Chapter 15
"Lady Maddie!" Napabaling ako kay Sora noong tawagin niya ako. Tipid akong napangiti sa kanya at tinanggap ang baso ng tubig na inalahad nito sa harapan ko. Nagpasalamat ako rito at marahang ininom ito.
I tried to calm myself.
Kanina pa ako nakaupo rito sa isang pribadong silid sa mismong tahanan ni Archmage Quiro. Val Isaac and the Archmage are now having a conversation about what happened earlier at the Masquerade Ball. Hindi muna nila ako pinabalik sa building kung saan naninirahan ang mga VIP at isinama lang muna ako ni Val sa tahanan ng ama. Mabuti na lamang ay nagtungo agad dito si Sora. Kahit papaano ay naging panatag ako dahil sa presensya nito.
"Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos matanggap na nagawa iyon ng isang high class wizard." Natigilan ako noong marinig ko iyon mula kay Sora. "Ang kapangyarihang mayroon tayo ay dapat ginagamit sa pagprotekta sa sarili at sa mahihina at hindi kayang makipaglaban na Agarthians. Hindi para gumawa nang kasamaan at pumatay."
Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at matamang tiningnan ito. "Kilala mo ba ang wizard na iyon, Sora?" maingat na tanong ko sa kanay. Kita kong tumango si Sora kaya naman ay napaayos ako nang pagkakaupo at hinarap ito.
"Isa siya sa naging kaibigan namin ni Kisha noong nag-aaral pa kami sa lugar na ito. Christian Klaus... He was a good and powerful wizard. He excelled all the examinations and trainings when he was still a student here."
Wala sa sariling napatango na lamang ako sa mga tinuran ni Sora.
"The hex," sambit ko na siyang ikinatigil nito sa harapan ko. "That was one of the dark magic created by a Warlock. A dangerous type of magic. If Christian Klaus was a good wizard as you claimed, then why did he used that type of magic?"
"Anyone can use any type of magics, Lady Maddie. Wizards are born to manipulate magics. Lalo na kung isang high rank wizard ka," anito na siyang nagpakunot ng noo. "And besides, dark magics are being taught here. Salvatierra Empire allowed us, the S+ and S class wizards, to trained and learned about the basics and true purpose of having that kind of magic in our world."
Natigilan ako. What? Itinuturo sa imperyong ito ang ganoong klase ng mahika? Oh my God! Hindi ko alam ang tungkol sa bagay na ito! Sa Montealegre Empire kasi, mas nakatuon kami sa paggamit ng mga elementong nakapalibot sa amin. That's our main magic in our empire. Ni hindi ko nga naisip ang tungkol sa mga dark at evil magics na nag-e-exist pa sa buong Agartha!
"To balance the magic in this world, someone must know how to use different types of magic, including the dark one," dagdag pa ni Sora na siyang ikinahugot ko na laman muli ng isang malalim na hininga.
"Tell me, Sora, anong klaseng lugar ito? Anong mayroon sa Salvatierra Empire?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Masyadong misteryoso ang lugar na ito. Mas malala pa ito kumpara sa sariling imperyo ng pamilya ko!
"Everything, Lady Maddie. This place has everything."
Hindi na ako nakapagsalita pa sa harapan ni Sora. Tila lalong sumakit ang ulo ko sa pinag-uusapan naming dalawa. Ngayon ay hindi na ako kampante sa naging desisyon ko. Mali bang narito ako sa lugar na ito? Mukhang mas magiging ligtas pa yata ako kung nanatili na lamang ako sa Montealegre Empire! Damn it!
Mayamaya lang ay bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan namin ni Sora at tahimik na pumasok si Val Isaac. Napatayo ako at mabilis na nilapitan ito sa puwesto niya.
"How is it? Anong sabi ng Archmage?" agad kong tanong sa kanya.
"You'll stay here for the meantime," ani Val at binalingan si Sora sa likuran ko. "Sora, you'll stay in this place, too. Ikaw ang gagamit sa kuwartong katabi nitong silid na ito. "
"Yes, Sir Val," mabilis na wika naman ni Sora at nagpaalam na sa amin ni Val Isaac. Tatawagin ko pa sana ito ngunit mabilis na itong nakalabas sa silid na kinaroroonan namin. At noong kami na lamang ni Val ang nasa silid, napabaling akong muli sa kanya noong humugot ito ng isang malalim na hininga. Tahimik ko lang itong pinagmasdan at nang magsalita itong muli, napako ako sa kinatatayuan ko.
"Your parents will visit tomorrow. Looks like nakarating sa kanila ang nangyari kanina."
"Really? Ang bilis namang makarating sa kanila ang balitang iyon," hindi makapaniwalang sambit ko. "Ano naman ang gagawin nila dito? Wala namang masamang nangyari sa akin."
"Hindi lang ang mga Montealegre ang pupunta bukas, Maddison. Ang iilang leaders din ng ibang imperyo ay paparito sa Salvatierra Empire. They will help us with the investigation."
"Investigation?" takang tanong ko naman sa kanya. "Nahuli na si Christian Klaus, Val. Ano pang imbestigasyon ang gagawin niyo?"
"You're aware about the dark magic, right?" he suddenly asked me, and I silently nod at him. "And you also know about the Warlocks."
"And what about them? You're going to investigate that group of wizards? Val, that's dangerous!" bulalas ko sa harapan nito.
Warlock! They're the one who created the hex! Mapanganib silang kalaban! Hindi lang isang itim na kapangyarihan ang kaya nilang gamitin!
"But we don't have a choice here, Maddie. Looks like they trade the hex and gained something from Christian Klaus. He was a powerful wizard. Hindi natin alam kung ano ang kapalit ng hex na ginamit nito sa Masquerad Ball kanina," matamang sambit ni Val Isaac na siyang ikinabuntonghininga ko na lamang. Napangiwi ako at napailing na lamang sa kanya.
"I'll lead the team," dagdag pa nito na siyang ikinaawang ng labi ko. "The Archmage assigned me to lead the investigation about this incident."
"Val-"
"Kapag magsimula na ang imbestigasyon namin, mawawala ako ng ilang araw, Maddison. Hindi ako basta-bastang makakabalik sa lugar na ito hangga't hindi pa kami natatapos sa misyong ito. Si Sora lang muna ang bahala sa'yo rito. I'll assigned some well-trained wizards to guard you. Wala kang dapat ipag-alala."
Muli akong napailing at umayos nang pagkakatayo sa harapan niya. "No! Sasama ako sa'yo!" mariing sambit ko na siyang ikinatigil ni Val Isaac. "I can't just stay here, Val. Isama mo na ako sa misyong ito."
"Ikaw na ang nagsabing delikado ang mga Warlock, Maddison. Sa tingin mo ba isasama kita sa ganitong misyon? No. You'll stay here and wait for me."
"Pero-"
"Remember this, Maddison, I accepted this mission para mas mapangalagaan ka," matamang sambit nito na siyang ikinayuko ko. "I'll do everything for you, Maddison. Hindi natin alam kung talaga bang ang tagapagmana ng Dominica Empire ang target nito. We can't just let this go. Ito ang unang pagkakataong nagkaroon nang pag-atake sa loob mismo ng Salvatierra Empire, at nasakto pang nandito ka sa imperyong ito. The Archmage won't let them off the hook."
"Alright," mahinang tugon ko at kinagat na lamang ang pang-ibabang labi. Mukhang seryoso talaga sila sa misyong ito. Kung magpupumilit ako sa nais ko, paniguradong magiging sagabal lang ako sa kanila. Wala rin naman akong maitutulong na kahit ano sa misyong ito. I'm not powerful as Val Isaac. Kulang pa ang pagsasanay ko para mapantayan ang kapangyarihang mayroon ito ngayon! At kung isasama niya ako at magkaproblema habang nasa misyon kami, hindi ko alam kung kaya ko bang ipagtanggol ang sarili ko!
"Maddison."
"Yes?" wala sa sarili kong tugon sa pagtawag nito sa pangalan ko at tiningnan muli ito. Second passed, I froze when I saw the emotion in his eyes. Napakagat ako ng labi lalo at napapikit na lamang noong hawakan nito ang pisngi ko.
"After this, we'll start preparing our wedding. Wait for me," mahinang sambit nito at hinalikan ako sa may noo ko. Napamulat ako ng mga mata ko at bahagyang itinango ang ulo sa kanya.
"I'll wait for you," I said, almost a whisper. Mayamaya lang ay halos hindi ako huminga noong yakapin niya ako.
"I love you." He declared. Napaawang ang labi ko sa narinig. Shit!
"Val-"
"I'm going," mabilis na wika niya at binitawan na ako. Napakurap ako sa ginawa nito at hindi agad nakapag-react sa mga nangyayari. "Magpahinga ka na. Maaga ang alis namin bukas. I know that you're not a morning person kaya baka hindi na ako makapagpaalam sa'yo bukas."
"Gigising ako nang maaga!" mabilis na wika ko sa kanya. Kita kong ngumiti ito kaya naman ay napangiti na rin ako sa kanya. "I'll send you off tomorrow, Val."
"Alright," aniya at muling hinaplos ang mukha ko. "Magpahinga ka na."
Tumango na lamang ako sa kanya at muling napakagat na lamang ng labi noong bitawan at talikuran na niya ako. Tahimik kong pinagmasdan si Val hanggang sa tuluyan na itong nakalabas sa silid na kinaroroonan ko. I sighed.
Napaupo na lamang ako sa gilid ng kama at wala sa sariling napahawak sa noo kong hinalikan nito. Tipid akong ngumiti at napailing na lamang.
I know Val Isaac was a natural sweet person. Mga bata pa lang kami ay ganoon na ang trato nito sa akin. He's strict, yes, but I know he's soft when it comes to me. At noong nalaman kong hindi naman talaga isang tunay na Montealegre ito, lahat nang ginawa nito sa akin noon ay biglang nagkaroon ng mga kahulugan. The way he talked, the way he looked at me and cared for me before, lahat ng iyon ay naging mas malinaw sa akin.
I sighed again. He cared for me not because I'm a Montealegre, his family, but because he felt something for me.
Hindi ko alam kung nakatulog ba ako buong magdamag o hindi. Nakatunganga lang ako sa kisame ng silid at bago pa sumikat ang araw, mabilis akong bumangon sa kinahihigaan ko at nag-ayos ng sarili. Minuto lang ang inilaan ko sa paghahanda at noong matapos na ako, lumabas na ako sa silid na kinaroroonan. Tila nagulat pa nga ang dalawang taga-bantay ko noong mamataan akong lumabas sa silid ko.
"Lady Maddison," bati ng isa at binalingan ako. "Where are you going?"
"Val Isaac." Iyon lang ang isinagot ko at nagsimula nang maglakad palayo sa kanilang dalawa. Ngunit hindi pa ako nakakalayo sa dalawang guard ko ay natigilan na ako noong marinig ang pagtawag ni Sora sa akin.
"Lady Maddie!" Napatingin ako sa gawi niya at namataan itong nagmamadaling lumapit sa akin. "Where are you going?" she asked me while looking at me intently.
"Kay Val. Ang sabi nito kagabi ay maaga ang alis nila para sa misyong ibinigay ng Archmage sa kanila."
"Lady Maddie-"
"Samahan mo na ako, Sora. I'm not comfortable with the guards. Mas mabuting ikaw ang kasama ko," sambit ko sa kanya at tinalikuran na ito. Muli akong humukbang ngunit mabilis din namang natigilan noong hawakan ako ni Sora sa braso.
"Lady Maddie, wala na si Sir Val sa Salvatierra Empire," aniya na siyang mabilis na ikinatigil ko. "After your conversation with him last night, his team leave the palace."
Napaawang ang labi ko sa tinuran nito. What? Paanong nangyari iyon? Ang sabi nito sa akin kagabi ay ngayong umaga sila aalis sa imperyo! Kaya nga ay maaga akong bumangon para makita ko ang pag-alis nito! Damn it, Val Isaac!
"He told me to train and take care of you while he's gone, Lady Maddie."
Unbelievable! How can he do this to me? Iyon pa talaga ang inalala niya?
Val Isaac! Damn it!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top