Chapter 7
Tahimik akong nagpupunas ng mga luha ko.
Kanina pa ako pinapakalma ni Val Isaac ngunit hindi ko ito magawa. Natigil na rin ako sa pagwawala ko kanina rito sa hardin ngunit hindi matigil ang mga luha ko kakadaloy mula sa aking mga mata.
"Hey, stop it already," marahang sambit ni Val at kinuha iyong kamay kong nagpupunas ng mga luha ko. Mataman niya akong tinitigan at siya na mismo ang nag-alis ng mga luha ko gamit ang kanyang mga kamay. "Everything will turn out just fine, Maddison. Wala kang dapat ikabahala."
"I'm not worried here, Val. I just don't like the idea of marrying someone," halos walang tinig kong sambit sa kanya. Kita ko ang pag-iba ng ekspresyon ng mga mata ni Val habang nakatingin sa akin. Saglit lamang iyon kaya naman ay 'di ko matukoy kong namalik-mata lamang ba ako o hindi. Sadness. That's what I saw in his eyes. I sighed and tried myself to calm down, again. "Val," tawag ko sa pangalan niya habang nilalakasan ang loob sa nais sabihin sa taong kaharap. Nagsimula na naman ang puso ko sa paghataw sa loob ng dibdib ko na siyang ikinapikit ko nang mariin.
"Hmm," he responded as I felt him touched my cheek lightly, still removing my tears.
"Can you help me?" Lakas-loob na tanong ko at deretsong tiningnan ang tila litong ekspresiyon sa mukha ni Val. "I need to get out of this empire, Val. Help me, please." Kunot-noo akong tinitigan ni Val habang ako naman ay halos magmakaawa na sa kanya na tulungan ako sa nais kong mangyari.
Kung talagang iyon na ang desisyon ng aking ama, ang ipakasal ako sa taong napusuan nila para sa akin, then... they leave me no choice here. Matagal ko naman ding planong umalis dito sa imperyo ng mga Montealegre. I can go far east of Agartha. Doon, hindi na hawak ng mga Montealegre ang lupaing iyon. I can live there peacefully without being tortured by my own clan.
"Val," tawag kong muli sa kanya.
"You can't do that, Maddison." Napailing ako sa sinambit ni Val Isaac sa akin. No! Hindi maaring pati si Val ay hindi ako matutulungan sa bagay na ito! Damn it! Mabilis kong hinawi ang kamay nitong nasa mukha ko at tumayo na mula sa kinauupuan. Hinarap ko ang naggagandahang bulaklak ng aming hardin habang nararamdaman ko ang presensya ni Val Isaac sa aking likuran.
"You know how much I love this family, Val. I can do everything to please every Montealegre here, but not this time. I can't do this, Val. I really can't. This is too much for me! Hindi ko kayang sundin ang nais nila para sa akin."
"Then prove to them that their decision was wrong, Maddison." Natigilan ako sa narinig mula kay Val Isaac. Tumabi na ito ngayon sa akin at humarap na rin sa mga bulaklak ng hardin. "Ipakita mo sa kanila na kaya mong tumayo sa sarili mong mga paa. Ipakita mo sa kanila na hindi mo kailangang ikasal sa kung sino mang hindi mo kilala o hindi mo gusto, Maddison."
Napabaling ako kay Val dahil sa kaseryosohan ng tinig nito. Naabutan ko itong nakatingin na rin sa akin kaya naman ay parang piniga na naman ang puso ko noong makita ang sakit sa kanyang mga mata. "Unleash your power, then your free to do whatever you want, Maddison. Iyon lang ang kailangan mong gawin para makawala ka sa lahat ng ito."
"Val."
"I won't help you with your plan of leaving this empire, Maddison. Pero tutulungan kitang ilabas ang totoong kapangyarihan mo. I'll help you. I'll train you."
"Iyon ba ang nais nilang mangyari, Val? Ang ilabas ko ang totong kapangyarihan ko?" Napakuyom ako ng mga kamao dahil biglang nanginig ang mga ito. Masyadong mababaw ang rason nila para gawin sa akin ito!
"If you just listen to them, then you'll definitely agree to your father's decision," seryosong sambit nito sa akin na siyang lalong nagpainis sa akin. I really can't believe that I'm hearing this from him! "But if you really don't like the idea of marrying someone, then, I'll help you to become someone they always wanted you to be."
"I'm just seventeen, Val. Wala pa sa isip ko ang ganyang bagay kaya naman ay tatanggi talaga ako sa nais nilang mangyari," sambit ko na siyang ikinabuntonghininga na lamang ni Val sa harapan ko. I sighed too. This is really exhausting! But... Val Isaac's presence right now really calms me a bit. Kahit na may nasabi itong hindi ko nais kanina, still... I know him better. Alam kong nag-aalala lang din ito sa akin. Noon pa man, tanging si Val Isaac lang ang kayang magpakalma sa akin sa lugar na ito. Now I get it. Initusan marahil itong sundan ako kanina dahil alam nilang magkasundo kami ng lalaking ito. Na kaya nitong pigilan ako sa kung ano mang kalokohang maaring gawin ko pagkalabas ko ng silid kanina.
"What if after everything... they still want me to marry this unnamed guy, what will I do then, Val?" tanong ko sa kanya sabay iwas nang tingin. Muli akong tumitig sa kawalan habang hinihintay ang magiging sagot nito sa katanungan ko.
"Ako na ang bahala sa bagay na iyan, Maddison. If you really want to be out of this agreement, then, I'll do everything to stop that. Basta ipangako mo lang sa akin na tutulungan mo ang sarili mong maging malakas. Maging mas malakas pa."
Napakagat na lamang ako nang pang-ibabang labi at hindi na nagsalita pa. Napatango na lamang ako sa sinabi nito at humugot muli ng isang malalim na hininga. Wala na akong ibang pagpipilian pa. I can't leave here. Ngayong nalaman ni Val Isaac ang plano kong pag-alis, natitiyak kong babantayan niya ako para hindi ko magawa iyon. Val Isaac will surely monitor me every damn minute! At ang tanging magagawa ko na lamang ay ang magpalakas kagaya ng nais ni Val. I need to be strong enough to stop them to dictate me what I need to do!
"So, are you calm now, young lady?"
It was my father who broke the silence between us. Nasa hapag kami ngayon at kumakain ng aming agahan. Tahimik naman si mommy habang nagnananakaw nang tingin lamang sa gawi ko.
Uminom muna ang ng tubig bago sinagot ang aking ama. "Yes, dad." I tried my best to act normal in front of him. Naging bastos na ako noong nakaraang araw sa kanila kaya naman ay kailangang kong kumalma para naman kahit papaano ay maging maayos ang pagkain namin ngayon sa hapag.
"That's good to hear. About the-"
"I'm not going to marry someone, daddy." Putol ko sa dapat sasabihin nito. Kita kong natigilan ang mga magulang ko kaya naman ay pinagpatuloy ko ang pagsasalita. "Hindi ko kayang ipilit ang sarili ko sa isang bagay na labag sa kalooban ko. I'm not that cruel to myself."
"Maddie, anak, if you just listen to us that day, you'll understand why we came up with that kind of decision." It was my mother. Kita ko ang lungkot sa mga mata nito habang nakatingin sa akin. I sighed.
"I don't need to hear your reasons. I just wanted to be free from that decision of yours, mom, dad. Kung may napagkasunduan na kayo, then please, I'm begging you, itigil niyo na po iyon. Hindi ako magpapakasal."
"You need to know our reasons for you to understand the situation, Maddison," kalmadong sambit ni daddy sa akin. "You stubbornly stormed out the room without hearing our side, young lady."
"I'm sorry." Nagbaba ako nang tingin sa kanila. Alam ko ang nagawa ko noong nasa pribadong silid kami ni daddy. Pero ni isa doon ay wala akong pinagsisihan. At that moment, all I wanted to do was to get out of the pressure that the Montealegre were giving me. They are too much for me to handle and that was a fact! Lalo akong nauubos dahil sa pressure na ibinibigay nila sa akin.
"You'll be the next empress of our empire, Maddison, and that's final. You can't change that. Not even those elders who were disappointed with your act last time." Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at hindi na muling binalingan ang ama. Damn it. Here we go again. "And you are going to marry the son of the Archmage, Maddison," mariing sambit pa nito na siyang ikinatigil ng pagtibok ng puso ko.
What did he just say? I will marry the son of the Archmage? Archmage Quiro of Agartha?
"When the time comes, our family will be united, and we'll definitely protect our empire to those people who wanted to destroy us down."
No hell way!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top