Chapter 26

Mabilis ang pagkilos namin nila Sora at Barrett. Storm gave us her words. Alam kong kaya nitong talunin si Jeannie Faustino. She's strong, no doubt about that. Afterall, she's one of the best students of the Salvatierra Empire.

May mga nakakasalubong pa kaming mga tauhan ng mga Wilhelm ngunit agad din naman itong napapatumba ni Barrett na siyang nasa unahan namin ngayon. Tahimik at mabilis ang bawat galaw namin at noong marating na namin ang dulo ng pasilyo, isang pabilog na bulwagan ang bumungad sa aming tatlo. Natigil kami sa paglalakad at kanya-kanyang alerto noong makaramdam kami ng kakaibang enerhiyang bumabalot sa lugar.

Walang tao sa bulwagan ngunit ramdam na ramdam namin ang intesidad ng kapangyarihan sa paligid! Damn!

"This empire is really a creepy one," mahinang puna ni Barrett habang pinagmamasdan nang mabuti ang paligid. Muli akong nakarinig ng isang malakas na pagsabog mula sa kung saan kaya naman ay napatingin ako sa mga kasama ko.

We need to hurry and find Val Isaac!

"Let's move. We'll take the middle door," agad na turan ni Sora at itinuro ang sinasabi nitong pinto. May tatlong nakasarang pintong naroon at lahat ng iyon ay hindi maganda ang pakiramdam ko. "I know that it's a trap, but we don't have any choice here. We can't stay here forever and wait. We need to move."

"Let's go," mabilis na sambit ni Barrett at siya muli ang nauna sa aming tatlo. Pagkabukas nito ng pinto ay bumungad sa amin ang madilim na pasilyo. Sora chanted something and three small lights float in front the three of us. Napabaling ako sa kanya at mataman itong tumango sa akin. "Stay alert. At the end of this hallway, a high-level wizard is waiting for us."

"What?" halos walang tinig na tanong ni Barrett. "What rank?"

"A high rank," simpleng sagot nito sa kaibigan ko.

Barrett cursed then started walking again. Nasa gitna pa rin ako ng dalawa at noong marating namin ang dulo ng panibagong pasilyong tinatahak namin ay mabilis na napaawang ang mga labi ko. Agad din naman akong hinawakan at pinirmi ni Sora sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan namin ang palitan ng mga atake ni Aunt Catana at ni George Wilhelm.

What the hell is happening? Bakit sila ang naglalaban ngayon? Hindi ba ay kapanalig nila si Aunt Catana?

"Damn you, Montealegre! I already warned my dad about you! Hindi ka talaga dapat pinagkatiwalaan ng aking ama!" sigaw ni George at muling sinugod si Aunt Catana. Mabilis namang umatras si Sora at hinila ako papalapit sa kanya. Wala sa sarili akong nagpasunod dito at mabilis na gumawa si Sora ng barrier na siyang promotekta sa aming tatlo sa pagsabog dahil sa mga agresibong palitan ng atake ng dalawa.

Hindi ko alam kung napansin na ba nila ang presensya namin ngunit kong pagbabasehan ko sa mga kinikilos nila, lunod ang dalawa sa sariling argumento at palitan ng mga atake.

"You're planning to kill a Montealegre, George. Sa tingin mo ba ang mananahimik lang ako? Wala sa usapan ang pumatay ng kahit sinong miyembro ng pamilya ko," matamang sambit ni Aunt Catana at mabilis na nagpaulan ng fire ball sa kay George Wilhelm. Agad naman itong umiwas at gumanti ng atake sa tiyahin.

"That man is not a Montealegre, Catana! He's a Salvatierra!"

Salvatierra? Are they talking about Val Isaac? Is George Wilhelm really going to kill him? The hell!

"You can fight against him. Fight Val Isaac and satisfy your ego! That's fine with me," ani Aunt Catana at mabilis na depensahan ang sarili sa paghampas ni George ng esapada nito sa kanya. "But you're fucking thirsty of his blood, George! I can't let you do that! Wala sa plano ang pumatay ng Montealegre!"

"I said he's not a fucking Montealegre, so stop with your nonsense, Catana! You're pissing me off!" sigaw ni George at mabilis na sinugod muli si Aunt Catana. Muling dedepensa na sana si Aunt Catana sa atake ni George noong biglang hindi ito makakilos sa kinatatayuan niya. Napaayos ako nang pagkakatayo at napahakbang ng isang beses. Mabilis naman akong ipinirmi muli ni Sora. Napalunok ako at mariing ikinuyom ang mga kamao. She can't move! Someone's controlling her body right now!

Damn it!

"Lady Maddie," rinig kong sambit ni Sora at hinawakan muli ako sa braso ko.

"No," mahinang sambit ko habang pinagmamasdan ang dalawa. Hindi makagalaw si Aunt Catana at noong mabilis na nakalapit sa kanya si George, napaawang na lamang ang mga labi ko. Hindi ko inalis sa puwesto nila ang paningin ko at noong tumarak sa dibdib nito ang dulo ng espadang hawak ni George Wilhelm, biglang nanghina ang mga tuhod ko.

"Maddison!" It was Barrett and immediately grabbed me. Pilit nila akong pinipigilan ni Sora sa binabalak na pagsugod sa puwesto ng dalawa at napakuyom na lamang ng kamao noong nakitang hinugot ni George ang pagkakatarak ng espada. Mayamaya lang ay mabilis na ikinumpas nito ang hawak na espada sa may dibdib ni Aunt Catana!

"No!" sigaw ko at mabilis na nagpumiglas sa pagkakahawak nila Sora sa akin. "Let me go! Tutulungan ko si Aunt Catana!"

"Lady Maddie, stop. George can't see us because of the barrier. Mapapahamak ka kung magpapakita ka sa kanya."

"I don't care! Tutulungan ko siya! She needs me! Bitiwan niyo ako!" sigaw ko at buong puwersa kumala sa hawak ng dalawa. At noong nabitawan ako ni Sora ay dali-dali kong hinawakan ang barrier na ginawa nito. I was ready to cast a magic cancel spell when I felt a sting feeling on my chest. Napahawak ako sa may dibdib ko at noong makita lumiliwanag na naman ito ay wala sa sarili kong inabot ang magic barrier ni Sora.

Slowly, the barrier Sora created earlier disappear. Without using a single magic cancel spell, barrier is now gone. Wala sa sarilin napaawang ang mga labi ko at tiningnan ang kamay ko.

"What happened?" mahinang tanong ko sa sarili at napatingin sa puwesto ni Aunt Catana. Napalunok na lamang ako at hindi na ako nagdalawang-isip pa at nilapitan ito sa puwesto niya. "Aunt Catana!" tawag ko sa tiyahin at mabilis na lumuhod sa harapan niya. Mabilis kong inilapat ang kamay sa duguang dibdib nito at pilit na pinipigilan ang dugong lumalabas sa sugat na natamo niya.

No, please. Stop bleeding!

"George Wilhelm is gone," rinig kong sambit ni Barrett at lumapit na rin sa puwesto ko. "We need a healing spell, Lady Sora. Can you help her?"

"Her wounds are deep. My healing spell won't stop that kind of bleeding," mahinang turan ni Sora at tumulong na rin sa pagpigil sa dugo na lumalabas mula sa sugat ni Aunt Catana.

"W-we need a healer!" natatarantang sambit ko at pilit na nag-iisip nang paraan para pigilan ang pagdurugo ng sugat nito.

"Ice," mahinang sambit ni Sora na siyang ikinabaling ko sa kanya. "It might stop the bleeding."

"You sure?" tanong ko at kinagat ang pang-ibabang labi ko. Damn it! I was busy learning different magic before at ni minsan ay hindi sumagi sa isipan ko na pag-aralan ang healing magic! Siguro ay naging kampante ako noon dahil alam kong malakas at epektibo ang mga healing spell ni Val Isaac.

I froze for a second when I remembered something. Val Isaac! He's a high rank healer! He can cast different healing magic spells! Matutulungan nito si Aunt Catana!

"Let's use ice magic for now," matamang sambit ko at nag-cast ng spell. Unti-unting nagyelo ang paligid ng sugat ni Aunt Catana at tumigil na rin ang pagdurugo nito. It's temporary but it can stop the bleeding for a while. Mayamaya lang ay inalis na ni Sora ang kamay niya at tumayo na mula sa pagkakaluhod. "We need Val Isaac. He can save her," wika kong muli at humugot ng isang malalim na hininga.

"Maiwan ko muna kayo rito," ani Sora na siyang ikinabaling ko sa kanya. "Hahanapin ko si Sir Val. Barrett, iiwan ko si Lady Catana at Lady Maddie sa pangangalaga mo. Protect them."

"Lady Sora, ako na lamang ang maghahanap kay Sir Val." Presenta ni Barrett.

"No, you stay here. Hindi natin alam kung ilang high rank wizards ang narito sa Wilhelm Empire. I can fight against them. So, you better stay here and protect them," mariing turan ni Sora at binalingan akong muli. "Just wait for me, Lady Maddie. Dadalhin ko si Sir Val dito. We'll save Lady Catana, okay?"

Wala sa sarili akong tumango sa kanya at tahimik na tiningnan ang pagtakbo nito palayo sa amin.

Bumaling muli ako kay Aunt Catana at inabot ang kamay nito. Hinawakan ko ito nang mahigpit at mariing ipinikit ang mga mata.

"Val, please, kung naririnig mo man ako, please, we need your help. Aunt Catana is in danger. She already lost too much blood. Baka hindi na niya kayanin ito. Please! Please, Val Isaac!"

"Maddison! She's awake!" wika ni Barrett sa tabi ko na siyang mabilis na ikinamulat ko ng mga mata ko. Tiningnan ko si Aunt Catana at mas hinigpitan ang paghawak sa kamay nito noong makitang nakatitig na ito sa akin ngayon.

"Hang in there, Aunt Catana. Val Isaac will be here in a minute. H-he will save you." nahihirapan kong wika at tiningnan ang yelo sa dibdib nito. Kulay pula na ito ngayon dahil sa dugo niya kaya naman ay mas lalong napahigpit ang hawak ko sa kamay nito. Come on. Val. Nasaan ka na?

"M-Maddie," nahihirapang sambit nito sa pangalan ko. Tinanguhan ko ito at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya. "I-I'm sorry, M-Maddie."

"Please, stop talking. S-save your energy," maingat na sambit ko sa kanya. "Ayos lang ako. Walang masamang nangyari sa akin. No need to say sorry, Aunt Catana."

"You need to find Val I-Isaac. They will k-kill him."

"Sora's currently looking for him. Dadalhin niya rito si Val. G-Gagamutin ka niya." Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko at inilapit sa mukha ko ang kamay nito. "He will save you, Aunt Catana. He will save you."

"I-I'm sorry, Maddison," ulit nito na siyang ikinapikit ko na lamang. "I was selfish. S-Sarili ko lang ang inisip ko. P-Patawarin mo ako."

"Kahit hindi mo sabihin iyan, papatawarin kita, so please, stop talking and just save your energy. Kailangan mo nang sapat na lakas, Aunt Catana! Babalik pa tayo sa Montealegre Empire!"

"I betrayed our family," mahinang sambit muli nito na siyang mabilis na ikinailing ko. "I... I betrayed the Montealegres. I don't think I deserve to be one of them. Not after I've done to our family."

"Aunt Catana, please." Binalingan kong muli ito at noong mamataang unti-unti nitong ipinikit muli ang mga mata niya ay nataranta ako. "No... Aunt Catana, open your eyes!" Mabilis kong hinawakan ang mukha nito at inilagay ang isa pang kamay sa may leeg niya at pinakiramdaman ang pulso nito. "Faint heartbeat."

"Don't worry. She's jusr resting," ani Barrett at mabilis na naging alerto noong may sumabog 'di kalayuan sa puwesto namin. "Damn it! They're here!" Napapikit ako at mabilis na kinalma ang sarili ko. Muli kong tiningnan ang walang malay na si Aunt Catana at marahang hinaplos muli ang mukha nito.

"I'll save you. We'll both survive from this, and we'll return to our empire," marahang wika ko sa tiyahan at humugot na lamang ng isang malalim na hininga.

"Maddison," tawag ni Barrett sa akin kaya naman ay mabilis akong tumayo mula sa pagkakaluhod. "I can sense three different magic powers," anito at inihanda ang sarili.

Napalunok na lamang ako at binalingan muli si Aunt Catana. Muli akong napahugot ng isang malalim na hininga at itinaas na rin ang isang kamay.

"We'll finish them off," seryosong sambit ko na siyang ikinangisi ni Barrett sa akin.

"We never tried to do the tag team before, right?" tanong ni Barrett na siyang tahimik kong ikinatango sa kanya. "Let's go and show them what we can do," dagdag pa niya at mabilis na umatake noong mamataan na namin ang mga kalaban.

Three different enemies. Just like what Barrett told me earlier. Mayamaya lang ay napaawang ang mga labi ko noong makita ang naging galaw nila sa atakeng ginawa ni Barrett.

High rank wizards!

Iyon agad ang naisip ko noong maramdaman ang tunay na lebel ng kapangyarihan ng mga bagong dating. Mabilis akong napatingin muli sa walang malay na si Aunt Catana at inalala ang magiging kalagayan nito. I can still hear her faint heartbeats at kung matatagalan kami sa pagtalo sa tatlong bagong dating na kalaban, maaring ikapahamak na niya talaga ito! Or worst, mamamatay ito bago pa man makabalik si Sora sa lugar na ito!

"Maddison!" rinig kong sigaw ni Barrett kaya naman ay mabilis akong bumaling sa gawi niya. Ngunit bago ko pa man makita ang kalagayan nito, natigilan na ako noong mabungaran sa harapan ang isa sa tatlong kalaban namin ngayon.

"Maddison Montealegre," anito at nginisihan ako.

Damn it!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top