumikhim siya.

"Tell her, then." Hamon niya.

"I will." Panunya ko sabay tingin sa kanya.

"Ano? Gusto mo parin ba ng date niyo ni Noah o hindi na?"

I clenched my jaw... Alam niya talaga kung paano ako hahawakan sa leeg. Hindi ako sumagot. Ngumisi siya. Alam niyang iyon parin ang habol ko.

May kung anong pumilipit sa tiyan ko. Ano kaya ang ginagawa ng mga kulisap doon at bakit ganito ang nararamdaman ko? Sarap uminom ng Baygon para tumigil na sila. Kasi napagtanto kong sa lagay na ito, ako ang nanggagamit sa kanya. I should stop this... I know I should. Di bale na lang na hindi ko makuha si Noah, wa'g ko lang gamitin si Rozen. Hindi bale na. Hindi bale na ang lahat... Wa'g lang si Rozen.

Tumunog ang cellphone ko. Hindi nagsalita si Rozen. Nagpatuloy siya sa pag dadrive. Kinuha ko ang cellphone ko. Kaya lang hindi ko na naabutan ang tawag. Naging missed call na.

Noah Elizalde My Love.

SHIT!?

Napatingin ako kay Rozen bago ako nag reply.

Ako:

Yes? Noah.

Agad nagreply si Noah. Isang reply na nagkumbinsi saking nabuhay ang pinaglalamayan ng mga kulisap kagabi.

Noah:

Are you still using this number? Ni-check ko lang.

Ako:

Yep. :)

Hindi na ulit nag reply si Noah. May kinuha si Rozen sa likod. Isang box.

"Ano 'to?" Tanong ko.

"T-shirt."

"HUH?" Binuksan ko ang box at nakita ang isang t-shirt.

"Sabi ng third law of motion ni Newton, for every action, there iss an equal and opposite reaction. You tell Reina about it, you wear that. You follow everything, you will have your chance. One month with me, Coreen. That’s all I’m asking from you.”

Tinignan kong mabuti ang T-shirt. Nanlaki ang mata ko nang nakita kong may nakalagay doon, “Owned by an Elizalde.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: