Kabanata 2
Kabanata 2
Ang Panloloko
Konti lang ang encouragement na pinapadama ni Noah sakin. Pero worth it! Isang sulyap niya lang, maninisay na ako sa kilig.
"Coreen..." Napatalon ako nang isang araw ay may kumalabit at tumawag sakin.
Nilingon ko si Noah. Pinasadahan niya ng kamay ang buhok niya kaya gumulo ito at naamoy ko agad ang bangong nanggagaling doon.
Nilipad ng hangin ang puso kong kumakalabog pagkakita ko sa kanya. Act normal, Coreen. Chill! Hingang malalim! Kaya naman hindi ko talaga masisisi si Reina kung manigas siya pag nandyan si Ynigo, eh, syempre crush niya yun. Ang nakakatuwa lang sa kanya, ay ang dami niyang crush. Benjamin, Ynigo, Nash, etc. The list goes on and on... Eh ako? Nag iisa at wala ng iba.
Napalunok ako ng ilang beses saka tinanong siya...
"Bakit?"
How I wish na dadating ang panahon kung saan hindi ko na kailangang magtanong sa kanya kung bakit niya ako hinahanap.
"Pakibigay tong excuse letter ni Reina sa teacher niyo. Absent siya, may sakit." Aniya.
Napatayo ako sa kinauupuan ko.
"Anong sakit ni Reina?" Tanong ko kahit na halos masuka na ako ng silver dust sa kilig.
"Flu. Don't worry about her, she'll be alright." Ngumisi siya sakin atsaka tinapik ang balikat ko.
Nalusaw agad ang puso ko sa ginawa niya. Konting mga gestures lang yan pero hulog na hulog na agad ako sa kanya.
Palagi kong iniisp yung mga mangyayari tuwing magkakasama kami. Dinidaydream ko palagi na magkaibigan kami ni Noah. Kaso, ang hirap niyang abutin sa totoong buhay. Masyado siyang engrossed sa music. Iyon lang palagi ang inaatupag niya. Wala siyang pinapansing ibang babae. Hindi rin naman nagbunga yung kina Muse. Crush niya lang yata yun. Pero ganun paman, malaking bagay na iyon sakin. May crush siya!
Bukod kay Muse, wala na akong alam kung sino pa ang kinahuhumalingan niya.
"GO NOAH!" Sigaw ko nang nag perform ulit siya sa festival ng school.
Dahil sa sigaw kong makabasag lalamunan, napansin niya ako. Ngumiti siya. Syempre, nanisay na naman agad ako. Ganun palagi ang eksena. Alam mo yun? Konting encouragement, hulog na hulog ka na agad.
"Coreen, thanks nga pala sa support."
Lumundag ang puso ko sa sinabi ni Noah sakin pagkatapos ng gig nila.
"Walang problema. Basta ikaw..." Ngumisi ako.
Napakamot siya sa ulo at napayuko. Sinundan ko ng tingin ang mga mata niya pero nakita kong pumula ag pisngi niya.
"Uh, sige..." Aniya at tinalikuran ako. "Bye."
Sus! Kung makatalon ako wagas! Nakita ko! Nakita ko! Nakita kong namula siya sa harapan ko! Nahihiya siya! I have an effect on him! OH MY LORD!
Kaya naman, mas lalo akong nagsikap. Updated ako sa fashion world. Updated ako sa kung saan pwedeng magpaayos ng buhok na worth it... Kahit na hindi naman ako tinutubuan ng tigyawat ay nagsisikap parin akong mag paderma para lang mapanatili ang balat kong ganito.
Nang nag Grade 10 kami, naloka na ako. Isang araw nang kalat na kalat ang nalalapit na prom night ng mga Grade 11 at 12...
"Hayyy! Dream ko talagang imbitahan ako ni Miguel." Nakapangalumbabang sinabi ni Reina sakin sa classroom.
Lahat ng tao ay nasa labas at nagkakagulo na. Ako naman ay nandito at tumutunganga.
"Coreen..." Tawag ng isang kaklase sakin.
"Hmmm?" Tamad ko siyang nilingon.
"Lika daw muna."
Nagkasalubong ang kilay ko, "Baket?"
"Basta! Dali na!" Tatlo silang atat na palabasin ako sa classroom.
"Teka lang, Reina ah." Sambit ko at iniwan siya doon sa classroom.
Nang lumabas ako, napansin kong may dinudungaw silang lahat sa baba ng stairs.
"Bakit?" Tanong ko ulit.
Pero ayun at panay na ang pagtutulakan nila sakin pababa.
"Huy! Leche anong meron?" Sigaw ko sa mga nagtutulakan at nagtatawanan sakin.
Naaninaw ko si Noah na nakasandal sa pader doon sa baba. Kausap niya sina Warren, Stan, at Joey. Habang nag uusap sila ay sumusulyap ng diretso si Noah sakin na para bang ako yung pinag uusapan nila.
"Go Stefan!"
Ay leche, ito pala yun? Nalaglag ang panga ko nang nakita kong may mga red balloons, flowers tsaka naka tarp na ganito ang nakalagay:
"Please be my date, Coreen Samantha R. Aquino."
Dumapo ang kamay ko sa bibig ko nang nagsigawan na ang mga babae doon.
"Ang swerte mo naman!" Sigawan nila.
Habang tinitignan kong mabuti si Stefan na may hawak ng bouquet at nahihiyang sumusulyap sakin ay may papel na nahulog galing sa taas. Tumingala ako at nakita ang maiingay na girls na naghihintay sa isasagot ko kay Stefan.
Yumuko ako at pinulot iyong papel.
"Say no, Coreen. And be with me. - Elizalde."
Sumulyap ako kay Noah na umiiling sakin bago ako tinalikuran. Walang pagdadalawang isip akong umiling kay Stefan. Gumuho ang mundo ng mga tao pero nabuo naman ang mundo ko.
"FINALLY! ISASAMA AKO NI NOAH SA PROM!" Sabay yugyog ko kay Reina.
"Aray ko po! Really?"
Kung makapagsalita ang isang ito parang nag bibiro pa ako.
Ipinakita ko sa kanya ang sulat na iyon. Bumusangot siya at...
"Sulat kamay 'to ni Rozen, ah?"
Binawi ko iyon sa mga kamay ni Reina. Nagkibit-balikat siya sakin.
"Kay Noah 'to! Nakita ko siyang umiiling habang niyaya ako ni Stefan."
Nagtalo kami ni Reina pero in the end... yung pinaniniwalaan ko ang masusunod. Nahihiya naman akong iconfirm iyon kay Noah tuwing nandyan siya kaya palihim na lang akong ngumingiti.
Nag ready ako ng gown... lahat... Kahit next year pa ang prom namin, hindi ko inaasahang magkakaroon ako ng pagkakataong pumunta this year at kasama pa ang ultimate love of my life ko.
"Hey..." Tumindig ang balahibo nang binisita niya ako sa classroom namin.
Mas lalong nainggit ang mga inggitera kong kaklase. Nangatog ang paa ko nang hinarap ko si Noah.
"Uhmm..."
"Bukas na yung prom. Baka daw susunduin ka na lang ng driver namin." Aniya.
Tumango ako at ngumisi. "Walang problema."
"Sige..." Tinalikuran niya ulit ako.
Halos mahimatay na ako sa excitement! Hindi na ako makapag antay!
Kaya naman, kinaumagahan, maaga akong nagising para maghanda na sa prom nina Noah. Ready na yung camera, gown, sandals, make up artist.
"Coreen, paki bigay mo na lang ito kay Noah." Sabi ni mama sakin sabay lapag sa isang gift.
"Opo." Sabi ko.
"Naku! Ang bait talaga nung batang iyon, ano? Sa kanilang magkakapatid, siya lang yata ang seryoso sa pag aaral." Aniya.
Nakakaproud talaga si Noah. Kahit ang mga magulang ko ay pinupuri siya.
"I mean... syempre nag sisikap naman si Reina, hindi ba?"
"Opo. Tinutulungan ko nga." Sabi ko.
Impressed si mama at papa kay Noah. Kasi kahit involved siya sa banda, matataas parin ang grades niya. Top siya sa Grade 11.
Nang natapos na akong i-make up at nakapagbihis na ako, timing na dumating din ang sasakyan ng mga Elizalde. Buong akala ko, andun si Noah. Pero nagkamali ako... yung driver lang ang sumundo sakin.
"Manong, nasan po si Noah?" Tanong ko nang pumasok sa loob.
"Ay, nandun na po." Aniya.
Tumango ako at kinawayan na sina mama at papa.
ANG SAYA KO! Daig pa nito ang kasal ko. Naghihintay si Noah sakin sa harap ng altar, ako naman, hinihintay na mapunta sa kanya. Ang saya ko! Sobra!
Pero nang nakarating na ako, narealize kong late na pala ako. Langya. Halos lahat yata ng mga students ay nakapasok na. Nagmadali agad ako papasok sa loob. Sayang naman ang make up at damit ko kung malilate na pala ako.
Doon, nakita ko si Noah na naka coat and tie na kulay itim. Kinawayan ko siya. Tumango naman siya. Naghihintay na lang kaming tawagin isa-isa para pumasok na at dumaan sa red carpet. 100kmph ang pintig ng puso ko.
"Stefan Andrei Cruz and Careen Fuentes." Sabi nung emcee.
Tinahak ni Stefan at nung date niya ang red carpet. Bongga talaga kung makapag prom ang school namin.
"Noah Reigan Elizalde and..." Agad na akong pumwesto sa hagdanan para tumapat kay Noah. Ayaw kong magpahuli, syempre...
Kaya lang, nabigla si Noah sa ginawa ko. May kumalabit na babae sa gilid ko. Halos magka banggaan na ang mga gown naming dalawa.
"and... Trisha Roncesvalles."
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Pinagpawisan ako ng malamig habang pinagmamasdan silang tinatahak ang red carpet. HINDI AKO ANG DATE NI NOAH?
Nakatunganga lang ako doon at pinanood silang sabay na umupo. May naramdaman akong tumayo sa gilid ko at kinuha ang kamay ko. Kasabay ng pagkuha niya ay ang pagkawasak ng puso ko. Hindi siya... Hindi si Noah ang date ko.
"Rozen Gaiser Elizalde and Coreen Samantha Aquino."
Ngumisi ang lintek na Rozen sa akin. Kitang kita ko ang makinang niyang diamond earring sa tainga niya.
"You... You fooled me!" Sigaw ko.
Alam kong demonyo siya pero hindi ko inakalang aabot sa ganito ang pagkademonyo niyo!
"I didn't." Ngumisi pa siya lalo.
Yung tipong ngisi na nakakapanindig balahibo.
BInawi ko ang kamay ko sa kanya at iniwan siya doon mag isa. Dinampot ko ang magkabilang saya ng gown ko para mas makatakbo ako ng matulin. Hindi ako pwedeng umuwi kasi ayaw kong masira si Noah sa parents ko. I need to be somewhere else... hindi dito. Masyadong nakakahiya! Buong akala ko si Noah yung makakasama ko! Pero mali ako! It was Rozen all along!
"Coreen! Pwede mo namang sabihin sakin kung ayaw mong pumunta ng prom, edi hindi tayo pupunta!" Nakasunod pala ang halimaw na ito sakin.
"I HATE YOU SO MUCH!" Sigaw ko sabay punas sa luha kong kanina pa pala tumutulo.
Tumigil ako sa pagtakbo kaya naman naabutan ako ni Rozen. Hinila niya ang braso ko at pinaharap niya ako sa kanya.
"I damn hate you so much!" Sabay hampas ko sa dibdib niya. "You fooled me! Pinaniwala mo akong si Noah ang makakasama ko! Iyon pala? Ikaw lang pala!?"
"Oh! Bakit?" Tumawa siya. "Hindi parin ba ako challenging?"
"You're a playboy for pete's sake! Tigilan mo ako Rozen!" Sigaw ko sa kanya.
"Hindi ka ba nachachallenge sa pagiging playboy ko? You can try to make me fall for you, Coreen?"
"WHAT? AT BAKIT KO NAMAN IYON GAGAWIN? ANONG MAPAPALA KO? Shit!" Mura ko sa sarili ko habang pinupunasan ang pisngi ko.
Winagayway niya sa harapan ang panyo niya. Hindi ko iyon tinanggap, nanatili ako sa pag iyak dito sa garden ng Plaza Maria Clara.
Nasa tapat na kami ng fountain at malapit na akong makalabas dito. I want to go home. Kaya lang gusto ko ring iiyak lahat ng nararamdaman kong galit at pagkainis ngayon.
"I hate you so much, Rozen Elizalde." Sabi ko.
Yumuko siya para abutin ang mukha ko. Umupo na kasi ako sa gilid ng fountain. Pinunasan niya gamit ang kanyang panyo ang luha ko.
"Kung ganun? Ano ba talagang pwede kong gawin mahulog ka lang sakin?"
I glared at him. He can't be serious, right? Hindi siya tumitingin ng diretso sa mga mata ko. Panay ang punas niya sa pisngi.
"Damn... Ang ganda mo talaga." Buntong hininga niya at binaba yung panyo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top