Chapter 4

"So, Maddie, we've heard about your performance two days ago." Napaangat ako ng isang kilay noong nakasalubong ko sila Jeannie at ang mga kaibigan nito sa hallway ng mansyon ng mga Montealegre. Anong ginagawa naman ng isang ito sa imperyo namin?

Jeannie Faustino, anak ng isang kilalang angkan din dito sa Agartha. She's smart and beautiful. Kilala din itong magaling na estudyante ng Agartha's Academy noong nag-aaral pa ito roon. Palihim akong napairap sa presensiya nito. Mula kay Jeannie, napabaling naman ako sa mga kasama nito. Pamilyar ang mga ito kaya naman ay nagtataka talaga ako sa presensya nilang tatlo ngayon dito sa harapan ko.

"What are you guys doing here?" tanong ko sa kanila habang pinagmamasdan nang mabuti ang dalawa nitong kasama na kung makatingin sa akin ay isa akong malaking biro lamang sa mga paningin nila. Kita ko ang pagtaas ng mga kilay nito at pagngisi sa mismong harapan ko.

"Sir Van Angelo invited us," simpleng sagot ni Jeannie sabay taas ng isang puting papel sa harapan ko. Napakunot ang noo ko sa ginawa niya at pinagmasdan ang puting sobreng hawak nito. An invitation? Sa itsura pa lang ng papel ay natitiyak kong isang imbitasiyon iyon. For what? May pagtitipon ba sa mansiyong ito na hindi ko alam? Naging abala ba talaga ako sa pagsasanay at pati ang bagay na ito ay hindi ko na rin alam?

Pilit kong inalala kung may okasyon ba ngayong araw sa mansyon ngunit wala talaga akong maalala. Wala rin namang nabanggit si Sora kaya naman ay wala akong ideya sa kung anong tinungo ng tatlong ito sa pamamahay ko.

"Val's birthday," mayamaya'y wika Jeannie noong mapansin marahil ang pagkawalang alam ko sa nangyayari sa paligid. Ngumisi pa ito sa akin.

Napatanga naman ako sa sinabi nito sa akin. Wait, what? Birthday ni Val Isaac?

Shit, Maddison!

"Looks like you forgot about it, Maddie. Well, excuse us, young lady, pero mukhang anong oras mula ngayon ay magsisimula na ang selebrasyon para kay Val." Matamis itong ngumiti sa akin at hinawi ako mula sa kinatatayuan ko.

Wala akong nagawa at napatabi na lamang. My mind is currently not functioning well! Today's Val Isaac's birthday! How come I forgot about this day? Shit!

Dali-dali akong kumilos at nagtungo sa silid ko. I looked like a mess today! Kailangan ko nang maghanda para sa selebrasyon sa kaarawan ni Val! Damn me!

"Sora!" mabilis kong tinawag ang tagapagsilbi ko noong makita ko itong lumabas sa aking silid. Agad namang bumaling si Sora sa akin at nagmadaling nilapitan ako sa kinatatayuan ko.

"Lady Maddie, saan na naman po ba kayo nanggaling? Kanina pa kita hinahanap!"

"Kaarawan ni Val ngayon 'di ba?" wala sa sariling tanong ko kahit na alam ko naman talaga ang sagot. Damn it!

"Iyon na nga po, Lady Maddie! Kanina ka pa hinahanap ng mommy mo sa akin! Kailangan mo nang maghanda para sa selebrasyon!" anito at marahang hinila ako papasok sa silid ko. Napahawak na lamang ako sa ulo ko at mahinang napailing.

Oo, kaarawan ni Val Isaac ngayon at nakalimutan ko nga ang tungkol dito! Kanina, maaga akong nagising at nagtungo agad sa training room ko. I trained myself hard to the extent that I got tired and fall asleep! Ni hindi ko namalayang nakatulog ako at noong paglabas ko sa training room ay gabi na pala! Damn me!

"Maliligo muna ako, Sora. Nakahanda na ba ang mga susuotin ko?" tanong ko at nagsimulang tanggalin ang pagkakatali ng buhok ko.

"Yes, Lady Maddie. Nakahanda na po ang lahat."

"Good. You can go now. Ako na ang bahala sa pag-aayos mamaya. Pakisabi kay mommy na dadalo ako sa kasiyahan kapag nakapag-ayos na ako."

Kita kong tumango ito at walang ingay na lumabas sa aking silid. Noong mag-isa na lamang ako ay napaupo ako bigla sa dulo ng kama ko. Hindi pa rin makapaniwala sa pagkalimot ko sa kaarawan ng isa sa malapit na tao sa buhay ko.

"Siguro nga'y tama sila. Wala akong kuwenta," mahinang usal ko at tumayo na. Nagsimula na akong kumilos at nag-ayos ng sarili at pagkatapos ng isang oras, handa na ako para sa pagtitipon sa bulwagan ng imperyo namin.

Isang mahabang kulay berdeng damit ang suot ko ngayon. Inilugay ko na lamang ang mahaba kong buhok at hindi na nag-abala pang ayusin iyon. I feel so down. Mukhang hindi ko ma-e-enjoy ang kasiyahan sa mansyon ngayon dahil sa nangyari sa akin. I doubt if I can even look at Val's eyes later. I felt so guilty. Kahit na hindi ko naman iyon sinasadya, still, nakalimutan ko pa rin.

I sighed deeply and composed myself.

Pagkalabas ko ng aking silid, dalawang kawal ang namataan ko. Sabay itong yumukod sa harapan ko kaya naman ay napasimangot ako. Hindi na nila kailangang gawin iyon sa harapan ko. Nakakailang talaga minsan ang ibang tauhan ng imperyong ito!

"We'll escort you, Lady Maddie," ani ng isa at umayos na nang pagkakatayo sa harapan ko. Hindi na ako nagsalita pa at tumango na lamang sa kanya. Naunang maglakad ang isang kawal kaya naman ay sinundan ko na lamang ito. Ang isa naman ay nasa likuran ko at tahimik na nakasunod sa amin.

Noong marating namin ang bulwagan kung saan ginaganap ang selebrasyon sa kaarawan ni Val, natigilan ako. Ang daming tao! Mukhang kompleto na yata lahat ng panauhin niya ngayong gabi! Lahat sila'y nakapustura at tiyak kong pinaghandaan ang araw na ito!

Palihim kong inilibot ang paningin ko sa bulwagan at napalabi na lamang noong hindi makita si Val. Where is he?

"Maddie!" Napalingon ako sa gawing kanan ko noong marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko at nakita si Aunt Catana. Ngumiti ako sa kanya ngunit agad ding nawala ang ngiti ko noong makitang nasa mesa nito ang grupo ni Jeannie. Really? Mukhang malapit na talaga ang loob ng mga kamag-anak ko kay Jeannie. Ano pa nga ba ang aasahan ko? She was even invited here by Val's father!

"You're late, hija," puna ni Aunt Catana noong makalapit ako sa pwesto nila.

"I'm sorry po. Nagtraining po kasi ako kanina at 'di ko namalayan ang oras," sambit ko at naupo sa bakanteng upuang nasa tabi niya.

"Don't push yourself too hard, Maddie. You'll learn eventually, darling. You can do it." Ngumiti ito sa akin at tinapik nang marahan ako sa balikat. "Anyway, maiwan ko muna kayo." Paalam nito sa amin at binalingan sila Jeannie. "Enjoy the party, Jeannie."

"We will, Madam Catana," nakangiting sambit ni Jeannie at nakipagbeso kay Aunt Catana. At noong tuluyang nakaalis na ang tiyahin ko ay biglang nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Jeannie. Ang kaninang nakangiting mukha nito ay naging seryoso at delikado. Napaayos tuloy ako sa kinauupuan at inalerto ang sarili.

"Hindi ko talaga makuha kung bakit hanggang ngayon ay nasa mansyon ka pa rin ng mga Montealegre, Maddison."

Napakunot ako sa sinabi nito. Napalingon naman ako noong maghagikhikan ang mga kaibigan nito. Now their mocking me! Really? "Do you have a problem with me, Jeannie?" Hindi ko na napigilang itanong ito sa kanya. Kanina noong nakasalubong ko sila, ramdam ko na na mayroong kakaiba sa tatlong ito. Hindi ko na iyon pinansin dahil alam kong 'di ako pag-aaksayahan ng oras ng isang Jeannie Faustino. Ngunit ngayon... ngayong naririnig ko ang mga salitang sinasambit nito sa harapan ko mismo, I don't think they can be friendly enough towards me.

"Well, wala naman," she answered then smirked at me. Inilagay nito ang kamay sa mesa at kinuha ang basong may lamang alak. Pino itong kumilos at uminom habang hindi inaalis ang tingin sa akin. "I just don't like you," pahabol nito at ibinaba ang hawak na baso.

Akmang magsasalita na sana ako para depensahan ang sarili noong natigilan ako dahil sa kakaibang nangyari sa alak sa basong nasa harapan ko. Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi ko noong makitang nagyelo iyong alak sa loob ng baso. "You're not worth the title, Maddison," Jeannie added as she continues what she's doing right now. Her magic! It's ice magic!

Patuloy na nagyeyelo ang alak at maging iyong basong ginamit ni Aunt Catana kanina na may natirang alak ay nagyelo na rin! Napaangat muli ako ng tingin sa kanya at nakita kong mas lalong lumawak ang ngisi nito sa akin.

Bitch! Napakuyom ako ng mga kamao habang nanggigigil na nakatingin kay Jeannie! Hindi ko alam kung anong nagawa ko sa babaeng ito pero hindi ko mapapalagpas itong ginagawa niya sa akin ngayon!

Dahan-dahan, muling uminom ito sa baso niya kaya naman ay ginamit ko na ang kapangyarihan ko dito. Masama ko itong tiningnan at noong makita kong unti-unting gumagana na ang kapangyarihan ko, ipinilig ko na lamang ang ulo ko pakanan.

"The hell!" bulalas nito at napatayo mula sa kinauupuan nito. Nabitawan nito ang hawak na baso at mabilis na ipinagpag ang damit na nabasa dahil sa ginawa ko. Maging ang mga kaibigan nito ay napatayo na rin at lumayo sa mesa. Umaapaw na kasi ang tubig sa mga baso nila kaya naman ay nababasa na ang mga naggagandahang damit nila!

"You little brat!" inis na turan ni Jeannie at idinuro ako. Inis nitong inalis ang tubig sa magarbong damit niya at muling binalingan ako. "How dare you!" bulalas muli nito at muling dinuro ako.

Hindi naman ako kumibo sa kinauupuan at hinayaan ang tubig na umapaw sa mga basong nasa ibabaw ng mesa. Bahala silang mabasa. Wala akong pakealam!

"Put down your finger, Jeannie." Mabilis akong natigilan sa ginagawa noong marinig ang mapanganib na tinig ni Val sa likuran ko. Kita ko rin ang pagkabigla ni Jeannie kaya naman ay agad nitong ibinaba ang kanina lang na nakadurong daliri nito sa akin.

Tumikhim si Jeannie at umayos sa pagkakatayo. Napairap ako sa ginawa niya. "Val," she sweetly said that made me want to puke. "Happy birthday," she added.

Napairap akong muli at napalabi na lamang sa ginagawa ng babaeng ito. Bitch talaga! Ang plastik ng babaeng ito! Kung noon ay hinahangaan ko ito dahil sa ganda at galing nito sa paggamit ng kapangyarihan niya, ngayon ay hindi ko na ito masikmura. Ang sama ng ugali nito! Akalain mong hamakin ako sa sariling pamamahay ko!

"Let's go, Maddison," malamig na turan ni Val at halos manginig ang buong kalamnam ko noong maramdaman ko ang marahang hawak nito sa braso ko.

Damn, here we go again! I really hate this feeling! Puwede bang manatili na lamang kami rito sa bulwagan at makipagplastikan sa grupo ni Jeannie?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top