Chapter 14
"Val," tawag ko kay Val Isaac sa tabi ko noong may iilan pang mga guwardiya ang pumasok sa loob ng event hall. Isinara nila ang malaking pintuan at naglagay ng barrier sa loob at labas ng kinaroroonan namin ngayon.
Damn! This is not good. Someone killed an heir from an empire! Paniguradong malaking gulo ito ngayong gabi sa buong Salvatierra Empire! Sino naman kaya ang maglalakas loob na gawin iyon dito sa lugar ng Archmage? This is insane!
"Relax, Maddison. I'm here," anito at seryosong tiningnan ang mga high rank wizard na ngayon ay nag-uusap sa entablado. Mabilis na natigil ang dapat na programa ngayong gabi at itinuon na nila ang buong atensiyon sa pagkamatay ng tagapagmana ng Dominica Empire. I sighed. Ano na ang gagawin nila ngayon? Masisira ang reputasyon ng Salvatierra Empire dahil sa nangyari ngayong gabi! Marami ang VIP ang nandito ngayon sa imperyong ito. They're here to be protected, not to be killed by someone inside this place!
"Listen everyone!" Natigilan ako noong marinig ang boses ni Irish. Napatigin ako sa puwesto niya at napakunot na lamang ang noo noong mamataang may hawak itong baso. Katulad ito ng basong nasa mesa namin kanina. Iyong naglalaman ng alak na dapat ay nainom ko na rin! "Someone put a poison here," aniya na siyang ikinagulat ng lahat. Hindi naman kami nagbigay ng reaksiyon ni Val sa sinabi nito at matamang tiningnan lamang ang High Priestess. "Hex," dagdag pa ni Irish na siyang lalong ikinagulat ng lahat. "I will cast a spell to eliminate the bad spell within this hall. Please, cooperate."
"Val," mahinang tawag ko sa pangalan niya at hinigpitan muli ang pagkakahawak sa kamay niya.
"It's okay," anito at marahang binalingan ako. "Hindi tayo uminom nang inihandang alak sa pagtitipong ito. Hindi tayo maaapektuhan ng spell ng High Priestess."
Napalunok ako at bumaling muli sa may entablado. Nagsimula na ang High Priestess sa incantation niya at isa-isang nawalan nang malay ang mga Agarthians na uminom ng alak na inihanda para sa lahat ng bisita ng Masquerade Ball. Mayamaya lang ay marahan kong tiningnan ang kabuuan ng bulwagan. Lalo akong kinabahan noong makitang tanging kami ni Val Isaac at ang mga high rank wizard ang may malay ngayon sa lugar na ito!
Ang alam ko'y uminom rin ang mga high rank wizard kanina pero dahil sa lakas ng kapangyarihan nila, marahil ay hindi na nila kailangan ang spell ng High Priestess para alisin ang Hex sa katawan nila.
Mayamaya lang ay nagsalita ang isa sa S+ wizard na nasa gitna ng entablado at tinuro kaming dalawa ni Val sa puwesto namin. "Kayong dalawa! Hindi niyo ininom ang alak na hinandan para sa inyo?" mariing tanong nito sa amin.
Natigilan ako sa naging tanong nito. What? Inaasahan ba nitong lahat ng bisita ay iinom sa kung anong inihanda nila sa pagtitipong ito?
Hindi kami sumagot ni Val sa naging tanong nito. Mayamaya lang din ay napakunot ang noo ko at natigilan noong may napansin akong kakaiba sa likuran nito. "It's his dark shadow," mahinang bulong ni Val na siyang ikinagulat ko. "Irish chanted another spell. Ngayon ay nakikita natin kung sino ang may masamang balak dito sa loob ng event hall."
"Huwag kayong gumawa ng kahit anong pagkilos sa puwesto niyo!" sigaw muli noong S+ class wizard na pumuna sa amin at masamang tiningnan kami ni Val Isaac. "Kayo ba ang may pakana nito?"
"What?" mahinang tanong ko, hindi makapaniwala sa naging paratang niya sa amin. Is he insane? How can he conclude that fast?
"High Priestess, huliin ang dalawang iyan! It's obvious that they set this thing up! Sa lahat ng panauhin na nasa bulwagang ito, sila lang ang hindi uminom!" mariing turan nito at binalingan ang High Priestess. "They're the culprit! They killed an heiress!"
"We didn't drink any drop from the glass wine because I saw the hex in our glasses, Sir," matamang wika Val na siyang ikinatigil ng high rank wizard na nagbibintang sa amin. "If you know that kind of dark spell, you can easily identify it."
"You low class Agarthian!" sigaw muli nito sa siyang ikinalaki ng mga mata ko. Galit na galit ito ngayon sa amin ni Val! His dark shadow grows bigger behind him, too. What? Hindi ba nakikita ng ilang S+ class wizard ang itim na anino nito sa likuran niya? Nasa tabi lang nila ang wizard na ito, ah!
"Guards! Capture them!" utos pa nito sa mga guwardiya na siyang ikinailing ko na lamang.
"What now, Val? Ano na ang gagawin natin?" tanong ko sa katabi habang hindi inaalis ang paningin sa mga wizard sa gitna ng entablado. Napabaling naman ako sa mga guwardya na papalapit na sa amin, pabalik sa High Priestess na tahimik lang na nagmamasid sa gagawin namin ni Val Isaac.
Kung siya ang nag-cast ng spell, alam kong nakikita niya rin ang nakikita naming itim na anino sa likod nang galit na wizard na iyon. Alam na niya kung sino ang may pakana nito! Pero, bakit wala itong ginagawa para pigilan ito sa kahibangan niya?
"Capture them and interrogate!" sigaw muli noong high rank wizard na siyang ikinainis ko na. Damn him!
"Halt!" Natigilan ang lahat noong marinig ang boses ng Archmage ng Agartha. Napabaling ako sa may pintuan at mabilis na napayukod noong mamataan ko ito. Lahat ng guwardyang papalapit sa amin ni Val ay tumigil sa pagkilos at sabay-sabay na bumaling sa gawi ng Archmage. Mabilis na yumukod din sila bilang respeto sa presensya ng Archmage.
"Archmage!" bati ng mga high rank wizard na sa tingin ko ay sila ang namamahala sa dapat na kasiyahang ito. Mukhang hindi kasama ang Archmage at High Priestess sa pagtitipon dito sa imperyo. Base pa lang kasi sa mga suot nila, tila wala silang planong sumali sa gabing ito.
"What's happening here?" tanong ni Archmage Quiro at binalingan si Irish. Mabilis namang idinetalye ng High Priestess ang sitwasyon at ipinaliwanag ang nangyari sa mga dumalo ng Masquerade Ball. Mayamaya lang ay bumaling si Irish sa gawi namin at marahang tinanguhan kaming dalawa ni Val Isaac.
"I found them suspicious, Archmage! Sila lang ang hindi uminom ng alak kaya naman ay walang epekto sa kanilang dalawa ang spell ng High Priestess!" Pagpupumilit pa rin ng high rank wizard sa paratang nito. Seriously? Masyado na siyang halata sa ginagawa niya ngayon! Pati ba naman ang Archmage ay nais niyang lokohin? Unbelievable!
"Is that so?" tanong ng Archmage at binalingan na rin kami ng anak niya.
"Yes, Archmage! They need to be capture and interrogate! Such a disappointment!" Napangiwi ako sa narinig. Pinagpipilitan niya talaga na kami ang may kagagawan ng lahat ng ito!
"Jerk," mahinang sambit ko at inirapan ito.
"Maddison," mahina ngunit mariing sambit ni Val sa pangalan ko. Looks like alam nitong nawawalan na ako ng pasensya sa wizard na ito. Damn him! Kahit isang high class wizard ito, hindi ako mananahimik sa mga pinagsasabi niya sa amin kanina!
"Christian," ani Archmage Quiro na siyang ikinatigil noong high class wizard. So, he's Christian? "Can you tell me again why you're mad with these two?"
"T-they didn't drink the wine, Archmage. That's too suspicious!" sagot niya na siyang nagpairap muli sa akin.
"I told you already, Sir. I saw the hex that's why we didn't even touch the glass," wika ni Val na siyang lalong nagpadilim ng anino nito. He's gone mad. He's going to explode real soon!
Mayamaya lang ay mabilis akong hinila ni Val Isaac papalapit sa kanya noong mabilis na inatake ako ni Christian. He casted a spell, created a dagger and throw it towards my direction. Nanlaki ang mata ko at mabilis na napahawak sa pisngi ko noong makaramdam ako hapdi roon.
"Shit!" rinig kong bulalas ni Val at agad na inalis ang suot kong maskara. Hinawakan nito ang sugat ko sa pisngi at mabilis na pinagaling iyon.
"Stop it, Christian," rinig kong mariing sambit ni Irish na siyang ikinatigil nito. Napatingin ako sa mga high class wizard na nasa entablado at noong mamataang lumayo sila kay Christian ay napakuyom na lamang ako ng kamao. "You're under arrest, Christian Klaus, for murdering the heir of the Dominica Empire."
"What? I didn't do anything!" histirikal na sambit nito at bumaling sa mga kasamahan niya. "I'm innocent! Wala akong ginagawang masama!"
"Christian, your shadow," sambit ng isa pang S+ class wizard at tinuro ang anino nito. "Your shadow is showing us your evil doing, Christian," dagdag pa nito at itinaas ang kamay. Ganoon din ang ginawa ng iba pang wizard na naroon sa may entablado.
"What? No! Wala akong ginagawang masama!" sigaw muli ni Christian.
"Christian Klaus." It was the Archmage. "You're going to be executed here." Natigilan ako sa narinig mula sa Archmage. Executed? In this hall? Wala sa sarili akong napatingin kay Val at namataan ko itong matamang nakatingin lamang sa akin. Hinila niya ako papalapit sa kanya at marahang niyakap.
"No, Archmage! Please, listen to me!" Pagmamakaawa nito sa Archmage.
"You murdered one of our students, an heir of an empire, and you even hurt our dear Maddison, the heir of the Montealegre Empire," malamig na wika ng Archmage na siyang ikinatigil ni Christian sa puwesto niya.
"M-Montealegre?" hindi makapaniwalang wika nito at bumaling na puwesto namin ni Val. Napalunok ako at nag-iwas na lamang nang tingin sa kanya.
"Christian Klaus, you did an unforgivable sin and now, I will give you my judgement," sambit ng Archmage na nasundan nang malakas na sigaw ni Christian Klaus.
Napapikit ako.
I don't want to witness this! Mabuti na lamang ay yakap-yakap ako ni Val Isaac ngayon. Kung wala ito tabi ko, tiyak kong tatakbo na ako palayo sa mga taong narito ngayon sa bulwagang ito!
Damn! Anong lugar ba itong napasok ko?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top