Kabanata 11
Kabanata 11
Unang Tawag
Tahimik ako sa loob ng sinehan. Itong si Rozen naman ay talak nang talak. Wala pa masyadong tao dahil hindi pa nagsisimula.
"Bakit ka ba nag titext diyan, eh date natin." Pansin niya nang tinignan ko ang cellphone ko.
"Tsss. Rozen, will you stop talking? Nagtext sakin yung president ng Student Council ng SBM. Tsss..."
Binasa kong mabuti ang nakalagay.
President:
Coreen, hindi ako makakasama sa Student Congress dahil may dengue ako. Pwede bang ikaw na lang muna. Since wala din ang Vice President, nasa Palawan. Ikaw lang talaga ang pwede sa student council. Please, thank you so much. May budget na. No need to worry sa gastos mo doon. Two days lang sa Saturday at Sunday. Overnight. Ikaw lang mag isa. Tatlong oras lang ang byahe. Thanks!
Oh noes. Ayaw ko talaga ng mga ganito. Saan ako kakain doon? May budget? Hindi ko kabisado ang lugar na pupuntahan! Tapos paano kung magkasakit ako? Paano kung mawala ako dahil hindi ko alam ang mga direksyon.
"Anong sabi?" Tanong ni Rozen habang pinapapak ang pop corn.
Humalukipkip ako. Ngayong mejo nahimasmasan na ako pagkatapos sinabi ng president na pupunta ako.
"Pupunta ako ng student congress." Sabi ko.
Mukha siguro akong nasunugan kasi tumunganga si Rozen sakin nang nakaawang ang bibig na puno ng pop corn.
"Shet, ayaw ko. May requirements akong gagawin. Malapit na ang midterms. Tapos hindi ako marunong magluto. Kakain ako sa labas? Tapos hindi ko alam kung saan banda pwedeng kumain sa syudad na iyon."
"You're just too comfortable in your comfort zone." Seryoso niyang sinabi sakin.
Natigilan ako, "Eh syempre kaya nga comfortzone kasi comfortable ako."
"Kaya ka pumipirmi sa mga lugar na pakiramdam mo ay dyan ka dapat dahil hindi mo kayang mag explore. Sasamahan kita." Aniya.
"Ha?" Napangiwi ako. "Wa'g na!"
Nanliit agad ang mata ko sa kanya.
"I know what you're planning." Sabi ko.
Napangiwi din siya sakin, "What?"
"Gusto mong sa iisang kwarto lang tayo para mangyari na iyong make love sa sinasabi mo, ano?" I accused him.
"Ha? Anong akala mo sakin, cheap? Iyon lang habol ko sayo!? Tsss..." Ngumisi siya. "Ipagluluto kita. Gagawin ko ang requirements mo habang nasa Congress ka. Susunduin kita sa venue at iuuwi sa hotel mo. Magdadala ako ng sasakyan. Tapos!"
Nag isip pa ako. Hmmm. Sa bagay. Pwede. Para naman hindi mangatog ang mga paa ko pagkarating ko doon dahil hindi ko alam saan pupunta ay dadalhin ko si Rozen.
"W-Wala ka bang requirements na gagawin? 3rd year ka na, ah?" Tanong ko.
"Wala naman." Aniya saka pinapak ulit ang popcorn.
Mukha namang wala siyang masamang balak. At isa pa, ano man ang balak niyang gawin namin sa hotel ay hindi mangyayari iyon dahil kaya ko naman siyang pigilan.
"Kukuha ka ba ng ibang room sa hotel?" Inosente kong tanong sa kumakaing si Rozen.
"If that's what you want." Aniya saka inilahad sakin ang ibang popcorn.
Tinignan kong mabuti ang mga popcorn sa kamay niya. Kumuha ako ng isa at kinain iyon.
"Then, game!"
Problem solved. Buti na lang nandito si Rozen. Nagsimula na ang palabas. At syempre, ano pang maaasahan natin sa mga gyera? Na-bore ako. Wala akong makita kundi puro mga bala at mga baril. Si Rozen naman ay titig na titig sa screen.
"Rozen..." Sambit ko.
Hindi niya na nagagalaw ang pop corn na ngayon ay ako na ang may hawak.
"Hmmm?"
"Rozen!" Sigaw ko.
"Shhh, Coreen. Maiistorbo mo ang ibang tao. I'm watching the film. You try to watch it, too."
Hay naku! Mga lalaki talaga. Kumain na lang ako ng popcorn at uminom noong softdrinks. Tuliro ako habang siya ay seryosong nanonood. Minsan tinitignan ko ang mga tao sa unahan namin o di kaya itong mga katabi ko.
Napangiwi sakin ang katabi kong seryoso ding nanonood. Naistorbo ko siguro siya dahil sa pagtitig ko sa kanya. Napangiwi din ako sa kanya. Ngiwi-ngiwi ka dyan! Kaya ilang sandali ay yung katabi naman ni Rozen ang tinignan ko.
Nakahilig ang mahaderang babae sa kay Rozen. Nakangisi siya at pareho rin saking tuliro. Tinitigan ko siyang mabuti. Sinigurado kong nakikita niya akong tinititigan ko siya.
Napatalon siya sa titig ko at napatingin agad sa screen. Nakakabanas lang. Hinigit ko palapit si Rozen sakin para makalayo sa babaeng nasa tabi niya.
"What is it, Coreen?" Tanong niya nang naistorbo ko ang panonood niya.
"Wala." Sabi ko sabay tingin ulit sa babaeng ngayon ay nagkukunwaring nanonood sa movie.
Kainis lang. Napalingon din si Rozen sa tabi niya.
"What are you doing?" Nakangisi niyang tanong.
"Nothing!" Galit kong sinabi saka sinulyapan ulit ang babae sa tabi niya.
Humilig si Rozen sakin. Napatingin ang babae sa ginawa ni Rozen. Ano ka ngayon, hija? Kainis! Inirapan ko na agad.
"Naiinis ka ba pag may nagpapapansin sakin?" Tanong niya.
Tumingin ulit ako sa screen. Ang lapit na ng mukha niy sakin. I don't mind. Mabuti na iyon kesa doon siya sa mahaderang babaeng nasa tabi niya. Balak pa ata siyang tsansingan kung may pagkakataon.
"Hindi." Umirap ako sa kawalan. "Naiinis lang ako pag may naglalandi sa harapan ko."
"Whatever you say." Bulong niya sa tainga ko.
Tumindig ang balahibo ko. Ilang sandali ay nahuli ulit ng movie ang atensyon ni Rozen. Kaya naman ay nakaupo na siya ng maayos at titig na titig ulit sa screen. Ang linsyak na babaeng nasa tabi niya ay nakahilig ulit sa kanya.
Ang kapal din naman ng peslak ng babaeng ito.
"Rozen!" Utas ko.
"Hmmm?" Paungol niyang sinasabi sa gitna ng bakbakan sa screen.
"Rozen!" Padabog ko ng tinawag ang pangalan niya.
"Hmmm?" Sinulyapan niya lang ako pero nakapirmi parin ang mga mata sa screen.
"Rozen, naiihi ako." Sabi ko.
"Huh?" Napatingin siya sakin. "Labas muna ako. Mag C-CR lang ako." Sabi ko.
"O... sige, samahan na kita." Nauna pa siyang tumayo.
Napa salida ko agad ang victory smile ko sa babaeng nasa tabi niya.
"Ano ka ngayon?" Bulong ko sa sarili ko at tumayo na.
"Sure ka ba? Pwede namang ako na lang at dito ka na lang. Nanonood ka pa naman ng movie." Sabi ko.
"Are you crazy, Coreen? Halika na!" Aniya saka hinigit ako palabas ng sinehan.
Halos bumehlat na ako sa babaeng bigong-bigo nang lumabas na kami ni Rozen.
"Hah! Akala niya." Bulong ko sa sarili ko.
Kumunot ang kanyang noo at pinagmasdan akong mabuti, "Anong sinasabi mo?" Tanong niya.
"Wala." Sabi ko.
"Kanina ka pa ah? Parang may kaaway ka? Yung babae bang katabi ko?" Tanong niya.
Uminit ang pisngi ko, "Hindi!"
"Yun ata, eh!" Ngumisi siya. "Tsss.. Coreen, don't worry about the other girls. They will like me, hindi natin yan maiiwasan pero alam mo namang ikaw ang laman ng puso ko."
"Tseh! Tumigil ka nga, Rozen! I'm not worried! Ayaw ko lang talaga sa mga malalandi. Lalo na pag sa harap ko na naglalandi. Kaya nga ayaw ko sayo kasi malandi ka!"
"Oh, ba't napunta sakin ang usapan?" Natatawa siyang tinanong ito sakin.
Naiinis ako dito pero siya ay parang tuwang tuwa pa sa nangyayari. Umirap na lang ako at tumahimik.
"Akin na nga yang bag ko." Sabi ko saka hinablot ang bag ko. "Mag C-CR lang ako."
Natatawa siya habang nagmartsa ako papasok sa CR. Kabanas. Bakit ba badtrip na badtrip ako kanina? Duh! Ang landi naman kasi ng babaeng iyon. Kulang na lang ay gumapang ang kamay niya sa pantalon ni Rozen kung makahilig. Kainis.
Nag retouch ako at inayos ang sarili ko. Alas nuwebe na pala. Anong gagawin na ang gagawin namin ni Rozen? Teka. Ba't ko ba iniisip iyon? Edi syempre, uuwi na ako!
Lumabas ako ng CR at nakita ko agad na nakapamulsa si Rozen at pinipilig ang ulo sa pagtitig sakin. Ngumuso siya nang inirapan ko siya. Para bang nag pipigil siya ng ngiti.
"Uwi na tayo." Yaya ko sa kanya.
Pinadausdos niya ang kamay niya sa baywang ko.
Gustong gusto niya talaga ang move na yan.
"Hindi na natin tatapusin ang movie."
"Bakit? Gusto mo pang tapusin?" Naha-highblood ko agad na tanong.
"Oh!" Tumawa siya. "Chill! Hindi ako nagtatanong! Sinabi ko iyon. Hindi na natin tatapusin ang movie. Walang patanong sa pangungusap ko."
Hinampas ko ang dibdib niya.
"Didn't know you were territorial, Coreen." Humalakhak ulit siya.
Kakaratehin ko na talaga ang halimaw na ito.
"Tumigil ka, Rozen, babatukan na talaga kita. Pasalamat ka't hinahayaan kong pumirmi yang kamay mo sa baywang ko."
"Salamat." Tumawa ulit siya.
"Bwesit ka talaga!" Binatukan ko na kaya lumayo siya sakin ng tumatawa.
ARGH! Kakairita!
"Is this how you treat your girlfriend?" Naiinis kong sinabi sa kanya.
Nasa gitna kami ng mall pero pinagtatawanan ako ng hayop.
"Akala ko ba mahal mo ako?"
Ngayon, sa sobrang inis ko, medyo namemersonal na talaga ako. Nakakabanas talaga!
"Oo. Bakit? Mahal kita. Anong problema mo dun?" Sinasabi niya ito sa gitna ng pagtawa niya.
"I don't believe you! Kainis ka! You're annoying!" Humalukipkip ako.
"You always say that, Coreen." Lumapit siya sakin nang napapawi na ang tawa niya.
"Subukan mong lumapit sakin masusupalpal talaga kita."
Tumawa ulit siya. "BWESIT KA!" Nilapitan ko siya at pinagsasapak ng bag ko.
Nakakahiya dahil pinagtitinginan na kami ng ibang tao. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagsapuk sa kanya. Ang sarap niyang bigwasan lalo na pag ganito siya.
Matalim ko siyang tinititigan. Napawi ang tawa niya at unti-unti siyang lumapit ulit sakin.
“Don’t hurt me, babe...” Aniya.
“Tseh! Babe mong mukha mo!” Masungit kong sinabi at pinadausdos niya ulit ang kamay niya sa baywang ko.
Inilapit niya ang katawan ko sa kanya. Naglakad ako at sinabayan niya ako. Alam kong pinagtitinginan kami at mukha kaming tunay na nag aaway na couple. Wala na akong pakealam anong isipin ng ibang tao. Basta... Naiinis lang talaga ako kay Rozen.
“It’s okay to be territorial, babe. Ganun din naman ako.” Aniya. “When it comes to you...” Hinaplos niya ang baywang ko pataas.
Natigilan ako sa paglalakad dahil sobra sobra ang pagtindig ng balahibo ko at paghuhuramentado ng sistema ko.
“bawat sulok... Dapat ay akin.”
Gaya ng lagi kong ginagawa sa kanya, tinabunan ko ang paghuhuramentado ko ng pananapak.
“Tumigil ka na ah! Let’s go home!” Sabi ko.
Tumawa siya pero biglang nagseryoso.
“Alright, babe. We’ll go home if you want to.”
Kaya ayun at dumiretso na kami sa carpark. Tahimik ako at siya naman ang talak ng talak. Wa’g lang siyang magkakamali imention ulit yung ‘territorial’ thingy, bibigwasan ko ulit siya.
“Kaya ko ng dalawang oras lang papunta dun. Anong oras ba magsisimula ang congress niyo?”
“Dalawang oras, Rozen!? My god! Ayoko pang mamatay dahil sa katangahan sa pagmamaneho. Tatlong oras dapat yung byahe. 7:30 kaya dapat mga 3:00AM ay papunta na tayo.” Sabi ko.
“Alright, babe. Pasalamat ka mahal kita.” Ngumisi siya.
Nagsisimula na naman ata siyang mang inis kaya tumahimik na ako. Umupo na siya sa driver’s seat at pinaandar ang sasakyan.
“Anong oras ba ang curfew mo?” Tanong niya.
“Alas dose.”
Kumunot ang noo niya, “Dapat sayo alas syete.”
“Anong sabi mo?” Nang iinis na naman ang hayop.
“Dapat alas syete yung curfew mo. Ayaw ko nag gagala ka ng hating gabi!”
“Hindi naman po kasi ako gumagala ng hatinggabi!”
“Siguro dapat mag suggest ako sa daddy mong gawing alas syete-”
“Bwiset!” Binatukan ko ulit.
Tumatawa na ang lintek. Kailan niya pa naging hobby ang inisin ako ng ganito? Buti walang kutsilyo dito sa tabi at baka nagkasala na ako. Murder! GRRR...
“Ikaw talaga-” Natigilan ako dahil narinig ko ang kanta sa cellphone kong kahit kailan hindi ko pa naririnig na tumunog.
“Ano?” Tanong ni Rozen.
Nasa kalagitnaan na kami ng kalsada. Sumulyap siya sakin habang ako naman ay tumunganga sa cellphone kong kumakanta. Itinaas ko ito sa sobrang pagkamangha.
“What’s with the old gay song?” Tanong niya.
You need to give it up had about enough. It’s not hard to see the boy is mine. The Boy Is Mine.
Napalunok ako.
“Noah’s calling.”
Napatingin ako kay Rozen na biglang nag iba ang ekspresyon ng mukha. Kung kanina ay half-smiling siya, ngayon ay seryoso niya. Agad kong tinaas ang daliri ko.
“You, shut up, alright!?”
Sinagot ko agad ito pagkatapos kong bantaan siya.
“Hello?” Padabog kong sinabi kay Noah.
“H-Hello?”
Halos sumabog ang puso ko nang narinig ang boses niya.
“Sino ‘to?” Nagkunwari akong wala akong number niya.
“Si Noah ‘to. Magkasama ba kayo ni Reina?”
“Noah Elizalde?” Kinagat ko ang labi ko. “Hindi eh. Bakit? Di pa ba siya nakakauwi?”
“Hindi pa. O sige, thanks. Sorry sa istorbo.”
Binaba niya agad ang tawag. Nanlaki ang mga mata ko sa nangyari. Nilingon ko ang seryosong si Rozen. Traffic kaya tumigil ang sasakyan. Hinahawakan niya ang kabi niya habang tumitingin sa mga naunang sasakyan.
“ROZEEEN! THANK YOUUUU!” Niyakap ko siya sa sobrang saya!
My first call from Noah!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top