Chapter 20
Val Isaac is back!
He's freaking back! Damn it! Noong tuluyang makalabas na ako sa training room namin ay napamura na lamang ako sa isipan. Hindi ko naitanong kay Storm at Barrett kung nasaan si Val Isaac ngayon! Masyadong malawak ang Salvatierra Empire at natitiyak kong hinding-hindi ko ito basta-bastang mahahanap! Damn me!
Great! I was just too excited to see him and just forget everything!
Napailing na lamang ako at marahang napatampal sa noo. I sighed and started to run again, wherever my feet lead me.
"Lady Maddie!" Bumagal ang takbo ko noong makasalubong ko si Sora sa hallway. Mabilis itong lumapit sa akin at pinagmasdan ako nang mabuti. "Ayos ka lang ba? I've heard about what happened, Lady Maddie. Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong nito sa akin. Napakunot ang noo ko sa mga naging tanong nito sa akin. Hindi ko agad nakuha ang mga naging tanong niyo ngunit noong maalala ko ang nangyari kanina sa may hardin ng imperyo, iyong pagbisita ni Jeannie Faustino rito sa Salvatierra Empire, inilingan ko na lamang ito.
"I'm fine, Sora," sagot ko sa kanya at nagsimula na namang ihakbang ang mga paa. "Storm and Barrett told me about their mission. It was Val Isaac!"
"Sir Val Isaac?" takang tanong nito sa akin at sinundan ako. "Alam kung may mga grupong nagbalik ngayon dito sa Salvatierra Empire ngunit hindi ko alam na isa sa kanila ay ang grupo ni Sir Val!"
"Pero iyon ang sinabi ni Storm sa akin, Sora! Val Isaac is back!"
"Sa main building tayo ng Salvatierra Empira, Lady Maddie. Natitiyak kong naroon ito kung tunay ngang nakabalik na siya galing sa misyon nila!" Binalingan ko ito at mabilis na tinanguhan. Right! Mukhang tama ang hinuha ni Sora! Kung talagang nakabalik na ito, malamang ay magtutungo muna ito sa kanyang ama para ibalita sa kanya ang tungkol sa nangyari sa misyon nila!
Lakad-takbo ang ginawa namin ni Sora hanggang sa marating namin ang main building ng Salvatierra Empire. Ilang hakbang na lamang ang layo namin mula sa pinto ng gusali ng Salvatierra Empire noong biglang bumukas ito at lumabas doon ang matagal ko ng hindi nakikitang Agarthian.
"Val." Halos walang tinig kong sambit sa pangalan nito. I froze where I'm standing. Ramdam ko ang paninitig ni Sora sa akin ngunit hindi ko na ito binigyan pansin pa. Nakatuon lamang ang paningin ko sa nakatingalang Val Isaac. I saw him sighed then close the door behind him.
Tila napako ako sa kinatatayuan ko. Gusto kong takbuhin ang distansyang mayroon kami ngunit hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko!
"Babalik na ako sa building natin, Lady Maddie," paalam ni Sora na siyang bahagyang ikinatango ko na lamang sa kanya. Gusto kong magsalita ngunit ayaw gumalaw ng mga labi ko!
I feel completely weak! Damn!
"Val Isaac," mahinang tawag ko sa kanya na siyang mabilis na ikinalingon nito sa gawi ko. Kita ko ang pagkagulat nito noong magtagpo ang paningin naming dalawa. Umawang ang labi ni Val at mabilis na lumapit sa akin. And in a snap, nasa harapan ko na ito. At akmang ngingitian ko na sana ito noong mabilis niya akong hinila papalapit sa kanya at niyakap nang mahigpit.
"Maddison," mahinang sambit nito sa pangalan ko habang yakap-yakap pa rin ako nang mahigpit.
"Val." I said his name again. "You're b-back."
"Yes, Maddison," aniya at mas humigpit ang yakap nito sa akin. "I'm here. I'm back."
Napatango na lamang ako at gumanti sa yakap niya. "Bakit ngayon ka lang? Bakit natagalan ka sa misyon ninyo, Val? Ba't ang tagal mong makabalik? Damn it! Pinag-alala mo ako!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili. Mayamaya lang ay naramdaman kong muli ang paghigpit nang yakap ni Val sa akin.
"I'm sorry, Maddison. I'm really sorry. But I'm back now, and I will not leave you again."
Natigilan ako sa narinig. "R-really?" halos walang lakas kong tanong dito. Tumango sa akin si Val kaya naman ay tahimik na lamang akong nagpasalamat dahil nakabalik na talaga ito mula sa misyong ibinigay ng Archmage sa kanya.
"Pasensiya na at natagalan akong makabalik. The mission... damn," bulalas nito at humiwalay na nang yakap sa akin. "Kahit anong mangyari, proprotektahan kita, Maddison."
Napakunot ang noo ko sa narinig. Kahit noong mga bata pa kami, palagi kong naririnig mula kay Val ang mga katagang iyan ngunit may kung anong magpapangamba sa akin ngayon. His emotion while saying those words are different from before. Something's wrong with him.
"Val-"
"Kailangan nating makabalik na sa Montealgre Empire." deklara nito na siyang ikinaawang ng labi ko. Napakurap ako at umayos nang pagkakatayo.
"What?" Halos walang tinig na tanong ko sa kanya. Mas lalo akong naguluhan sa mga nangyayari. "Why so sudden, Val? Huwag na muna tayong bumalik sa Montealgre Empire. Kakabalik mo pa lamang galing sa misyon mo! You need to rest first!"
"We don't have much time left, Maddie," anito at marahang hinaplos ang pisngi ko. "The Montealegre Empire needs us. We need to leave this place as soon as possible."
"What do you mean, Val?" kinakabahang tanong ko habang hindi inaalis ang paningin sa kanya. May nangyari ba sa Montealegre Empire? Damn it! Isang buwan na rin akong walang balita sa imperyo namin at kung may masamang nangyari nga roon, kailangan na nga naming makabalik doon sa lalong madaling panahon! "What is it, Val Isaac? Tell me. Anong nangyayari sa Montealegre Empire?" ulit na tanong ko noong hindi sumagot si Val sa naging tanong ko sa kanya kanina. Mataman lang itong nakatingin sa akin at marahang hinahaplos muli ang mukha ko.
Seconds passed; Val Isaac didn't utter any words. Mas lalo akong nangamba sa totoong estado ng imperyong iniwan ko.
"Val, ano bang-"
"I missed you," biglang sambit nito na siyang ikinaawang ng labi ko. What the hell? "I missed you even you're in front of me right now."
"Val, ano bang..." Hindi ko na natapos pa ang dapat na sasabihin ko noong mabilis akong hinalikan ni Val sa labi. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya at halos hindi na huming. Segundo lang din ang lumipas, inilayo na nito ang labi mula sa akin.
"Breath, Maddison," marahang utos niya habang hindi inilalayo sa akin ang mukha nito. "Damn!" bulalas niyang muli at muling isiniil ako nang mababaw na mga halik.
What the hell is wrong with him? Why is he kissing me right now?
Gulong-gulo na ako! Hati ngayon ang emosyong nararamdaman ko. I'm happy because Val is back, but I need some answers from him, too! He told me that Montealegre Empire needs us, and I need to know the reason why he told me that! Kailangan ko ngayon ng mga sagot sa tanong ko at hindi ang halik niya!
Mas lumalim ang halik ni Val sa akin kaya naman ay naging blanko na ang pag-iisip ko. I was about to kiss him back when we heard some footsteps. Mabilis kong hiniwalay ang mukha kay Val Isaac at masamang tiningnan ito. Kita ko ang tipid na ngiti nito sa akin at mabilis na binitawan ang mukha ko. He immediately grabs my right hand and started walking away from the Salvatierra Empire main building.
"Ipapahanda ko na kay Sora ang mga gamit mo. Ngayong araw din tayo aalis sa imperyong ito," saad nito habang hila-hila pa rin niya ako.
Right! Kailangan nga pala naming umalis ngayon! Ano ba kasing nangyayari sa Montealegre Empire? Hindi pa niya ako nasasagot dahil inuna pa niya ang halikan ako kanina! Really, Val Isaac?
"What's really happening, Val?" Nagawa ko pa ring itanong ito sa kanya kahit ang malambot na labi pa rin nito ang nasa isip ko. Damn it! Bakit niya ba kasi ako hinalikan? If he missed me like he declared, dapat nagsawa na lang ito sa pagmumukha ko! Why kissed me like that? Minsan talaga'y hindi ko rin makuha kung ano ba ang tumatakbo sa utak ng lalaking ito! He was so random! And kissing me earlier was a puzzle to me! Damn it!
"I've already had a permission from the Archmage, Maddison. Babalik na tayo sa Montealegre Empire at-"
"Val!" pasigaw na sambit ko sa pangalan nito na siyang ikinatigil niya sa paglalakad. Mabilis itong bumaling sa akin at matamang tiningnan ako. "Calm down, okay," sambit ko pa at tiningnan ang kamay nitong hawak-hawak ang kamay ko. I can feel his cold hand on my skin. At ngayong tumigil na kami sa paglalakad, ramdam ko ang tensiyon ng katawan nito. He's not in a good shape now. May mali talaga sa kinikilos ni Val ngayon.
"What's wrong with you, Val?" tanong kong muli sa kanya at hinawakan ang malamig na kamay nito. Slowly, I caressed his hand and looked at his eyes again. "You can tell me everything, Val." I silently nod at him. "Now, tell me. Bakit kailangan nating bumalik sa Montealegre Empire? How about the plan? The wedding?"
"Change of plans, Maddison," matamang sagot nito na siyang ikinakunot ng noo ko.
"What?" naguguluhang tanong ko pa rin sa kanya. Nagbago ang unang plano ng mga pamilya namin? "Bakit?" pahabol na tanong ko habang hindi inaalis ang paningin sa kanya.
"There's a mole inside the Montealegre Empire," he answered while looking directly to my eyes. "And I'm afraid that someone is a part of the family, Maddison."
No way! That's impossible!
"Are you sure about that, Val? That's... impossible!" Binitawan ko ang kamay nito kaya naman ay mabilis na hinawakan akong muli ni Val. Umatras ako ng isang beses ngunit segundo lang ay mabilis niya akong pinigilan sa pagkilos palayo sa kanya. Napailing na lamang ako. "You can't be serious, Val Isaac. Kilala mo ang mga Montealegre! You grew up with them! Kahit hindi nila ako tanggap, alam kong hindi nila ipapahamak ang isang miyembro ng pamilya!"
"Maddie, listen to me," ani Val at muling sinakop ng mga kamay nito ang mukha ko. "My mission was about the Wilhelm Empire," dagdag nito na siyang ikinatigil ko. The Wilhelm Empire? "Alam ng Archmage na may mali sa pag-propose ng ama mo sa kasal nating dalawa. But, the Archmage can't say no to Sir Cassandro Gabriel, and proceed with the wedding plan."
Hindi ako nakapagsalita at pinakinggan na lamang ang mga salitang binibitawan ni Val Isaac.
"Kahit ako ay hindi kampante sa naging desisyon ng ama mo. I tried to talk to the Archmage and he gave me that mission. The Wilhelm Empire. And when we arrived there, I managed to have a conversation with the heir of the Wilhelm Empire, George Wilhelm. I tried to get some information from him, but he doesn't even know the plan of his father. Looks like, it's all about Friedrich Wilhelm. Siya lang ang may nais na makuha ka."
"And about the mole inside my empire?" Hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko. I don't care about the Wilhelm Empire! Mas mahalaga sa akin ang kaligtasan ng pamilya ko! Damn it! He can't conclude something like this! Oo nga't hindi lahat ng Montealegre ay tanggap ako bilang susunod na mamumuno ng buong imperyo pero hindi nila magagawang talikuran ang pamilya namin! The elders will surely be mad when all of this accusation is true!
"I saw a Montealgre before we leave that empire, Maddison. I saw her before they ambushed us."
What the hell? They were ambushed during their mission. Seriously?
"And she even makes sure that I'll return to you as a corpse."
I froze where I'm standing.
This can't be true!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top