Chapter 2

Tamad akong nangalumbaba habang pinapakinggan ang mga itinuturo ni Hera sa akin.

Hera is my teacher. Mula pagkabata, si Hera ang nagtuturo sa akin para naman maging karapat-dapat akong tawaging isang Montealegre sa sariling imperyo ng pamilya namin. Araw-araw, walang sawang tinuturuan ako ni Hera. Mas lamang pa nga ang oras na magkasama kaming dalawa kaysa sa mga magulang ko. And I don't mind anyway. Mas gusto ko pang magsayang ng oras sa kanya kaysa naman makinig sa walang tigil na pangangaral sa akin ng sariling ama.

"Maddie." Narinig kong tinawag ako nito kaya naman ay napaayos ako nang pagkakaupo. "Are you listening, young lady?" Ngumiwi ako dito at umiling. Kita ko ang pagbuntonghininga nito at naupo sa bakanteng upuan sa harapan ko. "Alam mo kung gaano kahalaga ang pagsusulit mo sa makalawa, Maddie. You need to focus here. Isantabi mo muna ang ibang bagay at ituon mo ang buong atensiyon sa itinuturo ko sa'yo."

"I know, Hera," turan ko at binalingan ang librong nasa harapan. "I'll pass it. Kahit na ganito ako ngayon, alam kong makakapasa ako," labas sa ilong na wika ko. I'll pass? I doubt it.

"Maddie, nandoon lahat ng mga Montealegre. Kailangan mong ipakita sa kanila na ikaw ang karapat-dapat na tagapagmana ng angkang ito."

Napakagat ako ng pang-ibabang labi sa tinuran nito. Bigla akong pinanghinaan ng loob dahil sa pinagsasasabi nito sa akin ngayon. "What will happened If I failed?" mahinang tanong ko sa kanya. "Itatakwil ba ako nang angkang ito?" wala sa sariling dagdag ko pa. I doubt it again. Kung talagang nais akong itakwil ng sariling pamilya ko, dapat noon pa lang ay ginawa na nila iyon.

"You are a Montealegre, Maddison. Sa ayaw at sa gusto nila, isa kang Montealegre. Claimed it."

Napaangat ako nang tingin dito. Bahagyang ngumiti si Hera sa akin at tinanguhan ako. Napakuyom ako ng mga kamao at lakas loob na tumayo mula sa pagkakaupo.

She's right. Kahit na hindi ako kasing lakas ng ibang miyembro ng imperyo namin, isang Montealegre ako. Kahit na hindi ko makontrol ang kapangyarihan ko nang maayos, still, dugong Montealegre pa rin ang nananalaytay sa mga ugat ko.

"Let's try it again," wika ko at pumuwesto na sa gitnang bahagi ng silid. Itinaas ko ang kanang kamay ko at ipinikit ang mga mata. Humugot ako ng isang malalim na hininga at ikinalma ang sarili. Relax, Maddie. Relax and let your own magic flow.

Mayamaya lang ay naramdaman ko na ang eneryihang unti-unting namumuo sa kamay ko. Wind. Humugot muli ako ng isang malalim na hininga. Segundo lang ay ikinumpas ko na ang kanang kamay pakanan at bahagyang lumakas ang ihip ng hangin sa loob ng silid na kinaroroonan namin. Napalunok ako.

I sighed again as I focused on my training. Mayamaya lang ay naramdaman ko ang biglang panghihina ng katawan ko pero tiniis ko ito. Kailangan kong matapos ito! This is my last chance to prove them my worth. My last chance.

Sa pagkakataong ito, ang kaliwang kamay ko naman ang itinaas ko. Fire. Isang nakakapasong elemento naman ngayon ang lumulutang sa palad ko. Wind and fire element. I can summon both elements, but I can't fully control them! Come on, Maddison. Kaya mo ito!

"Focus, Maddie!" Rinig kong sigaw ni Hera 'di kalayuan kay naman ay napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at ipinagpatuloy ang paglabas ng enerhiyang halos ikawala ko na ng lakas.

"Damn!" I cried as my knees turns into jelly.

"Endure, Maddie!" Hera shouted again. "Move your hands now!"

Move! Move! Move them, damn it!

Gamit ang natitirang lakas, ikinumpas ko ang mga kamay ko at noong pinagtagpo ko ang dalawang palad ay bigla akong tumilapon dahil sa lakas ng impact ng dalawang elementong kinontrol ko kanina! Damn it!

"Maddie!" Mabilis na dinaluhan ako ni Hera. Napakurap ako at napangiwi na lamang noong maramdaman ang matinding sakit sa katawan. Mayamaya lang ay napailing ako dahil sa biglaang pagkahilo. Muling nagtanong si Hera sa kalagayan ko at hinawakan ang dalawang kamay ko. Segundo lang din ay mabilis niyang binitawan ang mga kamay ko. "The hell!" bulalas bigla nito at napaatras palayo sa akin.

"What's wrong?" nahihirapan kong tanong dito at pilit na itayo ang sarili mula sa pagkakasalampak sa konkretong sahig ng silid.

"Ang mga kamay mo, Maddie," she said then pointed out my hands. Kunot-noo akong napatingin sa tinutukoy niya at mayamaya lang ay kusang lumaki ang mga mata ko noong makita ang enerhiyang lumalabas mula sa magkabilang kamay ko.

"W-what the-"

"A lightning," ani Hera kaya naman ay wala sa sarili akong napatingin ako sa kanya. "You possess a lighting magic, Maddison!"

Napatanga ako at muling napatingin sa mga kamay. "That's impossible!" bulalas ko at itinaas ang kamay. "Oh my God," napaawang na lamang ang mga labi ko. Paano nangyari ito? How come I possessed this kind of magic? Yes, Montealegres are powerful Agarthians pero hanggang pagkontrol lamang ng apat na elemento ang kaya naming gawin!

"Kailangang malaman to ng mga magulang mo, Maddie! They'll be surprised!" Natigilan ako sa sinabi ni Hera. Biglang nawala ang kasiyahang naramdaman ko kanina at noong unti-unting nawala ang enerhiya sa mga kamay ko, marahang ibinaba ko na ang mga ito at inilingan si Hera.

"Hera," maingat kong tawag sa pangalan nito at matamang tiningnan ito. "Can you do me a favor?" Bumuntonghininga ako at nilapitan ito sa kinatatayuan niya. "Let's keep this a secret. Ayaw kong umasa ang mga magulang ko."

"Maddie-"

"This magic... ngayon lang natin natuklasan ito. Hindi ko alam kong makakabuti ba ito sa akin o hindi. I don't want them to expect something from me, Hera. Kilala mo sila, lalo na ang aking ama. He wanted me to be someone like him. Someone who can surpass his magic."

"You already did, Maddison. You possess something they always wanted to have! A rare element Sapat na iyon para makita nila ang lahat nang pinaghirapan mo! You deserved to be recognized by them, lalo na ang ama mo!"

Napangiwi ako at napailing na lamang sa kanya. "Still, can we keep it a secret?" muli kong sinubukang pakiusapan si Hera. I know her loyalty will be forever on my father's side, but I'll try to ask her a favor. Sana ay pagbigyan niya ako. "I'll promise to you, gagawin ko ang lahat para ipakita sa pamilyang ito na karapat-dapat akong tawaging isang Montealegre."

Katahimikan. Hindi kumibo si Hera at mataman niya lamang akong tiningnan. I bit my lower lip as I saw her nod and agree with my request.

Pagkatapos ang pagsasanay ko kasama si Hera ay bumalik na ako sa aking silid. Pabagsak akong nahiga sa kama at marahang itinaas ang kanang kamay.

"Maddison, you are the future of this empire. Just unleased your own magics and protect this family."

Iyon ang mga katagang iniwan sa akin ng yumao kong lolo. My father's dad, the great emperor of Montealegre Empire. Bago ito mamaalam ay kinausap niya ako nang masinsinan. He told me unleased my magics. He told me protect our family. And today, I unleased one of my magic. Lighting, a rare element in our empire. Ito na marahil ang sinasabi ni lolo sa akin. Pero... bakit ngayon ko lang nagagamit ang mga ito? I've been doing my trainings since I was a little girl. Kahit ang pag-manipulate ng mga elemento na siya pangunahing mahika na mayroon ang angkan namin ay hirap na hirap ako! Ngayon ay nadagdagan pa ako ng isang proproblemahin! Can I control this rare magic?

"Maddison, can you hear me?"

Napakunot ang noo ko noong marinig ang tinig ni Val sa isipan ko. I closed my eyes and tried to find where he is. "Yes, I can hear you, Val," sagot ko sa kanya at ipinadala sa hangin ang mensahe para sa lalaki. This is one of the best things of having our abilities to control the elements. We can communicate through this. At ang isang Montealegre lamang ang kayang gawin ito.

"Come here."

Napakunot lalo ang noo sa sinabi nito. "Hindi ako maaring lumabas ng mansyon, Val. Alam kong alam mo iyon." Napairap ako sa kawalan. Ano na naman ba ang kailangan sa akin ng lalaking ito?

"Then open your door." Napaupo ako mula sa pagkakahiga dahil sa tinuran niya. Mabilis akong napabaling sa nakasarang pinto ng silid ko at matamang tiningnan ito. He's here? Nasa labas ito ng silid ko? "Move, Maddie."

Napairap na lamang akong muli noong marinig ang seryosong tinig nito. Val Isaac Montealegre is being bossy right! Tumayo na ako at naglakad patungo sa pinto ng silid ko. Agad kong binuksan ang pinto at napataas na lamang ang isang kilay noong makakita ako ng isang pulang rosas na palutang-lutang sa harapan ko.

"Congratulations, Maddie. I've heard you've done something great today."

"W-wait." Napatanga ako sa sinabi nito. "Hera told you about it?"

"Not exactly." I've heard him chuckled. "I saw how happy she was earlier and just told me that you've achieved something big today. I hope it was a good one, though." Natawa itong muli.

Napangisi ako.

Sa lahat ng miyembro ng Montealegre Empire, si Val ang pinakamalapit sa akin. He's five years older than me. He's a Montealegre... a Montealegre like me.

I sighed and smiled weakly. Kinuha ko na ang bulaklak at inamoy ito.

"Thanks, Val," I sincerely said. Umatras ako at isinara na ang pinto ng aking silid. "Pero sana ito na ang huling bulaklak na ibibigay mo sa akin."

"Why? You don't like it?"

Umiling ako kahit hindi naman niya ako nakikita. Hindi na ako sumagot sa naging tanong niya at isinara ng muli ang pinto ng silid ko. I sighed.

No. I liked it, Val. It's just... I don't like the feeling.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top