Chapter 6
Anong ginagawa ni Archmage Quiro dito sa mansyon ng mga Montealegre?
Napailing na lamang ako at humugot na lamang ng isang malalim na hininga. Kanina ko pa nais kausapin si mommy tungkol sa presensya ng Archmage ngunit hindi ako makakuha ng tiyempo. Naging abala ang lahat dahil nandito sa mansyon ang pinakamahalagang tao ng Agartha!
"Lady Maddie, masyadong malalim na po ang gabi. Kailangan mo nang magpahinga." Nilapitan ako ni Sora at binigyan ng isang basong tubig na siyang wala sa sariling tinanggap ko naman. Napahikab ako at umiling na lamang sa kanya.
"Nasa private room pa rin ba sila daddy?" tanong ko kay Sora at nagpalinga-linga sa paligid. Halos lahat ng mahahalagang miyembro ng imperyo namin ay wala sa bulwagan ngayon. Maging ang mga magulang ko ay marahil hindi makapaniwalang nasa mansyon ng mga Montealegre ang taong ito!
"Opo. Pati si Sir Val ay naroon din," simpleng sagot nito sa akin. Napatango na lamang ako sa tinuran ni Sora. Kahit anong pilit kong pag-intindi sa nangyayari ay wala akong mahalukay na ideya kung bakit nandito ang Archmage sa imperyo namin. This is a rare situation for us, for me. Madalang lang mapadpad ang Archmage sa ibang imperyo ng Agartha. Hindi tuloy ako mapakali dito sa kinauupuan ko sa dami ng nasa isip ngayon. I harshly took a deep breathe and calm my nerves. Siguro naman ay maayos lang ang lahat, lalo na imperyo namin. Kahit na ayaw ko sa lugar na ito, still, this is my home, my family. Ayaw ko pa ring may mangyaring hindi maganda sa tahanan ko.
"I'm tired, Sora. Aakyat na ako sa silid ko," walang ganang sambit ko at tumayo na lamang. Bukas ko na lang tatanungin si mommy tungkol sa mga nangyayari. Or maybe I can ask Val, too. Kasama siya ngayon sa private room ng ama kaya naman ay natitiyak kong alam na nito ang kung anong rason ng Archmage sa pagbisita sa Montealegre Empire.
Nagsimula na akong maglakad at 'di na binalingang muli si Sora. Deretso ang tingin ko sa unahan hanggang sa makalabas na kami sa bulwagan. Akmang liliko na sana ako patungo sa pasilyong maghahatid sa akin sa may hagdan ng mansyon noong natigilan ako sa paglalakad. Masamang titig ni Jeannie ang bumungad sa akin, kasamang muli nito ang dalawang kaibigan niya na bisita rin sa kaarawan ni Val Isaac.
Oh, still not done with me, missy? Pwes, 'di pa rin ako tapos sayo!
I crossed my arms in front of my chest then raised an eyebrow to them. Ramdam ko ang presensya ni Sora sa likuran ko ngunit hindi ito kumibo o gumawa man lang nang ingay. "What is it now, Jeannie?" I coldly asked her. Lalong tumalim ang tingin nito sa akin na siyang ikinatuwa ko. Kung sa ibang pagkakataon lamang ito, tiyak ay hihingi na ako nang dispensa sa kanila dahil sa ginawa ko kanina, but heck, sila iyong naunang gumamit ng ability nila laban sa akin! I was just returning a favor!
"Masyado kang mayabang, Maddison. You know you can't beat me."
"You bet?" I smirked at her. Ano bang pinagsasabi ng babaeng ito? Mayabang? Ako? At ano raw? I can't beat her... really? Malamang sa malamang mas angat ito sa akin sa kahit anong aspeto. She's Jeannie Faustino, for Pete's sake! Anong laban ko sa kanya? But hell! I won't give her the satisfaction of beating me! Hindi ngayon o sa mga susunod na araw. Pagod na pagod na akong hamakin ang sarili. I will definitely fight back!
"Lady Jeannie, kung may kailangan kayo kay Lady Maddison, ipagpabukas niyo na lang iyan. She's tired. She needs to rest." It was Sora. Mayamaya lang ay naramdaman kong humakbang na ito at tinabihan ako. Napabaling naman ang atensiyon ni Jeannie kay Sora at lalong sumama ang timpla ng mukha nito sa harapan namin.
"Huwag kang makisali rito," Jeannie coldly utter the words.
"Ako ang tagapangalaga niya kaya makikialam ako lalo na't nakikita kong wala kayong magandang gagawin sa kanya." Pinantayan ni Sora ang lamig ng tinig nito. Napabaling ako sa kanya at napasimangot. Come on, Sora! I can handle these bitches! "Lady Maddie," ani pa nito at binalingan ako. "Tara na po."
Napabuntonghininga ako at hinayaan si Sora sa nais niya. Napatango na lamang ako sa kanya at wala sa sariling inihakbang ang mga paa. Nagpatuloy na ako sa paglalakad at noong tumapat na ako sa puwesto nina Jeannie at ng mga kaibigan niya, mabilis niya akong hinawakan sa braso na siyang ikinatigil at ikinabigla ko.
What the heck? Hindi ba talaga titigil ang isang ito?
"Hindi pa tayo tapos, Maddison!" galit na turan nito at hinablot ako. Ngunit segundo lang ang lumipas ay natigilan si Jeannie at nanlaki ang mga mata. Umawang ang labi nito at mabilis na binitawan ang braso ko. I can see horror in her pretty face. Mayamaya lang ay humakbang ito ng isang beses palayo sa akin.
Taka ko itong tinitigan habang humakbang na naman ito ng isa pang beses paatras, maging ang mga kaibigan nito ay ganoon din ang ginawa.
"Ngayon, titigil ka na?" It was Sora again. "I told you, she's tired. Mahirap galitin ang taong pagod, Lady Jeannie. Lalo na't kung ang taong ito ay siya."
"What the hell?" mahinang bulalas nito at tiningnan ang kamay na lumapat sa braso ko. "Was that a-"
"Stop it already, Lady Jeannie. Magsiuwi na rin kayo. Tapos na ang kasiyahan sa mansyong ito," mariing sambit ni Sora at kinuha ang atensiyon ko. Tinanguhan niya ako at iginagaya na sa daang tinatahak namin. Napabuntonghininga na lamang muli ako at umayos na sa pagkakatayo. Pasimple kong inirapan ang grupo ni Jeannie at nagpatuloy na sa paglalakad.
Tahimik kaming dalawa ni Sora hanggang sa makarating kami sa kuwarto ko. Siya na rin mismo ang nagbukas ng pinto sa akin samantalang tahimik lang akong kumikilos papasok sa loob ng sariling silid.
"Sora," tawag pansin ko sa kanya noong palabas na siya ng aking silid. "Thank you for earlier." I sincerly said. Kita kong natigilan ito bago ngumiti sa akin. "Salamat pero... kaya ko na ang sarili ko, Sora. I'm not the little Maddie you used to protect from everything. I'm a grown up now."
Lumawak ang ngiti ni Sora at umayos nang pagkakatayo. Nasa pintuan na kasi ito ngayon habang nasa paanan na ako ng higaan ko. "You'll be forever my little Lady Maddison. Kahit sabihin mo pang kaya mo na ang sarili mo, still, gagawin ko pa rin ang lahat para maprotektahan ka."
I smiled at her.
How lucky I am to have her as my personal aid. She's like an older sister to me. Wala ibang nakakakilala sa akin nang husto kung hindi si Sora lamang. She knew everything about me. Everything.
"What?" Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil sa naging anunsiyong binitawan ng aking ama kinabukasan. Napaawang ang labi ko at halos maiyak dahil sa sinabi nito. What the hell happened overnight? Bakit may ganito agad ngayong araw? Ano bang napag-usapan nila ng Archmage ng Agartha?
"Do you have a problem with my decision, Maddison?" he coldly asked me.
"Dad!" inis na sambit ko sa sariling ama. "Paano kayo nagdesisyon sa bagay na iyan?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Panay ang iling ko habang nag-e-echo pa rin sa tenga ko ang mga katagang binitawan niya kani-kanila lang. "I can't believe you! All of you!" sigaw ko sabay tingin sa mga taong nasa loob ng pribadong silid ng aking ama. Lahat ng mahahalagang miyembro ng angkan ng Montealegre ay narito ngayon! My mother is inside of this freaking room too, pero tahimik lang ito habang hindi makatingin sa gawi ko.
"I'm barely eighteen, dad! Paano niyo napagdesisyonang ipakasal ako sa taong ni hindi ko man lang kilala?" I screamed to him. No! Hindi maaari ito! Sumusobra na sila!
"Maddison!" his voice boomed. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa lakas ng boses nito. I wanted to cry but I stop myself from doing so. Hindi ako puwedeng magpakita nang kahinaan ngayon! I know my father's decision is final but heck, I'm no kid anymore. I can decide for myself! Lalo na sa bagay na ito. No. Hindi ako papayag sa nais nila!
"Calm yourself down, Maddie." Finally! Narinig ko din iyong boses ni mommy! She's now looking at me with her pleading eyes. Napailing naman ako sa kanya. No, mommy! Hindi ako magsasawalang kibo na lamang sa pagkakataong ito! "Makinig ka muna sa amin, anak."
"No!" I stubbornly said.
"Maddison." It was Aunt Catana. Sa mukha pa lang nito ay alam kong naiirita na ito sa nangyayari. Damn it! Lahat na lang ba sila? Pati ba naman si Aunt Catana? Ano? Atat na atat na ba silang mawala ako rito sa imperyo at nais na nila akong mawala? And marrying someone is the only key for them to eliminate me from this empire! How cruel.
"I don't want to be the next empress of this empire," mariing sambit ko at ikinuyom ang mga kamao. Kita kong natigilan lahat. Deretso ang tingin ko sa aking ama na mula sa pagkakunot ng noo ay napalitan ng galit ang ekspresyon nito sa mukha. Napaayos ito nang pagkakaupo habang seryosong nakatingin sa akin. "I don't want the title, that... selfish and cruel title of yours, so please, leave me alone! You wanted me out of this heiress thing, rigth? Then, go ahead. No one's stopping you, dad! Not even me!" Malakas kong sigaw sa harapan nilang lahat.
Padabog akong humakbang palayo sa kinatatayuan at iniwan ang mga nagulantang miyembro ng Montealegre Empire.
"Maddison!" I cursed inside my head when I heard my father's voice. Damn it, bahala kayo riyan! Oo, pasaway ako ngunit ni minsan ay hindi ako nagsisigaw at nagwala sa harapan nila. Not even when the whole clan is freaking present! I cried alone in my room whenever I'm hurt. Hindi ko kayang umiyak sa harapan nila. Gaanoon ako kabato sa harapan nila. I let my anger consume me, alone, and I assured myself that no one will ever know about it. Pero sa mga nangyayari ngayon, ang tanging nais ko lang ay mawala ang galit sa puso ko. Hindi ko gusto ito. Itong galit na ito. Ayaw ko nito! It's exhausting... and I just want to let it out. Let them hear my thoughts and just leave.
Napaupo ako at sumigaw nang malakas noong marating ko ang hardin ng mansyon namin. Ni hindi na ako nag-isip kanina kung saan ako tutungo pagkatapos ng nangyari sa private room ng aking ama. Kusa na lamang akong dinala ng mga paa sa lugar na ito. "Damn it!" bulalas kong muli at gamit ang kanang kamay ay wala sa sariling akong napasuntok sa lupa.
Noon pa man ay ramdam ko na ang ang pagkadisgusto ng mga Montealegre sa akin. Pero ano ang ginawa ko kahit na alam ko naman na ayaw nila sa akin? I tried to fucking convince them, even convinced myself, that I belong to this family! I did everything for them tapos ganito lang ang gagawin nila sa akin? Ganoon na ba ako kawalang kwentang Montealegre at talagang kailangang ipakasal nila ako agad-agad sa taong maaring sumalba sa akin?
No! I don't need saving here!
I just need them to accept me. That's all I freaking want! Damn it!
"Maddison."
No! Not this time. Please!
"Maddison."
"Leave me alone!" I screamed.
"Hey, calm down, Maddison!" Mabilis akong hinawakan ni Val Isaac sa braso at itinayo mula sa pagkakaupo. "Masisira mo ang buong mansiyon kung hindi mo makokontrol ang kapangyarihan mo, Maddison. Please, calm down!"
Napapikit ako nang mariin at dinama ang higpit nang pagkakahawak ni Val sa braso ko. Pilit niya akong pinipigilan sa pagpupumiglas mula sa kanya kaya naman ay natitiyak kong hindi nito napapansing nasasaktan na ako sa uri nang pagkakahawak niya sa akin ngayon.
This pain is much way better than the pain inside my chest. Mas gugustuhin ko ang sakit na ito kaysa sa sakit na ngayon ay naghahari sa puso.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top