Kabanata 12
Kabanata 12
Saved
Sa sumunod na mga araw, medyo naging busy nga ako sa mga requirements para sa midterms. Mabuti na lang at medyo naging busy na rin si Reina. Hula ko dahil kay Wade dahil kanina lang ay nakita ko silang magkasama.
Sana lang ay hindi niya pabayaan ang pag aaral niya. Nangungulelat pa naman iyon sa klase.
“Oh my gosh!” Sigaw ko nang may napagtanto ako.
Dumapo ang palad ko sa noo ko. Oo nga pala, may group meeting nga pala kami ngayon! Patay! Mamaya na yung reporting!
Nahihirapan talaga akong mag manage ng time. Kailangan ko ng organizer or mag paalarm sa mga gagawin ko. Madali kong niligpit ang mga gamit ko. Doon daw kami pupunta sa library! Tinignan ko ang relo ko at nakitang isang oras na akong late para sa meeting na iyon.
At isang oras na lang ay klase na namin sa major na iyon! Kung minamalas ka nga naman! Nakakarma na ata ako sa mga kabobohang ginagawa ko.
Hinihingal ako nang nakarating na sa library. Agad kong kinuha ang cellphone ko at nidial ang numero ng ilang groupmates ko.
“Hello, Shine... Nandito na ako sa library.” Sabi ko.
“Ewan ko sayo, Coreen! Kanina pa kami diyan! Nainis yung leader sayo! Hindi ka na namin isasali!”
“Ha? Kasi naman may ginawa pa ako kasama yung mga kagroup ko rin sa Philo. Alam mo naman mahirap yung subject ni Mr. Dimaano.”
Napaupo ako sa isang upuan doon sa library.
“Ah eh basta! Kausapin mo na lang si Kristen! Inalis ka na niya sa grupo kasi wala ka dawng natulong.”
“Ano? May isang oras pa naman bago mag reporting ah?”
“Kahapon 7:30 dapat yung meeting natin sa powerpoint, hindi ka dumating. Tapos ngayon, finalize na ang lahat, hindi ka parin nakarating.”
Kinagat ko ang labi ko. Hindi kasi ako nagising kahapon kaya eto at nagkandaletse-letse ang buhay ko.
“O, sige na. Naghahanda na kami. Kausapin mo na lang si Kristen kung gusto mong sumali.”
Binabaan ba naman ako ng bruhildang iyon pagkatapos niya akong sermonan. Ni dial ko ang numero ng leader naming si Kristen pero hindi niya iyon sinasagot. Darn! Anong gagawin ko ngayon? Hahanapin sila sa buong campus? Hahalughugin ko kung saan sila nagtatago?
Dapat kasi hindi na lang ako sumali sa student council. Isa pa, mas gusto ko yung ako lang mag isa sa isang group, mas effective akong mag isa, pero sa activity na ito kailangan ng groupings eh.
Halos sabunutan ko ang sarili ko sa inis. Leche! Pinagkakaisahan ata ako!
“O, wa’g namang ganyan, Coreen. Iniingatan kita tapos kinakalbo mo ang sarili mo.” May narinig akong pamilyar na humahalakhak sa tabi ko.
“Wa’g ka ngang mag simula dyan, Rozen.”
Naghanap ulit ako ng matatawagang classmate. Kahit iyong hindi ko na lang kagrupo.
“Hello, Trina? Nakita mo ba sina Kristen?”
“Coreen, hindi eh. Bakit?”
“Eh kasi... hindi nila ako isasali sa report.” Sabi ko sabay kagat labi.
Napatingin ako kay Rozen na nakatitig lang sakin. Buti pa ang isang ito, walang problema!
“Naku! Hindi ko sila nakita. Coreen, nagri-ready din kami eh. Ibababa ko na ah?”
“Okay, thanks. Sorry sa istorbo.”
Binaba ko na agad ang tawag at tumayo ulit.
“O? What’s the problem, babe? Baka makatulong ako.”
“Don’t even start, Rozen.”
Naglalakad na ako pababa ng library. Sinundan niya ako. Wala na akong pakealam. Nag concentrate na lang ako sa pag iisip kung saan ko mahahanap sina Kristen. Uunahin ko kaya sa cafeteria? Sa Gazebo? Sa building namin? Saan?
“Hey, babe, what’s up!?” Singit ni Rozen sakin.
Hindi ko siya pinansin. Mabilis ang lakad ko papunta sa Gazebo. Walang tao doon.
“Shit!” Napamura na ako dahil iniisip ko pa lang na pupunta ako ng cafeteria ay naiiyak na ako.
Malayo iyon pero malaki ang tsansang nandoon sila.
“Rozen,” Hinarap ko na ang kanina pang sumusunod na si Rozen. “Paano na ito? Wala akong grade sa reporting mamaya kung hindi ko mahahanap sina Kristen. Yung mga kagrupo ko.” Nanginig ang boses ko.
Damn it! Tinignan niya akong mabuti.
“Lika, hanapin natin sa cafeteria.”
Tumango ako.
Medyo bumuti ang pakiramdam ko sa simple niyang sinabi. Naramdaman kong hindi ako nag iisa dito.
Mabilis kaming nakarating sa cafeteria. Sobrang daming tao. Napatingin ako kay Rozen na tumitingin sa mga tao at napapakamot sa ulo. Tumingin siya sakin at tumaas ang kilay niya.
“Anong mukha ng hinahanap mong Kristen?”
Bumuntong hininga ako, “Mukhang wala dito.”
Pinanghinaan na ako ng loob dahil fifteen minutes na lang ay klase na namin!
“Baka nasa building niyo? O nasa soccerfield?”
Umiling na ako at napaupo sa isang malapit na upuan.
“Bakit ba hindi ka nila pinapasali sa grupo? May atraso ka ba? Gusto mo kausapin ko?”
I glared at him, “Wa’g na!”
“Pumunta na lang tayo sa classroom niyo. Baka nandoon na sila.” Aniya.
Pang ilang buntong-hininga ko na yata ito, “Ba’t ba kasi makakalimutin ako. Lecheng buhay! Ang malas!” Sabi ko sa sarili ko at tumayo ulit.
“O, saan ka na naman?” Tanong ni Rozen.
“Pupunta na ako sa classroom.” Sabi ko sabay hakbang palayo doon.
Sumunod ulit siya. Hindi ko alam bakit hanggang ngayon ay nakasunod parin siya sakin. Hindi ko na pinapansin ang ibang tao na nakatingin saming dalawa. Hindi naman kami magkatabing naglalakad, palagi naman siyang nakabuntot kaya hindi siguro kami ma i-issue dito.
Nang sa wakas ay nasa corridors na kami ng building namin at wala na gaanong tao ay nilingon ko na siya.
“Wala ka bang pasok?”
Nagkibit balikat siya at ngumisi.
“Hindi ka ba pumasok?!” Napataas ang tono ng boses ko.
“Coreen, pag may problema ang girlfriend, dapat nandyan ang boyfriend. Kaya eto ako.” Aniya.
Dapat ngayon ay bibigwasan ko na siya. Pero nagpapasalamat ako at nandito siya dahil baka nabaliw na ako kung wala siya.
“Ha? Rozen, dapat kang pumasok." Sabi ko nang wala sa sarili.
Tinitigan niya lang ako nang parang walang narinig. Umiling na lang ako sa kanya. Baliw na talaga ata ang isang ito. Naku! Tinignan ko ang relo ko at nakitang ilang minuto na lang talaga ay klase na namin.
"Eh paano na ito?” Frustrated kong tanong kahit alam kong wala siyang maisasagot. “Kung bakit ba kasi hindi ako nagising kahapon at nakalimutan kong may meeting kanina!”
Kinuha niyang bigla ang cellphone ko sa kamay ko.
“Rozen!” Sigaw ko sa kanya.
“Ipapaalarm ko dito lahat ng dapat mong gagawin every week para wala kang makalimutan. Akin na ang schedule mo.” Matama at firm niyang sinabi.
“Ha?”
Naglahad siya ng kamay.
“Akin na ang schedule mo.” Ulit niya sabay kunot noo.
Kaya naman wala akong nagawa kundi isuko ang schedule ko. Maging ang schedule ng meetings ko at kahit ang mga gagawin kong assignment.
Tinignan kong mabuti ang ginagawa niya sa cellphone ko. Nandoon lahat, tinatype niya lahat ng gagawin ko sa loob ng isang buwan. Maging ang gagawin ko sa susunod na buwan at pati na rin ang Student Congress.
“Coreen!” Tawag ni Kristen sakin.
Napatalon ako. Napatingin siya sa lalaking nasa gilid ko. Kumunot agad ang noo niya.
“Saan ka ba galing?” Galit niyang sinabi. “Kanina pa kami naghahanap sayo! Nakakabanas ka na ah! Kahapon ka pa!” Sigaw niya.
“Eh sorry, nakalimutan ko. Ang dami ko kasing iniisip.”
“Ang dami mo naman kasing inaatupag!” Sabay tingin kay Rozen.
Napatingin ako kay Rozen na ngayon ay inaayos parin ang schedule ko.
“I-Isinama ko lang siya sa paghahanap sa inyo-”
“Ay ewan ko sayo! Lagot ka mamaya! Sasabihin ko kay Prof na hindi ka tumulong!” Umirap siya at nilagpasan ako.
“Sorry, Coreen.” Nag peace sign si Shine at inirapan pa ako ng ibang kagrupo ko.
“Kristen!” Sigaw ko.
Kinukurot na ang puso ko. Mukha atang mapapahiya ako mamaya sa reporting ah? Lintek!
“Kristen!” Sigaw ko ulit.
Bumuntong hininga ulit ako at tumingin kay Rozen na ngayon ay tapos na at inaabangan na lang ang paglingon ko sa kanya. Tinaas niya ang kilay niya samantalang binigyan ko naman siya ng bigong mukha.
“Help me, please.” Sabi ko sabay lapit sa kanya.
“Of course, babe, I will.”
For the first time, nagustuhan ko talaga ang pagiging boyfriend ni Rozen sa akin. Dinala ko siya sa classroom namin. Hindi pa kami pumapasok. Pinaghintay ko na lang siya sa gilid habang nilalapitan ko for the last time ang groupmates ko para kumbinsihin sila.
Nagbulung-bulungan sila. Pero nang nakalapit na ako ay humupa ito.
“Kristen naman, please?” Sabi ko.
Nilingon niya ako, “Coreen, hindi pwede.” Bulong niya saka tinignan ang nakatayong si Rozen sa malayo. “Tsaka... kayo ba ni Rozen?” Usyuso nila.
Mga tsismosa! Hindi ako pinapasali sa grupo pero wagas kung makapagtanong.
“Ewan ko sa inyo!” Inirapan ko sila sa inis ko at tinalikuran.
Hinila niya ang braso ko at hinarap ako sa kanya.
“Sagutin mo ako o hindi kita isasali sa grupo.”
Na highblood agad ako sa banta niya.
Sino ka para bantaan ako ng ganyan? Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko at binigyan siya ng matalim na tingin.
“Ano naman ngayon kung oo?”
“What? Siya na ngayon? yung playboy!? O anyare sa Noah Fever mo!? Bakit si Rozen na ngayon? Ibang klase ka rin.”
Hindi naman kasi lihim ang pagtingin ko kay Noah. Halos alam ito ng lahat ng mga kaklase ko mula pa noong highschool. Kaya syempre, laking pagtataka nila ngayong si Rozen na ang kasama ko.
“Anong pakealam mo kung siya yung kasama ko? Do you like him?”
Napaawang ang bibig niya.
Para siyang na offend sa tanong ko.
“Oh you like him! Kaya ganyan ka mag react!”
“Ano?” Galit niyang binulong sakin.
Nakita kong pumula ng parang kamatis ang mga pisngi niya. Nanliit ang mga mata ko.
“Isasama mo ako sa group, Kristen o sasabihin ko kay Rozen na gusto mo siya.”
“P-Pakealam ko kung sabihin mo? Edi maganda! Maaagaw ko ang atensyon niya!” Inirapan niya ako.
Umiling agad ako, “Sasabihin ko sa kanya pero sasabihin ko ring dapat sayo ay walang pag asa. Kasi... wala kang kwenta.”
“WHAT COREEN?” Galit niyang sigaw.
“O,” Tinaas ko ang kilay ko. “Pili na.” At nag evil smile.
Nakita ko ang panic sa mga mata niya hanggang sa tumango na lang siya. Mas lalo akong napangisi. Nilingon ko ang inosenteng si Rozen na ngayon ay tiningnan narin ako. Nginitian ko siya. Tumaas ang kilay niya. Wala siyang kaalam-alam. But thanks to him, I’m saved!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top