Kabanata 16
Kabanata 16
Passion
Nagmadali ako sa pagpasok sa kanyang sasakyan. Dala-dala ko ang bouquet na bigay niya. Nakita kong marahan siyang naglakad pabalik sa akin. Tumatawa-tawa pa dahil panay ang sigaw ng mga kasama ko. May isa pa sa kanilang halos mangisay sa kilig. Umiling ako. Syempre, aaminin ko, gwapong gwapo ang Elizalde na ito. Ikaw ba naman ang pakitaan niya ng ganoong eksena, hindi ka ba mahihimatay sa kilig?
Tumatawa siya nang pumasok sa sasakyan.
"Ano na naman itong pakulo mo, Rozen?" Tanong ko sa kanya sabay pakita sa bouquet.
"Ano pa? Edi sinusundo kita!" Tumawa siya.
"Anong klaseng sundo iyon? That was too flashy!" Sabi ko sabay lingon sa mga kasama kong nakatingin parin samin at mukhang hanggang ngayon ay hindi pa nakakaahon kanina.
"COREEEN!" Sigaw nung isang babae.
Nagthumbs up pa siya sakin.
"Let's go!" Umiling ako habang tinitignan ang babae.
Nakakabuang ba talaga ang isang Elizalde? Kahit hindi nila sinasabi saking nasasayangan sila kay Rozen ay nakikita ko iyon. Nakikita ko ang panghihinayang sa mga mata nila dahil may girlfriend na ito.
Naku! Kung alam niyo lang. Papatulan kayo nito pag wala ako. Traydor ang isang ito. Laging hinahayag yung damdamin niya para sakin pero pag wala ako, ang daming babae!
Nang umandar na ang sasakyan niya ay naramdaman ko agad ang malakas na ihip ng hangin. Napahawak ako sa buhok ko. Ang isang kamay ko naman ay nakahawak sa bouquet niya. Sinulyapan niya ako.
"Like it?"
Ngumuso ako at tinignan ang mukhang mamahaling bouquet.
Well, hindi lang siguro mukhang mamahalin. Elizalde itong kausap ko. Siguradong mamahalin. Baka nga may gold sa mga dahon ng mga roses na ito.
"They're okay." Tumango ako at sinulyapan siya.
Nakangisi parin siya habang nakatingin sa kalsada.
"The look on your face while I gave you the flowers? Priceless!" Tumawa siya.
Hinampas ko siya, "Nananadya ka ba talaga? Tsss." Umirap ako. "Alam mo namang baliw ang mga kasama ko sa student congress. Kanina, nung bigla kang pumasok, halos mamatay sila sa kilig!"
"Eh ikaw, kelan ka mahihimatay sa kilig sakin, Coreen?" Kinagat niya ang labi niya.
Ngumuso ulit ako. Ayokong patulan ang pambobola niya o kung ano mang tawag sa ginagawa niya sakin ngayon.
Sumisipol pa siya nang papasok kami sa hotel. Sa kabilang kamay niya ay hinahagis-hagis niya ang susi ng kanyang kotse. Nang kinuha namin ang card ng presidential suite na kinuha niya sa front desk ay doon ko napagtanto na oo nga pala, magkasama kami sa iisang kwarto. Iisang kama! OH NOES!
"Rozen?" Nanliit ang mga mata ko habang tinitignan siyang masayang-masaya na binubuksan ang presidential suite.
"What?"
"Sa couch ka na matulog." Sabi ko.
Napaawang ang bibig niya na para bang may sinabi ako nakakatawa, "I won't rape you, Coreen."
Mas lalong nanliit ang mga mata ko, "I don't trust you..."
"Tsss... Hindi porke't mahal kita, ganun na ako ka desperadong makuha ka. I have my ways, babe. No need to worry bout force love making session kasi balang araw bibigay ka rin nang di pinipilit."
Hinampas ko na siya gamit ang bouquet.
"Ikaw talaga! Kaya ayaw ko sayo dahil manyak, playboy, bolero, mayabang at... gwapo!"
Kinagat ko ang labi ko sa huling sinabi ko. SHIT! Anong sabi ko? Tumunganga siya sa harapan ko gamit ang kanyang natutuwang ekspresyon.
"Dyan ka na nga!" Uminit ang pisngi ko saka nilagpasan siya doon.
"What did you just say, babe? Gwapo?"
"TSEH!" Nilapag ko ang bag ko sa tabi ng isa pang bag ko.
Sinundan niya ako habang nililigpit ko ang ibang gamit.
"I heard you, Coreen. Hindi naman sa unang beses ko itong narinig sa isang babae pero unang beses ko ata itong narinig sayo..."
HInawakan niya ang braso ko. He's really into this, huh? Hinawi ko ang nakahawak niyang kamay.
"Ikaw, tumigil ka. Mamaya makakita ako ng tinidor dito, lagot ka sakin!"
Humalakhak siya.
GRRR! Mas lalo lang ata akong naiinis dahil pinagkakatuwaan niya pa ata ang pagkakabanas ko sa kanya.
"Maliligo ako! And you?-"
"Magluluto." Kumindat siya. "Yes, babe, for you."
Umirap ako at umiling saka pumasok sa bathroom.
Napabuntong-hininga ako sa loob. Malaki ito. May isang bath tub at pang presidential suite nga ang mga shampoo at body wash!
Pinaandar ko ang tubig sa bathtub at tinignang mabuti ang mga shampoo at body wash na nakahilera doon. Tinignan ko rin ang sarili ko sa salamin. Sinuklay ko ang buhok kong mahaba at kulot sa baba. Kinagat ko ang labi ko saka kinurot ang ilong ko. Damn, Rozen! Naaalala ko iyong eskandalong ginawa niya kanina sa pagsundo sa akin. Yung pag ihip ng hangin habang nakatitig siya sakin. Parang may kung ano sa tiyan ko tuwing binabalikan ko iyon.
Tumunog ang cellphone kong dala ko pala dito. Nakita kong tumatawag si mommy sakin. Agad ko itong sinagot.
"Mom?"
"Coreen. Kamusta diyan? May kakainin ka na ba? Sa labas ka na lang kumain. Hindi ka pa naman marunong magluto. Tsaka... maayos ba ang hotel? May problema ba? Gusto mo papuntahin ko si Kuya Luke mo diyan para may mag asikaso?"
Napapikit ako sa bilis ng pagsasalita ni mommy.
"Mom... Mom... Calm down." Bulalas ko. "I'm okay. Uhm... Sa labas na lang siguro ako kakain o oorder sa hotel. I'm okay, mom."
"Talaga? Wa'g kang lalabas diyan tuwing gabi. Hindi mo kabisado ang lugar. Kakauwi ko lang galing opisina."
"Okay po, mom. Hindi ako lalabas. Actually may presentation ako bukas kaya iyon yung pagkakaabalahan ko tonight. Gagawa po ako ng powerpoint para dun. Tsaka, I'm exhausted."
"Okay, then, magpahinga ka. Okay? I love you, anak. Sige na. Paparating na din ang daddy at kuya Luke mo dito. Ingat ka diyan."
"Opo. I love you, too."
Binaba ko ang cellphone at tinignan ang punong bathtub. Nilagyan ko ito ng kung anu-anong bubble body wash o shower gel. Pinabula ko ito saka lumusob doon sa tub.
Ah, Relaxing! Kaya lang hindi ko alam kung anong kalokohan itong pumapasok sa kokote ko at ang puro naiisip ko ay si Rozen na nakasandal sa sasakyan niya. Damn his convertible car. Damn his earring. Damn his evil smile. Damn his flowers.
UGH! Nanggigil akong lumubog sa bath tub. I hate it. At mayroon akong nararamdaman sa tiyan kong hindi maganda. And it was not because of the sandwich or the juice or the lunch I ate.
Nang natapos ako sa bathtub, narealize kong wala pala akong dalang damit. Damn! Mag lalakad ba ako ng nakatuwalya sa suite namin ni Rozen? Mabuti na lang at mukhang nagluluto siya nang lumabas ako.
Tumakbo ako sa kwarto at agad nang nagbihis. Nagshorts lang ako at spagetti strap na damit. Damn! Bakit ito ang dala ko? Dapat t-shirt atsaka pajama. Wrong move! Hindi ko pa pwedeng sooting ang ibang damit na dala ko kasi puro dress. Mahilig kasi ako sa dress o di kaya'y shorts. Hindi naman pwedeng nakadress ako habang natutulog. Kainis!
Lumabas agad ako ng kwarto para tignan ang ginagawa ni Rozen.
Naaninaw ko agad ang malapad at makisig niyang likod. Nakaharap siya sa sink at tinitignang mabuti ang niluluto niya. Napaawang ang bibig ko habang tinitignan siyang hinihinaan ang init ng stove. Kitang kita ang mga biyak ng muscles niya sa likod.
Hindi ako sigurado kung kailan ko unang nakita si Rozen na nagtopless pero walangya, pakiramdam ko ito ang unang pagkakataon. Pinasadahan niya ang kanyang buhok ng kanyang palad atsaka humalukipkip.
Sasandal na sana ako sa upuan ng dining table nang bigla akong natalisod.
Napalingon agad si Rozen sakin.
"O-Ooppps." Sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya.
Tumaas ang kilay niya saka ngumisi. Hinarap niya ako at kinuha ang isang mansanas sa dining table.
Napatingin talaga ako sa biyak ng kanyang mga muscles sa dibdib. Ang laki ng biceps at triceps niya. Bawat paghinga niya ay parang mas lalong naliliwanagan ang bawat detalye ng muscles niya. Complete with his 8-pack abs. Yes. Binilang ko iyon. Dahilan kung bakit natagalan ako sa pagtitig doon.
Lumapit siya sakin. Napatalon ako sa ginawa niya. Ilang beses akong napalunok.
"No. No. No. Rozen. Wa'g kang lumapit sakin." Tinaas ko ang kamay ko para pigilan siya.
He chuckled, "Bakit naman?"
Napalunok ako. Kahit iyong pagsasalita niya, bawat galawa niya, mas lalong na de-define ang muscles. Hindi ko alam na hindi lang pala siya puro mukha. He was damn attractive and sexy at the same time. Kaya lang, may kung ano sa ngiti niyang nagsasabi saking it's dangerouse. He's dangerous. Like I said, he's a beast. A sexy one. Beasts can't have their own princess. They are destined to be alone. Masyadong maiilap at masyadong masasama. They get what they deserve.
"Sa mga tingin mo, pakiramdam ko inaakit mo na ako. Bakit ayaw mo akong lumalapit?"
Kumunot ang noo ko, "Ang yabang mo talaga! Feeling mo talaga kaya mong kunin lahat ano? Well, you know me Rozen. My heart is for Noah, right? We are just pretending here. Yes, we are just pretending. Yes, pretending." Paulit ulit ko iyong sinabi habang kinakalma ang sarili.
"Yes. Then why sound like you're just convincing your self, babe?"
"I'm not convincing myself. Alam kong ganun..." Tumaas ang boses ko.
Wait a minute? Tinitigan niya lang ako with an amused grin. Bakit galit ako? Hindi ko alam.
Umupo ako sa silya sa dining table. Humilig siya sa dining table at kinagat ang mansanas habang tinititigan ako. Sinubukan kong sulyapan siya pero kinilabutan ako sa titig niya kaya hindi ko nagawang titigan siya pabalik.
Tumayo siya ng maayos saka tinalikuran ako. Doon ko lang siya nagawang titigan ng matagal. Bakit hindi ko siya kayang titigan tuwing nakatitig din siya sakin?
Tapos na siyang magluto. Nilapag niya ang may kagat na mansanas sa isang pinggan sa kitchen. Kumuha siya ng isa pang pinggan at nilagay niya doon ang menudo na niluto niya. Ang bango! Damnit! Bakit kailangang magaling din siya sa kusina? Hindi ko pa natitikman pero base sa ginawa niyang sandwich kanina, masarap talaga siyang magluto. At ang mga spices at kung anu-ano pang dala niya, parang pang professional.
Nilapag niya iyon sa harapan ko nang nakatitig sakin. Tiningnan ko na lang ang nakakatakam na ulam dahil ayaw kong siya ang tinititigan ko.
"Labas tayo mamaya? Let's stroll around this city, Coreen." Aniya.
"Huh? I'm busy, Rozen. May gagawin pa akong powerpoint. Mahirap iyon." Sabay turo ko sa bag ko. "Maraming hand outs. Presentation ko bukas."
"Come on, saglit lang naman." Ngumisi siya.
"At saan naman tayo pupunta? Tsaka... baka maubusan tayo ng oras. I'll do the powerpoint, Rozen." Sabi ko ulit.
"I'll do it for you. Just be with me tonight." Lumapit siya sakin.
Tumindig ang balahibo ko at umupo ako ng maayos.
"I-I am with you tonight." Utas ko.
Iyon naman ang totoo. Literal.
Umiling siya...
"Not here, Coreen. Ayokong tinititigan kang seryoso ang mukhang gumagawa ng powerpoint sa gilid ng kama. That will be torture for me." Humalakhak siya.
Naningkit ang mga mata ko, "At bakit?"
Kinagat niya ang labi niya, "I don't know... Mas lalo akong naakit sayo tuwing nagseseryoso ka sa isang bagay. Your passion is my drug, Coreen. Kaya pag nandito tayong dalawa, baka ma adik pa lalo ako sayo at baka makalimutan kong nagpapanggap lang tayo."
Napatingin ako sa braso kong nagtindigan lahat ng balahibo. Napahawak din ako sa tiyan kong may lumilipad-lipad. What the darn shit is happening with my system?
Hinampas ko ang mesa. Hindi dahil naiinis ako o galit ako. Para iyon ma istorbo ang naghuhuramentado kong sarili.
"ALRIGHT! We'll party! Just... give me a minute. Maghahanap lang ako ng damit." Tumayo ako at tinalikuran siya.
Damn the sexy beast.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top