Kabanata 17
Kabanata 17
Bubbles
Nagpasya kaming magbihis muna bago kumain. Gusto niya rin kasing maligo muna at ako naman ay abala sa pag aayos. Wala naman akong choice sa sosootin ko kasi hindi ko naman dala ang buong closet ko, pinili ko na lang ang isang itim na bouncy dress.
Naglalagay ako ng lipstick nang bigla siyang pumasok ng nakatuwalya lang. Naka evil smirk na siya pagkapasok niya pa lang. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa batok. Ang isa naman ay nakahawak sa tuwalya.
GOD DAMN IT! This is ridiculous! Medyo nag-smudge tuloy ang lipstick ko. Agad ko itong pinunasan ng tissue. Hindi ko na ulit siya tinignan dahil nakahalukipkip siya sa gilid ko ngayon.
"Sandali lang." Utas ko.
Nanginginig ang kamay kong nilalagay ulit ang lipstick ko.
"Yeah, sure." Malamig niyang sabi.
Tumayo ako ng maayos pagkatapos kong mag lipstick. Napalunok ako at tinignan siya. Damn. Yung pagkakahalukipkip niya, mas lalong na de-define ang muscles.
Lalagpasan ko na sana siya pero mas lalo siyang ngumisi at hinawakan niya pa ang braso ko.
"W-What?" Nauutal kong sinabi.
Tumaas ang kanyang kilay, "I can almost see you drool, babe." Tumawa siya.
"Bakit? Mukha na ba akong aso at naglalaway na ako? Tss. I don't... drool over... normal things." Sabay sulyap ko sa katawan niya.
"Normal, huh?" Humakbang siya palapit sakin.
Naramdaman ko ang basa niyang katawan. Ang kabuuan masidhi at makisig niyang aura. Lalo na tuwing pinapasadahan niya ng kanyang palad ang kanyang buhok. Tumitindig ang balahibo ko kaya agad na akong umtras.
"Ugh! Ang manyak mo talaga. Stop it, o baka hindi na tinidor yung isasaksak ko sayo."
Tumawa siya, "Damn girl. Sarap mo talagang inisin."
Kinalabit niya ang pisngi ko, hinawi ko agad ang kamay niya at sinapak-sapak.
Dumampi ang kamay ko sa dibdib niyang basa pa sa shower. Hinawakan niya agad ito ng mahigpit at hindi na ulit pinagalaw. Pumiglas ako pero dahil malakas siya ay hindi na talaga nakagalaw ang kamay ko.
Pilit niya itong tinaas papunta sa mukha niya. Nalaglag ang panga ko. Nakangisi siya at matindi ang titig sa akin. Nangatog ang binti ko at lumakas ang pintig ng puso ko.
"Shit! Rozen!" Sigaw ko sabay piglas.
Pero hindi niya ako binigyan ng pagkakataong makawala. Inilapit niya ang kamay ko sa labi niya saka hinalikan ito ng paraan.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Naramdaman ko ang paghinga niya sa pulso ko. Ang maiinit ng buga sa hininga niya. Parang gusto ng bumigay ng sistema ko. Bumibilis na rin ang paghinga ko.
Napapikit ako ng marahan nan inulit-ulit niya ito. Ilang beses. Nanunuyang mga halik sa kamay ko.
"One day..." Aniya.
Dahan dahan niyang binaba ang kamay ko. Dumilat ako at agad nag alab ang pisngi ko. Damn! Was I too reckless? Bakit ko siya hinayaang gawin sakin iyon? At bakit para akong nabuang, nabaliw, nalasing sa ginawa niya.
"It will be your lips, I'll kiss... And I you won't push me away... instead, you'll pull me tighter."
Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
Kinunot ko ang pisngi ko.
"Asa ka!" Umirap ako at tinalikuran siya.
Wait. Wait. Wait a minute. I need to figure this out. I really effing need to figure this out! Bakit ganoon na lang ang naramdaman ko sa mga halik niya. No. He's just tempting me. But why will I be tempted if I don't like him in the first place! No! Hindi ko talaga siya gusto.
Nilista ko sa utak ko ang mga rason kung bakit hindi ko siya gusto:
Matapobre, presko, mayabang, playboy, hindi loyal, hindi faithful, may tendency na kumabit, maghahanap siya ng iba once na makuha niya ako, Noah's better. Noah's the love of my life. I've been his fan, his admirer noon pa lang. Yun na yun.
Napatalon ako nang lumabas si Rozen sa kwarto. Ngayon ay nakabihis na. Hindi pa nagsusuklay pero he's so damn drop dead handsome already!
"Kumain na tayo." Aniya na parang walang nangyari sa loob kanina.
Nagkibit-balikat ako at tinignan ang mga pagkain sa mesa. Para siyang halimaw kung kumain. Marami at sunud-sunod. Ako naman ay nawawalan ng gana. Masarap ang luto niya. Yes, I have to admit it. May talento talaga siya sa pagluluto. At alam kong hindi lang hanggang pagluluto ang kaya niya. Marami pang iba.
"Oh? Bakit di mo yan ginagalaw?" Tanong niya at nag mukhang na-offend ko dahil sa ginagawang paglalaro sa pagkaing niluto niya para sakin.
Sumubo ako ng isa at tinignan siya, "There you go." Masungit kong sinabi.
Sumimangot siya, "Ano? Nag da-diet ka ba?"
"Tss." Umiling ako at sumubo ulit.
"Alam mo, Coreen. You don't have to diet. Kaya kong hubugin ang katawan mo."
Nagsisimula na ang palpitations ko sa kilay dahil sa sinabi niya.
Matalim ko siyang tinitigan pero hindi siya natinag. Nagpatuloy lang siya.
"Can make your boobs bigger. Not that it's not big, huh?" Tumingin pa siya sa dibdib ko.
THE NERVE OF THIS PERV!
"And I can probably make your butt bigger, too-" Hindi niya na nadugtungan dahil umamba na akong sasaksakin siya ng tinidor.
"YOU PERVERT! BAKIT PA KITA DINALA DITO!? LECHE KA! BWESIT!" Sigaw ako ng sigaw hanggang sa natapos na kaming kumain.
Nagawa niya pang magtoothbrush na hinahabol ko ng tinidor. Damn this beast! Never mind the sexy part. Naiinis lang ako lalo dahil sa puring iyan.
Hindi parin humuhupa ang inis ko nang nasa sasakyan na kami.
"Buti na lang at lumabas tayo dahil hindi ko maatim na ikaw lang nakikita ko sa iisang suite. Bwiset ka! Oh how I want to go home and see... other people."
Tinawanan niya lang ako, "One day, I'll all you will ever need."
Hinawakan ko agad ang braso ko dahil bigla na namang tumindig ang balahibo ko sa bulalas niyang iyon. May kung ano talaga sa sinasabi niya sakin kaya hindi natatahimik ang kaluluwa ko.
Nang nakarating na kami sa isang mukhang engrandeng bar dito, medyo puno na ito. Nauna ako, sumunod lang siya. Hinarangan agad ako ng bouncer. Ni head to foot niya ako saka hinawakan sa braso.
"I'm eighteen." Pananggalang ko sa mga titig niyang masama sakin.
Baka isipin nitong hindi pa ako pwedeng pumasok. Biglang natanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Napalingon ako sa gilid ko at nakita kong nakataas ang kilay ni Rozen na para bang naiirita siya at nakangisi din at the same time.
"Rozen Elizalde." Aniya sabay pakita sa isang card.
Pinulupot niya ang kanyang braso sa baywang ko.
"And I own this girl. Ngayon, pwede bang pumasok nang hindi siya hinahawakan?" Mariin ang bawat bitiw niya sa buong pangungusap.
Tinitigan ko na lang siya. Weird. Nakangisi siya pero halatang galit. Siya lang ata ang may talent na ganito. Galit na nakangising ekspresyon.
"A-Ah... Opo. Sige. Pasok kayo." Tumabi ang bouncer at pinapasok kami.
Just like that? The password is just: ROZEN ELIZALDE? Alam ko namang makapangyarihan talaga ang pamilya nila pero hindi ko alam na pwedeng gawing excuse ang pangalang ROZEN ELIZALDE para lang makapasok sa bar na ito? Sumalubong agad sakin ang neon lights, trance music at punong bar.
"Kainis. Dare touch my girl. Pinaghihirapan ko tapos pasimpleng hinahawakan lang ng-"
"Huy?" Kumunot ang noo ko sa mga pinagsasabi niya.
May sinipa pa siyang stool. Napatingin tuloy ang mga tao sa kanya.
"What the heck is your problem?" Tanong ko.
His jaw clenched, "Nothing, babe."
Ngumisi lang siya sakin at hinila agad ako papunta sa dancefloor kung saan nagsasayaw na ang mga tao. May nakikita pa akong mga babaeng nagsasayaw na pero naiispatan parin ang kakisigan ni Rozen. Tinitignan nila ito na para bang isang transferee sa eskwelahan nila. Someone new. Someone really handsome and really new.
"Hindi ako sasayaw kung hindi ako nakainom." Sabi ko.
Naaasiwa kasi akong sumayaw nang di umiinom. Parang awkward iyon para sakin.
"No, you won't drink." Umiling siya at nag pout sakin. "We'll just dance, babe." Aniya.
Tinaas ko ang kilay ko.
"Ako ang magdedesisyon sa sarili ko. I'm a big girl, Rozen." Sabi ko.
"You're just eighteen." Pangatwiran niya.
"I'm already eighteen. At bakit pa tayo lumabas at pumuntang bar? Para mag mukmok?"
Kumuha agad ako ng dalawang shots galing sa dumaang waiter.
"ROZEN ELIZALDE!" Sabi ko sa waiter.
Mukhang nakuha niya at tumango na lang siya sakin. WHOA! It's really some sort of password!
"Galing!" Sabi ko sabay lagok sa vodka.
YUCK! I don't like vodka! Nilabas ko ang dila ko pagkatapos kong uminom nun.
"Coreen!" Saway niya at tinitigan ako.
Tumawa na lang ako. "Oh, ano? You're free for tonight. If you want to flirt with other girls. Edi sige! Tatanggalan kita ng kadena!" Sigaw ko sa kanya sa gitna ng maingay na trance music.
Nilalapit niya na sakin ang tainga niya. Umiling siya at sumimangot sa sinabi ko.
"Oh come on, Rozen! You act like my dad! You're just twenty. Tsaka... playboy ka naman. Ba't di ka na lang mag enjoy."
Nakahalukipkip kasi siya at nakatitig lang sa akin. Ako naman, sumasabay na sa beat ng music. Sumisigaw-sigaw na ang mga tao dahil nasa peak na ang party. Gusto ko rin sanang sumayaw dahil mukhang masaya, kaso hindi pa ako ganun ka ready. Kulang pa ang isang shot ng vodka.
Hindi niya ininom ang kanya kaya hinablot ko ito sa kamay niya at ininom agad bago niya mabawi ang shot glass.
"Damn it, Coreen." Utas niya.
May nakita akong nagbebenta ng laruang bubbles sa loob ng bar. Tinuro ko agad iyon kay Rozen. Ang ganda tignan ng mga bubbles na lumilipadlipad sa taas ng bar.
"What now?" Tanong niya.
"Bili!" Sabi ko.
Tumawa siya at umiling. Sinunod niya ang hiling ko. Bumili siya noon at binigay sa akin.
Tumatawa ako at hinipan ang butas ng maliit na laruan. Ang daming bubbles na lumabas! Nagtawanan kaming dalawa. Tinaas niya ang kamay niya at agad siyang nilapitan ng waiter. Iyon pala, nagpahanap siya ng upuan. Sumalampak agad ako sa upuan nang nakahanap ang waiter. May nakalatag ng beer doon. Iyon ata yung free pag uupo ka sa bawat table.
"Hinay-hinay." Matipid niyang sinabi nang nilagok ko ang isang beer.
"I'm a big girl. Come on, Rozen. Si Reina ang kapatid mo. Hindi ako."
Panay ang hihip ko sa bubbles. Mas lalong dumami. Ang ibang nasa dancefloor ay pinuputok pa ito. Tumatawa na lang ako. Tumayo ako at nihipan ulit ang butas para lumabas ang marami pang bubbles.
Ilang sandali ang nakalipas ay hindi ko na maalala ang nangyayari. Basta, natauhan na lang ako na nasa dancefloor na kami ni Rozen. Tumatawa ako sa tuwa habang nagsasayaw kaming dalawa.
May naramdaman akong sumasayaw din sa likod ko. Nilingon ko ang lalaking feel na feel ang pagsasayaw sa likod ko. Umiling na lang ako at tumawa. Pero nang bumaling ako kay Rozen ay nakita ko ang pagtatalim ng mga tingin niya.
"What?" Tanong ko.
Hinila niya ako bigla paalis ng dancefloor.
"Your drunk, Coreen, let's go home." Aniya.
"Eh ikaw nagyaya, tapos ngayon ikaw 'tong gustong umuwi na. What kind?" Tumatawa pa ako at nagpatianod na lang sa paghila niya sakin.
Wala na ata ako sa sarili ko nang pumasok ako sa sasakyan niya. Nakapikit na ako at maligayang-maligaya sa nangyayari.
Nabunutan ako ng tinik nang naalala ko ang bubbles na laruan ko.
"Asan na yung bubbles?"
"Naiwan sa loob."
"HA?" Ginulo ko ang buhok ko. "Rozen! Hindi pwede!"
Pinaandar niya na ang sasakyan niya.
"NOOO! NOOO! PLEASE! NOOOO!" Sigaw ko sabay hambalos sa kanya. "Yung laruan!" Frustrated kong sigaw sa kanya.
Tinigil niyang bigla ang sasakyan niya.
"Well buy tons, Coreen!" Aniya.
"NO! I WANT THAT! ROZEN! BINILI MO IYON PARA SAKIN!" Sabi ko.
"You're drunk-"
"I want that, Rozen! Please..." Malambing kong sinabi sabay haplos sa braso niya.
Bumuntong hininga siya at tiningnan ang kamay kong humahaplos sa braso niya.
"Gusto ko yun, Rozen. Yun ang gusto ko."
"Alright. I'll get it." Aniya saka bumaba sa sasakyan.
"THANK YOU!" Sigaw ko at bumaba rin.
"HEP! You... stay there." Banta niya.
Ngumisi ako at sumandal sa sasakyan niya.
Ni head to foot niya ako saka nilapitan.
"Oo na. Dito lang ako. Maghihintay." Tumatawa kong sinabi.
Kumunot ang noo niya at inayos ang strap ng dress ko. "Damn it your bra's showing. At pulang pula na ang paa mo."
"Ohh! Masakit na nga eh. Heels kasi. Nasobraan ata sa pagsasayaw." Sabi ko sabay inda sa sakit.
"Okay. You stay here. Behave. Sa oras na makita kong gumalaw ka dito, I swear I'll..." Kinagat niya ang labi niya.
Naghintay ako sa kadugtong pero wala siyang dinugtong. Tumalikod na lang siya at dumiretso sa bar.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top