Chapter 22
Halos hindi na ako gumagalaw sa kinauupuan ko.
Tahimik ko lang na pinagmamasdan ang mga seryosong mukha ng mga taong nasa loob ng silid. This can't be happening! I know Wilhelm Empire is a powerful empire, but they can't do something like that! They can't attack our empire just because of me or whatever their reasons are! That's against the rules of Agartha! Nahihibang na ba sila?
"Friedrich Wilhelm," mariing sambit ni daddy at kinuyom nito ang kamaong nasa ibabaw ng mesa niya. "He's really going to destroy us."
"Tayo ba talaga ang gusto niyang masira, Kuya?" Tanong ni Uncle Van at binalingan si Val Isaac. "Nakausap mo na ba ang Archmage tungkol dito, Val? Looks like the Wilhelm are just using us, the Montealegre, to destroy the Salvatierra Empire."
Napakunot ang noo ko sa narinig. "Wait," biglang singit ko sa usapan nila. Naguguluhan na ako! "Akala ko ba ako ang pakay ng mga Wilhelm. Kaya nga nagpunta ako sa Salvatierra Empire, hindi ba? And what was that Uncle Van? The Wilhelm wanted to destroy Salvatierra Empire too? Nababaliw na ba sila?"
"To access the authority of the Montealegre Empire, they need the heir or the heiress on their side, Maddie. And that was you, the heiress of our empire. We just want to delay things kaya naman ay ipinadala ka namin sa Salvatierra Empire. Mas ligtas kasi ang lugar na iyon para sa'yo," ani Uncle Van na siyang nagpahawak sa akin sa sintido ko.
"Did it even work? Sa tingin ko kasi ay mas lumala ang sitwasyong mayroon tayo ngayon," mahinang sambit ko at napailing na lamang.
"No, Maddison," wika ni daddy na siyang ikinatigil ko. "It worked, and now we're on the last phase of the plan."
Natigilan akong muli. Plan? Ano na naman ang ginawa ng pamilya ko? Damn it! Things become more complicated here and now, they're telling me about the last phase of their plan! Mga plano nilang wala akong ka-ide-ideya man lang!
"Bringing you to Salvatierra Empire and engaged to Val Isaac was my idea. Kung makakasal ka sa kanya, wala nang pagpipilian pang iba ang mga Wilhelm. They will give up on pursuing you at gagawa sila nang panibagong plano na siyang natuklasan namin noong inatake nila ang grupo nila Val Isaac."
"At ano naman ang natuklasan ninyo, dad?" tanong ko sa ama.
"To end the life of the heir of Salvatierra Empire. That was their next step of getting rid of their enemy."
Napakurap ako. What? Mabilis akong napabaling kay Val Isaac at natigilan noong magtagpo ang paningin naming dalawa.
Val Isaac! He never mentioned this to me! Is this for real? Alam niya ba ang tungkol sa bagay na ito?
"Now they have another target at hindi na ikaw iyon, Maddie," wika ni Uncle Van at humugot ng isang malalim na hininga. "We need to stop them before the Archmage make his move. Hindi niya papalampasin ang bagay na ito."
"Pero... hindi natuloy ang kasal namin ni Val. Bakit naman siya na ang sinunod na target nila?" Naguguluhan tanong ko pa rin sa kanila.
"Ang alam ng buong Agartha ay kasal na kayong dalawa, Maddie." It was my mom who interrupted us. Napako ako sa kinauupuan at mabilis na binalingan ito. "The moment you left Montealegre Empire, your father announced your marriage, and the news reached them, the Wilhelm Empire."
Napaawang na lamang ang mga labi ko. Unbelievable! Really? Hindi ko talaga mahulaan ang mga susunod na gagawin ng aking ama! He's so random and cruel! Paano niya nagawa iyon sa akin? Damn it!
Napailing na lamang ako at ikinalma ang sarili. Fine! Wala na akong magagawa pa sa ginawa ng aking ama. I don't care anymore! May mas mahalaga kaming dapat pagtuonan nang pansin ngayon. I can deal with my marital status after this mess! "How about the one who ambushed Val Isaac's group? The..." I sighed before continuing my statement. Damn! "The mole inside our empire."
Naramdaman kong natigilan sila at matamang tiningnan ako. Napakagat ako ng pang-ibabang labi at bumaling muli kay Val Isaac. Tumango ito sa akin at tumayo mula sa kinauupuan niya.
"Dad, Sir Cassandro, I don't want to disclose this information to you, but I don't have a choice here. Binalaan na ako ng Archmage tungkol sa bagay na ito pero hindi ko hahayaang masira ang kinalakihan kong imperyo," aniya at bahagyang yumuko habang kaharap sila daddy. "Someone from the empire have a direct contact to Friedrich Wilhelm."
Katahimikan. Nobody dared to move or say a word.
Kagaya nang inaasahan ko, alam kong malaki ang tiwala ng mga Montealegre sa miyembro ng pamilya namin. Hindi sila basta-bastang maniniwala sa balitang inilahad sa kanila ni Val Isaac!
"Are you sure about this, Val Isaac?" msatamang tanong ni Uncle Van sa anak at bumaling na rin sa akin. Tumango naman si Val Isaac at umayos muli nang pagkakatayo.
"It was Madam Catana, dad. She was the one who-"
"Val Isaac!" Napatayo ako noong marinig iyon mula sa kanya. No! This can't be real!
"Maddison, seat down," mariing utos ni daddy sa akin ngunit hindi ko ito sinunod. Hindi maaring si Aunt Catana ang babaeng nakita ni Val Isaac! Hindi niya magagawa ang bagay na ito sa pamilya namin! Nagkakamali lang si Val! That was not Aunt Catana!
"She was there when we were ambushed." Pagpapatuloy ni Val Isaac habang nakatingin sa aking ama. "And she even ordered the Wilhelm's men to delivery my dead body to Maddison."
Napaawang ang labi ko at nanghinang napaupong muli sa upuan ko. Mabilis naman akong nilapitan ni mommy at marahang hinaplos ang likod ko. "Calm down, Maddie," mahinang sambit niya na siyang mariing kong ikinapikit ko.
"No," I said, almost whisper. "Not Aunt Catana. She can't do this. She's Catana Montealegre. She just can't-"
"Maddison." Naramdam ko ang paghawak ni mommy sa nanginginig na mga kamay ko. Napadilat ako ng mga mata at tiningnan ang nag-aalalang mukha ng aking ina. "Listen, sweetheart, totoo iyong mga sinabi ni Val Isaac tungkol kay Catana. Your father and I already knew something's wrong with Catana. Even before this problem occurred. And just like you, we tried our best and convinced ourselves that she can't do that to our family. She's Catana Montealegre but, even the elders conducted an investigation about this."
"You knew about this all along?" Naiiyak kong tanong sa ina. "Pero... bakit wala kayong nabanggit sa akin? Bakit, mommy? I'm a Montealegre, too. Dapat ay kahit papaano ay may alam ako sa nangyayari sa pamilya ko."
"To protect you, Maddie," marahang sambit nito at hinaplos ang mukha ko. "Para maprotektahan ka, hindi na namin sinabi sa'yo ang tungkol dito."
"I'm done and tried of this, mom!" bulalas ko na siyang ikinagulat ng aking ina. "I don't need protection! I need the truth! Wala ba kayong tiwala sa kakayahan ko at palaging iniisip niyong dapat palaging protektahan ako?"
"Maddison!" It was daddy. Natigilan ako at mariing ipinikit muli ang mga mata! Damn, emotions!
"Alam niyo rin ang tungkol dito, Kuya Cassandro?" rinig kong tanong ni Uncle Van sa kapatid nito. "Now, tell me, ano pa ang mga hindi niyo sinasabi sa amin?"
Hindi agad nagsalita si daddy kaya naman ay napabaling ako sa kanya. Seryosong nakatingin lang ito sa kapatid niya at humugot muna ng isang malalim na hininga bago magsalita. "It started a year ago. One of my men saw Catana leaving the empire. It was almost midnight; I was worried and asked them to follow her. They saw her talking to a Wilhelm."
"Friedrich," ani Uncle Van at napamura na lamang. "So, their relationship.... damn it, Catana!"
Relationship? Napalunok ako at umayos na lamang muli nang pagkakaupo. "What kind of relationship they have, Uncle Van?" maingat na tanong ko sa kanya. Hindi agad nakasagot si Uncle Van sa naging tanong ko at tumingin muna ito kay Daddy. Mayamaya lang ay bumuntonghininga ito at muling nagsalita.
"They were bound to marry each other before but the Montealegre elders stop them," sagot ni Uncle Van na siyang ikinaawang ng labi ko. Oh my God. "And now... looks like they wanted to have a Montealegre-Wilhelm in this generation. Damn it! This is a mess, Kuya Cassandro! Let's do something and stop her."
"She's Catana Montealegre, Van Angelo. No one can stop her," simpleng sagot ni daddy at binalingan ako. "But we can stop Friedrich Wilhelm."
"The Archmage wants us, the Montealegre, to deal alone with the Wilhelm. Hindi ito makikisali hangga't hindi maaapektuhan ang kung anong kasunduang mayroon ang mga imperyo sa buong Agartha," wikang muli ni Val sa puwesto niya.
"Then let's settle this once and for all," wika ni daddy at binalingan ako. "We're done keeping our heads down, too. It's time to make a move."
"And the plan?" Uncle Van asked my dad. Hindi na ako makasingit pa sa usapan nila. Panay ang baling ko na lamang sa kung sinong nagsasalita sa kanila.
"This time, we don't make plans, Van Angelo. We just go with the flow, attack and win." Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi sa mga naririnig. "Maddison, Val, you two will lead the primary defense of our empire," sambit pa ni daddy na siyang ikinatigil ko. Napatingin ako kay mommy at namataan ko ang pagtango nito sa akin. "Bring Sora with you. She's a high rank wizard. She can help."
Napalunok ako at hindi nakasagot agad sa mga sinasabi ni daddy. So, we're going to a war? Against Wilhelm Empire?
"How about Madam Catana?" Val Isaac asked.
"Van Angelo will handle her," ani daddy at binalingan ang kapatid. "Make sure she can't use her magic while we're on war."
"Yes, Kuya. Duly noted," wika ni Uncle Van at tumayo na rin mula sa pagkakaupo niya.
Napabuntonghininga na lamang ako at tumayo na rin sa kinauupuan. Nasa tabi ko pa rin si mommy at mayamaya lang ay naramdaman ko ang paghawak nito sa kamay ko.
"Let's move and show them what a Montealegre can do," aniya at nginitian ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top