Last Chapter: The Heart
"If we seal her power now, she might lose all her remaining magics."
Kahit nanghihina ang buong katawan ko, gising na gising naman ang diwa ko. Damn! I badly need to recover my old body! Talagang matutuluyan na ako sa pagkakataong ito! I'm too weak even to open my eyes!
Kinalma ko ang sarili at pinakiramdaman ang nangyayari sa paligid ko. Ngayon ay hindi lang sila Val Isaac ang narito sa silid na kinaroroonan ko. My parents and the rest of the high rank wizards of our empire are here too! Hindi ko alam kong ilang minuto o oras ako nawalan ng malay kanina ngunit noong maramdaman ko ang malalakas na kapangyarihan nila ay mas naging aktibo ang diwa ko. Maging ang presensya ng High Priestess ay nararamdaman ko ngayon sa silid na kinaroroonan namin.
"We need to transfer her first. Mas mapapangalagaan natin siya kung sa Montealegre Empire natin siya susuriin."
"Hindi na kakayanin ng katawan niya ang bumiyahe." It was Salve's voice. "And besides, Maddison doesn't want to leave this place. Nais niyang manatili sa lugar na hanggang sa bumalik ang dating anyo niya."
"And who are you? Kayo ba ang tumulong sa anak ko?" It was my father who asked her. "Hindi niyo ba man lang naisip na ibalik ito sa imperyo namin?" Sa tono pa lamang nang pananalita nito ay mukhang galit na ito ngayon.
"Iba ang pisikal na anyo ng anak niyo ngayon. Sa tingin mo ba ay malalaman namin ang tunay na katauhan nito?" Servano fired back. "At isa pa, hindi siya nagpakilala bilang isang Montealegre. She even lost her memories. Kung hindi pa napadpad ang mga kaibigan niya sa lupain namin ay hanggang ngayon ay hindi namin matutuklasan ang totoong katauhan nito."
Katahimikan. Wala ni isa sa kanila ang nagsalitan muli. Mukhang hindi iyon inaasahan ng aking ama mula sa mga taong tumulong sa akin.
"My poor baby," mommy cried then seconds passed, I felt her hands on me. "You don't deserve this, Maddison. Ako na lang sana. Ako na lang sana ang nasa kalagayan mo."
"Klarissa-"
"Because she wanted to be the best Montealegre, she forced herself to learn every magic in this world. Magic that was worthy to be called as the next leader of our empire." Mommy stated then caressed my face. "Hindi ko sana ito hinayaang mapunta sa Salvatierra Empire. That empire was too powerful for her. Nakontento na sana tayo sa kung anong mayroon ang imperyo natin."
"Lady Klarissa, Lady Maddison wanted to learn everything to protect the empire." It was Sora's voice. "Oo, gustong gawin lahat ni Lady Maddison para sa pamilya, gusto niyang matutunan ang lahat para maprotektahan ang imperyo ninyo, pero sana ay hindi niyo isipin na napilitan lamang itong gawin ang mga iyon. Alam niya ang responsibiladad niya bilang isang Montealegre. Lady Klarissa, your daughter is a brave and strong child. I've witnessed everything. She knew what she was doing. She just wanted to fight and give everything she has. I bet... she doesn't even know when to give up."
"But look at her, Sora! Tingnan mo kung anong kinahinatnan niya? She was defeated by her own magic! And worst, itinago niya ito sa ating lahat!" My mother cried harder.
"Klarissa, stop it." My father's voice echoed. "High Priestess Irish, seal her magic again." He ordered the High Priestess.
"I'm warning you. Sealing her magic again will result of losing every magic power left inside her body," rinig kong sambit ng High Priestess 'di kalayuan sa kinahihigaan ko. Natigilan ako. I will lose everything I have right now. Everything.
I mind went blank. Kung mawawala ang lahat ng kapangyarihang mayroon ako, paano na ang imperyo namin? I can't be the next leader without my abilities and power!
"An Agarthian can live without a magic," ani daddy sa mababang tinig. "But we can't live without her. She's our precious daughter, the heart of our empire. We need her."
Dad.
"I'm begging you, High Priestess. Save her."
Being powerful is a key to earn respect and title is this world. Kahit na nagmula ka sa isang kilala at malakas na angkan, still, kung hindi mo kayang ilabas ang buong potensiyal mo, hindi nila makikita ang halaga mo.
And that was what I believed before. Naniwala akong ang kapangyarihan ang mas mahalaga sa pamilyang kinabibilangan ko. Naging mahigpit ako sa sarili ko at noong hindi ko na kinaya ang lahat ng resposibilidad na nakalaan para sa akin, tumakbo ako palayo rito. Tumakas at pilit na kinalimutan ang kung anong nakatakdang mangyari.
And now, hearing my father's voice, begging to save me, I felt hopeless. All I wanted was for him to recognized me. To recognize me as his daughter, not his successor. Gusto kong makita niyang nagsusumikap ako para sa pamilya namin. Na kaya kong gawin ang lahat. Na hindi lang sa pagtakbo sa responsibilidad ang kaya kong gawin sa buhay kong ito.
I wanted to be free, but I wanted to stay with them. To stay with my family. To stay with the people I love the most.
Staying means to live, to be alive. At kung kapalit ng buhay ko ay ang pagkawala ng lahat ng pinaghirapan ko, then, I'll sacrifice every magic I have right now. Mas kailangan kong mabuhay para makasama kong muli sila.
Magic. I can live without that.
Tahimik kaming nakatingin sa entablado kung nasaan ang mga mahahalagang miyembro ng Montealegre Empire. Nasa tabi ko pa rin si Val Isaac at hawak-hawak nito ang kamay ko. Napangiti na lamang ako at itinuon na sa may entablado ang buong atensiyon.
The elders of our empire, my parents, Aunt Catana and Uncle Van Angelo are now present. Nakangiti silang lahat habang nagpapalakpakan ang mga panauhin ng pagtitipon ito. Sa gitna nila ay ang nakangiti ring bagong lider ng aming imperyo. Ang isa pang Montealegre sa henerasyong ito. Ang naging tagapagmana ng imperyo namin noong tuluyang naging malaya ako sa responsibilidad ng pagiging isang Montealegre.
Salve Veronica Montealegre. The daughter of Van Angelo Montealegre, the first born of our generation.
Noong una ay akala ko'y si Servano ang magiging bagong tagapagmana ng trono ngunit hindi siya anak ni Uncle Van. Kapatid lang ito ni Salve sa ina. If Servano was a Montealegre, siya na dapat ang papalit sa aking ama. Afterall, gusto ng elders ng pamilya namin ng isang lalaking lider. Kaya nga nahirapan akong kunin ang tiwala nila noon dahil mas nais nila ang isang lalaking tagapagmana. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana para sa aming lahat. And we really can't play fate. What's bound to happen will never change.
A female heir, huh? That's the fate of our empire.
"You okay, Maddison?" rinig kong tanong ni Val Isaac noong hindi ko mapigilan ang mga luha sa mata. Marahan akong tumango sa kanya at kinagat ang pang-ibabang labi.
"Kung hindi naibalik sa akin ang magic seal at kung hindi nawala ang kakayahan ko bilang isang Montealegre, sa tingin mo ba anong mangyayari sa Montealegre Empire?" halos walang tinig na tanong ko sa kanya.
"You'll be a great leader, Maddison. No doubt about that," ani Val at hinarap ako. Marahan niyang hinawakan ang pisngi ko at hinaplos ito. "With or without your magic, you're a great Agarthian, Maddison."
"Am I?"
"Of course." Val said then smiled at me. "Stop crying, okay? Baka makita pa iyan ng kapatid ko at biglang bumaba rito. Alam mo namang ayaw niyang makitang umiiyak ka."
"I'm just happy for your sister. I'm just happy for Salve."
Kapatid. Iyon ang turingan nina Salve at Val Isaac. Dahil lumaki nga ito sa pangangalaga ni Uncle Van Angelo, naging mabilis na napalapit ang dalawa. Noong malaman din ni Salve ang katotohanang matagal nang ikinubli sa kanya, iyong tungkol sa pamilya niya, mabilis niyang napatawad ang ama nito. And Uncle Van Angelo can't believe that he had a child. At mas matanda pa ito sa akin! The first born, indeed!
And when I proposed to them, the elders and my father, about her being the next leader of Montealegre Empire, they were out of words. Noong una ay hindi sila sang-ayon sa minungkahi ko ngunit wala nang ibang Montealegre sa henerasyong ito. Kaming dalawa lamang ni Salve ang tanging Montealegreng pagpapasahan nila ng trono.
Napailing na lamang ako noong maalala ko ang nangyari noong araw na iyon. Iyong araw kung saan ipinakilala ko sa kanila ang isa pang Montealegre.
"I can't be the next leader our of empire. I'm powerless," seryosong sambit ko habang kaharap ang mga mahahalagang miyembro ng pamilya namin. "Salve, she's a Montealegre. She's powerful and a great Agarthian. I've already witnessed her abilities. She'll be a great leader our of empire."
"Maddison, stop it," ani Salve sa tabi ko. Binalingan ko ito at maingat na hinawakan ang kamay na ito.
"You're a Montealegre, Salve. You also deserve what I have. You deserve everything we have. And being the new heiress and the next leader of this empire is the best thing I can offer to you. You should take it."
"Maddison, I can't do that! I wasn't born for that! I just wanted to meet my father and the rest of the Montealegre! That's all!"
"Maddison." Napaayos ako nang pagkakatayo noong marinig ang boses ng aking ama. Bumaling muli ako sa kanila at seryosong hinarap ang mga ito. "Are you sure about this?" he asked me. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at humugot ng isang malalim na hininga. Tumango ako sa ama at inisa-isang tingnan ang mga elders.
"It will take time for me to recover all the magic power I've lost. We can't wait for that day to come, right? We have another Montealegre here. Hindi lang ako ang Montealegre sa henerasyong ito. Give Salve a chance. Please," wika ko at binalingan ang tahimik na si Uncle Van. "She'll be a great leader. Trust me," sambit ko pa at tinanguhan ito.
"And if you regain your magic again? What will you do?" They asked me. I smiled.
"Then I'll live as normal Montealegre," sagot ko at muling binalingan si Salve. "Accept it, Salve. You're the first born. Not me. You're the rightful heiress. That's your throne."
"They're looking for you."
Natigilan ako sa pagmamasid ng mga bituin noong marinig ang boses ni Val Isaac sa likuran ko. Napangiti ako at binalingan ito.
"Val."
"Hindi kita napansing lumabas sa bulwagan kanina. I'm sorry. The Archmage called me," anito at naupo sa tabi ko. "Gusto mo na bang magpahinga," tanong niya at maingat nas hinawakan ang kamay. "Your hands are cold, Maddison. Kanina ka pa ba rito?"
Umiling ako at ngumiti sa kanya. "I'm fine, Val. Don't worry too much about me. Yes, I don't possess any magic power right now but I'm not that weak, you know," natatawang sambit ko.
"Hindi mo ako mapipigilang hindi mag-alala sa'yo, Maddison," seryosong sambit nito na siyang mas lalong ikinatawa ko. Humilig ako papalapit sa kanya at inilagay ang ulo sa balikat nito.
"You really love me that much?" biro ko at napailing na lamang.
"Maddison-"
"I know. I know. Bakit ko pa kasi itinanong iyon?" I chuckled.
"I love you more than anything in this world, Maddison." Natigilan ko noong banggitin na naman ni Val Isaac ang mga katagang iyon. At kagaya noong unang beses niya itong sinabi sa akin, tila gustong kumawala ng puso ko sa dibdib. Damn this feeling! "If I need to choose between things, ikaw at ikaw ang pipiliin ko sa kahit anong pagkakataon."
"Kahit ang pagiging isang Archmage?" Hamon ko sa kanya at umayos nang pagkakaupo. Hinarap ko ito at natigilan noong mamataan ang seryosong mga mata nitong nakatingin na sa akin. "Val... I didn't mean to-"
"It's always you, Maddison. Archmage or not. Always you."
"It hurts," wala sa sariling sambit ko na siyang ikinatigil ni Val Isaac. Mabilis itong kumilos at pinagmasdan ang kabuuan ko.
"What's wrong? Anong masakit sa'yo?" nag-aalalang tanong niya sa akin.
"My heart," tila lutang na sagot ko. Natigilan naman si Val at matamang sinalubong ang mga titig ko sa kanya. "My heart is beating so fast. It hurts but I'm loving it."
"Maddison."
"Thank you, Val Isaac," saad ko at muling nginitian ito. "Thank you for chasing me when I left before. Thank you for believing in me. Kahit na ako mismo ay nawalan na nang pag-asa sa sariling kakayahan, hindi mo ako binitawan. Nanatili kang naniwala sa kung anong kaya kong gawin noon. Na kahit sumuko na ang lahat sa akin, na tinanggap na nilang patay na ako, nanatili kang naniwala na magbabalik ako. Na magbabalik ako sa inyo... sa'yo."
Hindi nagsalita si Val at maingat na hinila ako papalapit sa kanya. He hugged me. I smiled again.
"No, Maddison. Ako dapat ang nagpapasalamat sa'yo. Maraming salamat dahil bumalik ka sa amin," he said, almost a whisper. "At talagang hindi ako maniniwalang wala ka na. My heart is still beating, still beating for you. And I know that this is more powerful than anything else in this world."
Wala sa sariling akong napatango at gumanti na sa pagkakayakap nito sa akin.
Heart. Feelings. I couldn't agree more. The combination of the two are much more powerful than those magics created by wizards and Agarthians like us. If you have the heart, a heart that loves to protect the people around you, no magic can defeat what you already possess.
The power of feelings. The determination of someone and its will to survive, that alone makes a wizard more powerful. And in my case, I choose to have nothing. Mas pinili kong mabuhay at hinayaan kong mawala ang lahat ng kapangyarihan mayroon ako. Mas pinili kong makita ko pa ng mas matagal ang mga taong mahalaga sa akin.
Magic? I can still learn how to use it. I still have Val Isaac and Sora with me. Idagdag mo pa ang mga kaibigan kong alam kong tutulungan din ako para bumalik ang lahat ng nawala sa akin. I know, I can feel it, in time, I'll have the ability to use magic and fight alongside with them again.
But right now, I'll just enjoy the freedom they gave me. The freedom to live the life I always wanted. To freedom to love endlessly. And the freedom to be myself and to prove my worth as a person, as a member of my family, as a Montealegre.
"You'll be forever the core of this empire, Maddison. The heart of the Montealegre."
"You always say that, Val Isaac." I said then laughed at his words. "I'm just me. Maddison Ofelia Montealegre."
"My Montealegre," he whispered that made my heart skipped a beat. I smiled again.
As always, he'll claim me as his Montealegre. Well, I am his Montealegre. Always. Forever.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top