Kabanata 14
Kabanata 14
Isa Lang, Miss
Madaling araw ng Sabado kami umalis ni Rozen sa labas ng subdivision. Nagpaalam ako kina mommy at daddy na may susundo sakin papuntang venue ng conference. Ang hindi nila alam ay si Rozen iyon.
Binuksan niya ang pintuan at agad naman akong pumasok. Nanginig ako sa ginaw. Madilim pa sa labas at tahimik kasi madaling araw pa lang.
"What the heck, Coreen?" Napatalon ako sa sigaw ni Rozen sakin sa gitna ng katahimikan.
"Ano?" Galit ko siyang nilingon.
Galit niya rin akong tinignan.
May kinuha siya sa likod at nilagay sa harap ko.
"Sootin mo yan." Aniya sa jacket na nakalatag sa harap ko.
Isang itim na jacket na may maliit na tsek sa gilid.
"Malamig at ganyan ang soot mo? Tsss." Masungit niyang sinabi saka ginulo ang buhok.
"Ang sungit nito! Okay, fine. Yung sayo?" Sabi ko habang nililingon ang likod naming puno ng iba't-ibang bagay.
May mga pagkain, tubig, softdrinks, juice, damit, first aid kit at kung anu-ano pa. Tumaas ang kilay ko, pinaghandaan ah?
"May isa pa akong jacket." Aniya saka pinaandar ang sasakyan.
"Hindi mo ba susootin?" Tanong ko habang sinusoot iyong binigay niya sakin.
"Hindi naman ako giniginaw."
Umirap ako, "Yeah, right!"
Hindi giniginaw, huh? Bakit, mainit ka? Nang tuluyan ko nang naisoot ang jacket niya ay naamoy ko agad ang pamilyar niyang bango. Anong klaseng perfume o body wash kaya ang ginagamit niya?
Napapikit ako habang inaamoy iyon. Pero narinig ko ang halakhak niya kaya dumilat agad ako at nilingon siya.
"Inaantok ako." Palusot ko sa pagpikit ko kanina.
"Uh-huh..." Nakangisi niyang utas.
Tumingin ako sa labas. Mabilis ang patakbo niya. Walang traffic. Nakikita ko ang mabibilis na pagkawala ng buildings na dinadaanan namin. Maging ang mga posteng maiilaw ay mabilis naming nilalagpasan.
"Anong perfume mo?" Tanong ko nang di ko na talaga mapigilan ang sarili ko.
Talagang amoy na amoy ko parin iyon ngayon. Hindi ako naaalibadbaran sa bango. Hindi tulad ng ibang masakit sa ilong. Tama lang at ang sarap amoyin ng isang ito. Tuwing naamoy ko pa, lagi kong naiisipang makisig ang lalaking gumagamit nito.
"Bakit? Gusto mo manghingi?" Humalakhak siya.
Mababangga kami nito pag bibiruin o iinisin niya na naman ako! Agad ko siyang nilingon.
"Hindi. Nagtatanong lang ako kasi ang baho!" Sabi ko.
"Really, Coreen?" Malamig ang boses niyang sinabi ito habang nakangisi.
Hindi ako umimik. Baka mamaya magtalo na naman kami. At hindi ko rin naman gusto ang tono ng boses niya. Mukhang may masamang binabalak.
"It's Rozen's kiss." Tumawa siya.
"Oh shut up, Rozen. Baliw!" Sabi ko at umiling sa kawalan.
Adik talaga itong kasama ko.
"Gusto mo manghingi?" Aniya.
"Ayoko nga.. Sabi ko mabaho. Ayoko." Ulit ko.
"Talaga? Try mo nga ngayon, kung mabaho ba."
Halos maghuramentado na ang puso ko nang bigla niyang itinigil ang pag da-drive niya at humilig malapit sakin.
"AHHHH!" Napasigaw na ako sabay tulak sa kanya. Hindi ko na maitsura ang sarili ko dahil panay na ang ilag ko sa kanya. "You crazy boy!" Sigaw ko.
Nanunuya siyang tumatawa habang pumipikit kasi panay ang sapak ko sa mukha niya.
"Bwisit! Manyak ka! Nakakainis! TSEEEEEEH!"
Hindi ko na maalala kung bakit ako pumayag sa ideyang sasamahan niya ako. Galit na galit akong tinitignan siya habang halos mahimatay na siya sa kakatawa.
"Epic!" Aniya.
Hinampas ko ang braso niya. Ilang sandali pa bago humupa ang tawa niya.
"One day, you'll beg for my kiss." Aniya sabay paandar ulit sa sasakyan.
Nanlaki ang mga mata ko at tinignan siyang mabuti.
Diretso ang tingin niya sa kalsada. Hindi ko alam kung bakit biglang kumalabog ang puso ko. Iyong tono ng pagkakasabi niya sa mga salitang iyon ay parang hindi normal... parang sigurado siya dito.
Pinilig ko ang ulo ko. Bakit naman ako kakabahan ng ganito? Ilang taon ko ng mahal si Noah, imposibleng ngayon pa ako tatalikod at malilito ngayong papalapit na siya sakin.
Nakatulog ako sa buong byahe. Paano ba naman kasi, ang aga kong nagising. Nang dumilat ako ay maliwanag na. Akala ko tuloy nasa langit na ako. Baka nabangga na kami ni Rozen.
"Good morning!" Aniya saka nagpark sa tapat ng drive-thru ng isang fastfood.
"Good morning..." Kinusot ko ang mga mata ko.
Thank God, buhay pa pala ako!
"Anong gusto mong kainin sa fast food na ito?" Tanong niya.
Kumunot ang noo ko at naaninaw ang babaeng naghihintay ng order namin.
Nagpapacute ito. Nakita kong nilagay niya ang ilang strand ng buhok niya sa kanyang tainga saka tumingin kay Rozen.
"Akala ko ba ipagluluto mo ako, babe?" Matama kong pinaringgan ang babae.
Nakita kong nalaglag ang panga ni Rozen. PInasadahan niya pa ng kanyang mga palad ang kanyang buhok.
"Pardon, babe?" Tumikhim siya.
"Sabi ko, kala ko ipagluluto mo ako, babe... Diba iyon sabi mo sakin? Bakit fastfood?" Tanong ko.
Humalakhak si Rozen saka kinagat ang labi. Tinignan niya ang babaeng naghihintay na ngayon ay mukha ng sinakluban ng langit at lupa. Pakiramdam ko, bago ako nagising ay nagkaroon pa sila ng konting chitchat. Gago talaga ang hayop na ito. Ubod ng manyak. Ang bilis mang chics! Mukha pa namang ka edad namin ang babaeng ito at makinis pa.
"Mamaya na." Ani Rozen. "It's 7:00AM, babe. Malilate ka na. Mag chi-check in pa tayo sa hotel."
Umayos ako sa pagkakaupo saka tinignan ang relo ko. Tama si Rozen! Wala ng oras!
Hindi na ako nakipagbangayan at umorder na agad ng pwedeng makain. Inirapan ko na lang ang babaeng kumuha ng order bago kami umalis doon.
"Why are you always jealous, Coreen?" Tanong ni Rozen habang nilalantakan ko ang fries.
"I'm not." Sabi ko.
"Anong tawag mo sa pag aalburuto mo tuwing may ibang babaeng naka aligid sakin?" Aniya.
"Sinabi ko na naman sayo, Rozen. Wala akong pakealam sa mga babae mo. Ayaw ko lang ng may naglalandi sa harapan ko."
"So? Pwede akong maglandi pag wala ka?"
Natahimik ako. Uminom ako ng coke float at hindi muna nag salita ng ilang saglit. Bakit nga ba? Pwede naman siyang mag flirt. Cool naman ako sa relasyon nila ngayon ni Zoey, kung meron man. Pero ano itong nararamdaman ko sa sikmura ko? Hindi ko ma explain. May nagbabara at parang gusto ko iyong isuka. Hindi naman literal pero iyon talaga ang pakiramdam ko.
"Pwede." Nagkibit-balikat ako.
It's just so wrong to stop him from flirting with other girls. Hindi naman siya akin pero bakit ayaw ko nga sa pakiramdam na may iba siya, kahit na hindi ko nakikita?
"You're my girlfriend, Coreen. You can-"
"This is just a game, right, Rozen? Kaya walang problema. I'm cool with that." Tumango ako saka tinanggal ang seat belt.
Nakarating na kami sa carpark ng hotel. Hindi na ulit siya nagtanong ng tungkol doon. Mabuti kasi parang hindi ko rin ata kayang dugtungan iyong sinabi ko kanina. Hindi ko masikmura iyon. At hindi ko talaga mapagtanto kung anong problema ko.
"Coreen Samantha Aquino." Aniya sabay bigay ng I.D ko sa babaeng nasa reception.
Kumislap ang mata ng babae at titig na titig kay Rozen.
"Coreen po ang pangalan niyo, sir?"
"Ay boba ka teh, ako yung Coreen." Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Humalukipkip ako habang nasa braso kong nakasabit ang bag at jacket ni Rozen.
Sumimangot sakin ang receptionist bago tumalikod at umalis. Tinaas ko ang kilay ko. Naramdaman kong dumantay ang kamay ni Rozen sa balikat ko at naririnig ko ang unti-unting paghalakhak niya.
"Oh, babe, high blood ka masyado. Umagang umaga." Sinapak ko ang kamay niya.
I hate it! WHAT THE HECK IS WRONG WITH ME? Hate na hate ko itong nangyayari. May kung ano sa sistema kong hindi ko ma explain. Na fu-frustrate ako. Sobra. Kaya heto at pinagbubuntungan ko si Rozen.
"Sorry, po." Sabi ng receptionist nang nakarating na siya at inilahad na ang isang susi sa akin. "Room 401, po."
Kinuha ni Rozen ang resibo saka kumunot ang noo niya. Ako naman ay nakataas-kilay na dinampot ang susi.
"Tayo na nga..."
"Wait, miss..." Malamig na sabi nI Rozen sabay dungaw ulit sa resibo.
Kainis! Anong problema? Mag lalandi na naman ba siya?
"Yes, sir?" Kapansinpansin ang pagbabago ng tono noong babae. Galing sa galit, ngayon ay malambing na.
"Ipapa upgrade ko lang itong room ni Coreen Aquino. Gawing presidential suite. Tapos dalawa." Ngumisi si Rozen.
"D-Dalawa po? Hindi kayo iisa ng room?" Nakangising tanong ng babae.
Naramdaman kong tumaas ang dugo ko sa ngiti ng babae. Nanunuya niya pa akong pinagtaasan ng kilay kaya agad ko ng hinampas ang mesa ng reception hall.
"Hindi. Isa lang miss. Bakit dalawa eh for two naman ang presidential suite." Utas ko.
"What, Coreen?" Natatawang sabi ni Rozen.
"Sabi ko... Iisa tayo, babe. Pakibilisan, miss." Nilakihan ko ang mata ko bago inirapan ang babaeng ngayon ay inis na inis na sakin.
Inis ka sakin? Inis din ako sayo! The feeling is mutual!
Kaya naman ay ang lakas at hindi matapos tapos ang tawa ni Rozen nang papunta kami sa room namin. Ang init naman ng pisngi ko at mukha atang hindi na matatanggal ang simangot sa mukha ko buong araw.
"Bilis na! Ma li-late na ako!" Sabi ko sabay hila sa kanya.
"Oo na, babe." Sinarado niya ang pinto ng suite namin saka sumunod na sakin pababa ng hotel.
Mabilis ang lakad ko kaya panay ang sunod niya sakin nang pababa kami.
"Anong oras kitang susunduin?" Tanong niya.
"Mga 4:30 kailangan nandoon ka na. 5:00PM daw matatapos. Tapos... dalhan mo rin ako ng pagkain pag lunch. May libreng pagkain naman pero baka di ko magustuhan. Juice din." Sabi ko.
Tumango siya, "For you, babe."
"Ikaw anong gagawin mo habang wala ako?" Tanong kong bigla sa kanya.
Ngumisi siya, "Text you, of course."
Nag iwas ako ng tingin at ngumisi. What the hell is wrong with me?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top