Kabanata 18

Kabanata 18

Damn His Tongue

What's taking him so long?

Nakahalukipkip ako dito sa labas ng convertible car niya. Nilalamig na ako kaya niyakap ko ang sarili ko. Medyo nilalamok na rin ang mga binti ko. Hindi ako gumagalaw pagkat umaalon na ang paningin ko sa concrete na sahig. Mukha atang naparami ang inom ko. Sumasakit din ang paa ko dahil sa heels.

Kaya imbes na tumunganga doon at maghintay sa kanya, yumuko ako para hubarin ang heels ko.

Dahil hilong-hilo na ako at na hirapan ako sa paghuhubad ng sandals ko ay muntik ko ng maingudngod ang mukha ko sa sahig. Mabuti na lang at may humawak sa balikat ko. Tinulungan niya akong makatayo ulit. Ngumisi agad ako at nag peace sign nang naaninaw ko ang isang lalaki. Matanghad, naka polo shirt at nakangisi rin pabalik sakin.

"Ingat." Aniya.

Nakahawak parin siya sa balikat ko. Hinawakan ko rin ang braso niya para sa support hanggang sa natanggal ko na ang heels ko. Naka paa na lang ako ngayon.

"Naaalala mo ba ako?" Ngumisi siya.

"Uh?" Nanliit ang mga mata ko.

I'm sure hindi ko siya kilala.

"Ako yung sumasayaw sa likod mo doon sa bar-"

May biglang humila sa braso ko. Sa sobrang bilis ay nabigla talaga ako. Natauhan ang katawang lupa ko. Nilingon ko kung sino... ah! Syempre! Nakataas ang kilay ni Rozen, nakangisi pero bakas sa mukha niya ang inis. Hindi ko talaga alam kung paano niya napaghahalo ang mga emosyong iyon sa iisang mukha.

"Ako naman yung sinasayaw niya habang sinasayawan mo siya." Pinulupot niya ang braso niya sa baywang ko at hinila niya ako palapit sa katawan niya.

"Oh!" Tinaas ng lalaki ang mga kamay niya. "I'm sorry. Siya lang kasi mag isa dito."

Nakatingin ang lalaki sa likod ko kung nasaan si Rozen. Hindi ko naman makita ang ekspresyong binibigay ni Rozen dahil nakatalikod ako sa kanya. Pero nakita kong kumunot ang noo ng lalaki at umatras-atras pa.

"What are you waiting for? She's not available. And she will never be." Tumaas ang boses ni Rozen.

"So-sorry." Tapos mabilis na tumakbo ang lalaki palayo.

Nang nakalayo na ito ay agad ng lumuwang ang pagkakapulupot ng braso niya sa baywang ko. Humugot din siya ng malalim na hininga kaya bumaling ako sa kanya at ngumisi.

"'She's not available and she will never be.'" Ginaya ko ang linya niya at kinurot ang ilong niya. "You are so adorable." Tumawa ako.

Mas lalo lang siyang sumimangot sa akin.

"I told you, Coreen-" He started.

"Oh! Hindi naman ako umalis dito ah? Nandito lang naman ako. Ikaw kasi ang tagal mong bumalik. Ano bang kinatagal mo. 20 minutes ka atang nawala." Humalukipkip ako at nahuhulog na ang mga mata ko lalo na nang inirapan ko siya.

"Eh kasi po ang tagal mahanap ng bubbles mo. Nailigpit na doon. Hinanap ko pa!" Galit niyang sinabi.

"Weh? O baka naman nanatili ka doon dahil sa mga babae mong magaganda at lumandi ka na doon ano?" Tinaas ko ang kilay ko.

I swear, hindi ko na alam kung tama ba ang pagkatagpi tagpi ng mga salita dahil masyado ng umaalon ang paningin ko at nahuhulog na rin ang mga mata ko.

Yung kunot ng noo niya ay unti-unting umaliwalas at nawala sa pagngiti niya. Tumindig ang balahibo ko sa ngiti niyang iyon.

"You jealous?" Tanong niya.

Iniwasan ko ang tanong niya, "Oh edi nakita mo ba yung bubbles ko?"

Mas lalo siyang ngumisi, "Yes. But... I told you, Coreen, you... stay..." Tinulak niya ako kaya napaatras ako.

Nakapaa lang ako kaya mabilis niya akong naisandal sa pintuan ng convertible car niya.

"right... here..." Aniya at kinulong niya ako sa magkabilang braso niyang parehong nakahawak sa pintuan ng convertible, ako nasa gitna.

"Where's the bubbles, Rozen?" Mariin kong tanong nang nakatingin ng diretso sa mga mata niyang marubdob ding nakatuon sa akin.

Pinilig niya ang ulo niya saka kinuha ang bubbles sa bulsa. Ipinakita niya ito sa akin nang di bumibitiw sa pagtitig.

Hindi ko mapigilan ang pagngiti ko. Sobrang saya ko. Nababaliw na ata ako. Hindi ko alam kung bakit. At may naramdaman akong nagdiriwang din sa tiyan ko, hindi ko nga lang alam kung ano ang mga iyon at bakit nakakakiliti.

"THANK YOU, BABE!" Sigaw ko saka pinulupot ang braso ko sa leeg niya.

Napatalon siya sa ginawa ko pero wala akong pakealam. Hindi ko maintindihan kung bakit ang saya ko sa simpleng bagay na ito.

Naramdaman ko ang bilis ng paghinga niya. Humalakhak ako at kumalas. Pero bago pa ako kumalas ng tuluyan ay pinaglapat niya na ang labi naming dalawa! Hinalikan niya ako, malalim, mainit at masarap na halik. Napapikit ako at nawala sa sarili. Sinubukan ko siyang itulak pero hinawakan niya ang kamay kong nasa dibdib niya na at unti-unti din itong nanghina.

Tumigil siya sa paghalik at agad pumihit, umikot at pumasok sa sasakyan. Ako naman ay nakatunganga doon at nalaglag ang panga sa nangyari. Hindi ko alam kung anong ire-react ko.

"Let's go." Kumuyom ang panga niya.

GANUN LANg? Let's go? Pagkatapos ng halik na iyon? Damn it! Siya ang first smack ko pero siya rin pala ang first steamy hot kiss? Napatingin ako sa paligid, wala na masyadong tao, madaling araw na ata.

"Alright." Sabi ko saka pinulot ang mga sandals kong nasa sahig.

Tahimik kami buong byahe papuntang hotel. Kaya nilakasan ko na lang ang music niya.

"If I fall for you, I'll never recover! If I fall for you, I'll never be the same!" Kinanta ko ang kantang tumutugtog sa sasakyan niya habang tinataas ang kamay ko.

Ang sarap ng hangin! Nilingon ko siya at nakita kong isang kamay lang ang nakahawak sa manibela at ang isa naman ay nakahawak sa labi niya. Nakasandal ang siko niya sa pintuan at seryosong hinahaplos ang labi niya. Ngumisi ako at naghuramentado na naman ang kung anong mga kulisap ang nagdiriwang sa tiyan ko.

Hanggang sa nag park kami sa parking space ng hotel at pinatay niya na ang music sa sasakyan niya ay nasa utak ko parin ang kanta.

Winawagayway ko pa ang kamay ko at nakapikit ang mata ko habang naglalakad palayo sa sasakyan niya.

"If I fall for you, I'll never recover! If I fall for you, I'll never be the same! I really wanna love somebody... I know we're only half way there but... AHHHHH!"  Hindi ko natapos ang kanta dahil napasigaw na ako.

Binuhat ako ni Rozen gaya ng pagbuhat ni Noah sa akin noong nadapa ako.

"Ano bah!" Sigaw ko sabay hampas sa dibdib niya.

"Wala kang sapatos. Mamaya ma sugatan pa yang mga paa mo." Aniya ng halos pabulong.

"Ahhh!" Sigaw ko.

Nababaliw na talaga ata ako. Panay ang liyad liyad ko habang nasa kandungan ni Rozen. Siya naman ay mukhang napeperwisyo. Natatawa ako sa mukha niya. Frustrated at the same time naiirita.

"Coreen, shut up or I'll seal your mouth with a duct tape!" Aniya nang nasa loob na kami ng elevator. 

May mga sakay pa ito, hindi kami mag-isa at panay parin ang protesta ko sa ginagawa niya.

"Ibaba mo na ako! Malinis na ang sahig dito!" Sabay hampas ko sa dibdib niya.

"Uh. No." Simple niyang sinabi.

Tumunog ang elevator at lumabas na agad siya. Pumiglas ulit ako.

"We're almost there! Ibaba mo na ako!" I demanded.

"No, Coreen. I said, no."

Pinadulas niya lang ang card sa suite namin saka binuksan ang pintuan.

"Now put me down!" Sigaw ko nang nakapasok na kami. "And give me my bubbles!"

"You really are drunk." Aniya.

"I'm not!" Ngumuso ako at tinignan siya ng matalim.

"You are. Kasi kung hindi, kanina pa ako namatay sa saksak mo. Hindi lang hampas ang aabutin ko sayo." Tumawa siya at nilapag ako sa kama.

Hindi ako bumitiw sa pagkakapulupot ng kamay ko sa leeg niya kaya bumagsak ang katawan niya sakin.

"Let go, Coreen." Seryoso niyang sinabi.

"Uh. No." Ginaya ko siya at mas lalong hinigpitan ang pagkakapulupot ng braso ko sa leeg niya.

Bumilis ang paghinga niya. Napangiti ako. I like my effect on him. Noon ko pa iyon napapansin pero ngayon ko lang talaga ito na appreciate.

"Let go or I'll seal your lips with a kiss!" Banta niya.

"Then seal it." Hamon ko nang nakangisi.

"You really are drunk." Buntong hininga niya bago inilapit pa lalo ang mukha niya sakin.

Nasa leeg ko na ang necklace niya sa sobrang lapit niya sakin. Ramdam ko na rin ang hininga niya. Nagkasalubong na ang mga ilong naming dalawa. Tumigil na ako sa paghinga at hindi na ako makangisi ng maayos. Tinitigan ko na lang ang labi niya. Ganun din ang ginawa niya sa akin.

DAMN IT! I CAN LITERALLY HEAR MY HEART! Parang gusto niyang kumawala sa dibdib ko. Umatras siya ng bahagya na para bang hindi niya kayang ituloy. Pumulupot ang tiyan ko sa ginawa niya. Galit ata ang mga kulisap.

"Damn it! I can't resist you!" Mura niya sabay halik sa akin.

YES!

WHAT?

SHIT!

Matagal, maiinit, nakakalula, nakakalasing, nakakaadik ang mga halik niya. Nakalimutan ko kung nasan ako, nakalimutan ko kung sino ako.

Gumapang ang dalawang kamay niya sa likod ko. Yung isa ay pinaglaruan ang buhok ko. Ako naman ay nag concentrate sa paghalik sa kanya. Damn his lips. Damn his tongue. Damn his breath. Damn his touch!

Pinagbahagi niya ang dalawang binti ko at idiniin ang sarili niya sa hita ko. Napatalon ako. SHIT! DARN IT! May kung anong init na gumapang sa katawan ko. Yung alak ba? Or something else!?

Nanghina ang mga kamay ko. Nahulog na lang ito sa kama at hinayaan siyang halikan ako ng malalalim at nakakaakit na mga halik.

"Rozen..." Sabi ko nang tumigil kami saglit para huminga.

Hindi niya na ako binigyan ng pagkakataong magsalita pa ulit. Hinalikan niya na naman ako, ngayon, hindi ko na talaga alam. Hindi ko na kayang mag isip. Nag blanko na ang utak ko. Ang tanging natira ay isang tanong na hindi ko maitanong ng mabuti dahil sa halik niyang nagbabara sa labi ko.

"Paano si..." It was more like a moan.

Hindi ko masabi ng maayos dahil hinahalikan niya ako. Kaya nang tumigil siya sa paghalik sa akin para huminga ay sinamantala ko ang pagkakataong iyon para dugtungan ang tanong ko.

"Noah." Pinikit ko ang mga mata ko at naghintay sa labi niya.

Ilang sandali pa bago ko naramdaman siyang gumalaw. Gumalaw siya. Pero hindi para halikan ako. Gumalaw siya para kumalas sa akin. Gumalaw siya para umatras.

"Matulog ka na, Coreen."

Dumilat ako at nakita kong nakatalikod siya saka mabilis ang taas-baba ng kanyang likod, para bang mabigat ang paghinga niya.

"Huh?" Kinagat ko ang labi ko.

Dapat hindi kami naghahalikan, eh! We're just friends! Nag kukunwari lang kaming lovers dahil iyon ang gusto niya! Pero damn it? What happened? Blame it on the alcohol? O yung mga kulisap na mabibigo kung hindi niya itinuloy? Dahil sa ngayon, mukhang may lamay sa tiyan ko.

"You sleep." Aniya sabay tanggap sa sapatos niya.

"I-Ikaw?" Nauutal kong tanong.

"I'll make your powerpoint for tomorrow. Matulog ka na. You need the energy."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: