Chapter 25
"He's not answering!" matamang sambit ko habang humahakbang palabas ng silid. Nasa unahan ko si Storm samantalang nasa likuran naman sina Barrett at Sora. Tahimik lang silang nakasunod sa amin samantalang nag-pa-panic na ako dahil hindi sumasagot sa akin si Val. "Val Isaac's not responding, Sora! Baka kung ano na ang nangyari sa kanya!"
"Don't worry about him, Lady Maddie. Sir Val Isaac can handle himself," sambit nito na siyang ikinangiwi ko na lamang. I know that he can handle himself. Ngunit hindi ko mapigilan ang sarili na hindi mag-alala para sa kanya. George Wilhelm will surely look for him. Siya ang primary target nito. "He'll be fine, Lady Maddie. Ipanatag mo ang sarili mo," muling wika ni Sora sa akin.
Hindi na lang ako nagsalitang muli at nagpatuloy na sa paglalakad. Unti-unting bumabalik na rin ang lakas ko ngayon. Kumpara kanina, mas maayos na ang bawat galaw ko at natitiyak kong kaya ko nang lumabang muli. Marahan akong bumuntonghininga at itinuon na lamang ang buong atensiyon sa daang tinatahak namin.
Nasa isang mahabang pasilyo kami ngayon. Bahagya pa akong napapapitlag kapag may naririnig na malakas na pagsabog mula sa kung saan.
"I can feel someone's presence from the end of this hallway," ani Storm na siyang nagpatigil sa amin sa paglalakad. Binalingan niya ako at bahagyang tinanguhan at inihanda na ang hawak na espada nito.
"Nag-iisa lang ito," imporma naman ni Barrett sa amin na siyang nagpakunot ng noo ko. Paano niya natutukoy ang bagay na ito? Dahil lang sa pakiramdam? Really? "Salubungin na natin ang kung sino mang nasa dulo ng pasilyong ito," kampanteng dagdag pa niya at nakipagpalit ng puwesto kay Storm.
Mas binilisan namin ang paglalakad at noong nasa kalagitnaan na kami ng pasilyo, mabilis kong itinaas ang kanang kamay at gumawa ng wind barrier 'di kalayuan sa pwesto ni Barrett.
Light waves! Napaawang na lamang ang mga labi ko at inihanda na ang sarili sa susunod na mangyayari. Damn! This will be a tough enemy! Hindi isang normal na Agarthian lamang ang nasa dulo ng pasilyong ito!
"That was close," ani Storm at binalingan ako. "Your senses are back, Maddie. Tracking that attack was pretty good move."
Tipid akong tumango sa kanya at itinuon ang atensiyon sa umatake sa amin kanina. Storm was right. Aktibo na lahat ng senses ko ngayon. Idagdag mo pa ang ginawa ni Sora kanina sa liwanag sa may dibdib ko. Hindi ko alam kung anong spell ito pero mukhang nakatulong sa akin. Mas naging sensitibo ako sa lahat, sa paligid ko. I can even feel and hear everyone's heartbeat right now!
Napakuyom ako ng kamao at kinalma ang sarili. I'm not used to this kind of enhanced magic kaya naman ay hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung gawin. Kung ano man itong ibinigay nila sa akin noong sanggol pa lamang ako, gusto ko itong magamit ngayon para walang masaktan sa amin sa labanang ito.
"I can't see the enemy," matamang sambit ni Barrett at tahimik na tiningnan ang hallway kung saan ko naramdaman ang pag-atake ng kalaban namin kanina. Ipinilig ko ang ulo pa kanan at mas pinakiramdaman ang paligid. Mayamaya lang ay natigilan ako. It was our enemy! Mabilis ang pagkilos nito kaya naman ay hindi ko tiyak kung napansin din ito ng mga kasama ko. "But... I can feel its presence. Mas lalong lumalakas ang kapangyarihan nito sa bawat minutong lumipas," dagdag pa ni Barrett na siyang ikinatango ko.
"The enemy is using a rare type of magic. Invisibility," wika ni Sora at itinaas rin ang isang kamay nito. "I'll use dark type magic," dagdag pa niya na siyang ikinangisi ko.
Sora is a high rank wizard. Alam nito ang tamang magic spell na pwedeng gamitin sa kahit anong magic type. Sa sitwasyong mayroon kami, isang light magic user ang gamit ng kalaban namin. And to defeat this type of magic, we need to use the opposite one.
Light and dark type magic.
"Go and attack him, Barrett," ani Sora na siyang mabilis na ikinatango naman ni Barrett. Sa isang kumpas ng kamay ni Sora, mabilis na kumalat ang dark type magic nito sa pasilyo at noong may mamataan kaming kumilos sa kabilang bahagi nang barrier na ginawa ko kanina, agad na sumugod si Barrett doon. I dissolved the barrier I created earlier and let Barrett pass through it.
The sound of sword clashing against each other envelopes my ear. Hindi ko inalis ang paningin sa gawi ni Barrett at noong tuluyang makita ko kung sino ang kalaban nito, natigilan ako.
A Wilhelm! The daughter of Friedrich Wilhelm!
"Georgina Wilhelm," ani Sora habang pinagmamasdan din ang palitan nang atake ni Barrett at Georgina. "She's a S+ class wizard! A high rank wizard. Damn it! Barrett! Be careful!"
Mabilis akong kumilos at hindi na hinayaang pigilan pa ni Sora. Georgina is a S +class wizard! Hindi ito kakayanin ni Barrett mag-isa! Baka ikapahamak pa niya ito! Damn!
Noong makita kong aatakihin n asana ni Georgina si Barrett ay mabilis kong ikinumpas ang kamay ko. I used my wind manipulation magic and push Barrett away from Georgina. Kita kong nagulat si Barrett sa ginawa ko at mabilis na napabaling sa akin. Tumango lang ako sa kanya at nilapitan ang gulat rin na si Georgina.
"Ako na ang bahala sa kanya," wika ko at hinarap si Georgina. "You're a S+ class rank wizard, right?" tanong ko at muling ikinumpas ang kamay ko. She's a light magic user. Masyadong mabilis ang galaw nito kaya naman ay kailangang sabayan at tapatan ko ito nang halos kaparehong magic type.
Wind.
At kagaya nang inaasahan kong gagawin nito, mabilis lang itong nakakailag sa bawat atakeng ginagawa ko. At sa bawat galaw din nito ay gumaganti ito nang atake sa akin. Maingat akong umiilag at noong makakita ako nang pagkakataong lapitan ito, mabilis akong kumilos at sinubukang hawakan ito.
But I failed. Mabilis lang itong lumayo sa akin at nginisihan ako.
"You're not that bad, Maddison Montealegre," sambit ni Georgina at mabilis na itinutok ang espadang hawak nito sa akin. At sa isang pagkurap ko, nasa harapan ko na ito ngayon.
That was freaking fast!
"Lady Maddie!" rinig kong sigaw ni Sora kaya naman ay itinaas ko ang isang kamay para pigilan ito sa binabalak na pagtulong sa akin.
Hindi ko inaasahan ang ginawang pag-atake ni Georgina kaya naman ay hindi agad ako nakakilos sa kinatatayuan ko. Pinagmasdan ko lang ang nakangising mukha nito at seryosong pinagtaasan ng kilay sa kanya.
"Mali yata ang balitang nasagap ko mula sa mga traydor na Montealegre. Mukhang hindi ka isang simpleng Agarthian lamang, Maddison. Nakaya mong makipagsabayan kanina sa akin."
Hindi ko ito sinagot at kinunotan lang ito ng noo. Mga traydor na Montealegre? What does she mean? Hindi lang si Aunt Catana ang trumaydor sa pamilya namin? Bahagya kong ipinilig ang ulo pakanan at inalis sa isipan ang hindi magandang ideyang nabuo roon. There's no way they'll betray us, too!
Kinalma ko ang sarili at matamang tiningnan lang si Georgina. "I'm the heir of the Montealegre Empire, Georgina Wilhelm. Ano ba ang inaasahan mo sa akin?" seryosong tanong ko sa babae at humakbang ng isang beses papalapit sa kanya. I need to do something here. Hindi ako maaring makitaan nang kahinaan ng kalaban namin. Kung kailangan kong maging agresibo, gagawin ko!
Hindi ako natinag sa talim ng espada ni Georgina. Muli akong humakbang pa ng isang beses at bago pa man dumapo sa balat ko ang dulo ng espada ni Georgina, mabilis kong hinawakan ang espada nito. Kita ko ang pagkunot ng noo niya habang nakatingin sa akin. Ngumisi naman ako sa kanya at ginamit ang lightning magic ko na siyang mabilis na ikinabitaw ni Georgina sa espadang hawak niya.
"You can use lightning magic, too?" hindi makapaniwalang tanong niya at umatras ng isang beses palayo sa akin. "Amazing! Now I'm more curious about you, Montealegre. Ito ba ang dahilan kung bakit ikaw ang unang pinili ng aking ama? Cause you're that powerful?"
"Powerful? I don't think so," sambit ko at noong akmang susugurin ko na itong muli, bigla itong nawala sa paningin ko. Napakunot muli ang noo ko at mabilis na hinanap ito sa paligid. Tiningnan ko ang bawat sulok ng pasilyo at noong hindi ko na maramdaman ang kapangyarihan nito, wala sa sarili akong napakuyom ng kamao ko.
She escaped! Seriously? A S+ class wizard escaped from me? Naglolokohan ba kami rito?
"She's gone, Lady Maddie," rinig kong sambit ni Sora sa likuran ko. "Hindi ko maintindihan kung bakit ito biglang umatras pero may hinuha na ako." Sora sighed then held my hand. "We need to leave this place. Baka kung sino pa ang makaharap natin. Georgina is a light magic user, she's strong one. Her father and her brother are another story, Lady Maddie. They're on different level than her. We better move."
"Ikaw na rin ang nagsabing malakas ang pamilyang ito, ang Wilhelm Empire, Sora. Ngayon ay mas kailangan nating mahanap si Val Isaac. George Wilhelm is looking for him. He wanted him dead." Napahugot na lamang ako nang isang malalim na hininga at binalingan ang mga kasama ko. "Hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko masisiguro ang kaligtasan nito."
"Our mission is to protect you, Maddie," ani Storm na siyang ikinatigil ko. "We're here as the representatives of Salvatierra Empire. At ang kaligtasan mo ang top priority namin dito."
"Pero paano si Val? We need to find him-"
"Get down!"
Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin noong biglang sumigaw si Sora at mabilis akong hinigit. Agad akong napaupo at napabaling sa sumabog na bahagi na dingding ng pasilyo. Mayamaya lang ay nagyelo ito kaya naman ay napatingin ako sa pinanggalingan ng atakeng ito.
What the hell?
It was Jeannie Faustino. She's here, too? Really, Wilhelm Empire? Talagang nakuha na nila pati ang Faustino Empire at ang tagapagmana nito!
"Look who's here," matamang sambit ni Jeannie at nagsimulang maglakad papalapit sa amin. Inalalayan naman ako ni Sora hanggang sa makatayo muli nang maayos. Hindi ko naman inalis ang mga mata kay Jeannie habang naglalakad ito nang dahan-dahan papalapit sa pwesto namin. Bahagya pa akong nagulat noong mamataang nagyeyelo ang sahig na nilalapatan ng mga paa nito. Her magic power increased. That's for sure!
"I'll handle this woman," ani Storm at pumuwesto na sa harapan ko. "Umalis na kayo rito at hanapin si Sir Val Isaac. At kung makita niyo siya, lumisan na kayo sa lugar na ito kagaya nang napagkasunduan natin."
"We'll you be okay fighting her alone?" nag-aalalang tanong ni Barrett kay Storm. Bumaling naman ito sa gawi ng kaibigan at tinanguhan ito.
"Trust me, this will be a piece of cake," kalmadaong sagot ni Storm at ako naman ang binalingan nito. "Go, Maddie. Ako na ang bahala sa babaeng ito."
"Be careful. She doesn't fight fair, Storm. At kung kinakailangan, maging tuso ka rin sa labang ito," bilin ko at binalingan na si Sora. Niyaya ko na sila ni Barrett at tinahak na namin ang kabilang bahagi ng pasilyo.
"Val! Can you hear me? Where are you? We're coming for you!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top